Libre-10192009

  • Uploaded by: Matrixmedia Philippines
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Libre-10192009 as PDF for free.

More details

  • Words: 3,132
  • Pages: 12
VOL. VII NO. 227 • MONDAY, OCTOBER 19, 2009 MALAGIM NA TANGHALI. Bulagta ang isang hinihinalang magnanakaw, naliligo sa sariling dugo sa tindahan ng Rolex sa Greenbelt 5 sa Makati City. ALLISON W. LOPEZ

The best things in life are Libre

Madugong katapusan 1 sa 6 na magnanakaw patay sa nabigong nakawan sa GB5 Nina Allison W. Lopez, Marlon Ramos at Doris C. Dumlao

A

NIM na lalaking nakasuot ng itim na bonnet at uniporme ng bomb squad agent ang bumaba ng van sa labas ng Greenbelt 5 sa Makati City kahapon ng tanghali at nagmadaling pumasok sa mall, sinabi sa guwardiyang titignan nila ang isang tawag tungkol sa bomba sa gusali. Umalingawngaw ang putok ng baril sa pinakasosyal sa mga Greenbelt mall. Patay ang isa sa anim na pumasok, dumapa ang mga manggagawa, at humangos sa pinakamalapit na kapilya ang mga mamimili upang magdasal ng rosaryo. “Masyado nang daring ito. Parang naghahamon na sila,” sinabi ni Chief Insp. Dennis Macalintal, pinuno ng Makati police investigation unit, sa mga reporter pagkatapos ng pagtatangka sa tindahan ng Rolex sa unang palapag ng mall. Tumakas ang lima sakay ng isang Toyota Corolla at isang Honda City

pagkatapos makipagbarilan sa mga guwardiya, at dalawang police escort ni Taguig Mayor Freddie Tinga—na nagtatanghalian kasama ng alkalde. Bago naganap ang putukan, nakita ng isang empleyado na minamartilyo ng mga lalaki ang salamin sa tindahan ng Rolex upang kuhanin ang mga relo, na ang iba nagkakahalagang mahigit P1 milyon. Nakahandusay sa entrance ng tindahan ang namatay na suspek. Malapit sa kanya ang isang grenade launcher at isang .45-cal. pistol.

VOL. 7 NO. 227 • MONDAY, OCTOBER 19, 2009

NEWS

2

w w w. l i b r e . c o m . p h

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

Handa na sa pagdating ni Ramil Nina Nikko Dizon at Jocelyn R. Uy

NAGPALABAS na ng emergency relief supplies at mga kagamitang panligtas ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at militar sa hilagang Luzon bilang paghahanda sa maaaring paghagupit ng Bagyong “Ramil.” Inaasahang papalo sa Cagayan ang bagyo sa Miyerkules ng gabi o Huwebes nang umaga dala ang hanging may bilis na 175 km-

210 kilometro kada oras, ayon sa Pagasa. Sinabi ni Nathaniel Cruz ng Pagasa na maaaring maging “supertyphoon” ang

Ramil na may hanging 215 kph at maaaring rumagasa sa Cagayan, Kalinga, Ilocos Norte, Apayao at Batanes. “Those in critical areas should be evacuated now that there is still time,” babala ni Prisco Nilo, pinuno ng Pagasa. Magpapakalat ang militar ng 500 sundalo, mga trak, at bang-

ka upang magamit sa pagliligtas sa maaring maipit ng bagyo sa hilagang Luzon, sabi ni Lt. Col. Romeo Brawner Jr., tagapagsalita ng sandatahang lakas. Nagpadala na rin ang National Disaster Coordinating Council ng 85,000 kilo ng relief goods sa mga lalawigan sa hilaga, ani Lt. Col. Ernesto Torres. AFP

Halos P32B magagastos sa paglilipat ng mga squatter sa Kamaynilaan KAILANGAN ng pamahalaan ng mahigit P32 bilyon sa susunod na 10 taon para sa disenteng paglilipat sa mga kwalipikadong maganak mula sa mahigit 500,000 pamilyang iskwater sa Metro Manila, ayon sa isang interagency committee. Kumakatawan ang mga iskwater sa 21 prosyento ng tinatayang 2.6 milyong maganak sa Metro Manila. Isa sa kada limang pamilyang iskwater ang nakatira sa mga mapanganib na lugar tulad ng tabig-ilog, floodway, kalsada, aqueducts at ilalim ng mga tulay, ayon sa Metro Manila Inter-Agency Committee on Informal Settlers (MMIAC).

Inulat ng MMIAC na P3.225 bilyon tauntaon ang kailangan ng pamahalaan upang magkaroon ng 22,689 socialized housing units na kailangan sa bawat taon sa loob ng isang dekada. Hinain ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Korte Suprema ang ulat noong Okt. 13 bilang pagsunod sa utos ng Hukuman noong Disyembre 2008 sa ilang ahensya na linisin ang Manila Bay. Nakasaad sa pasya ng Hukuman na baklasin ang mga iligal na istruktura sa lahat ng daluyan ng tubig papunta sa Manila Bay. N Bordadora, A Papa

LOTTO 6/49

RESULTA NG

06 15 23 27 39 45 P25,749,097.20

SUERTRES SUERTRES

3(Evening1draw)3

EZ2 EZ2

18 17 (Evening draw)

IN EXACT ORDER

Editor in Chief

Chito dF. dela Vega Desk editors

Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P. Adina Cenon B. Bibe Graphic artist

Ritche S. Sabado Libre is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P.O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following: Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail: [email protected] Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.

NEWS

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

Hinamong makilahok mga pari DAPAT mas sangkot ang mga pari sa mga usaping panlipunan at huwag lang magpahayag ng Ebanghelyo, hamon ni Archbishop Angel Lagdameo, paalis na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Hinayag ito ni Lagdameo sa pagtitipon ng may 300 pari mula sa iba’t ibang diocese sa San Carlos Seminary sa Makati City. “More than pro-

3

claim God’s Word, the prophet is also called upon to embody and enact the Word that he announces. Righteousness, for God, means seeking the well-being of the people,” pagpapaalala niya sa tungkulin ng kaparian.

NEWS Pinoy No. 2 sa Rubik’s Cube ‘GI Joe maaring tumulong sa pag-rescue’ 4

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

Ni Miko Morelos

SA BILIS ng kanyang mga daliri, kaya niyang buuin ang isang 4x4x4 na Rubik’s Cube nang mas mabilis pa kaysa pag-ubos mo sa isang supot ng kropek. Natapos ni Durben Virtucio ang hamon sa bilis na 47 segundo sa 4x4x4 cube event sa World Cube Championships (WCC) noong isang linggo sa Dusseldorf, Germany. May tatlong hanay ang klasikong 3x3x3 habang apat naman

ang sa 4x4x4. Kapwa may anim na mukha ang dalawang puzzle. Dalawang segundo lang ang agwat ng 12-taong-gulang na rookie sa nagwaging si Syuhei Omura ng Japan, ang world record-holder para sa pinakamabilis sa kate-

goryang 4x4x4. Isa si Virtucio sa dalawang Pilipinong kalahok. Nadagdagan siya ng apat na bagong pambansang titulo, at tinakda ang panuntunan para sa mga kategoryang standard 3x3x3, 4x4x4 at 7x7x7 sa Pilipinas. “I feel happy,” ani Virtucio sa pagsali sa unang pandaigdigang paligsahang nilahukan. Kada dalawang taon ginaganap ang WCC, ang

tinuturing na Olympics ng Speedcubing. Mahiyain ang nakasalaming freshman ng Quezon City Science High School, naninibago pa sa atensyong natatanggap mula sa midya at sa madla. Gayunpaman, nagpaunlak siya sa hiling na magpakitang-gilas sa madla. “Mas mabilis pa niyang nabuo kaysa paggulo namin sa cube,” bulalas ng isang nakamasid.

MILF hinihingi tulong ng US sa usapang pangkapayapaan ZAMB OANGA—Nanawagan kahapon ang mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Estados Unidos upang tumulong sa pagbubuo sa isang kasundu-

ang pangkapayapaan sa Mindanao. Nakipagpulong nitong Biyernes ang mga pinuno ng MILF sa pangunguna ni Murad Ebrahim sa mga kinatawan ng US sa

pangunguna ni charge d’affaires Leslie Bassett sa Camp Darapanan sa Maguindanao, sinabi ng MILF. Nagpasalamat si Murad kay US President Barack Obama

dahil sa kanyang “unfaltering commitment to support the peace process and peaceful conflict resolution between the government and MILF.” J Maitem, WA Magbanua, AFP

MAAARING payagan ng pamahalaan ang pagtulong ng mga sundalong Amerikano sa pagliligtas sa paring Irish na si Fr. Michael Sinnot, ayon sa isang tagapagsalita ni Pangulong Macapagal-Arroyo. Ngunit agad isinunod ni Gary Olivar na sundalong Pilipino pa rin ang mangunguna sakali mang

makilahok ang mga Amerikano sa pagliligtas kay Sinnot. “I don’t think we are refusing whatever help we can get from other countries, including the United States,” ani Olivar sa Radyo ng Bayan. “But of course, our forces would still lead the operation.” CV Esguerra, RD Rosauro, AFP

topmodel MARC Jucutan Age: 21 Height: 6’

Sunrise: 5:48 AM Sunset: 5:34 PM Avg. High: 32ºC Avg. Low: 24ºC Max. Humidity: (Day)78%

Tuesday, Oct. 20

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

5

7

Nagsindi ng kandila Ng Inquirer Entertainment staff

N

ATIGIL pansamantala ang pagnonobena ng ilang mananampalataya sa Baclaran Church nang tumambad sa harapan nila ang Controversial Celebrity. Kasama ni CC ang close friend na Singer-Actress magsindi ng kandila. Malamang nanalangin sina CC at SA na tangayin na ng unos ang pinakahuling scandal na kinasasangkutan nila. Bitbit ni CC ang isang yaya at limang bodyguard sa simbahan—ang yaya ang ginawa niyang tagabitbit ng kanyang mamahaling Hermes Birkin croc skin bag at ang mga bodyguard ang tagahawi ng masa. O baka naman kinailangan nina CC at SA ng ganun karaming proteksyon upang maprotektahan sila mula sa kanilang latest na kalaban—isang Outspoken Personality?

Tanggal

Sa wakas, naglabas na ng pahayag ang GMA 7 nitong Huwebes na nagsasabing “it has pulled out Sunshine Dizon” mula sa drama sa hapon na Tinik sa Dibdib dahil sa “health reasons.” Sinabi ng GMA 7 na “Dizon’s condition would make it impossible for her to perform as an actress” at pinayuhan siya ng network “to rest in order to fully recover.” Ayon sa isang source namin sa network hindi raw buntis itong si Sunshine. Binanggit pa ng insider na ang totoong dahilan ay ang “severe migraine” ni Sunshine na siya ring dahilan nang bitawan niya ang isa pang nauna nang teleserye na Gaano Kadalas ang Minsan. Si Nadine Samonte ang papalit kay Sunshine.

Mandudungis

Umabot kay Movie Director 1 na gegerahin siya ni Movie Director 2. Sinisiraan diumano ni MD2 si MD1. Wala naman keber si MD1 dahil kaya lang naman siya sinisiraan ni MD2 ay dahil sa business reasons. Alam ni MD1 na na-insecure lang si MD2. Si MD1 kasi ang pinili ng isang kilalang kliyente at hindi si MD2.

ENJOY

8

Kapalaran

PUGAD BABOY

YY CAPRICORN

TAURUS

PP Mahuhuli kayo ng security camera

‘‘‘

PP

‘‘‘‘‘

PPPP

Masyado makapal lips Mahirapan ka man, mo para sa lips niya malaki ibabayad sa iyo

YY ARIES

Inosente lang daw request niya—chika!

Ngayon ilabas ang tunay mong kulay

‘‘

P

Magbalik ka sa manu- Huwag kuskusin kung manong paglalaba ayaw mabutas

YYYY

‘‘

PPPP

Mamahalin mo kahit pandak na mataba

Manood na lamang ng TV sa halip na movie

Buti na lang kasundo mo lahat

YYYY



PPP

GEMINI

Hindi sa magastos ka, Huwag pasisilip sa iba Mapupunta ka sa payatot na matangkad wala kang pera talaga ang sagot mo

CANCER

Kumita muna kung Kahit kapiling ka, Bagay pam-backstage gusto mong maglakbay nanay niya iniisip niya ang beauty mo

YY

‘‘‘‘‘

PP

LEO

Wala nang magagawa, buking na secret mo

Yung original na yung bilhin mo

Pakaisipan mo kung bakit mo ginagawa yan

Y

VIRGO

P.M. JUNIOR

Mag-withdraw lang sa Mag-aral ng Mandarin, Dinadaan lang niya ATM na may guwardiya sa China mag-base sa kapal ng makeup

YY PISCES

‘‘

Sa sobrang kaba, di ka Mukha kang matamlay, kulang na sa gulay makaka-perform maigi

YYY AQUARIUS

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

‘‘‘

PPP

YYYY

‘‘‘

PPP

Balut lang ang solusyon diyan

May pakay sa iyo kung bakit ka nililibre

Maninibago ka sa bagong trabaho mo

YYYY

‘‘

PPP

LIBRA

Bigyan ng matinding kiss sabay hug

Kapag sumobra, bisyo na yan

Baka makalimutan mong mag-apply

‘‘‘‘

PPPP

SCORPIO

Tutulo diaper mo habang ka-date siya

YY YYYY Maging sa panaginip, SAGITTARIUS guguluhin ka niya Love:

Y

UNGGUTERO

BLADIMER USI

Ngayong hawak mo na Luma na yang ideya pera mo, gastusin na! mo pero uubra pa rin

‘‘‘

PPPP

Bumili ng bigas, huwag muna tinapay

Kapag ok katawan, ok din ang career



Money:

e k o J tim

Career:

CROSSWORD PUZZLE

BY ROY LUARCA

P

e

FIRST love never dies

17. 18. 19. 20. 21. 24. 28. 29. 31. 33. 34. 35. 36. 37.

Diving bird Box lightly Late Senator Ople Rubbish Swans Negative reply Collection Arena Gang Intelligence Bind Displease Male gamete Examine

DOWN

ANAK: Inay, totoo ba na "First love never dies"? NANAY: Aba, oo. Tignan mo yang tatay mo, hanggang ngayon, buhay pa ang animal! —padala ni Marina Antonino ng Sta. Ana, Manila ACROSS 1. Provokes 5. Splurge 9. Expletive

10. Alias 11. Incline 13. Handle 15. Marched

1. Wheezes 2. Market 3. Leaves 4. Kernel 5. Hairless 6. Eisenhower 7. Middle 8. Merits 12. Knee

14. 16. 19. 21. 22. 23. 25. 26. 27. 29. 30. 32.

Epoch Eject Drinking sprees Cloaks Lennon’s wife Stitch Pig sounds Secretion Corundum Appear Continent Knight

SOLUTION TO TODAY’S PUZZLE

SHOWBUZZ

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

9

‘Astig’ cited in Pusan fest By Marinel R. Cruz

B

USAN—Filipino filmmaker GB Sampedro’s Astig (Squalor) received a Special Mention citation at the 14th Pusan International Film Festival in South Korea.

The film competed with 11 others in the New Currents section. Written by Jerry Gracio, Astig was cited for “its boldness in form and narration and for its courage to approach without concession the hard life of young Filipinos confronted to struggle to survive in an unequal society.”

“We are thrilled to have brought honor to our country from the PIFF,” said supervising producer Noel Ferrer on Friday night. “I’m particularly happy that we were able to highlight the best of indie and mainstream cinema and got recognized for it.” Astig, an episodic tale of four young men whose stories paral-

lel and contrast with the landmarks and various images of Manila, won for Sampedro the Best Director award at the 5th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival in July. It has been invited to the Asiatica Filmmediale in Rome, Italy, to be held next month, Ferrer reported.

‘Very inventive’ “Sampedro approaches the

sexual commerce as a means to survive. His images are harsh, poignant and set the relationships between money and sex and the exploitation of women. Very inventive, Squalor is a politically correct film,” said the PIFF New Currents jury, chaired by French filmmaker Jean Jacques Beneix. Twenty Filipino films were screened at the PIFF—12 in the

Retrospective section, six in exhibition and two in competition. The Philippines is the festival’s “country of honor” this year. Iraqi-Kurdish drama Kick Off, by Shawkat Amin Korki, shared the New Currents Award with South Korean film I’m In Trouble, by So Sang-min. The award, given to first-time and secondtime film directors, also came with a cash prize of $30,000.

SPORTS

10

MONDAY, OCTOBER 19, 2009

DENNIS U. EROA, Editor

Ubusan ng lahi: Stags vs Bombers Ni Cedelf P. Tupas

W

ALANG bakas ng kaba si San Sebastian coach Ato Agustin sa pagharap ng Stags sa Jose Rizal University Bombers ngayon sa NCAA men’s basketball playoff sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Buo ang tiwala ni Agustin na malulusutan ng Stags ang mga bomba ng Bombers. “The San Sebastian team you just saw won’t be the same on Monday,” sabi ni Agustin matapos talunin ng JRU ang SSC, 72-65, Biyernes. “I believe we can bounce back. We just found it difficult

LARO NGAYON (FilOil Flying V Arena) 3:30 p.m.—Jose Rizal vs San Sebastian (Srs)

executing because Jimbo (Aquino) was not around.” Haharapin ng mananalo ang kampeong San Beda na nauna nang pumasok sa bestof-three finals.

Matindi ang marka ng SSC sa eliminasyon, 15-0, bago sumemplang sa apat sa kanilang huling limang laro. Nadiskaril ang opensa ng SSC matapos masuspindi si Aquino ng isang laro dahil sa ‘‘punching foul” na ginawa niya kay Jake Pascual ng San Beda. “If we keep on playing the way we did in the Final Four, we’ll have a strong chance of repeating against them (San Sebastian),” wika ni San Beda coach Ariel Vanguardia. Nais ng JRU na tapusin na ang 37taon paghihintay ng kanilang iskul sa titulo.

Kenyans walang kaparis WALANG mga bago marka ngunit tulad ng inaasahan ay kumaripas sa mga titulo ang mga Kenyan kahapon sa Quezon City International Marathon. Inunahan ni Hillary Kimutai Kipchumba ang kababayang si Daniel Koringo sa huling tatlong kilometro upang pagharian ang 41.195kilometer na nagtapos sa QC Memorial Circle. Nanalo si Kipchumba ng P300,000.

Kinuha ni Doreen Kitaka na kabilang rin sa koponan ng Kenya ang titulo sa mga kababaihan. Tulad ni Kipchumba, ibinulsa ni Kitaka ang P300,000. Hari ng 21-kilometer run si Charles Maina. Pinakamahusay na Pilipinong mananakbo si Cresenciano Sabal na nagtapos sa ika-limang puwesto na nagkakahalaga ng P150,000. Hari si Sabal ng nakaraang Milo Marathon.

FEU, UST tossers nagsipagwagi Ni Cedelf P. Tupas PINADAPA ng FEU Lady Tamaraws ang Adamson Lady Falcons, 25-18, 21-25, 25-20, 2519, samantalang nanatili sa liderato ang UST Tigresses sa Shakey’s V-League Season 6 second conference kagabi sa FilOil Flying V Arena in San Juan.

Hindi pinaporma ng Tigresses ang University of the Philippines, 25-15, 25-19, 25-15. Ito ang ika-apat sunod panalo ng UST na muling nakakuha ng magandang laro kay Ange Tabaquero na may 15 puntos. Angat sa lahat ng aspeto ng laro ang Tigresses at hindi gumamit ng timeout si coach Ce-

sael Delos Santos sa isang oras at apat minutong hatawan. “We played very well,” ani Delos Santos. “I’m not thinking of a sweep yet. But I’m happy with our form.” Nanguna sa Lady Tamaraws sina Cherry Vivas at Shaira Gonzales. Gumanda ang marka ng FEU sa 2-1. Bagsak sa 2-2 ang Adamson.

MGA DYUNYOR KAMPEON NUMERO uno ang University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) sa NCAA junior volleyball tournament na nagtapos kamakailan sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft, Maynila. Ginupo ng Altalletes ang San Sebastian College Staglets, 23-25, 25-12, 25-23, 25-17. Kampeon rin ang Altalettes noong 1988, 1989, 1990 at 1991. Kasama ng mga dyunyor ang kanilang prinsipal na si Dr.Lorelei Siy (kaliwa) at Coach Miguel Rafanan (kanan). Most Valuable Player si Erickson Francisco. UPHSD MEDIA BUREAU/CONTRIBUTED PHOTO

11

Tatabo si Pacquiao Ni Francis T.J. Ochoa

H

INDI bababa sa $12 milyon ang kikitain ni Manny Pacquiao sa kanyang nalalapit na laban kay Puerto Rican Miguel Cotto Nob. 14 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Nais ni Pacquiao na maging unang boksingero na manalo ng titulo sa pitong magkakaibang timbang. Idedepensa ni Cotto ang WBO welterweight title. Ibebenta ng HBO ang pay-per-views sa halagang $54.95. Nauna nang sinabi ni Top

Barako nagwagi NAGPIYESTA ang Barako Bull sa pagkawala ni Asi Taulava upang itala ang 81-73 panalo laban sa Coca Cola Tigers kahapon sa KFC-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. Sa ikalawang laro, tumakbo ang Barangay Ginebra sa 95-87 tagumpay laban sa Purefoods TJ Giants. Nagpaulan sina Magnum Membrere at Rogemar Menor ng mga tres.

Rank chief Bob Arum na ang bakbakang tinaguriang “Firepower,” ay makakakuha ng hindi bababa sa 850,000 ‘‘buys.” Samantala, inihayag ng Nevada State Athletic Commisison na si Kenny Bayless ang reperi sa labang CottoPacquiao. EASTWOOD RESIDENCES FLOOD FREE

One ride from LRT/MRT Cubao PAG-IBIG House & lot 4,155/mo LA 63 FA 27 2 BR Single Attached also available cluster house Cash out P2,480 for 5 mos. only

P2,570 for 30 years

Virgie – 409-0325 Susan – 985-0850 Rose – 439-4393

More Documents from "Matrixmedia Philippines"

June 2020 8
Today's Libre 11102009
June 2020 11
Libre-08122009
May 2020 7