VOL. 7 NO. 222 • MONDAY, OCTOBER 12, 2009
The best things in life are Libre
VOL. 7 NO. 222 • MONDAY, OCTOBER 12, 2009
Mas lalago mga padala Maaring lumaki ng 5 porsyento remittance ng mga OFW bilang tulong sa mga kaanak na nasalanta
K
AYANG lumago nang 5 porsyento ang remittance sa Pilipinas ngayong taon, mas mataas sa naunang pagtataya, sa pagpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) ng pera upang tulungan ang mga pamilya nila na makabangon mula sa kalamidad na dinulot ng mga bagyo at pagbaha, ayon sa pamahalaan. Sa kabila ng pandaigdigang krisis sa pananalapi, lumago ang padala ng 3.8 porsyento sa unang pitong buwan kung ihahambing sa naitala noong isang taon. “(A) 5-percent (growth) is possible,” sinabi sa mga reporter ni Augusto Santos, pinuno ng National Economic Development Authority. “OFWs are scattered worldwide and OFWs tend to send more during calamities.” Ani Santos, lalago rin ang padala dahil sa inaasahang pagbangon ng pandaigdigang ekonomiya. Dagdag niya, maiibsan ang epekto ng katatapos na mga bagyo dahil sa paglago ng mga padala. Dahil dito, makakaya ng Pilipinas na makamit ang target na 0.8-1.8
porsyentong pag-unlad para sa 2009. Sa opisyal na pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang matatapatan ng halaga ng remittance ngayong taon ang pinakamalaking $16.4-bilyon na pumasok noong 2008. Nauna nang sinabi ni BSP Governor Amando Tetangco na inaasahang mahigit sa 3 porsyento ang paglago sa mga padala. “We are maintaining growth targets because typhoon damages are being offset by OFW remittances and spending on relief, rehabilitation and reconstruction,” ani Santos. Inaasahan ng mga analyst na lalago ang remittance nang 5.5 porsyento ngayong taon. Reuters
GATECRASHER KATABI ng dalagita ang dambuhalang bato na gumulong at lumusot sa bubungan at bumagsak sa kusina ng kanilang bahay sa tabi ng bundok sa Sta. Rita, Olongapo City. Nabawasan na ang bato sa kasisinsil mula pa nuong Biyernes, pero hindi pa rin nila ito mailabas ng bahay. ROBERT IANNE GONZAGA
NEWS
2
The Mansion sa Baguio evacuation center na rin BAGUIO City—May 23 mag-anak ang naglatag ng mga higaan sa Mansion House, ang tahanan ng mga pangulo ng Pilipinas sa lungsod sa hilaga, na bawal pasukin ng mga pangkaraniwang tao, ngunit dinarayo pa rin ng mga turistang nagpapakuha ng larawan. Tumulong ang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) at nangasiwa
ang mga social worker sa pagtanggap sa mga mag-anak sa pangunahing bulwa-
gan. Tinanggal muna ang mga nakasabit na larawan ng mga pangulo ng Pilipinas. Nakalasap ng masarap na pamumuhay sa Mansion House ang mga nakaligtas sa pagguho ng lupa na tumama sa Baguio at Benguet noong isang linggo. Noong Sabado inu-
RESULTA NG
tos ni Pangulong Macapagal-Arroyo ang pagbukas ng pintuan ng Mansion para sa mga biktima ng bagyo. Dinalaw ni Ms Arroyo ang mga evacuee kahapon ng umaga nang dumating siya upang suriin ang pinsala sa Cordillera. V Cabreza, EV Espiritu, C Arzadon
LOTTO 6/49
02 04 09 17 26 38 P16,000,000.00
SUERTRES SUERTRES
8(Evening8draw)1
EZ2 EZ2 7 1
(Evening draw)
IN EXACT ORDER
MONDAY, OCTOBER 12, 2009 Editor in Chief
Tuloy pagpapakawala ng tubig sa 4 na dam APAT na dam sa Hilagang Luzon ang nagpapakawala pa rin ng tubig kahapon ng hapon dahil sa pag-angat ng tubig sa kritikal na antas bunsod ng Bagyong “Pepeng,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Sinabi ng Pagasa na patuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at San Roque dam. Isang geyt ang nakabukas sa Magat Dam sa Ramon, Isabela, habang dalawang geyt naman ang nakabukas sa Ambuklao sa Bokod at Binga sa Itogon, kapwa sa Benguet, gayundin sa San Roque Dam sa San Miguel, Pangasinan. Sinisi ng mga mamamayan sa kagyat na pagpapakawala ng tubig mula sa dam ang malawakang pagbaha sa Pangasinan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo. Ngunit ayon kay Mario Palafox ng Pagasa, magiging maganda na ang panahon dahil sa ridge ng high pressure area na sumasaklaw sa Hilagang Luzon. Nilabas din ng Pagasa ang huling bulletin nito kay Pepeng alas-5 ng hapon kahapon. Humina nang lubos si Pepeng, na tumama sa hilagang Pilipinas noong isang linggo. Naging isang tropical depression na ito sa South China Sea habang kumikilos papalayo ng bansa. Nikko Dizon
Chito dF. dela Vega Desk editors
Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P. Adina Cenon B. Bibe Graphic artist
Ritche S. Sabado Libre is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P.O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following: Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail:
[email protected] Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.
3
PAYO KAY GMA
Tanggapin mo $1B na tulong ng ibang bansa Nina Gil C. Cabacungan Jr. at Jerome Aning
SINABIHAN ng isa niyang economic adviser si Pangulong Macapagal-Arroyo na tanggapin na hindi makababangon ang Pilipinas sa pinsalang dulot ng mga Bagyong “Ondoy” at “Pepeng” at kailangan nitong humingi ng tulong-pinansiyal sa ibang bansa. Iminumungkahi ni Albay Gov. Joey Salceda na humingi ang Pangulo ng hindi bababa sa $1 bilyon na pangangasiwaan ng isang “special reconstruction commission.” “We can opt to raise taxes or slash other priorities, neither of which is desirable or feasible since it would just shift pesos from the left to the right hand. What we need are new external resources,” ani Salceda. Umabot na sa P5 bilyon ang pinsalang
gawa ng Pepeng sa pananim at P10.5 bilyon naman na panamin at imprastraktura ang sinira ni Ondoy, ayon sa National Disaster Coordinating Council. Ayon kay Salceda, magagamit ang $1 bilyon (P46 bilyon) upang ayusin ang sinira ng mga bagyo. Aniya, P20 bilyon ang magagamit sa relokasyon, P21 bilyon sa pagsasaayos sa mga nasirang imprastraktura at P5 bilyon sa hanapbuhay at agrikultura. JR Uy
Noynoy HQ nasa EDSA PINASINAYAHAN kahapon ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party kahapon ang campaign headquarters niya sa Edsa. Siya ang unang pumupostura sa pagkapangulo na nagbukas ng sentro ng pangangampanya. Bago ang pagpapasinaya, nagtipon sina Aquino at mga kapatid niya para sa isang Misa sa puntod ng mga magulang nila, ang martir na si Benigno Aquino Jr. at si dating Pangulong Corazon C. Aquino, bilang paggunita sa ika-55 anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib. Matatagpuan ang headquarters sa ikalawang palapag ng PARC Building, katapat ng People Power Monument sa Edsa kung saan nagtipon ang libu-libong katao upang patalsikin ang diktador na si Ferdinand Marcos at iluklok sa kapangyarihan ang ina ni Aquino. Ilalagay sa HQ ang tanggapan ni Aquino, maging ng campaign manager niyang si dating Education Secretary Butch Abad. Magkakaroon ng ilang silid-pulungan, at computer room, at tanggapan para kina Ballsy Cruz, Pinky Abellada and Viel Dee, mga kapatid ni Aquino. Ang headquarters ay donasyon ng may-ari ng PARC building, si Tony Lilles na malapit na kaibigan ng mga Aquino. Fe Zamora
NEWS
4
MONDAY, OCTOBER 12, 2009
Benguet, Baguio City kinakapos ng krudo, kabaong BAGUIO City—Nauubusan na ng gasolina, kabaong at pang-em-
balsamo ang lungsod na ito na naikulong na ng baha at landslide.
Dahil dito, humingi na ng tulong si Pangulong Macapagal-Arroyo sa mga taga-Santo Tomas, Pampanga, na kilala bilang sentro ng paggawa ng kabaong. Nangako ang mga taga-Santo Tomas ng 300 kabaong para sa mga nasawi sa mga landslide dito sa Baguio at sa Benguet bunsod ng lupit ng Bagyong “Pepeng.” Inialok ng Pangulo ang dalawang presidential helicopters upang ilipad ang mga kabaong.
INA, ANAK, KUTING. Napilitang lumikas ang inang ito bitbit ang kanyang anak at alaga nilang kuting dahil sa mga landslide sa Tuba, Benguet. Napapadalas ang landslide sa bandang Baguio at Benguet dahil sa ulan na dala ng Bagyong ‘Pepeng.’
Sinabi naman ni Mayor Reinaldo Bautista Jr. na pagbalik ng mga helicopter ay puwede itong magdala ng gulay sa Metro Manila. Sinabi ng mga empleyado ng mga gasolinahan na nililimitahan na nila sa 10 hanggang 15 litro ang binebenta kada kostumer at inilalaan ang 10,000 litro para sa mga sasakyan na gamit sa rescue at relief operations. Marami nang gasolinahan ang naubusan ng stock. V Cabreza, D Cariño, D Caluza
INQUIRER WIRES
Norte naman nagigipit SA MGA LALAWIGAN sa hilaga na sinalanta ng pagbaha at pagguho ng lupa naman lumipat ang mga hakbang ng pagtulong. Pala at mga kamay ang gamit ng mga tagapagligtas upang maiwasan ang muling pagguho habang naghahanap ng tao sa lupa. “The most important thing is to open roads so we can send relief goods because we cannot hope to find alternate routes,” ani Defense Secretary Gilberto Teodoro sa isang panayam sa
telebisyon. “As of now, food and relief materials can only be delivered by helicopters because it will take two to five days to clear up roads and bridges washed out by floods and
landslides,” ani Lt. Col. Ernesto Torres ng National Disaster Coordinating Center (NDCC). Ayon kay Olive Luces, pinuno ng civil defense office sa Cordillera, sarado ang mga pangunahing daan papuntang Baguio dahil sa pagguho ng lupa. May humarang na mga batong sinlaki ng dalawang magkapatong na bus. Nakipag-ugnayan na sa NDCC at Depart-
ment of Social Welfare and Development ang Armed Forces at pwersa ng Estados Unidos, na nagpadala kahapon ng mga 7-toneladang trak na may dalang 16 tonelada ng relief goods sa Lingayen, Pangasinan Hindi bababa sa 53 katao ang nasawi sa pagbaha at pagguho ng lupa. Habang 300,000 iba pa ang kinakapos sa mga pangunahing suplay.
Ex-kasambahay nagdodonya-donyahan na DEAR Emily, Mula nang bumalik ang dati kong katulong mula sa pagkaOFW niya, sa bahay ko ulit siya tumuloy dahil sa akin niya hinabilin ang kanyang batang anak na babae. Ok lang sa akin ’yon dahil may kasama rin naman ako sa bahay na tumutulong magbantay sa bata. Nagpapadala siya ng sustento sa anak niya at ito ang ginagastos ko sa eskwela at baon ng bata. Ang problema ko ay parang naging masyadong tumangos ang ilong nito mula
kanila. Mahina ang loob ko sa mga bagay na ’yan maski na haEmily los api na ang A. Marcelo pakiramdam ko. Sixty five
[email protected] na ako para magtiis pa nang siya’y dumating at nalaman kong nag- nang ganito! NP ka-boyfriend pala siya ng isang puti. Nagpapadala ito ng malaking KUNG sobra na ang pera sa kanya at mis- sungay niya at sa palatulang donya na siya. gay niya’y magaling na Wala na akong tamang siya para makinig sa sinabi sa kanya at puro iyo, sabihin mo nang kontra na lang ang na- mahinahon na maghiwalay na kayo. dinig ko sa kanya. Tutal, hindi ba may Hindi ko mapaalis regular na siyang susdahil parang pamilya t e n t o s a boyfriend na ang turing ko sa
EMILY’S CORNER
niya at kaya na niyang mag-isang mabuhay? Kung kaya pa ng dibdib mong bugbugin ito ng hinagpis dahil lang sa ayaw mong masaktan siya, magdusa ka at huwag kang kumibo. Pero kung ikaw naman ay aatakihin sa puso dahil sa isang yumabang na kapamilya mo kuno, magsalita ka na at ihinga mo ang sama ng loob mo sa kanya! Ang nagsasabi daw ng tapat ay nagsasama ng maluwat. Hindi ka naman kumakandidato sa pagka-santa, hindi ba?
FEATURES
MONDAY, OCTOBER 12, 2009
7
Make money from scented candles THE SOOTHING aroma of candles can create an atmosphere of calmness and peace, through the smell of fruits, herbal roots and leaves, flowers and spices. Even vanilla, chocolate and coffee have become popular scents. Join Golden Treasure Skills Development Program’s aroma
candle making seminar at the College of Social Work and Community Development, University of the Philippines, Diliman Quezon City, on Oct. 17, from 10 a.m. to 6 p.m.. Participants will experience how to make candles using different methods and techniques such as dipping, pouring, mold making, casting, hand forming and carving. They will also learn how to make traditional
candle stick, twisted candle, gel candle using pellet-type paraffin wax, candles in glass containers and many more. Participants will receive a certificate of training right after the seminar. Lunch and snacks will be served. Hand-outs and all the materials will be provided. Call 436-7826, 421-1577, 433-7601 or 913-6551, or visit www.GoldenTreasureSkills.com
Filipinos have new healthier breakfast option CDO Foodsphere Inc. introduces a new hotdog designed to provide Filipinos with a healthy, yet delicious breakfast. The 34-year-old company launched CDO Chicken Franks, a tasty and low-fat hotdog intended for consumers who prefer a healthy diet. The new product is made of high-quality chicken meat, ideal
for people with a healthy lifestyle because of its less cholesterol, said CDO assistant brand manag-
er Abigail Mercado. “CDO Chicken Franks is best served with rice during breakfast,” she added. Studies show white meat, especially the lean variety used in Chicken Franks, has less fat and cholesterol. CDO Chicken Franks come in 500-gram Jumbo and the 250gram regular packs, and are now sold in stores and retail outlets.
Last chance to get UAAP bottles DISPLAY your school spirit with the limited edition Coca-Cola UAAP bottles. Jollibee extended the promotion and will make the bottles available until Oct. 15. The limited-edition Coca-Cola UAAP bottles are inspired by the competing UAAP squads— the Adamson Falcons, Ateneo Blue Eagles, De La Salle Green Archers, Far Eastern University Tamaraws, National University Bulldogs, University of the East
Red Warriors, University of the Philippines Fighting Maroons and the University of Santo Tomas Growling Tigers. The designs vividly capture the unique character of each team through the hip colors and emblems of the universities. UAAP fans and supporters can take home the eight specially-designed bottles by simply ordering any Jollibee Burger Value Meal with Double Go Large upgrade of your fries and Coke!
8
SHOWBUZZ
MONDAY, OCTOBER 12, 2009
ROMEL M. LALATA, Editor
Regal romance
THE Young Victoria
Reality hunk pwedeng i-booking Ng Inquirer Entertainment staff MADAMI nang nakalarong babae itong Popular Hunk—mula sa mga Sexy Starlets at maging mga Nameless Bimbos—kahit na matagal na siyang involved kay Lovely Celebrity. Ayan at huling huli si PH, na kasalukuyang kinukuladidang si Popular Actress, sa set ng kanilang pelikula. At nagkataon pang isa sa mga Bit Player sa isang malaking eksena ang dati pala nitong ka-fling. Lingid sa kaalaman ni PA, nagkaroon ng one-night stand si PH kay BP na medyo chubby at hindi glamorosa.
For sale
Isang TV network, na pinutakti ng problema sa pera at kaliwa’t kanang pagbibitiw ng mga staff nito, ang sinasabing kasalukuyang ibinebenta. Isa sa mga intresadong bumili ay si High-Profile Tycoon na “mahilig” sa mga movie queens at guwapings na celebrities.
The big question
Ayon sa chismis na umiikot sa sirkulo ng mga bading,
itong si Reality Hunk, na isang small-town athlete, ay puwedeng mai-booking para lang sa halagang P3,000. Maging ang Macho Brother ni RH ay nasa ganoon din daw na trabaho at ganun din ang halagang sinisingil. Yung nga lang, instant celebrities na agad itong sin a RH at MB. Ang tanong: Tataas ba ang kanilang presyo lalo na’t sikat na sila ngayon?
Anak ng Mega
Kumpirmado na! Gaganap si Heart Evangelista bilang prodigal daughter ni Sharon Cuneta sa lahok sa Metro Manila Film Fest na Mano Po 6. Ito ang ipinaabot sa INQUIRER nina Jun Lalin at Regal producers na sina Lily Monteverde at Roselle M. Teo na nakipagpulong sa ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco at manager na si Annebelle Rama nitong Huwebes. Ang family drama ay ididirek ni Joel Lamangan at may mga eksenang kukunan sa Tsina.
Markado talaga
Excited na ang singer-TV
host na si Mark Bautista na punan ang kanyang mga regular na trabaho sa Sunday noon-time show ng ABS-CBN na Asap nang tumama sa Pilipinas ang Tropical Storm Ondoy. Dahil naantig sa nakitang niyang mga imahe sa telebisyon, sumugod si Mark sa ABSCBN studio at tumulong sa pagsagot sa telepono doon sa telethon. Sa mga sumunod na araw, tumulong naman si Mark sa pamamahagi ng relief goods sa Quezon City at Marikina. Aniya, sobra siyang nalungkot na walang tigil niyang tinatawagan ang kanyang mga kaibigan upang sabihan kung paano pa sila makakatulong. Ang isa sa mga tumugon sa kanyang panawagan ay ang may-ari ng Mang Inasal, ang fastfood chain na ini-endorse ni Mark. Sabi ni Mark natouch siyang sobra nang nagdonate ang Mang Inasal na pera at sako-sakong bigas para sa mga biktima ng bagyo, kahit na may napinsala ring ilang branches ang Mang Inasal dahil sa [agbaha. “My respect for the owner and management deepened,” sabi ni Mark.
Review by Vives Anunciacion The Young Victoria Directed by Jean-Marc Vallée
B
REAK muna kina Ondoy at Pepeng, relax, see a movie. Try costume drama The Young Victoria, about the early years of British monarch Queen Victoria.
Period dramas tend to always look good and this production from Canadian director Jean-Marc Vallée is no exception. Devil Wears Prada alumna Emily Blunt dons the big dresses and the bonnet as the opinionated young queen Victoria. Sa simula, tungkol ito sa masalimuot na early years ng pamumuno ni Victoria. Ang dalagang heiress presumptive ay pinalaki sa isang istriktong household na pinamunuan ng kaniyang biyudang ina ang Duchess of Kent (Miranda Richardson) at ng chief of household na si Sir John Conroy (Mark Strong). Kaya naman ang unang ginawa ng rebeldeng teenager nang maging reyna ay patalsikin si Conroy at itapon ang ina sa pinakamalayong parte ng palasyo. Si Victoria ang unang monarch na tumira sa Buckingham Palace. Kaliwat-kanan ang intriga at paninipsip nang maging reyna si Victoria, kasama na sa nagbalak pakinabangan ang lack of experience ng reyna ang inappoint niyang adviser na si Lord Melbourne (Paul Bettany). Pero mas bagay sana ang title kung tinawag itong Victoria and Albert instead of The Young Victoria—that would have made a royal difference. Sure the story revolves around the teenage
royal. Blunt breathes life into her in a very accessible manner that would make anyone unfamiliar with Victorian history meaning most Filipinos—at ease with the main character. Meron ding palang sikat na reyna ang Britanya maliban kay Elizabeth. But the story really revolves around the blooming romance between Victoria and Prince Albert of Germany (played warmly by relative unknown Rupert Friend). This part of the movie is its most interesting watch. Unfortunately the movie devotes less than half of its run time to this romance, nothing really very interesting happens almost throughout the movie. Care ko kung mahusay ang acting, magarbo ang costume at engrande ang music—ang babaw ng conflicts e. At least si Elizabeth, pinintahan ng puti ang mukha niya. If this were a history lesson it's a bore. But it's mainly watchable because of Blunt and Friend who make this the Titanic of the British monarch movies. The Young Victoria is still featured at Ayala Cinemas until Tuesday. Opening later this week are the Italian film festival at the Shang Cineplex and Cinemanila International Film Fest at Market! Market!
GET to know who Kuya Germs really is on- and off-camera in this entertaining biographical documentary about the life of the Philippines’ one and only “Master Showman,” written and produced by award-winning journalist Sandra Aguinaldo for ‘I-Witness’, airing this Monday midnight after the late night newscast Saksi.
ENJOY Kapalaran
PUGAD BABOY
YYYY CAPRICORN
Para siyang tinga sa pagitan ng teeth mo
YYY AQUARIUS
PISCES
ARIES
‘‘‘ ‘‘‘
PPPP
Taas ng standards mo Humiram na lang, once Bawas sa aksidente pero sa kanya mababa mo lang gagamitin ang pagiging maingat
YYY
‘‘‘‘
PPPP
Sa sanggano ka na naman mapupunta
Bibili na nga, sales talk ka pa ng sales talk
Hindi ka guilty kaya wala kang paki
YYYY
‘‘‘
PP
Plan a romantic picnic basta di sa binabaha
Bilhin na kasi nang makatulog ka na
Mabibingi ka na kaya ipalinis ang tenga
‘‘‘
PPP
TAURUS
Mahahalata niyang gumaganda body mo
Sa lahat ng opisina, meron intrigera
YYY
‘‘
PPP
GEMINI
Makikita mo ang spark sa mga mata niya
Hindi mo maaabot ang quota mo
Sumama ka sa isang talent search
YYY
‘‘‘‘
PPPPP
CANCER
Gusto maging hero ng karelasyon mo
Aralin ang produkto bago ito ibenta
Ang babagal-bagal, maiiwan ng bus
YYYY
‘
PPPP
LIBRA
SCORPIO
SAGITTARIUS
P.M. JUNIOR
PP
Kung sinong may pera, siya ang bida
VIRGO
9
Maghanap ng Umiwas sa tinapay na kapareho na mas mura may asukal sa taas
YYY
LEO
MONDAY, OCTOBER 12, 2009
UNGGUTERO
BLADIMER USI
Hihilain ka niya sa dilim Ang mga taong greedy As long as sincere ka, siyang naswi-swindle at magpapahila ka walang problema
YY
‘‘
PP
Para kang bumbilya at siya ang kuryente
Madaling sumugal, mahirap tumigil
May tutulong sa pagsolve ng problema
YYY
‘‘
PPPP
Kaya siya masaya kasi may iba na siya
May kainan sa pupuntahan ninyo
Hindi ka sasabit sa palpak…sa ngayon
YYYY
‘‘‘‘
PP
Intresado sa iyo yang nasa harap mo
Sale daw e bakit mas mahal ang presyo?
May yayanig sa self-confidence mo
YYYYY
‘‘‘
PPPP
Sabi niya 'no' pero kilos niya 'yes'
Basta makikinabang ka, gastusan mo
Magpatawa ka kung masyado nang tense
Love:
Y
‘
Money:
e k o J tim
Career:
QUOTE of the day:
CROSSWORD PUZZLE
BY ROY LUARCA
P
e
"Hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko.” —padala ni Lei ng Quezon City
18. Deoxyribonucleic acids, abbr. 19. Half ems 20. Paid notices 22. Buttocks 23. Actress Mina 24. Beach feature 27. Edge 28. Pipe fitter 31. Bass singer 33. Lasso 34. Organ 35. Pigeon 36. Brook 37. German city
DOWN
ACROSS 1. Main 5. Collide 9. Before 10. Crimson’
11. Sniffs 13. Evade 15. Gets 17. Fish egg
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Mansion Joke Mountain nymphs Viscous substance Tactless Accelerate Admires Gods of the
netherworld 12. Russian river 14. Charged atoms 16. Biological 20. Melody 21. Maiden 22. Confesses 23. Tree 24. Reproductive body 25. Care for 26. Strength 29. Coves 30. Sci-fi movie 32. Salt SOLUTION TO TODAY’S PUZZLE
SPORTS
10
MONDAY, OCTOBER 12, 2009
UST, FEU namayani
top model
Ni Cedelf P. Tupas
M
ATINDI ang pagbabalik ni Ange Tabaquero matapos ang dalawang taon na hindi paglalaro sa Shakey’s V-League.
Name: Raizen M. Ailes Birthday: August 30 Age: 4 years old Favorite cartoon character: Spider-man Hobby: Playing with PSP For modelling projects, e-mail
[email protected] or
[email protected] WANNA be on top? Be the next Libre Top Model. Mag-email ng CLOSE UP AT FULL BODY SHOTS sa
[email protected] at isama ang buong pangalan at kumpletong contact details. PHOTOS BY EUGENE ARANETA
ANG WEATHER FORECAST NGAYONG LINGGO Monday, Oct. 12
Tuesday, Oct. 13
Wednesday, Oct. 14
Thursday, Oct. 15
Friday, Oct. 16
Sunrise: 5:47 AM Sunset: 5:37 PM Avg. High: 32ºC Avg. Low: 24ºC Max. Humidity: (Day)76%
Sunrise: 5:47 AM Sunset: 5:38 PM Avg. High: 31ºC Avg. Low: 23ºC Max. Humidity: (Day)77%
Sunrise: 5:46 AM Sunset: 5:38 PM Avg. High: 30ºC Avg. Low: 24ºC Max. Humidity: (Day)77 %
Sunrise: 5:47 AM Sunset: 5:37 PM Avg. High: 30ºC Avg. Low: 23ºC Max. Humidity: (Day)78%
Sunrise: 5:47 AM Sunset: 5:38 PM Avg. High: 31ºC Avg. Low: 23ºC Max. Humidity: (Day)79%
Kahapon iwinasiwas ng malalakas na spikes ni Tabaquero ang depensa ng Adamson Lady Falcons upang pangunahan ang UST Tigresses, 25-18, 17-25, 2517, 25-16, sa second conference Season 6 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. “I’m just excited to play again,” sabi ni Tabaquero, 20, at isang communication arts senior. Minabuti ni Taba-
quero na hindi muna maglaro sa liga upang ituon ang pansin sa kanyang pag-aaral. Mayroong 15 puntos mula sa 37 atake ang 5-foot-7 na si Tabaquero. Bagamat nagwagi, hindi naging kontento si UST coach Shaq Delos Santos sa panalo. Sa ikalawang laro, tinalo ng FEU Lady Tamaraws ang UP Lady Maroons, 25-13, 25-23, 25-16.
ISKOR BINALEWALA ni Ange Tabaquero ng University of Santo Tomas Tigresses ang depensa ni Des Patilano ng Adamson Lady Falcons kahapon sa simula ng Shakey’s V-League Season 6 second conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Mabunyi ang Tigresses, 25-18, 17-25, 25-17, 25-16. Sa ikalawang laro, matagumpay rin ang simula ng kampanya ng FEU Lady Tamaraws na dinurog ang UP Lady Maroons, 25-13, 25-23, 25-16. Suportado ng Shakey’s, Oracare, Mighty Bond, Accel at Mikasa ang liga. CONTRIBUTED PHOTO
Franz seeks new battleground THERE WERE no tears, just the reminiscences of the good ol’ days. Franz Pumaren, in the company of his closest friends, said on Tuesday night that he isn’t leaving the De La Salle Green Archers with a heavy heart. Instead, the bemedalled Archers coach spoke with conviction as he announced his decision to go deep into the world of politics. “It’s going to be unfair for La Salle if I continue holding on to the coaching job while I’m busy dealing with my constituents,” said Pumaren, who is eyeing a congressional seat in Quezon City District III. Br. Bernie Oca, FSC, the school’s representative to the UAAP board announced Pumaren’s resignation as La Salle coach during the team’s practice last Tuesday. Pumaren’s younger brother Dindo, the former University of the East coach who served as his assistant this season, will take over starting January. La Salle, in a statement, said the elder Pumaren will still remain in the team as
“consultant to the DLSU basketball program.” He will handle the Archers in the Philippine Collegiate Champions League in November. Capistrano, a La Salle track and field star before becoming a shipping executive, described Pumaren’s stint as colorful and memorable. He was the longest-serving La Salle team manager, having joined the team in 2000. ‘‘I enjoy every moment of those years. There were ups and downs but Franz towered among his peers. Those were very good years,” said Capistrano, who was recently awarded by the De La Salle
Alumni Association as a Hall of Famer in sports management. After La Salle failed to advance to the Final Four for the first time under his call this season, Pumaren actually hinted of things to come. ‘‘I still have to sit down with the school,” Pumaren said. Moments earlier, a pall of gloom descended in the La Salle community as the Archers, raw and untested, bowed to the NU Bulldogs, 63-61, handing the fourth and Final Four slot to the UST Tigers.
SOLID PARTNERSHIP: Capistrano(left) and Pumaren.
Subic Int’l Marathon suportado ng Burlington Opisyal na medyas ng 2nd Subic International Marathon ang Burlington BioFresh. Aarangkada ang marathon Oktubre 23. Sinabi ni Burlington Industries Phils, Inc General Manager Ruddy Tan na malaking karangalan na makasama ang Burlington sa prestihiyosong paligsahan na inaasahang madodomina ng mga Kenyan.‘‘We have been supporting basketball, football, badminton,volleyball at ngayon ay marathon,’’ sabi ni Tan. Gagamitin ng mga kalahok ang mga Burlington BioFresh at bibigyan rin sila ng Flexgel at Sofigel na mga produktong para sa kalinisan ng paa.
MONDAY, OCTOBER 12, 2009
SPORTS
DENNIS U. EROA, Editor
AKUSASYON NI ROACH
‘Marumi’ si Cotto Ni Dennis Principe
B
AGUIO CITY—Hiniling ni trainer Freddie Roach na agad diskwalipikahin si Miguel Cotto kung sakaling sadyain nito na banatan si Manny Pacquiao ng ‘‘low blow” sa kanilang sagupaan para sa WBO welterweight title Nobyembre 14 sa MGM Grand sa Las Vegas.
PANTIRIS NG ‘COTTO’ MATINDI ang ensayo nina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach (kanan) samantalang masusing nanonood si conditioning expert Alex Ariza kamakailan sa Shape Up Boxing Gym sa Baguio City. Bagamat mahina, pinakawalan ni Pacquiao ang isang kaliwa na tumama sa mukha ng premyadong American trainer. FRANCIS OCHOA
Japeth Aguilar tinapakan ng Giants NILAMON ng Purefoods Giants ang Burger King Whoppers na ipinarada ang kontrobersyal na si Japeth Aguilar sa pagbubukas ng KFC-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kahapon. Dahil sa kulang sa praktis, nangapa si Aguilar at tinambakan ng Giants ang Whoppers, 93-80. Umiskor si Aguilar ng 10 puntos at humatak ng siyam na rebounds sa kanyang unang laro sa propesyonal na liga.
Walang sagot ang mga alagad ni coach Yeng Guiao sa runand-gun na laro ng Giants, 6539, sa kalagitnaan ng third period. Hindi pinaporma ni Rafi Reavis si Aguilar. Nagtapos si Reavis na may 14 puntos at 20 rebounds. Binuksan ni dating Senador Robert Jaworski ang paligsahan. Dumalo rin sina Manny Paner, Freddie Hubalde, Philip Cezar,
Atoy Co, Allan Cadic, Samboy Lim, Alvin Patrimonio, Hector Calma at Ronnie Magsanoc. MGA ISKOR PUREFOODS 93—Raymundo 19, Simon 17, Reavis 14, Yap J. 12, Maierhofer 9, Yap R. 6, Allado 6, Artadi 5, Canaleta 3, Pingris 2, Timberlake 0. BURGER KING 80—Lanete 14, David 13, Arboleda 11, Aguilar 10, Quinahan 8, Buenafe 7, Yee 5, Matias 4, Yee 4, Belga 2, Sharma 2, Aban 0. Quarters: 21-14, 43-31, 72-52, 93-80
Isang segundo panalo ni Sabal sa Milo Marathon Ni Romina S. Austria DIKIT ang panalo ni Cresenciano Sabal sa 33rd Milo Marathon national finals kahapon sa Quirino Grandstand. Pukpukan ang takbuhan at
naunahan ni Sabal si Eric Panique sa huling limang metro upang iposte ang kanyang ikatlong titulo sa pinakamalaking marathon sa bansa. Naorasan si Sabal ng 2:32 minuto at 56 segundo na isang
segundo ang bilis kay Panique. Problemado naman si Christabel Martes na nanguna sa women’s division sa oras na 3:01:20. Malaki ang posibilidad na matanggal siya sa pambansang koponan dahil sa kanyang pagsali.
Idiniin ni Roach na nararapat ipatupad ang ganitong kautusan sapagkat ‘‘maruming” maglaro ang Puerto Rican. “Cotto tends to get dirty when the going gets tough in most of his fights and I don’t want that to happen. I will make sure the referee will be very strict about it,” sabi ni Roach Linggo sa Manor Hotel dito. Binalikan ni Roach ang laban ni Cotto kay Zab Judah noong Nobyembre 2007 na kung saan ay nakalusot ang Puerto Rican matapos gumamit ng ‘‘low blow.” Nagwagi si Cotto matapos pabagsakin si Judah sa 11th round ngunit ilang beses rin siyang natuliro sa kalaban. “Cotto stops his opponents’ momentum with that kind of blow. In that Judah fight he had five low blows,” sambit ni Roach.
Alanganin rin si Roach sa magiging reperi ng sagupaan. Ayon sa mga balita, nangunguna sa listahan si Joe Cortez na kababayan ni Cotto. “Joe Cortez is Puerto Rican and he’s in the running as one of the referees. I don’t want him letting Cotto get away with stuff like that. We’re going to make an issue out of it first.” Dinismis rin ni Roach ang kumalat na balita na mapapaaga ang alis ng Team Pacquiao patungong Estados Unidos dahil sa mga pag-ulan na naka-apekto sa pagsasanay ng pambansang kamao. Sinabi ni Roach na aalis ang Team Pacquiao sa Oktubre 24 at hindi naantala ng masamang panahon ang pagsasanay. “As long as I’m seeing Manny happy there won’t be any problem. So far he’s in high spirits,” wika ni Roach.
SSC kontra San Beda ngayon BABANDERA si Jimbo Aquino sa hangad ng San Sebastian College Stags na makuha ang unang puwesto sa NCAA men’s basketball Final Four ngayon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City. Pinili ng mga mamamahayag si Aquino na ACCEL/FilOil NCAA Player of the Week matapos dalhin ang
Stags sa 84-78 panalo laban sa JRU Bombers noong nakaraang Miyerkules. Hawak na ng Stags (161) ang twice-to-beat advantage sa Final Four at kung tatalunin nila ang kampeong San Beda Red Lions 4 p.m. ngayon ay haharapin nila ang Letran Knights sa Final Four.