Republic of the Philippines Department of Education Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo District of Pototan II RIZAL ELEMENTARY SCHOOL Banghay Aralin sa Filipino I Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan Ika-apat na Markahan I. Layunin: - nasasabi ang mga salita na may diin at habang akma sa emosyong babanggitin ng guro. II. Paksa: Konserbasyon ng Enerhiya at Likas na Yaman 1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento. Sanggunian: K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4) pah. 40-43 Kagamitan: tsart ng awit: “Maliliit na Gagamba”, ilustrasyon ng awit III. Pamamaraan: 1. Paunang Pagtataya: Sino sa inyo ang nais na mag-artista? Ano ba ang ginagawa ng isang artista? 2. Tukoy –alam Anu-ano ang iba’t ibang damdamin na ipinahahayag ng bawat tauhan 3. Paglalahad: Tumawag ng mga batang handang iarte o ipakita ang emosyong hinihingi sa sitwasyon. Hal. Batang ayaw pumasok sa eskwela Batang naliligo sa ilog. Batang naligaw o nawala sa pamamasyal 4. Pagtuturo at Paglalarawan: Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng batang ayaw pumapasok sa eskwela? Paano sinabi ng bata ang kanyang katuwaan sa paliligo sa ilog? Bakit umiiyak ang batang naligaw? 5. Kasanayang Pagpapayaman: Sasabihin ko – Iarte mo Magsasabi ang isang bata – iaarte naman ng kanyang kapareha (palit ng role) IV. Pagtataya: Pasalita: 1. Sabihin ang “huwag” ng takot na takot 2. Talaga? nang tuwang-tuwa 3. Di nga? ng di makapaniwala 4. Ayoko sabi! ng galit na galit 5. Kawawa naman ng lungkot na lungkot V. Kasunduan: Sabihin nang may emosyon ang mga sumusunod na parirala o salita: 1. Huwag po! 2. Wow, ang ganda. 3. Ay, saluhin mo