Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito: Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar. Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan. Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin. Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost. Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o madiskubre. Ang Twitter ay isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet", na hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang ito'y lumawig hanggang 280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng mga user ang twitter sa pamamagitan ng websayt interfeys nito, SMS, o isang app sa isang mobile device. Ang Twitter Inc. ay matatagpuan sa San Franciso, California, Estados Unidos, at mayroong higit sa 25 opisina sa buong mundo.