Kmu Chacha Primer June 09 For Reading

  • Uploaded by: Jhay Rocas
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kmu Chacha Primer June 09 For Reading as PDF for free.

More details

  • Words: 4,565
  • Pages: 12
Cha-Cha ni Gloria, Ibasura! Kung bakit tutol ang mga mamamayan at manggagawa sa Cha-Cha ni Gloria

Inilathala ng Kilusang Mayo Uno at Anakpawis Partylist Hunyo 2009

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

Inilathala ng Kilusang Mayo Uno Anakpawis Partylist Hinihikayat ang lahat na sumipi ng bahagi ng praymer at magpalaganap ng mismong praymer, mangyaring banggitin lamang ang titulo at mga organisasyong naglathala. Malugod naming tinatanggap ang mga puna, komento at mungkahi. Sumulat lamang sa [email protected] Kilusang Mayo Uno National Office: 63 Narra Street, Barangay Claro, Project 3, Quezon City 1101 Anakpawis Partylist National Headquarters: 56 K-9 Street, West Kamias, Quezon City 1102

1

NOONG GABI NG HUNYO 2, habang tulog na ang marami, dali-daling ipinasa ng Kongreso ang House Resolution 1109. Resolusyon itong nagsasabing ipapatawag ng Kongreso ang isang constituent assembly o Con-Ass para baguhin ang Konstitusyon na pinagtibay noong 1987. May probisyon sa Konstitusyon kung paano gagawin ang Con-Ass, pero hindi ito sinunod ng mayorya ng Kongreso. Sa botong 173 pabor, ipinasa ang HR 1109 sa paraang katulad lang ng karaniwang resolusyon ng Kongreso, kung paano nito pinapalitan halimbawa ang pangalan ng isang kalsada. Mismong si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang nagtulak nito. Ayon kay Speaker Prospero Nograles, nabuo ng mayorya ang pasyang iratsada ang HR 1109 sa pagsasanib ng mga partidong Lakas-CMD at Kampi. Kaharap mismo si Arroyo noong pinag-usapan ito. Agresibong ikinampanya ito ni Kong. Mikey Arroyo ng Pampanga, panganay na anak ng pangulo. Isinampa ito ni Kong. Luis Villafuerte, malapit na alyado ni Arroyo.

2

KMU | ANAKPAWIS Partylist

Lumutang din ang balita na may pangakong P20 Milyon ang Malakanyang sa mga kongresistang boboto nang pabor sa resolusyon. Ang mga hindi naman boboto nang pabor, may bantang hindi makakatanggap ng kanilang pondo o pork barrel. Samantala, nakabinbin ang House Resolution 737, na isinampa rin ng mga maka-administrasyon. Laman nito ang mga pagbabago sa mga probisyon ng Konstitusyon na hinggil sa ekonomiya ng bansa. Sinasabing ito na ang susunod na tatalakayin ng Kongreso matapos aprubahan ng HR 1109. Ayon sa mga nagtutulak ng Con-Ass, hindi ang pagpapahaba sa termino ng pangulo, bise-presidente, mga senador at kongresista ang gusto nila. Gusto lang daw nilang baguhin ang mga probisyon hinggil sa ekonomiya ng bansa, para ibukas itong lalo sa mga dayuhang korporasyon.

1. Ano ang Con-Ass? Ano ang Cha-cha? Ang Con-Ass (o Constituent Assembly) ay isang paraan ng pagbago sa Konstitusyon, kung saan ang pinagsamang sesyon ng Senado at Kongreso ang may kapangyarihang tumalakay at mag-apruba ng mga pagbabago. Bagamat ipinagyayabang ng mga nagtutulak ngayon ng Con-Ass na hindi nila gustong palawigin ang termino ng mga opisyal ng gobyerno, ayon sa Konstitusyon, kapag nagpulong na ang Con-Ass, kahit ano sa Konstitusyon ay pwede nitong baguhin. May dalawa pang paraan para baguhin ang Konstitusyon. Ang isa ay ang Con-Con (o Constitutional Convention), na siyang ginawa noong 1987. Dito, ihahalal ng mga mamamayan ang mauupo sa Con-Con, na siyang tatalakay at mag-aapruba sa mga pagbabago sa Konstitusyon. Ang ikalawa ay ang inisyatiba ng mga mamamayan (people’s

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

3

initiative). Dito, kailangang kumalap ang isang grupo ng pirma ng 2% ng mga mamamayan sa bawat barangay. Baha-bahagi lang ng Konstitusyon ang pwedeng baguhin sa pamamaraang ito, hindi ang buong Konstitusyon mismo. Ang Cha-Cha (Charter Change) naman ang mismong pagbago sa Konstitusyon, ang saligang batas ng bansa, sa anumang paraan. Nakataya rito ang kabuhayan, mga batayang karapatan at hinaharap ng mga mamamayan, dahil saligang batas ng bansa ang Konstitusyon – ang batayan ng mga patakaran at batas na gagawin ng gobyerno. Lahat ng pangulong sumunod kay Saklolo! Corazon Aquino ay Unang malakas na inanunsyo ng na rehimeng Arroyo ang Cha-Cha noong naghangad baguhin ang sunud-sunod na kumilos ang iba’t ibang grupo at personalidad sa Konstitusyon. Sa panawagang “Gloria Resign!” dahil sa panahon ni Fidel kontrobersyang “Hello Garci” noong Ramos, sa porma ito ng tinawag na 2005. Tiningnan ito ng marami na paghingi People’s Initiative. Sa ng saklolo ni Gloria sa panahon ni Joseph imperyalismong US, na matagal nang Estrada, tinawag itong Concord o Connagtutulak ng Cha-Cha. Cha-Cha ang suhol ni Gloria. stitutional Correction Pananatili sa pwesto ang premyo niya for Development. Bagamat mukhang mula sa US. desidido noong simula, binitawan nilang pareho ang pagtulak sa Cha-Cha dahil sa malaganap at malawak na protesta sa lansangan ng mga mamamayan. Sa panahon ni Arroyo, malakas na naibudyong ang pagkampanya ng gobyerno sa Cha-Cha noong Hulyo 8, 2005.

4

KMU | ANAKPAWIS Partylist

Binabayo noon ng krisis ang rehimen. Dahil sa kontrobersyang “Hello Garci,” maramihang nagbitiw ang mga miyembro ng gabinete ni Arroyo, at sunud-sunod ang panawagan at pagkilos para pagbitiwin siya sa pwesto. Inanunsyo ng Malakanyang ang Cha-Cha – na sinasabing paghingi ng tulong sa gobyerno ng US – para manatili siya sa poder. Ano man ang itawag, sino man ang nagtulak, laging makikita sa Cha-Cha ang pagtatangka ng mga namumuno na manatili sa pwesto. Sinisikap nilang pagandahin ito sa pagsasabing “pagmodernisa” ito sa Konstitusyon. Pare-pareho silang gustong baguhin ang sistema ng gobyerno (mula presidensyal patungong parlamentaryo) at gawing kaakit-akit sa mga dayuhan ang ekonomiya (para raw makahatak ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa).

2. Sinu-sino ang nagtutulak ng Cha-cha ni Gloria? Ano ang kanilang motibo? Dalawang pwersa ang pangunahing nagtutulak ng Cha-Cha ni Gloria: ang naghaharing pangkating Arroyo at ang imperyalismong US. NOGGY: Pangkating Arroyo. Kitang-kita ang Doggy ni Arroyo tatak-Arroyo sa pagtulak sa Cha-Cha. at ng US Muling ginamit ang tiraniya ng mayorya ng Kongreso na paulit-ulit nang nakita sa pagbasura sa mga kasong impeachment laban kay Arroyo, pagpapatalsik kay dating Speaker Jose de Venecia, at pagpasa ng mga kontra-mamamayang batas. Mga tauhan ni Arroyo ang nanguna sa pagpasa, sina Speaker Nograles at Kong. Luis Villafuerte, presidente ng Kampi. Bumoto pabor ang angkang Arroyo sa Kongreso – sina Mikey,

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

5

Iggy, Dato at Ma. Lourdes. Pabor din ang paboritong heneral ni Arroyo, si Kong. Jovito Palparan. Matatapos na kasi ang termino ni Arroyo sa 2010. Samantala, nagngingitngit ang sambayanan sa mga kasalanan ng rehimen mula sa mga patakarang kontramamamayan at katiwalian hanggang sa pandaraya sa eleksyon, pampulitikang panunupil at paglabag sa mga karapatang pantao. Marami ang nagtutulak na makasuhan at maparusahan si Arroyo pagkatapos ng kanyang termino, kapag pwede na siyang ihabla at parusahan. Ito ang kinatatakutan ng pangkating Arroyo, ang mawala ang pagkaligtas (immunity) ni Arroyo sa mga kaso at imbestigasyon. Cha-Cha ang inaasahang paraan ng rehimen dahil karamihan sa nangungunang Venable-LLP kandidato sa pagkapangulo Taong 2005 – Kinuha ng ay galing sa oposisyon – hindi rehimeng Arroyo ang serbisyo maaasahang matatag na ng Venable-LLP, kumpanya ng ipagtatanggol si Arroyo kapag pagla-lobby at consultancy sa US, bumaba na siya sa pwesto. Sa para humingi ng suportang tindi ng galit ng sambayanan pinansyal sa mga naghaharing kay Arroyo, “halik ni Hudas” uri sa US para baguhin ang na makakapagpatalo sa Konstitusyon (kung saan eleksyon ang pagdikit sa gagawing parlamentaryokanya. Sa pamamagitan ng pederal mula presidensyal ang Cha-Cha, nililigawan ng sistema ng gobyerno). Ang rehimen ang imperyalismong presyo? P50.4 Milyon sa loob ng US, para sumaklolo kay 12 buwan – bukod pa sa ibang Arroyo – maaaring sa porma gastusin na tinatayang ng pagiging opisyal muli ng magpapadoble sa presyo. gobyerno o punong ministro, Pinirmahan ang kontrata ni Nao iba pang paraan ng tional Security Adviser Norberto Gonzales, Jr. pagbibigay proteksyon.

6

KMU | ANAKPAWIS Partylist

Imperyalismong US. Ang imperyalismong US ang makikinabang nang husto kapag naganap ang Cha-Cha ni Gloria. Dahil binabayo ito ngayon ng pinakamatinding krisis simula noong Malubhang Depresyon ng dekada 1930, sasamantalahin nito ang mga probisyong gustong ipasok ng rehimen. Gusto ng imperyalismong US na lubos na iayon ang pulitika at ekonomiya ng bansa sa imperyalistang “globalisasyon,” sa mga patakaran ng denasyunalisasyon, liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Sa madaling salita, gusto nitong lubos na buksan ang ekonomiya ng bansa para sa todotodong imperyalistang pagsasamantala, pagdomina at pandarambong. (1) Sa huling ulat nito tungkol sa “mga sagka sa dayuhang pamumuhunan” nitong Marso 2009, sinabi ng US Trade Representative, isang ahensya ng gobyerno ng US, ang layuning “bawasan o alisin ang pinakamahalagang mga hadlang na nakakaapekto sa pageeksport ng US ng mga kalakal at serbisyo, dayuhang pamumuhunan at karapatan sa pag-aaring intelektwal (intellectual property rights)” sa Pilipinas. Tahasan nitong binanggit ang Konstitusyon.

Hindi lang sa Pinas Sa buong mundo, simula noong dekada ’90, mahigit 130 bansa na ang nagbago ng Konstitusyon para iayon ang ekonomiya nila sa mga dikta ng imperyalistang globalisasyon. Ang Tsina, halimbawa, ay nagkaroon ng susog sa Konstitusyon nito noong 1988 at 1993, para magbukas sa pandaigdigang pamilihan. Maraming ahensya ng US ang nagtulak nito, kasama na ang USAID o United States Agency for International Development.

(2) Ngayong Hunyo, pinamunuan ng mismong American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) – organisasyon ng mga negosyanteng Amerikano sa bansa – ang Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFC) sa pag-

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

7

giit na lalong buksan ang ekonomiya ng Pilipinas. Dahil dito, naglabas ang JFC ng papel na malinaw na nananawagang alisin ang mga restriksyon sa dayuhang kapital at pag-aari ng lupa na nakasaad sa Konstitusyon. (3) Pinapaigting ng AmCham ang matagal na nitong kampanyang baguhin ang Konstitusyon ng bansa. Noong 2006, halimbawa, sa Investment Climate Improvement Project (ICIP) nito, lantad nitong sinabing sisikapin nitong tanggalin ang mga hadlang ng Konstitusyon sa dayuhang pamumuhuhan at pag-aari para raw maipasok “ang kinakailangang kapital, kakayahan, at teknolohiya sa bansa.” Mismong gobyerno ng US ang nagpopondo sa ICIP. (4) Nakikipagkoro rin sa imperyalismong US ang iba pang bansang imperyalista. Lantad na hiniling halimbawa ng European Union (EU) sa gobyerno ng Pilipinas na “alisin ang rekisitong pagkamamamayan (citizenship)” sa pamumuhunan at pagmamay-ari ng lupa. Ginawa ito ng EU kaugnay ng General Agreement on Trade in Services o GATS ng World Trade Organization o WTO, sa pagtutulak ng ibayo pang liberalisasyon ng ekonomiya. (5) Alam ng rehimeng Arroyo ang interes at kagustuhan ng mga naghaharing uri sa US na baguhin ang Konstitusyon ng Pilipinas. Noong 2005, kinuha ng rehimeng Arroyo ang serbisyo ng Venable-LLP, isang kumpanya ng pagla-lobby at consultancy sa US, para humingi ng suportang pinansyal sa mga naghaharing uri sa US para baguhin ang Konstitusyon kung saan gagawing parlamentaryo-pederal ang sistema ng gobyerno sa bansa mula presidensyal. Ang presyo? Tumataginting na P50.4 Milyon sa loob ng 12 buwan – bukod pa sa ibang gastusin ng kumpanya na tinatayang magpapadoble sa presyo. Pinirmahan ang kontrata ni National Security Adviser Norberto Gonzales, Jr.

8

KMU | ANAKPAWIS Partylist

Hindi kataka-taka, sa ganitong agresibong pagtutulak ng imperyalismong US at iba pang imperyalistang bansa, na simula noong dekada 1990, mahigit 130 bansa na sa buong mundo ang nag-Cha-Cha o nagpalit ng Konstitusyon para iayon ang kanilang ekonomiya at pulitika sa makaimperyalistang globalisasyon.

3. Anu-anong pagbabago sa Konstitusyon ang gustong gawin ng Cha-cha ni Gloria? Sa pangkalahatan, naglilingkod sa interes ng imperyalismong US at mga naghaharing uring panginoong maylupa at burgesya-komprador ang Konstitusyong 1987. Hindi nito laman ang paglaya ng bansa sa imperyalismong US, tunay na demokrasya ng mga mamamayan, at pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa. Ginawa kasi ito ng Constitutional Convention na ang mayorya ay mga naghaharing uri at pabor sa namamayaning sistema. Pero dahil ginawa ito matapos mapatalsik ang diktadurang US-Marcos noong 1986, sa pamamagitan ng isang pag-aalsa kung saan malaki ang papel ng makabayan at demokratikong kilusan ng mga mamamayan, nilaman nito ang ilang hadlang sa todong pagkontrol ng mga dayuhan sa ekonomiya at pulitika ng bansa; sa pagpasok ng mga armas, tropang militar at armas-nukleyar ng mga dayuhan; at sa panunumbalik ng isa na namang diktadura. Ang mga probisyong ito ang gustong baguhin ng Cha-Cha ni Gloria. Gusto ng kasalukuyang rehimen na gawing mas masahol para sa mga mamamayan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pag-alis sa nasabing mga hadlang.

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

9

Ang mga sumusunod ang pagbabagong gustong gawin ng Cha-Cha ni Gloria: Sa ekonomiya: (1) Payagan ang mga dayuhan na 100% magmay-ari ng mga lupa at batayang industriya at serbisyo, (2) Payagan ang mga dayuhan na linangin ang likas na yaman ng bansa, (3) Payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng mga kumpanya sa pampublikong utilidad at serbisyo tulad ng tubig, kuryente at telekomunikasyon, (4) Tanggalin ang pagkilala ng gobyerno sa halaga ng sektor ng paggawa sa ekonomiya ng bansa, (5) Alisin ang probisyong nagsasabing dapat tiyakin ng gobyerno na naipapamahagi nang pantay at makatarungan ang mga bunga ng paggawa. Sa karapatang sibil ng mga mamamayan: (1) Gawing mas madali para sa pangulo na magdeklara ng batas militar at suspendihin ang mga karapatan ng mga mamamayan, (2) Alisan ng kapangyarihan ang Kongeso at Korte Suprema na repasuhin at ibasura kung sakali ang pagdeklara ng pangulo ng batas militar, (3) Alisin ang ilang karapatan ng

10

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

KMU | ANAKPAWIS Partylist

mga mamamayan na kinikilala sa kasalukuyang Bill of Rights, (4) Idagdag ang salitang “responsable” sa karapatan sa pamamahayag – para pwede nang supilin ang pamamahayag na tatagurian nilang “hindi responsable.” Sa relasyong pangmilitar sa ibang bansa: (1) Payagan ang pangulo na pumasok sa mga kontrata kasama ang ibang bansa kaugnay ng ugnayang pangmilitar, (2) Pahintulutan ang muling pagkakaroon ng mga basemilitar ng mga dayuhan sa bansa, (3) Payagan ang pagpasok ng mga armasnukleyar – at iba pang kemikal at biolohikal na armas para sa maramihang pagpuksa (weapons of mass destruction) – ng mga dayuhan sa bansa.

VFA, labag sa Konstitusyon Ayon sa Konstitusyon, dapat dumaan sa pag-apruba ng Kongreso at Senado ang anumang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa na magpapasok ng dayuhang tropang militar at armas sa bansa. Ang ginawa ng rehimeng Arroyo, itinuring itong executive agreement, kasunduan lang sa pagitan ng presidente ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Mula 2001, tuluy-tuloy na itong ipinatupad ng rehimeng Arroyo.

Sa kultura at edukasyon: (1) Payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng mga paaralan sa bansa, (2) Alisin ang probisyon hinggil sa pagbibigay-priyoridad ng gobyerno sa edukasyon, sining, agham at teknolohiya, (3) Alisin ang probisyong nagsasabing dapat ituro sa mga paaralan ang nasyunalismo, pambansang bayani, at mga karapatang pantao. Bagamat sinasabi ng rehimeng Arroyo na hindi papalawigin ng Con-Ass ang termino ng pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno, inamin mismo ng isa sa mga isponsor ng HR 1109 na hindi ito sigurado (“not binding”). Ayon sa Konstitusyon,

11

wala ring anumang makakapigil sa Con-Ass na talakayin ito kapag nagawa na nitong magpulong. Matapos aprubahan ang HR 1109, umugong sa balita ang plano sa 2010 ni Arroyo. Tatakbo raw siyang kongresista ng isang distrito sa Pampanga, probinsya niya. Pinatotohanan na ito ni dating Sek. Raul Gonzalez, masugid na tuta ng rehimen, at ni Kong. Mikey Arroyo, na handa raw magpasa ng pwesto sa kanyang ina.

Bagamat sinasabing walang batas ang makakapigil kay Arroyo na tumakbong kongresista, ipinapakita nito ang posibleng plano ng rehimen: ang gawing parlamentaryo ang sistema ng bansa sa pamamagitan ng Con-Ass, at ang tumakbo at mahalal si Arroyo na punong ministro (prime minister) sa bagong gobyerno. Sa sistemang parlamentaryo kasi, inihahalal ang punong ministro ng Kongreso mula sa sarili nitong hanay.

12

KMU | ANAKPAWIS Partylist

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

13

Pawang masasama ang epekto ng Cha-Cha ni Gloria sa malawak na mamamayang Pilipino. Hindi naman kasi ang interes ng sambayanan ang pinagmumulang punto ng ChaCha ni Gloria, kundi ang interes ng naghaharing pangkatin, ng mga naghaharing uri, at ng imperyalismong US. Masama na nga ang lagay ng sambayanan, papasahulin pa ito ng ChaCha.

mga mamamayan para hindi makapagpahayag nang kritikal sa gobyerno. > Pagpatay, pagdukot, pandarahas – lalo pang dadami dahil sa madali at walang hangganang pagpataw ng batas militar. > Mga mamamayan – ipapahamak sa mga gera at operasyong militar sa pagpapahintulot na makapasok ang mga dayuhang base-militar at armas-nukleyar at iba pang armas pandigma. > Mga masasalantang kabuhayan, pang-aabuso, at magagahasang “Nicole” – mas dadami sa pinatinding operasyon ng dayuhang militar.

a. Mas matinding kahirapan at pambubusabos

c. Ibayong kolonyal na kultura at kamalayan

> Buong bansa, likas na yaman, lupa, yamang-tao – lahat todo-

> Pagpapahalaga sa nasyunalismo at paglilingkod sa

4. Anu-ano ang epekto ng Cha-Cha ni Gloria sa malawak na mamamayang Pilipino?

todo nang pagsasamantalahan ng imperyalismong US at iba pang imperyalistang bansa. > Tanggalan sa trabaho, kawalan ng seguridad sa trabaho, barat na sahod – higit na ipapatupad para mas lumobo ang tubo ang mga monopolyo-kapitalista. > Mas maraming magsasaka, mangingisda, katutubo – palalayasin sa kanilang lupa at kabuhayan. > Presyo ng mga bilihin, langis, tubig, kuryente, matrikula at iba pang batayang pangangailangan – lalong tataas ayon sa gustong tubo ng mga kapitalistang nagtatakda sa pamilihan. > Produktong pang-agrikultura ng bansa – lalong lalayo sa hapag-kainan ng mga mamamayang nagugutom at pupunta sa merkadong gustong pagdalhan imperyalismong US. > Maliliit na lokal na industriya – mababansot at mamatay. Tatalunin ang lahat ng dayuhang kumpetisyon hanggang magsara o mabili. b. Mas matinding atake sa mga karapatan at panunupil

> Kalayaan sa pagpapahayag, sama-samang pagkilos, at sarisaring karapatang pantao – lalong tatapakan. Bubusalan ang

sambayanan – lalo nang buburahin sa kamalayan ng mga mamamayan. > Edukasyon at mga kurso – iaayon lamang sa pangangailangan ng mga dayuhang kumpanya, hindi sa pangangailangan ng mga mamamayan. > Kakayahan sa sining at agham – hindi na lilinangin. > Pagtangkilik sa dayuhang produkto’t kultura – lalong palalakasin.

5. Anu-ano ang partikular na epekto ng Cha-Cha ni Gloria sa mga manggagawa? Hindi pa man naipapatupad ang Cha-Cha ni Gloria, labis nang pinagsasamantalahan, inaalipin at sinusupil ang mga manggagawa sa bansa. Sa Cha-Cha, todo at direktang makokontrol ng mga monopolyo-kapitalista ang pamamalakad sa mga manggagawa sa bansa – habang sumasang-ayon naman ang gobyerno. Ibig sabihin, lalo lamang papasahulin ng Cha-Cha ang masamang kalagayan ng manggagawang Pilipino.

14

KMU |

ANAKPAWIS Partylist

Wala pa ngang Cha-Cha, ganito na ang lagay ng manggagawa: P382 – minimum na sahod sa NCR P922 – daily cost of living sa NCR 3.85 milyon – bilang ng manggagawang nakapaloob sa unyon nang maupo si Gloria noong 2001 (26.7% ng lahat ng manggagawa) 1.9 milyon – bilang ng manggagawang nakapaloob sa unyon ngayong 2009 (10.5%) 461,000 – bilang ng manggagawang nakapag-CBA sa kanilang unyon, 2001 219,000 – bilang ng manggagawang nakapag-CBA, 2009 91 – bilang ng manggagawang pinatay mula 2001 400,000 – bilang ng umaalis sa bansa araw-araw para magtrabaho sa ibayong dagat 200,000 – tantya ng DOLE na mawawalang trabaho hanggang Hunyo 2009 P171 – itinaas ng produktibidad ng mga manggagawa noong 2001-2006, ayon sa DOLE P36 – itinaas ng minimum na sahod ng mga manggagawa noong 2001-2006, ayon sa DOLE

Sa Cha-Cha, malulubos ng mga monopolyo-kapitalista at burgesya-komprador ang pagsamantala sa mga manggagawa. Dahil hindi na matakasan ngayon ng imperyalismong US ang tinatawag nang “Mas Malubhang Depresyon (Greater Depression)” nito, ganoon na lang kung itulak nito ang Cha-Cha, para masaid ang pwede pang sairin sa pinakapaborito nitong paghugutan ng kita: ang mga manggagawa. Kaya rin naman laman ng isang panukalang bersyon ng Cha-Cha ang tahasang pag-alis sa Konstitusyon ng responsibilidad ng estado na tiyaking nababayaran ang mga mangggawa ng sahod na sapat para isang pamumuhay na maginhawa. Ibig sabihin, lalong babaratin

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

15

ang sahod ng mga manggagawa – kulang na kulang para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Mga wage board – lalong mambabarat ng sahod sa iba’t ibang rehiyon at magsisilbing instrumento ng pagkakahati-hati ng mga manggagawa.

Kontraktwalisasyon, outsourcing, at iba pang porma ng pleksibleng paggawa – lalong titindi at lalaganap. Lalong iwawaksi ang pagkakaroon ng regular na manggagawa at ang kaseguruhan sa trabaho. Ang sambayanan ay lagi nang magiging hukbo ng walang trabaho na handang magpaalipin sa mababang sahod at di-makataong lagay ng paggawa. Binawasang shift sa trabaho (reduced work shift), patrabaho sa holiday at overtime na walang bayad, pwersahang leave, at iba pang iskema ng pagpiga ng labis na halaga mula sa mga manggagawa – mas lalaganap at titindi. Mga unyon – lalong dudurugin. Mas hahadlangan ang mga manggagawa na magtayo ng mga unyon at samahan, at

16

KMU | ANAKPAWIS Partylist

sumali sa mga ito, at maglunsad ng sama-samang pagkilos para sa sahod, trabaho at karapatan. Mga Collective Bargaining Agreement sa natitirang mga kumpanyang may unyon – mas pipigilan o hindi kikilalanin. Pondo ng manggagawa sa mga institusyon na pampensyon (pension institutions) – mas pakikilamanan para sa kagustuhan ng gobyerno at mga dayuhan. Kamakailan, naglaan si Arroyo ng P330 Bilyong pondo ng SSS sa “pakete ng pagpapasigla sa ekonomiya (economic stimulus package)” umano nito, pero mapupunta lang ito sa katiwalian at mga proyektong pansalba sa negosyo ng mga kapitalista. Walang batayang pagkaso ng ilegal na pagwewelga (illegal strike), paggamit sa Assumption of Jurisdiction ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) para gamitin ang pulisya’t militar sa pagpapatahimik sa sama-samang pagkilos ng mga manggagawa – lulubha. Dahil mas desperado at buong-layang pagsasamantala ang gustong pahintulutan ng gobyerno, susupilin nito ang paggamit ng mga manggagawa sa welga para isulong ang kanilang sahod, trabaho at karapatan.

6. Anu-ano ang pagbabagong dapat nating ipaglaban bilang mga manggagawa at mamamayan? Sa halip na Cha-Cha, kailangan ng mga mamamayan at manggagawa ang maraming makabuluhang reporma at ang tunay na pagbabago. Kailangang ipaglaban natin ang mga ito dahil hindi ito kusang ibibigay ng gobyernong naglilingkod sa imperyalismong US at mga naghaharing uring burgesyakomprador at panginoong maylupa.

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

17

Sa paggigiit ng ating mga karapatan at interes, may mga makabuluhang reporma tayong kayang makamit sa loob ng kasalukuyang sistema. Pero sa matagalan, kailangan nating palitan ang nabubulok na sistema at ipaglaban ang tunay na pagbabagong panlipunan na maglilingkod sa atin. Sa kagyat: (1) Ibasura ang Cha-Cha ni Gloria. (2) Ipatupad ang makatarungang dagdag-sahod, legislated (ipinasa bilang batas) at across-the-board kontra sa rasyunalisasyon ng sahod at pambabarat sa mga manggagawa. (3) Kontrolin at ibaba ang presyo ng langis, kuryente, tubig, bigas, at mga pangunahing bilihin. (4) Dagdagan ang subsidyo ng gobyerno sa mga serbisyong panlipunan, tulad ng pabahay at edukasyon. (5) Ibasura ang DOLE Advisory No. 2 na nagpapahintulot sa pleksibleng mga sistema sa paggawa (flexible work arrangements) sa panahon ng “krisis.” (6) Itigil ang malawakang tanggalan at pwersahang migrasyon. (7) Ibasura ang Assumption of Jurisdiction at iba pang paraan ng pagsupil sa kilusang unyon sa bansa. (8) Ibasura ang mga kasunduang lumalabag sa soberanya ng bansa, tulad ng Visiting Forces Agreement. Sa matagalan: (1) Itatag at paunlarin ang mga batayang industriya para tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

18

KMU | ANAKPAWIS Partylist

(2) Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa para suportahan ang pambansang industriyalisasyon at pakawalan ang lupa sa kamay ng mapagsamantalang iilan. (3). Itaguyod at palakasin ang pambansang soberanya para kumawala sa pang-aalipin ng dayuhan, lalo na ng imperyalismong US. (4) Ipagtanggol at isulong ang kalayang sibil at karapatang pantao. (5) Isulong ang kultura at edukasyong makabayan at makamasa. (6) Itaguyod ang isang lipunang may tunay na kalayaan, demokrasya at kaunlaran. (7) Itigil ang mga patakarang LAPIDA ng mga mamamayan at manggagawa sa ekonomiya: Liberalisasyon, Pribatisasyon at Deregulasyon. (8) Ibasura ang kontraktwalisasyon at iba pang porma ng pleksibleng paggawa na nilalaman ng Labor Code at iba pang batas.

7. Anu-ano ang dapat nating gawin? Manindigan. Kumilos. Makiisa. Ito ang tungkulin ng lahat ng Pilipinong nagmamalasakit sa bayan para mag-ambag sa pagbasura sa Cha-Cha ni Gloria at sa pagsusulong ng makabuluhang mga reporma at tunay na pagbabago ng lipunan. Palalimin natin ang paninindigan natin sa isyung ito. Subaybayan natin ito sa balita. Bantayan natin ang galaw ng mga nagtutulak ng Cha-Cha. Pag-aralan natin ang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa at ang kasaysayan nila – na siyang pinag-uugatan ng Cha-Cha. Pag-aralan natin kung paanong hindi tumigil at hindi tumitigil ang sambayanang Pilipino sa paglaban sa iilan at dayuhang nagsasamantala at nambubusabos sa atin. Kung hindi Cha-

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

19

Cha ang solusyon, ano? Alamin natin ang makabayan at maka-mamamayang alternatiba sa bulok na sistema ng bansa natin. Balewala ang paninindigan at kaalaman natin kung hindi natin ipinapahayag para ibahagi sa iba, kung hindi naguudyok sa atin para kumilos. Mula sa pagkukwento sa mga katrabaho, kamag-anak at kapitbahay, mula sa cellular phone hanggang sa internet, hanggang sa pagsali sa mga organisasyong nagpapalaganap ng kaalaman sa isyu – maraming paraan para makatulong tayo sa pagmumulat sa mga kapwa-Pinoy natin. Marami ring paraan para maipahayag natin ang protesta sa Cha-Cha – at isa sa pinakaepektibo ang pagsali sa mga sama-samang pagkilos katulad ng mga rali. Limang Islogan ng Kampanya para sa Kongreso ni Arroyo sa 2010: No. 5: Ang tunay na Pampanga’s best ay ‘di ‘yang tocino / Kundi ang inyong lingkod, Congresswoman Arroyo! No. 4: Mga Arroyo sa Kamara ay hindi pa sapat / Dagdagan ng isa ang kasalukuyang apat! No. 3: Pork barrel ng Kongreso, handa kong ibasura / Hangga’t kakampi ko ang mga Pineda! No. 2: I will serve the community / For the sake of immunity! No. 1: Presidente ngayon… kongresista bukas / Target: Prime Minister, isulong ang Con Ass! – mula sa www.professionalheckler.wordpress.com

Mahalaga para sa ating mga mamamayan at manggagawa na sumali sa mga makabayan at demokratikong organisasyon at unyon. Sa ganito, magiging bahagi tayo ng kolektibong pagsisikap para magmulat, mag-organisa at magpakilos ng ating mga kababayan para ipaglaban ang

20

KMU | ANAKPAWIS Partylist

at magpakilos ng ating mga kababayan para ipaglaban angat magpakilos ng ating mga kababayan para ipaglaban ang ating mga kagyat at matagalang kahilingan. Sa mga organisasyong ito, lalalim ang ating kaalaman sa kinakailangang pagbabago at sa kinakailangang pagkilos para sa pagbabago. Dito, tuluy-tuloy nating maiaambag ang ating oras, lakas at kakayahan para sa makabuluhang pagbabago ng ating lipunan. Ramos, Estrada, Arroyo – lahat ng pangulong ito ay ginustong mag-Cha-Cha. Pero lahat sila, hanggang ngayon, ay nabigo ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan: mula sa maramihang talakayan hanggang sa mga rali sa lansangan. Kasaysayan na ang patunay, na sa samasamang pagkilos lang ng mga mamamayan nabibigo ang Cha-Cha. Madalas, nagsisimula ang pagtutol sa maliliit na sentro ng protesta, pero tumutungo ito sa malalaking mobilisasyon sa kalsada. Tinatawagan tayong lahat na makiisa, sumanib sa sambayanang lumalaban. Mahalaga sa ating paglaban sa Cha-Cha ang State of the Nation Address o SONA ni Arroyo sa Hulyo 27. Ang talumpati niyang ito ang pormal na magbubukas sa Senado at Kongreso. Tiyak, maglulubid na naman siya ng kasinungalingan tungkol sa mga nagawa ng kanyang rehimen, at magtutulak ng mga patakarang kontramamamayan. May pangamba nga ang ilang pulitiko na gagamitin ni Arroyo ang pagkakataon para iratsada ang Con-Ass. Kailangan nating iparinig ang mariin nating pagtutol sa Cha-Cha sa araw na ito. Kailangan nating iparinig ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa at mamamayan, at ang tunay na pagbabagong hinahanap at iginigiit natin.

Cha-cha ni Gloria, Ibasura!

21

“Kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon, kailan?” Ito pa rin ang tanong sa atin sa yugtong ito ng kasaysayan. Kung hindi tayo kikilos, kikilos ang pangkatin ni Arroyo, ang mga naghahari sa lipunan at ang imperyalismong US. Kung hindi tayo kikilos ngayon, baka maging huli na para tumutol pa tayo. Kailangan nating kumilos ngayon. Kinabukasan ng bayan natin ang nakataya.

8. Anu-ano ang ating panawagan? Sahod, trabaho at karapatan; yaman at kinabukasan ng bayan – ipaglaban! Labanan ang pagbebenta sa bayan! Labanan ang pagbabalik ng batas militar! Labanan ang pagbabalik ng mga base-militar! Cha-Cha ni Gloria, para sa US at iilan – ibasura! Pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa, hindi dayuhang pamumuhunan at pagbebenta ng lakaspaggawa! Isulong ang P125 dagdag-sahod, across-the-board sa buong bansa! Labanan ang tanggalan at kontraktwalisasyon! Tanggalin si Arroyo, hindi ang obrero! Assumption of Jurisdiction, ibasura! Pondo ng manggagawa, huwag dambungin! Tama na, sobra na, patalsikin na si Gloria! Cha-Cha, ibasura! Gloria, patalsikin! Cha-Cha, biguin! Imperyalismong US, ibagsak! Makibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan! Makibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya!

Related Documents

June 09
May 2020 16
June 09
May 2020 18
June 09
May 2020 18
June 09
May 2020 8

More Documents from ""