Ikaapat Markahan.pdf

  • Uploaded by: ChaMae Magallanes
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ikaapat Markahan.pdf as PDF for free.

More details

  • Words: 30,547
  • Pages: 125
IKAAPAT NA MARKAHAN

423

Panimulang Pagtataya (Ikaapat na Markahan) Masaya ang magbasa. Dadalhin ka nito sa iba’t ibang lugar at panahon ngunit subukin mo muna ang iyong dating kaalaman. Sagutin ang panimulang pagtataya upang maging gabay kung gaano na kalawak ang iyong alam sa tatalakayin. A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang _________________. A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya 2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay _________________. A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat 3. Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa _________________. A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan 4. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay __________________. A. Sa Aking Mga Kabata C. Inang Wika B. Ang Pag-ibig D. Ang Batang Gamugamo 5. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me Tangere ay si _______________. A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentritt C. Maximo Viola D. Valentin Ventura 6. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang akdang ______________. A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle Tom’s Cabin 7. Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere” ay __________________. A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis 8. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay _________________. A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo 9. Ang nakatuluyan ni Jose Rizal ay si __________________. A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Bracken D. Maria Clara B. Isulat ang titik S kung Sanhi at B kung Bunga ang sumusunod. 10. _____ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso. 11. _____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito. 12. _____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng kanyang tiya. 13. _____ Naging ekskomulgado si Ibarra. 14. _____ Namundok si Tandang Pablo. C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-E. ____15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kanya. ____16. May dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan-heneral. ____17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos. ____18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso . ____19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw. D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag para sa blg. 20-30. “Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makamamalas sa kanya, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang nagbulid sa dilim ng gabi.” 20. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang ________________. A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang kalayaan 21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa ________________. A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan B. kalayaan ng bayan D. kuwentong-bayan 22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay _________________. A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat

424

23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi. Ito ay tumutukoy sa ________________. A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda 24. Ang kabuuan ng pahayag ay may imaheng ___________________. A. pambansa B. pang-espiritwal C. panlipunan D. pangkalikasan 25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming ________________. A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan 26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang _________________. A. matalino B. matatag C. mapagmahal D. makatao 27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang ________________. A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan 28. Sa kabuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang _______________. A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D. pagpapahalaga 29. Ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa ay ________________. A. Huling Panawagan C. Tagubilin sa Kabataan B. Paalam sa Inang Bayan D. Ang Mga Nangabulid 30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa _______________. A. kabiguan B. kasawian C. kamatayan D. kadakilaan Para sa blg. 31-35. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.” -

Pilosopo Tasyo

Ang ideya o kaisipang lumulutang sa pahayag ay _______________. A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipunan D. pansimbahan 31. Ang katangian ng nagsasalita na maliwanag sa pahayag ay _______________. A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot 32. Ang katotohanang nais bigyang-pansin sa pahayag ay _______________. A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D. kataksilan 33. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa _______________. A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. nagmamayabang 34. Binigyang-diin sa pahayag na _______________. A. Ang tao ay di dapat magtiwala. C.Ang tao’y laging may kaaway. B. Ang tao’y laging may pasalubong. D. Ang tao’y pinapakitaang-giliw.

Binabati kita! Natapos mo ang panimulang pagtataya. Natitiyak kong madaragdagan pa ang iyong kaalaman habang tinatalakay natin ang bawat aralin at ginagawa ang mga gawain.

425

UNANG LINGGO - SESYON 1 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANGPAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Baitang : 9 Sesyon : 1 (Aralin 1.1) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa”. * Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: (F9PN-IVa-b-56) • pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito; • pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ito; at • pagpapatunay sa pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda. * Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang epekto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan. (F9PB-IVa-b-56) Nasusuri ang mga layunin sa pagsulat ng akda. Nabibigyang-reaksyon ang kalagayang panlipunan na binanggit sa akda. Napahahalagahan ang naiambag ng akda sa panahong nabanggit. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. https://prezi.com/wqewkwltgend/kaligirang-kasaysayan-ngnoli-me-tangere/ TG, aklat sa Noli Me Tangere, manila paper, kartolina strips.

1. Mahilig ba kayong magbasa ng mga nobela? 2. Ano ang kalimitang paksa ng mga nobelang nabasa ninyo? 3. Bakit ninyo ito kinahiligan?

Aktiviti / Gawain * Panimulang Gawain A. Katangian Ko, Alamin Mo: Sino Ako? Kilalanin kung sinong personalidad ang binanggit ayon sa katangiang ibinigay sa bawat bilang. ____________1. Ako ang tinaguriang pambansang bayani

426

ng Pilipinas. ____________2. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861. ____________3. Pinatay ako sa Bagumbayan. ____________4. Asawa ko si Josephine Bracken. ____________5. Ako ang sumulat ng Noli Me Tangere. B. Kaalaman Mo, Ilahad Mo Ibigay ang iyong nalalaman ukol sa mga salitang nasa bilohaba.

Noli Me Tangere

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

E. PAGLALAHAT Generalisasyon

Pamprosesong Tanong: 1. Sino si Jose Rizal at ano ang kaugnayan niya sa nobelang “Noli Me Tangere”? 2. Bakit kaya niya isinulat ito? Ano ang kanyang layunin? 3. Mahalaga bang malaman ng isang mambabasa kung sino ang may-akda at panahon ng pagkasulat nito? Bakit? * Pagpapayaman ng kaalaman sa pamamagitan ng pagpapabasa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere”. Gabay na mga Tanong: 1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere? 2. Bakit niya ito isinulat? Para kanino? 3. Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon sa panahong isinulat ito? ( Pangkatang Gawain ) Pangkat 1 – Timeline sa Pagkasulat ng Akda Pangkat 2 – Maikling Pagsasadula sa Kalagayang Panlipunan sa Pagkasulat ng Akda Pangkat 3 – Mock Interview sa Reaksyon ng mga Filipino sa Akda Kung ikaw ay isinilang sa panahong naisulat ang akda, anong aksyon ang gagawin mo para masolusyunan ang sinasabing “kanser sa lipunan”? Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Jose P. Rizal? Bakit? Isulat ito sa makikitang kahon sa sanayang-aklat. Bilang isang kabataang Filipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me Tangere”? Bumanggit ng mga kongkretong halimbawa/sitwasyon.

427

IV. PAGTATAYA

A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobelang “Noli Me Tagere”. Isulat sa ikalawang hanay ang mga patunay nito. Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere Kondisyong Panlipunan

Patunay

B. Sagutin nang buong linaw ang mga tanong. 1. Paano ipinakita ni Dr. Jose P. Rizal ang pagmamahal sa tinubuang lupa? 2. Naging epektibo kaya ang kanyang ginamit na paraan sa pagkamit ng kanyang layunin? Patotohanan. 3. Sang-ayon ka ba na dapat pag-aralan ang nobelang “Noli Me Tangere”? Bakit oo at bakit hindi? V. TAKDANG-ARALIN TUGON

Magsaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

PAGNINILAY-NILAY

428

YUGTO NG PAGKATUTO tAralin 1.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Mahalaga ang papel ng panitikan sa buhay ng tao. Sa mga naunang aralin, natutuhan mo na malaki ang ginagampanang papel ng mga akdang pampanitikan sa buhay ng tao maging ito man ay pabula, maikling kwento, alamat, tula, sanaysay at iba pa. Ngayon, sama-sama nating tuklasin at balikan ang mga karanasan ng ating mga ninuno lalo na noong panahon ng Kastila. Ikaw ay inaasahang makilahok sa iba’t ibang gawain na maghahanda sa iyo tungo sa pagtamo ng iba’t ibang kasanayan. Handa ka na ba?

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG 1. 2.

Mahilig ba kayong magbasa ng mga nobela? Ano ang kalimitang paksa ng mga binabasa ninyo? 3. Bakit ninyo ito kinahiligan? GAWAIN 1: Katangian Ko, Alamin Mo: Sino Ako? Kilalanin kung sinong personalidad ang binanggit ayon sa katangiang ibinigay sa bawat bilang. ____________1. Ako ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. ____________2. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861. ____________3. Pinatay ako sa Bagumbayan. ____________4. Asawa ko si Josephine Bracken. ____________5. Ako ang sumulat ng “Noli Me Tangere”.

PAGSUSURI GAWAIN 2:Kaalaman Mo, Ilahad Mo Ibigay ang iyong nalalaman ukol sa mga salitang nasa biluhaba.

Noli Me Tangere

Pamprosesong Tanong: 1. 2.

Sino si Jose Rizal at ano ang kaugnayan niya sa nobelang “Noli Me Tangere”? Bakit kaya niya isinulat ito? Ano ang kanyang layunin?

429

3.

Mahalaga bang malaman ng isang mambabasa ang may-akda at panahon ng pagkasulat ng akda? Bakit?

ALAM MO BA NA…

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887 sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na sa Filipino ay "Huwag Mo Akong Salingin". Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan 20:13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at may salin sa Ingles na “Touch Me Not”. Kasaysayan ng Noli Me Tangere Inilathala ito noong 26 taong gulang si Rizal. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Filipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang mananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Espanyol ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan niya ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Filipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador-Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. Sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela noong 1885. Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Filipino sa kamay ng mga Espanyol. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli Me Tangere”. Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao. Halaw sa: https://prezi.com/wqewkwltgend/kaligirang-kasaysayan-ng-noli-me-tangere/

Gabay na mga Tanong: 1. 2.

Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere? Bakit niya ito isinulat? Para kanino?

430

3. 4. 5.

Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon sa panahong isinulat ito? Ano ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal upang isulat ang akda? Sa tingin mo, bakit pinamagatan ang nobela na “Noli Me Tangere”?

PAGSASANAY GAWAIN 3 Ipamalas ang iyong pag-unawa. Pag-usapan ng kapangkat ang gagawin. Pangkat 1 – Timeline sa Pagkasulat ng Akda Pangkat 2 – Maikling Pagsasadula sa Kalagayang Panlipunan sa Pagkasulat ng Akda Pangkat 3 – Mock Interview sa Reaksyon ng mga Filipino sa Akda

PAGSASANAY GAWAIN 4: Aksyunan Mo Kung ikaw ay isinilang sa panahong naisulat ang akda, anong aksyon ang gagawin mo para masolusyunan ang sinasabing “kanser sa lipunan”? Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Jose P. Rizal? Bakit?

May Aksyon Ako

____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ _____________________________________________

431

PAGLALAPAT: Pahalagahan Mo Bilang isang kabataang Filipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me Tangere”? Magbanggit ng mga kongkretong halimbawa/sitwasyon. Isulat ito sa loob ng Speech Balloon.

http://mzayat.com/single/116391.html

TANDAAN

Ang “Noli Me Tangere”ay nobelang panlipunan na isinulat sa layuning magising ang damdamin ng mamamayang Filipino sa malubhang “kanser sa lipunan”. Ito’y sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan sa panahon ng mga Espanyol. Di naging madali ang pagsasakatuparan sa pagsulat nito gaya ng hirap at pagsasakripisyo ng ating mga ninuno makamit lamang ang kasarinlan.

PAGTATAYA A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobelang “Noli Me Tagere”. Isulat sa ikalawang hanay ang mga patunay nito. Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere Kondisyong Panlipunan Patunay

B. Sagutin nang buong linaw ang mga tanong. 1. Paano ipinakita ni Dr. Jose P. Rizal ang pagmamahal sa tinubuang lupa? 2. Naging epektibo kaya ang kanyang paraang ginamit sa pagkamit ng kanyang layunin? Patotohanan.

432

3. Sang-ayon ka ba na dapat pag-aralan ang nobelang “Noli Me Tangere”? Bakit at bakit hindi?

TAKDANG ARALIN Isaliksik Mo Magsaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

https://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal

Talambuhay ni Jose P. Rizal ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________

Mahusay! Nagawa mo. Tiyak na magiging madali para sa iyo ang mga susunod na aralin at gawain.

433

UNANG LINGGO - SESYON 2 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain

Baitang : 9 Sesyon : 2 ( Aralin 1.2) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere”. Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa. Naitatala ang mga nalikom na datos sa pananaliksik. (F9PU-IVa-b-58) Nalalagom ang mahahalagang impormasyong nasaliksik para sa sariling pagpapakahulugan at gamit. (F9EP-IVa-b21) Natatalakay nang buong talino ang talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal. Nakalilikha ng isang Facebook account na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Dr. Jose Rizal. Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagbabasa ng nobelang “Noli Me Tangere”. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ( Ang May-akda ng Noli Me Tangere ) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. http://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/ https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p =jose+rizal+short+video#id=4&vid=0b234674f8b2afd4cda 3c4b69c6562dd&action=view https://www.youtube.com/watch?v=K-Y4tqxIBWk Aklat sa “Noli Me Tangere”, manila paper, internet. (Balik-aral) 1. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang “Noli Me Tangere”? 2. Paano ito nakaimpluwensya sa isipan at damdamin ng mga Filipino? Iugnay Mo Uncle Tom’s Cabin =

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

Noli MeTangere

* Pagpapaliwanag sa nais ipahiwatig ng nasa kahon. * Ipapanood ang 3 minutong documentary film tungkol sa buhay ni Jose Rizal. https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p =jose+rizal+short+video#id=4&vid=0b234674f8b2afd4cda 3c4b69c6562dd&action=view

434

* Paglalahad ng mga gawain ng bawat grupo at inaasahang awtput. C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

D. PAGLALAPAT Aplikasyon E. PAGLALAHAT Generalisasyon IV. PAGTATAYA

V. TAKDANG-ARALIN

Mula sa napanood at datos na nasaliksik, gumawa ng isang pag-uulat sa sumusunod: Pangkat 1 – Kapanganakan, mga magulang at kapatid ni Dr. Jose Rizal Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Jose Rizal Pangkat 3 – Pag-aaral/pinasukan ni Dr. Jose Rizal Pangkat 4 - Mga Akdang sinulat ni Jose Rizal (Pagpuna at pagbibigay ng karagdagang impormasyon ng guro) Gumawa ng isang Facebook account na nakapaloob ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan kay Dr. Jose Rizal. Bakit mahalagang malaman natin ang background ng mayakda ng ating mga binabasa? Patunayan mong kilalang-kilala mo na ang may-akda ng nobela. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa kanya. (bio-data form ni Dr. Jose Rizal) Panoorin ang trailer ng pelikulang “Jose Rizal” na pinagbidahan ni Cesar Montano. Maaari itong mapanood sa: https://www.youtube.com/watch?v=K-Y4tqxIBWk

TUGON PAGNINILAY-NILAY

435

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 1.2 Sesyon 2

TUKLASIN Halika’t tuklasin at kilalanin pa natin ang sumulat ng nobelang “Noli Me Tangere”.

http://gensan14.blogspot.com/2016/03/jose-rizals-sacrifice-and-fighting-for.html

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG 1. 2. 3.

Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang “Noli Me Tangere”? Ano ang nag-udyok sa kanya para gawin ito? Paano ito nakaimpluwensya sa isipan at damdamin ng mga Filipino? Tinaguriang pambansang bayani si Dr. Jose P. Rizal. Alam mo ba kung bakit siya ang napili na pambansang bayani ng Filipinas?

GAWAIN 1:Iugnay Mo Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng nasa kahon. Uncle Tom’s Cabin =

Noli MeTangere

Pamprosesong Tanong: 1. Paano nagkakaugnay ang akdang “Uncle Tom’s Cabin” sa “Noli Me Tangere”? 2. Saan kaya magkakatulad ang mga akdang ito? 3. Sa tingin mo, mahalaga ba ang naging bahagi nito sa paglaya nating mga Filipino?

1.

PAGSUSURI GAWAIN 2: Panoorin Mo (Jose Rizal na Pelikula) Panoorin ang 3 minutong documentary film https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p=jose+rizal+short+video#id=4&v id=0b234674f8b2afd4cda3c4b69c6562dd&action=view bilang paghahanda sa aralin. Isulat ang mga tanong ukol sa pelikulang pinanood. Ano ang problema sa pangunahing tauhan?

436

2. 3. 4. 5. 6.

Ano-ano ang ginawa ng pangunahing tauhan para malutas ang kanyang problema? Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan? Patunayan. Sa inyong palagay, nagging epektibo ba ang kanyang mga ginawa para malutas ang kanyang problema? Kung kayo ang pangunahing tauhan, gagawin niyo rin ba ang kanyang ginawa? Oo/Bakit? Ipaliwanag. Nangyayari pa bas a kasalukuyan ang senaryo na inilarawan sa pilikula? Patunayan ang sagot.

Para sa karagdagang kaalaman sa buhay ni Jose P. Rizal, basahin ang nasa loob ng kahon. ALAM MO BA NA…

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa. Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Filipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna. Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna. Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gobernador Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid. Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto. Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak. Kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan. Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Biñan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na siya na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal. Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.

437

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, España at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885. Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles. Alam na niya ang Pranses sapagkat sa Filipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Filipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga bayang nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika. Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng “Noli Me Tangere” sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na tagaSan Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso. Ang “El Filibusterismo” ang kasunod na aklat ng “Noli Me Tangere” na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891. Itinatag naman ni Dr. Jose Rizal ang “La Liga Filipina” noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at may layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Filipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik. Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umilag siya sa galit ng mga Espanyol dahil sa pagkakalathala ng “Noli Me Tangere”. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892. Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa Hilagang-Kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan ng mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labingapat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan. Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng España at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik, hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Filipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Filipinas. Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan. Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, sinulat ni Rizal ang kanyang “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam), isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin. At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta. Halaw sa: http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal

438

PAGSASANAY GAWAIN 3: Iulat Mo Mula sa napanood at datos na nasaliksik, gumawa ng isang pag-uulat sa sumusunod: Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4

– – – –

Kapanganakan, mga magulang at kapatid ni Dr. Jose Rizal Buhay pag-ibig ni Jose Rizal Pag-aaral/pinasukan ni Dr. Jose Rizal Mga akdang sinulat ni Jose Rizal

PAGSASANAY GAWAIN 4

Gumawa ng isang Facebook account na nakapaloob ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan kay Dr. Jose Rizal.

http://worldartsme.com/lady-on-computer-clipart.html

PAGLALAPAT:Pahalagahan Mo

Bakit mahalagang malaman natin ang background ng may-akda ng ating mga binabasa?

Mahalagang malaman ang background ng may-akda ng ating mga binabasa dahil __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

439

TANDAAN

Si Jose P. Rizal ay may lahing Intsik ngunit dahil sa diskriminasyon at kautusan ay binago ang kanilang apilyedo. Bata pa lang ay nagpamalas na siya ng di matawarang galing at talino. Di naging madali ang kanyang pagkamit sa kanyang mga pangarap ngunit di siya nagpadala sa mga hamon sa buhay. Sa bawat bayang kanyang pinuntahan, sinikap niyang pag-aralan ang kasaysayan at wika nito. Marami siyang alam na wika kung kaya’t tinawag siyang dalubwika. Sa pagnanais na matulungan ang kanyang inang-bayan na makalaya mula sa mananakop na Kastila, ibinuwis niya ang sariling buhay sa pagsulat ng iba’t ibang akda na gigising at pupukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.

PAGTATAYA Patunayan mong kilalang-kilala mo na ang may-akda ng nobela. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa kanya.

Pangalan:_________________________ Kasarian: ___________ Kapanganakan Petsa: _______________ Lugar:________________________ Mga Magulang: ____________________________ ____________________________ Mga Kapatid: _______________________, __________________________ __________________________, __________________________ __________________________, __________________________ Edukasyon Elementarya:_______________________________________ Sekondarya:________________________________________ Kolehiyo: __________________________________________ Kursong Natapos: _________________________________________ Asawa:______________________________ Mga Babaeng Naugnay: ___________________________________ __________________________, ___________________________ Paaralang Napasukan:______________________________________ Mga Akdang Nasulat:________________________________________ ________________________________________ Sagisag-panulat: ____________________________________________ Lengguwaheng Alam: ________________________________________ Kamatayan 440 Petsa:_____________________ Dahilan:_______________________

TAKDANG ARALIN: Ihanda Mo Ihanda ang iyong sarili sa susunod na talakayan. Panoorin ang trailer ng pelikulang “Jose Rizal” na pinagbidahan ni Cesar Montano. Maaari itong mapanood sa : https://www.youtube.com/watch?v=KY4tqxIBWk.

Ang galing mo! Naragdagan mo pa ang dating kaalaman sa paksa.

441

UNANG LINGGO - SESYON 3 & 4 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

C. PAGSASANAY

Baitang : 9 Sesyon : 3-4 (Aralin 1.3 – 1.4) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo tungkol sa paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa”. Natutukoy ang mga kontekstwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan. (F9PT-IVa-b-56) Napatutunayang ang akda ay may pagkakatulad o pagkakaiba sa ilang napanood na nobela. (F9PD-IVa-b-55) Nabibigyang-pansin ang mahahalagang pangyayari sa pelikulang napanood. Nakasusulat ng isang reaksyong-papel hinggil sa napiling bahagi ng pelikula. Naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari ang mga pangyayari mula sa napanood. Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere” (Panonood ng Pelikula) https://www.youtube.com/watch?v=XGngke4P0N8 Laptop, projector/TV, larawan na may kaugnayan sa lipunan noong panahon ng Kastila

1. Nais ba ninyong makita ang uri ng lipunang kinamulatan ni Dr. Jose Rizal at kung ano ang klase ng buhay mayroon ang ating mga ninuno sa panahon ng mga Espanyol? 2. Ano pa ang nais ninyong malaman tungkol sa panahong ito? Bakit? * Pagpapaliwanag sa sariling hinuha ukol sa ipinakitang larawan ng guro. * Bago panoorin ang pelikula, bibigyan ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong: 1. Ano ang iyong saloobin at realisasyon tungkol sa kalagayan ng lipunan noong panahon ng Espanyol? 2. Ano-anong mga kaisipan ang nabago o mas napagtibay matapos mapanood ito? 3. Ano ang iyong napatunayan sa napanood mong pelikula? 4. Ano ang ibinigay nitong hamon sa iyo bilang kabataang Filipino? * Panonood ng pelikula. Pagbanggit sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pelikulang

442

Mga Paglilinang na Gawain D. PAGLALAPAT Aplikasyon E. PAGLALAHAT Generalisasyon IV. PAGTATAYA

V. TAKDANG-ARALIN

napanood sa nobelang “Noli Me Tangere”. (Venn Diagram)

Pagsulat ng reaksyong-papel sa napiling bahagi o eksena mula sa pinanood na labis na nakaantig sa damdamin. Dapat ba nating pahalagahan ang natatamasang kalayaan? Sa paanong paraan? Mag-isip ng kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan na maiuugnay sa mga pangyayari noong panahon ng mga Espanyol. (Think, Pair, Share) Gumupit ng larawan mula sa diyaryo na nagpapakita sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa. Idikit ito sa isang short bondpaper. Sa ibaba nito, isulat ang iyong panig kung sang-ayon o tutol ka ba rito. Ilahad din ang iyong rason at mungkahi.

TUGON

PAGNINILAY-NILAY

443

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 1.3 – 1.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

Sinasalamin ng mga palabas o pelikula ang mga pangyayari sa lipunan. Halika’t panoorin din natin ang pelikulang “Jose Rizal” nang malaman ang mga kaganapan dito sa Filipinas noong panahon ng mga Espanyol.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG 1. 2. 3.

Nais ba ninyong makita ang uri ng lipunang kinamulatan ni Dr. Jose Rizal at kung ano ang klase ng buhay mayroon ang ating mga ninuno sa panahon ng mga Kastila? Ano-ano pa ang nais mong malaman tungkol sa panahon ng mga Kastila? Paano kaya ito makatutulong sa iyo bilang kabataang Pilipino?

PAGSUSURI Gawain 1: Suriin Mo Suriin ang mga larawan. Isulat sa katapat na kahon ang alam mo tungkol dito. 1.

_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________

https://xiaochua.files.wordpress.com/2013/02/08-isa-siya-satatlong-paring-binitay-noong-february-17-18721.jpg 2.

_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________

https://www.pinterest.com/pin/360921357610310402/

444

ALAM MO BA NA…

Ang pelikulang “JoseRizal” ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Saklaw nito ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan at mamatay sa kamay ng mga Espanyol. Ipinapakita rin dito ang kanyang malawak na imahinasyon: ang kanyang dalawang nobelang “Noli me Tangere” at “El Filibusterismo” na kung saan ipinapakita rito ang kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Espanyol, gisingin ang mundo sa pang-aabuso ng pamahalaan ng Espanya at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang paraan imbis na sa madugong labanan. BUOD Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na naging daan para mabuhay ang puso ng mga Filipino upang maghimagsik at makamit ang inaasam na kalayaan ng Filipinas laban sa pamahalaan ng Espanya. Inilahad dito ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Filipino Dahil sa mga nobelang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pinuno ng rebolusyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para umamin na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon. Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay may isang alipin o tagasilbi na nakakuwentuhan niya ng kanyang buhay. Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez, Burgos at Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit ng apelyidong Mercado sa Rizal, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang ina. Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abogado para idepensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abogado niya. Si Taviel ay isang opisyal ng Espanyol na sa umpisa ay hindi naniwala sa kanya. Pero sa pagbabahagi ng buhay ni Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin si Rizal at napagtanto na ito’y hindi lang isang inosente sa kaso kundi isang kahanga-hangang nilalang at dahil doon ay nagdesisyon siya na ibibigay ang lahat para maipagtanggol ito sa paglilitis. Naikwento ni Rizal dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan ay kumuha siya ng kursong medisina, ang labis na diskriminasyon sa mga estudyanteng Filipino roon, at ang pag-iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at kasintahan. Naikuwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Dito ay nag-aral siya ng medisina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Filipino katulad ng mga Espanyol. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan nang maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikain ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa. Pagbalik sa Filipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang pansibikong samahan ng mga Filipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si Andres Bonifacio. Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na kumakalaban sa Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik pa lang ni Rizal sa Filipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa isang malayong lugar, sa Dapitan, isang maliit na bayan sa Hilagang-Kanluran ng Mindanao. Sa lugar na iyon ay nakilala niya

445

ang pag-ibig ng kanyang buhay na si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya ay mamatay. Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-Heneral ng Filipinas dahil na rin sa isyung naging malapit si Gobernador Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre, 1896, ginanap ang araw ng paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mang-uusig, pinagbintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa, at dahil din sa mga isinulat niya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaan ng Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan. Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat patakbuhin ang Filipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga Filipino ang nais niya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa katunayan, sa paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nagsulat ng mga bagay na may koneksyon sa pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama siya sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing balak na pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon. Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang magagawa ukol sa tadhanang nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko. Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ng kaso, si Taviel ay nasaktan at nainis kung bakit siya ay naging isang Espanyol pa. Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang huling kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula, ang “Mi Ultimo Adios” (o Huling Pahimakas). Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinayagan. Ang mga Espanyol ay gusto siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor. Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan niyang humarap nang kaunti para sa pagbagsak niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan. Sa pagkamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Filipinas. Nakamit ng Filipinas ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang Bayani si Dr. Jose P. Rizal. Halaw sa: http://tantrumscute.blogspot.com/2012/04/jose-rizal-movie-review.html

PAGSASANAY GAWAIN 2: Panoorin Mo Maaaring mapanood ang pelikula sa link na makikita: https://www.youtube.com/watch?v=XGngke4P0N8&spfreload=10 Gabay na Tanong: 1. Ano ang iyong saloobin at realisasyon tungkol sa kalagayan ng lipunan noong panahon ng Kastila? 2. Ano-anong mga kaisipan ang nabago o mas napagtibay matapos mapanood ito? 3. Ano ang iyong napatunayan sa napanood mong pelikula? 4. Ano ang ibinigay nitong hamon sa iyo bilang kabataang Pilipino?

446

PAGSASANAY GAWAIN 3: Paghambingin Mo Paghambingin ang pelikulang napanood sa nobelang “Noli Me Tangere” gamit ang Venn Diagram.

Nobela

Pelikula

PAGSASANAY GAWAIN 3: Reaksyonan Mo Sumulat ng reaksyong-papel sa napiling bahagi o eksena mula sa pinanood na pelikula na labis na nakaantig sa damdamin.

_____________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ ________________________________________________________ 447

TANDAAN

Ang “Jose Rizal” ay isang pelikulang Pilipino na dinirek ni Marilou Diaz-Abaya. Ang pelikula ay ang opisyal na panlahok ng GMA Films noong 1998 para sa Metro Manila Film Festival. Ang pelikula ay naglalarawan sa buhay ng pambansang bayani ng Pilipinas, na si Dr. José Rizal, na ginampanan ni Cesar Montano.

PAGTATAYA

Pumili ng kapareha. Mag-isip ng kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan na maiuugnay sa mga pangyayari noong panahon ng mga Espanyol. Itala ito sa papel at ibahagi sa klase.

https://questioninganddiscussionforteaching.files.wordpress.com/2015/04/18277796401.jpg

TAKDANG ARALIN Maghanap Ka Gumupit ng larawan mula sa diyaryo na nagpapakita sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa. Idikit ito sa isang short bondpaper. Sa ibaba nito, isulat ang iyong panig kung sang-ayon o tutol ka ba rito. Ilahad din ang iyong rason at mungkahi.

448

UNANG LINGGO - SESYON 5 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

Baitang : 9 Sesyon : 5 (1.5) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo tungkol sa paksang “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. (F9PS-IVa-b-58) Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: ➢ paglalarawan ➢ paglalahad ng sariling pananaw ➢ pag-iisa-isa ➢ pagpapatunay ( F9WG-IVa-b-57 )

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN

Nakapaglalahad ng mga patunay at nakagagamit ng mga angkop na salita sa pagpapahayag ng opinyon. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, reaksyon at pananaw sa paksang pagtatalunan. Nakapagpamalas ng paggalang sa opinyon ng iba. “Dapat o di-dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa?” Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Batayang-aklat

A. PAGHAHANDA Aktiviti / Gawain

Pagsusuri ng mga larawan.

Pangmotibeysyunal na tanong:

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan? 2. Bakit kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan? 3. Paano ito maiiwasan? Pagtalakay nang pahapyaw sa debate at ang mga dapat isaalang-alang sa pakikipagdebate.

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay) C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Paglalahad ng rubrik na gagamitin sa pagtataya. Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu: 1. pagsusuot ng uniporme sa paaralan

449

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

E. PAGLALAHAT IV. PAGTATAYA

2. walang dobleng supot sa mga biniling produkto 3. 2x3x2 na gupit para sa mga lalaki 4. pagtalakay sa klase ng sex education 5. same-sex marriage Paglalahad ng rubrik para sa debate. Pagdedebate sa paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa”. Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na salita sa pagpapahayag ng opinyon? Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba: 1. Ang debate ay _____________________________ ___________________________________________. Mabisa itong nagagawa sa pamamagitan ng ___________________________________________ ___________________________________________.

V. TAKDANG-ARALIN

2. Maituturing pinakamaimpluwensya ang “Noli Me Tangere” dahil _______________________________ ________________ kaya _______________________. Kilalanin ang mga tauhan ng “Noli Me Tangere” at alamin ang papel na kanilang ginampanan sa nobela.

TUGON PAGNINILAY-NILAY

450

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 1.5 Sesyon 5

TUKLASIN

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pareho ng ideya ang lahat ng tao. Kung minsan, ang pagkakaiba ng opinyon ng mga tao ang nagiging sanhi ng di pagkakasundo-sundo at pagtatalo. Ngayon, tuklasin natin ang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na di reresulta sa gulo. Gusto mo bang malaman? Halika ka na’t ihanda ang iyong sarili sa bago na namang mga gawain.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG 1. 2. 3. 4. 5.

Ano ang kalimitang sanhi ng pagsisigawan at kaguluhan? Mayroon kayang paraan para maiwasan ito? Ano-ano naman ang mga paraang ito? Ikaw ba ay nakasaksi na ng isang pagtatalo o debate? Ano ang napansin mo?

GAWAIN 1:Pansinin Mo Tingnang mabuti ang mga larawan. Suriin ang mga ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-5.gif

http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-23.jpg

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan? 2. Naranasan mo na bang malagay sa parehong sitwasyon? 3. Bakit kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan? 4. Kanino ito madalas nangyayari? Bakit? 5. Paano ito maiiwasan? Magbigay ng mga suhesyon.

451

ALAM MO BA NA …

Ang debate o pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinyon sa isang paksa. Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo. Naglalayon itong makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas. Ayon kay Arrogante, ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa. Kalimitang ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunang paksa. Kahalagahan ng Pagtatalo • Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag- iisip. • Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita. • Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran. • Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid. • Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng sarili. • Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap na nararapat na kapasyahan. Dapat Tandaan sa Pagtatalo • Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa isang positibong pahayag. • Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig. • Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag. • Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban. • Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban. Dapat Tandaan sa Pagtatanong • Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong. • Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI. • Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong. • Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila. • Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan. Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal) • Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban. • Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban. • Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban. • Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang pinagtatalunan. • Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa. • Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at katibayan.

452

Mga Tagapagsalita o Speaker 1. Beneficiallity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan. 2. Practicability – angibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi. 3. Necessity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon. Uri ng mga Pagtatalo ➢





Debateng Oregon-Oxford o Madalas gamiting paraan ng pagtatalo o Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi o May mga huradong susuri sa mga argumento na may sapat na kaalaman sa paksa Debateng Oxford ( Rufino Alejandro ) o Pagpapakilala ng bawat koponan ( pagtukoy sa mga tuntunin ) o Paglalahad ng proposisyon o Pagbibigay ng katuturan o Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran o Pagtatalo Debateng Oregon o Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang panig o Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan ng mga matwid na panig ng katalo. o Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig.

PAGSUSURI GAWAIN 2: Panig Mo, Ilahad Mo Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu: ___________1. pagsusuot ng uniporme sa paaralan ___________2. walang dobleng supot sa mga biniling produkto ___________3. 2x3x2 na gupit para sa mga lalaking estudyante ___________4. pagtalakay sa klase ng sex education ___________5. same-sex marriage Pamprosesong Tanong: 1. Naging madali ba ang pagpapili ng iyong magiging panig? Bakit? 2. Sa tingin mo ba ay makatutulong sa ating lipunan kung maririnig ang ating panig at opinyon sa bawat isyu? Paano?

PAGSASANAY GAWAIN 3: Ipahayag Mo Pagdebatehan ang paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan

453

ng bansa”. (Maaaring hatiin ang klase sa tatlong grupo.) Pangkat 1 Debateng Oregon-Oxford Pangkat 2 Debateng Oregon Pangkat 3 Debateng Oxford Ang iskor ng bawat pangkat ay naaayon sa pamantayang nasa ibaba. Pamantayan Paksa/Kaisipan

Pangangatwiran

Pagpapahayag/ Pagsasalita

1 Walang mainam na kaisipang ipinahayag tungkol sa paksa.

2 May naipahayag na 2 hanggang 3 kaisipan ang nabanggit tungkol sa paksa.

Walang sapat na katibayan ng pangangatwiran Mahina at hindi maunawaan ang sinasabi.

Walang gaanong iniharap na pangangatwiran Mahina ang pagkakapahayag ngunit may pangakit sa nakikinig ang boses o pagsasalita. May isa o dalawang malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig. May mahinang pagpapahayag dahil na-ipabatid nang kaunti ang layunin ng panig.

Pagtuligsa

Walang naipahayag tungkol sa sinabi ng kabilang panig.

Tiwala sa Sarili

Hindi maayos ang pagsasalita dahil sa kaba kaya’t nabubulol.

3 Lubhang malinaw at maayos ang kaisipang naipahayag. May 4 o higit pang kaisipan ang nabanggit tungkol sa paksa. May sapat na katibayang iniharap sa pangangatwiran. Maayos na maayos ang pagkakapahayag na may pang-akit sa nakikinig ang boses o pagsasalita.

Sarili

Pangkat

May 3 o sapat at malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig. Lubusang naipahayag nang malinaw at naipabatid ang katanggap-tanggap na layunin ng panig. Kabuuang Puntos

PAGTATAYA Dugtungan Mo Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba. 1.

Ang debate ay ________________________________________________________________________. Mabisa itong nagagawa sa pamamagitan ng ________________________________________________.

2.

Maituturing pinakamaimpluwensya ang Noli Me Tangere dahil _________________________________ ________________ kaya _______________________________________________________________.

TAKDANG ARALIN Isaliksik Mo

454

Kilalanin ang mga tauhan ng “Noli Me Tangere” at alamin ang papel na kanilang ginampanan sa nobela.

455

IKALAWANG LINGGO - SESYON 1 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

Baitang : 9 Sesyon : 1 (Aralin 2.1) Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere. Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong monologo tungkol sa napiling tauhan. Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa. (F9PN-IVc-57) Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela. (F9PB-IVc-57)

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay) C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Naisasaayos ang mga larawan ayon sa pagkakilala sa mga tauhan. Nakapagsasagawa ng isang paghahalintulad ng mga tauhan ng nobela sa mga taong kilala o pamilyar. Napahahalagahan ang mga karakter o papel na ginampanan ng mga tauhan. Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Batayang-aklat, larawan ng mga tauhan, cartolina strips

1. Sino ang mga taong hinahangaan mo? 2. Ano ang mga naging tatak nila sa iyo? 3. Gusto ba ninyong malaman ang mahahalagang tauhan ng nobelang ating babasahin? * Ipaskil ang mga larawan ng mga tauhan sa pisara. Hayaan ang mag-aaral na ayusin o ihanay ito. (Maaari itong gawing pangkatan) * Tumawag ng representante ng grupo na magpapaliwanag sa ginawang paghahanay. ( Kinakailangan ang gabay ng guro sa bahaging ito.) *Gamit ang pareho pa ring mga larawan, iisa-isahing kilalanin ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng kanilang mahalagang papel sa nobela at kaugnayan ng isa’t isa. * Sino Ako, Kilalanin Mo ___________1. Anak ako ni Kapitan Tiyago. ___________2. Mahilig akong magpanggap na Oropea. ___________3. Ako ang kinatawan ng hari ng Espanya.

456

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

E. PAGLALAHAT Generalisasyon IV. PAGTATAYA V. TAKDANG-ARALIN

___________4. Ako ay anak ni Don Rafael na nag-aral sa Europa. ___________5. Tinatawag nila akong baliw dahil sa kakaiba kong isipan at kilos. ___________6. Ina ako nina Crispin at Basilio. ___________7. Ako ang dating kura ng San Diego. ___________8. Nagpapanggap akong doktor. ___________9. Ako ang maybahay ng alperes. ___________10. Inalagaan ko si Maria Clara Sino ang maiisip mong katulad ng sumusunod na tauhan. Ibigay rin ang iyong dahilan kung bakit. Tauhan Maitutulad Kay Dahilan 1. Ibarra 2. Padre Damaso 3. Maria Clara 4. Victorina 5. Kapitan Tiago 1. Mahalaga ba ang karakter na ginampanan ng mga tauhan sa nobela? Bakit? 2. Alin sa mga tauhan ang lubos mong naibigan? Bakit? Bumuo ng isang character web na nagpapakita ng kaugnayan ng mga tauhan sa nobela. Kilalanin pang mabuti ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanilang mga katangian. Maghanda para talakayan sa susunod na sesyon.

TUGON

PAGNINILA-NILAY

457

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 2.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Bawat taong makasasalamuha natin ay may kani-kaniyang katangian. Dahil dito kinakailangang kilalanin natin sila. Katulad ng nobelang ating babasahin, may mga tauhan din itong nararapat na ating kilalanin isa-isa bago basahin ang akda nang sa ganon ay madali na lang para sa atin ang pagtagpi-tagpi ng mga pangyayari. Handa ka na ba? GAWAIN 1: Idolo Ko, Ipakikilala Ko Idikit ang larawan o isulat sa nakalaang hanay ang larawan ng mga taong hinahangaan at ang ugaling naging tatak nila sa iyo.

Taong Hinahangaan

1. 2. 3.

Tatak at Dahilan

Sino ang mga taong hinahangaan mo? Ano ang mga naging tatak nila sa iyo? Gusto ninyo rin bang malaman ang mahahalagang tauhan ng nobelang ating babasahin? PAGSUSURI GAWAIN 2: Ihanay Mo Tingnan ang mga larawan. Ihanay ito ayon sa gusto ng inyong grupo at maghanda ng isang maikling pagpapaliwanag.

Maria Clara

Padre Damaso

Donya Victorina

http://jenniecasoza.blogspot.com/2012/03/maria-clara-dances.html http://www.mariaronabeltran.com/2011/12/jose-rizals-padre-damaso-to-whom-in_25.html https://ph-static.z-dn.net/files/da7/43fab9242797d76855200daa6973a72e.jpg

458

Elias

Sisa

Pilosopo Tasyo

https://rommelj.files.wordpress.com/2012/02/elias1.jpg?w=461&h=592 https://orig00.deviantart.net/6c8d/f/2013/007/4/a/narcisa__sisa_of_noli_me_tangere__by_gwatsinanggo-d5qq16c.jpg https://rommelj.files.wordpress.com/2012/02/tasyo1.jpg?w=448&h=575

ALAM MO BA NA …

Mahalaga ang ginagampanan ng bawat tauhan sa nobela. Sila ay maaari ring sumisimbolo ng mga tiyak na tao o pag-uugali sa lipunan. MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego. Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiago - mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego. Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego. Pilosopo Tasyo -maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Sisa - isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego. Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali. Donya Victorina - babaeng nagpapanggap na mestisang Espanyol kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Espanyol na napadpad sa Filipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

459

Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang. Ñol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan. Lucas - taong madilaw na gumagawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

PAGSASANAY GAWAIN 3: Sino Ako, Kilalanin Mo

_________________1. Anak ako ni Kapitan Tiyago. _________________2. Mahilig akong magpanggap na Oropea. _________________3. Ako ang kinatawan ng hari ng Espanya. _________________4. Ako ay anak ni Don Rafael na nag-aral sa Europa. _________________5. Tinatawag nila akong baliw dahil sa kakaiba kong isipan at kilos. _________________6. Ina ako nina Crispin at Basilio. _________________7. Ako ang dating kura ng San Diego. _________________8. Nagpapanggap akong doktor. _________________9. Ako ang maybahay ng alperes. ________________10. Inalagaan ko si Maria Clara. TANDAAN Mga Tauhan at Simbolismo sa Nobela

➢ ➢ ➢ ➢ ➢ ➢

Juan Crisostomo Ibarra – idealismo ng mga kabataang nakapag-aral Maria Clara – ideal na babae ni Rizal Sisa – larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa Pia Alba – sumisimbolo sa Pilipinas na walang tigil ang pagpapaalipin sa ibang bansa Kapitan Tiyago – papet na indio ng istruktura ng lipunang binuo ng mga Espanyol sa Filipinas Donya Victorina at Donya Consolacion – larawan ng mga indiong may kaisipang kolonyal

PAGLALAPAT: Ihambing Mo Sino ang maiisip mong katulad ng sumusunod na tauhan. Ibigay rin ang iyong dahilan kung bakit. Tauhan 1. Ibarra 2. Padre Damaso 3. Maria Clara 4. Victorina 5. Kapitan Tiago

Maitutulad Kay

460

Dahilan

PAGTATAYA Bumuo ng isang character web na nagpapakita ng kaugnayan ng mga tauhan sa nobela.

TAKDANG ARALIN Isaliksik Mo Kilalanin pang mabuti ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanilang mga katangian.

461

IKALAWANG LINGGO - SESYON 2 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

Baitang : 9 Sesyon : 2 ( Aralin 2.2) Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere. Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong monologo tungkol sa napiling tauhan. Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian. (F9WG-IVc-59) Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag. (F9PT-IVc-57) Nahuhulaan ang maaaring maging wakas ng buhay ng bawat tauhan batay sa napanood na parade of characters. (F9PD-IVc-56)

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN

Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag. Nakagagamit ng mga tamang pang-uri sa paghahambing ng isang kaibigan sa tauhan sa nobela. Naibabagay ang mga salitang naglalarawan sa katangian ng tauhan. * Mahahalagang Tauhan ng Nobela * Pang-uri Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w Batayang-aklat, internet

A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong: Aktiviti / Gawain

* Pagbibigay-kahulugan ng mga matatalinghagang salita at paggamit nito sa pangungusap. 1. bukas-palad – 2. walang-turing 3. walang-habas – * Pagkilatis sa mga tauhan

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

* Pagtalakay sa pang-uri bilang salitang naglalarawan.

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

* Pagpapanood ng parade ng mga tauhan. Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod: Hal. Maria Clara - mahihinhin o dalagang - Filipina 1. Ibarra - __________________

462

2. Padre Damaso - ___________________ 3. Donya Consolacion - ___________________ 4. Sisa - ________________________ 5. Padre Salvi - ___________________ D. PAGLALAPAT Aplikasyon E. PAGLALAHAT Generalisasyon IV. PAGTATAYA

Sumulat ng paghahambing sa pagitan ng iyong matalik na kaibigan at ng isang tauhan sa nobela. Huwag kalimutang gumamit ng mga tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian. Ano ang napagnilay-nilay ninyo ukol sa napag-usapan sa aralin? Base sa napanood na parade of characters, pumili ng apat (4) na tauhan at bigyang-hinuha kung ano ang maging wakas ng kanilang buhay.

Tauhan

V. TAKDANG-ARALIN

Buhay ng Tauhan Sa Simula

Maging Wakas

Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at gumawa ng 2 minutong monologo tungkol sa kanya. Ihanda ang sarili sa pagtatanghal nito sa susunod na pagkikita.

TUGON

PAGNINILA-NILAY

463

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 2.2 Sesyon 2

TUKLASIN

MOTIBEYSUNAL NA TANONG 1. Naisip mo ba kung anong mangyayari sa mundo kung walang liwanag at dilim o kung walang kakulaykulay ang paligid natin? Ano kaya ang mararamdaman mo? 2. Halika’t bigyan pa natin ng kulay at halaga ang mahahalagang bagay at tao. GAWAIN 1: Ilarawan Mo Isulat ang mga salitang mailalarawan mo sa mga larawang makikita sa ibaba. 1.

2.

a. _______________________ b. _______________________ c. _______________________

a.________________________ b.________________________ c.________________________

PAGSUSURI

Palawakin Mo Bigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salita at gamitin ito sa pangungusap. 1. bukas-palad – ___________________________________________________________________ Pangungusap: ______________________________________________________________________ 2. walang-turing – __________________________________________________________________ Pangungusap: _______________________________________________________________________ 3. walang-habas – ___________________________________________________________________

464

Pangungusap: _______________________________________________________________________

ALAM MO BA NA …

Ang pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. May tatlong kaantasan ang pang-uri. Kaantasan ng Pang-uri 1. Lantay - tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: • Nais kong makapaglakbay sa malayong lugar. • Ang mabait na anak ay biyaya mula sa Maykapal. 2. Pahambing - nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangngalan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan: magkatulad at di-magkatulad. Halimbawa: a. Magkatulad • Kasinghusay niya ang kapatid pagdating sa pag-awit. • Magkahusay lang ang Kathniel at Lizquen. b. Di-magkatulad • Si Mario ay di-gasinong matangkad kaysa kay Pablo. • Ang iskor ni Marissa ay di-gaanong mataas kaysa sa nakuha ni Dina. 3. Pasukdol - nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: • Siya ang pinakamatalino sa klase. • Walang ibang hari ng sablay kundi si Anita lang. • Ang banda nila Bamboo ang pinakasikat sa buong bansa.

PAGSASANAY GAWAIN 3: Panoorin Mo

Panoorin ang parade of characters ng mga tauhan ng nobela mula sa https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w at maghanda para sa mga susunod na gawain.

465

PAGSASANAY

GAWAIN 4: Tauhan, Ilarawan Mo Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod: Hal. Maria Clara - mahihinhin o dalagang-Filipina 1. Ibarra - __________________ 2. Padre Damaso - ___________________ 3. Donya Consolacion - ___________________ 4. Sisa - ________________________ 5. Padre Salvi - ___________________ PAGSASANAY

GAWAIN 4: Paghambingin Mo Sumulat ng paghahambing sa pagitan ng iyong matalik na kaibigan at ng isang tauhan sa nobela. Huwag kalimutang gumamit ng mga tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.

_____________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ __________________________________________________

466

PAGTATAYA Hinaharap Nila, Hulaan Mo Base sa napanood na parade of characters, pumili ng apat (4) na tauhan at bigyang-hinuha kung ano ang magiging wakas ng kanilang buhay. Buhay ng Tauhan Tauhan

Sa Simula

Maging Wakas

TAKDANG ARALIN Itanghal Mo Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at gumawa ng 2 minutong monologo tungkol sa kanya. Ihanda ang sarili sa pagtatanghal nito.

467

IKALAWANG LINGGO - SESYON 3 & 4 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Aktiviti / Gawain Pangmotibeysyunal na tanong:

Baitang : 9 Sesyon : 3-4 (Aralin 2.3 – 2.4) Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere. Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong monologo tungkol sa napiling tauhan. * Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo tungkol sa isang piling tauhan. (F9PU-IVc-59) * Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa isang tauhan. (F9PS-IVc-59) Naisaalang-alang at nakagagamit ng mga angkop na pang-uri sa pagsulat ng isang monologo. Masining na nakapagtatanghal ng isang monologo ng napiling tauhan. Napahahalagahan ang pagbibigay ng wastong damdamin sa pagbigkas ng monologo. Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. https://www.youtube.com/watch?v=LEj9pmL79_Y Batayang-aklat, iskrip ng monologo, rubrics

* Panonood ng isang video ng monologo. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin ninyo sa taong nagtatanghal ng monologo? 2. Saan nakasentro ang kanyang mga sinasabi? 3. Paano niya ipinarating ang kanyang mensahe?

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

* Pagtalakay sa monologo * Pagbibigay-alam sa inaasahang bunga pagkatapos ng talakayan.

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

* Pagbasa nang may wastong tono’t damdamin sa mga pahayag na makikita sa pisara. (pangkatan)

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

* Pagbasa’t pagtatanghal ng iilang estudyante ng maikling linya ayon sa sitwasyong nabunot.

E. PAGLALAHAT

* Ipalahad sa mag-aaral konseptong nabuo sa aralin sa paraang dugtungan. * Madamdaming pagbigkas ng monologo. * Pagbibigay-puna ng guro batay sa rubrik. Basahin ninyo ang mga kabanata sa nobela na tumatalakay kay Ibarra upang higit pa natin siyang makikilala.

IV. PAGTATAYA V. TAKDANG-ARALIN TUGON

468

PAGNINILA-NILAY

469

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 2.3 – 2.4 Sesyon 3-4 TUKLASIN Mahalagang maipahayag ng isang tao ang kanyang iniisip at nararamdaman. Kung minsan mahirap kung kaya kinakailangan pang gumamit ng iba para maipaabot ito. Hayaan mong gamitin ka nila. Masarap ang pakiramdam na makatulong. Handa ka na bang maging instrumento para sa kanila? Kaya halika na! GAWAIN 1: Panoorin Mo Panoorin ang isang videoclip ng pagmomonologo at sagutin ang mga kasunod na tanong. Ito ay mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=LEj9pmL79_Y Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin ninyo sa taong nagtatanghal ng monologo? 2. Saan nakasentro ang kanyang mga sinasabi? 3. Paano niya ipinarating ang kanyang mensahe?

ALAM MO BA NA …

Ang monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang kanyang iniisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig. Ang mga monologo ay ginagamit sa iba't ibang medya gaya ng mga dula, pelikula, animasyon, atbp.

PAGSUSURI Basahin Mo Ipamalas ang galing at kasiningan sa pagbasa. Basahin nang may tamang tono’t damdamin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Tumahimik ka. Di mo ba nakikita kung ano 2. Naku! anong nangyari sa’yo, anak? Huwag ang resulta ng ginawa mo? Ikaw ang dapat kang pumikit. Di ka pwedeng mawala sa akin. sisihin. Ikaw! Huwag. Maawa ka. 3. Hmmp…anong magagawa ko? Napag-utusan lang ako. Anong magagawa ng isang hamak na utusan ? 4. Sa tingin mo ba’y di ko alam. Nakatatawa ka. Isa kang manloloko ngunit mas napaniwala pa kita na di ko alam.

5. Mabuti naman at nakarating ka. Buong akala ko ay hindi mo pauunlakan ang aming imbitasyon. Halika’t nang makakain.

470

PAGSASANAY GAWAIN 3: Artista ka Basahin at itanghal ang maikling linya ayon sa sitwasyong ipinabunot ng guro. Dapat maipakita mo ang damdamin ng tauhan sa nabunot na pahayag.

PAGLALAPAT: Dugtungan Mo Ilahad ang konseptong nabuo sa aralin. Dugtungan ang mga salita upang mabuo ang konsepto. Natutuhan ko na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay __________________________________________ _____________________. Ibig kong tularan si _____________________ dahil sa______________________ _______________________________________________________________________________________.

TANDAAN Sa isang monologo, ang tao ay nagsasalita o nagsasabi ng kanyang mga iniisip nang siya lang mag-isa. Siya lang ang nagsasalita at wala siyang kausap.

PAGTATAYA Balikan ang iyong ginawang monologo. Ayusin ito at itanghal sa harap ng klase sa oras na ibibigay ng guro. Dapat mo ring isaalang-alang ang mga pamantayan sa gagawing pagtatanghal.

TAKDANG ARALIN Buhay Niya, Alamin Mo Basahin ang mga kabanata sa nobela na tumatalakay sa buhay ni Ibarra upang higit pa natin siyang makikilala.

471

IKATLONG LINGGO - SESYON 1 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman:

Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

Baitang : 9 Sesyon : 1 ( Aralin 3.1 ) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon. Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa sinapit ng mga tauhan. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayari sa buhay ng tauhan. (F9PN-IVd-58) Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito (level of formality). (F9PT-IVd-58 )

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Aktiviti / Gawain Pangmotibeysyunal na tanong:

Nasisiyasat na mabuti ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito. Nakapagprepresenta ng isang action plan na may malinaw na plano sa pagsagot sa suliraning binanggit. Napagtitimbang na walang mabuting naidudulot ang inggit sa tao. Mga Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Ibarra ( Kab. 1-5, 7, at 9-11) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Batayang-aklat, kartolina strips,



Pagpapabigay ng kahulugan sa akronim na I.N.G.G.I.T. ➢ Ipasagot ang tanong: 1. Ano ang nagagawa ng inggit sa tao? 2. Dapat ba itong ipagpatuloy o dapat nang itakwil? Bakit?

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

➢ ➢

Pagpapabasa ng buod ng mga kabanata. Pagbabanggit sa mahahalagang pangyayari pagbibigay-reaksyon nito.

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain



Pagpapangkat ng mga salita ayon sa pormalidad ng gamit. Pag-unawa sa binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Pagpapatala ng mga tiyak na pangyayari na nagpapakita ng paglabag sa karapatang-pantao.

➢ D. PAGLALAPAT Aplikasyon



472

at

➢ E. PAGLALAHAT Generalisasyon IV. PAGTATAYA

V. TAKDANG-ARALIN

Pagbibigay ng mga suhestiyon kung papaano ito masolusyunan. 1. Ano ang masasabi mo sa lipunan noon ayon sa mga nabasang kabanata? 2. Paano maiwasan ang mainggit sa kapwa-tao? ➢ Paggawa ng Action Plan para masolusyunan ang mga problemang nabanggit sa mga kabanata. ➢ Pagbibigay-puna ng guro at ng mga mag-aaral. ➢ Basahin ang kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, 29-31. ➢ A. Gawan ng buod ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Ibarra. ➢ Pangkat 1 – Pagdating ni Ibarra sa San Diego mula sa Europa ➢ Pangkat 2 – Buhay Pag-ibig ni Ibarra ➢ Pangkat 3 – Pagbabanta sa Buhay ni Ibarra ➢ B. Gumupit ng dalawang (2) larawan na nagpapakita ng pag-ibig o pagmamahal. Dalhin ito sa klase sa susunod na pagkikita.

TUGON

PAGNINILA-NILAY

473

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 3.1 Sesyon 1

TUKLASIN Ang ugali ng tao ay mahalaga. Ito ay nagpapaiba sa kanya sa iba pang nilalang sa mundo. Sa ugali rin kalimitan binabatay ang pagpili ng ating mga kaibigan. Ang mga taong di natin magustuhan ay nilalayuan ngunit may mga tao ring sadyang mainggitin na kahit wala kang ginagawa sa kanila o lumalayo ka na’y may negatibo pa rin silang masasabi. Tuklasin natin ang mga pag-uugali ng mga tauhan sa nobela at kung paano ito hinarap ni Ibarra.

GAWAIN 1: Sariling-Kahulugan, Ibigay Mo Bigyang- kahulugan ang akronim na I.N.G.G.I.T.

I N G G G I T

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng inggit? ____________________________________________________________________________________ 2. Ano ang nagagawa ng inggit sa tao? ____________________________________________________________________________________ 3. Dapat ba itong ipagpatuloy o dapat nang itakwil? Bakit? ____________________________________________________________________________________ 4. Kung ikaw ay kinainggitan, ano ang gagawin mo? ____________________________________________________________________________________ 5. Paano maiiwasan ang inggit sa puso ng isang tao? _______________________________________________________________________ _____________ ALAM MO BA NA …

474

Si Crisostomo Ibarra ay nakapag-aral sa Europa. Sa kanyang pag-uwi sa Filipinas ay isang kagila-gilalas na katotohanan ang kanyang malaman. Narito ang buod ng mga kabanata na may kaugnayan sa kanya. Buod ng Kabanata 1-11 Isang pagtitipon ang idinaos sa tahanan ni Kapitan Tiyago sa Daang Anloague sa Binundok. Marami ang dumalo. Sa mga Espanyol, naroon sina Padre Sibyla, Padre Damaso, Ginoong Laruja at ang tinyente ng guardia-civil. Dahil sa kilala si Kapitan Tiyago sa pagiging bukas-palad, pati mga collado ay dumalo rin sa handaan. Sa handaan, kapansin-pansin ang pag-uumpukan ng mga lalaki at hiwalay naman ang umpukan ng mga babae maliban kay Donya Victorina na humalo sa mga lalaki at pilit na ipinagmamayabang na siya’y Europea. Ipinagmayabang din ni Padre Damaso na kahit ang Kapitan-heneral ay di makakapigil sa isang kura kung nais nitong magpahukay ng patay at tinawag pang Indiyo ang mga Filipino. Nagkataasan pa ng boses sina Padre Damaso at ang tinyente ngunit talagang di nagpapatalo ang prayle at hinamon pa ang tinyente. Sa kabilang banda, dumating si Kapitan Tiyago na hawak sa kamay ang lalaking luksang-luksa. Siya’y si Juan Crisostomo Magsalin Ibarra. Napatigagal ang tinyente at si Padre Damaso pagkakita sa binata. Nilapitan kaagad ni Ibarra ang kura nang makilala at sinabing ang kura ng kanilang bayan at kaibigan ng kanyang ama sabay lahad sa kamay ngunit mariin itong itinanggi ng pari at tinalikuran sila. Naiwan si Ibarra sa bulwagan. Dahil walang nagpakilala sa kanya, siya ang lumapit sa mga nag-uumpukan at ipinakilala ang kanyang sarili gaya ng kaugalian sa Alemanya na natutuhan niya. Nang nakahanda na ang hapunan, madaling dumulog ang mga kalalakihan ngunit kailangan pang pilitin ang mga mga kababaihan. Samantala, kunwari naman nagkahiyaan pa sina Padre Sibyla at Padre Damaso kung sino ang uupo sa kabisera na hindi naman binibitiwan ang upuan. Nang makaupo na ang lahat, ipinahain na ang espesyal na putahe, ang tinolang manok, na ipinasadyang ipaluto ni Kapitan Tiyago sa kaalamang iyon ang paborito ni Ibarra. Nang ipamahagi ang tinola, ang napabigay kay Padre Damaso ay upo at leeg na walang balat at maganit na pakpak ng manok habang ang kay Ibarra ay pawang lamang-loob lahat. Sa inis ng pari, niligis niya ng kutsara ang upo, humigop ng kaunting sabaw at pabagsak na binitiwan sa pinggan ang kutsara sabay tulak. Sa hapag-kainan, naisalaysay ni Ibarra na pitong taon siyang nawala sa Pilipinas ngunit di niya ito nakalimutan kahit pa tila kinalimutan na siya nito. Itinuri niyang pangalawang bayan ang Espanya at na pinagaralan niya ang kasaysayan at kaugalian ng lahat na kanyang napuntahang bansa. Dahil dito, sinansala na naman siya ni Padre Damaso at sinabing sayang lang ang kanyang ginugol na salapi at iyon lamang ang alam na kahit bata ay pwedeng malaman nang di umaalis sa bansa. Naunang umalis si Ibarra ngunit nakasabay niya si Tinyente Guevarra. Ito ang nagsalaysay sa kanya sa totoong dahilan ng kanyang ama, si Don Rafael. Di siya makapaniwala na nakulong ang kanyang ama. Ito ay inakusahang erehe at pilibustero. Nakapatay ng isang artilyero dahil sa pagtatanggol sa isang musmos. Dahil dito, naglabasan ang kaaway nang ito ay makulong. Ayon pa sa tinyente, dahil sa kayamanan at karangalan nito ay marami itong lihim na kaaway na mga Espanyol at prayle. Nang makarating sa Fonda de Lala, wala nang ibang laman ang kanyang isipin kundi ang sinapit ng kanyang ama. Naisip niya na habang siya ang nagsasaya kasama ang naggagandahang dalaga sa ibayong lupain ay naghirap naman sa loob ng kulungan ang kanyang ama. Siguro tinatawag pa nito ang kanyang pangalan bago nalagutan ng hininga. Dahil sa masyadong abala ang kanyang isipan, di niya napansin ang pagdating ng isang bituin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ito ay naging sentro ng paghanga ng mga naroon maging sa kasalukuyang kura ng San Diego, si Padre Salvi, na di nakatulog pag-uwi ng kumbento dahil sa nasaksihan. Kinabukasan, pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t magkasintahang Crisostomo at Maria Clara. Sa asotea, muli nilang binalikan ang masasayang alaala bago sila nagkalayo. Ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sombrero ni Ibarra upang di ito mainitan ay kinuha ng lalaki mula sa kalupi at ipinakita kay Maria Clara na dala-dala niya kahit saan siya magpunta. Kinuha naman ni Maria

475

Clara ang kaisa-isang liham ng lalaki mula sa kanyang dibdib. Ito ang liham ng lalaki na namamaalam sa kanya bago ito pumunta ng Europa para mag-aral. Nang makaalis na ang binata, inutusan ni Kapitan Tiyago ang anak na ipagtulos ng kandila para kina San Roque at San Rafael, mga patron ng paglalakbay, para sa ligtas na paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego. Uuwi si Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng yumaong ama. Bisperas iyon ng Araw ng mga Patay. Habang nasa daan, nasabi niyang wala pa ring pagbabago. Lubak-lubak pa rin ang daanan, nilulumot pa rin ang mga pader, at nababansot na ang mga puno ng talisay. Nakita rin niya ang magarang sasakyan ni Kapitan Tiyago na nakakunot pa ang noo habang ang mga Filipino ay nagtitiis sa paglalakad o sa napakabagal na kalesang hinihila ng kalabaw.Nagugunita tuloy niya ang pangyayari noon na nahilo siya nang dumaan ang sinasakyan sa pabrika ng tabako, ang pagpipison ng mga bilanggo na kulay asul ang damit at may numero at may nakatanod ding bastonero o mayor na hahagupit sa kanila ng latigo sa sandaling titigil sa pagtatrabaho. Lahat ng iyon ang nag-udyok sa kanya na sundin ang payo ng kanyang matandang guro na nagsabi sa kanya na ginto ang sinadya ng mga banyaga sa ating bayan kaya pumaroon din siya sa kanilang bayan upang tumuklas ng ginto. Pinaalalahanan din siya nito na hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Samantala, pumunta si Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago upang sabihin dito na di siya sang-ayon sa pag-iibigan at planong pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Galit siyang tumuloy sa silid ng bahay. Pagkatapos nilang mag-usap, hinipan ni Kapitan Tiyago ang mga nakasinding kandila para sa paglalalakbay ni Ibarra. Dumating si Ibarra sa San Diego. Ang bayang ito ay nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng malalawak na bukirin at palayan. Kung sa Binundok, pinakamayaman si Kapitan Tiyago, sa San Diego naman ay ang pamilya ni Ibarra. Ayon sa kwento, dati itong isang masukal na gubat na nababalot ng katangi-tanging alamat. May tao na ritong nakita noong nakabitin na patay na at umiilaw pa kung gabi ang pinakaloob ng kagubatan. Hanggang sa dumating ang isang matandang Espanyol na matatas managalog. Siya ang bumili ng kagubatan at nilinang iyon. Bigla siyang nawala at di naglaon dumating si Don Saturnino ang ama ni Don Rafael at sinabing siya ang anak ng matandang Espanyol. Magkaiba ng ugali ang dalawa. Masipag at walang kibo si Don Saturnino ngunit mapusok at malupit. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tiyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya-sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang Pransiskano na mukhang masakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Filipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Espanyol, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Pamprosesong Tanong: 1. Sino si Ibarra? 2. Ano ang kaugnayan o relasyon ni Ibarra sa sumusunod na tauhan?

476

Maria Clara

Don Rafael

Padre Damaso

Kapitan Tiyago 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16.

Paano ipinakita ni Ibarra na nasasabik siyang makabalik sa Filipinas? Bakit di-tinanggap ni Padre Damaso ang kamay ni Ibarra? Ano ang nangyari kay Don Rafael ayon sa salaysay ni Tinyente Guevarra? Makatarungan bang ikulong si Don Rafael dahil lamang sa di ito nangungumpisal? Ipaliwanag ang sagot. Bakit nasabi ni Ibarra na wala pa ring pagbabago sa Pilipinas mula nang siya’y umalis? Ano ang sinisimbolo nang nakita ni Ibarra ang puno ng talisay na nabansot? Ano-anong mga kultura at paniniwala ang masasalamin mula sa mga binasang kabanata? Ipaliwanag “Ginto ang ipinunta nila rito, pumunta ka rin sa kanila at tumuklas ng ginto”. Naging madali ba para kay Ibarra na tanggapin ang pagkamatay ng ama? Bakit? Paano ipinakita ni Ibarra na siya ay mapagtimpi? Bakit itinanggi ni Padre Damaso na kaibigan niya ang ama ni Ibarra? Ano ang ipinahiwatig nito? Anong klaseng mangingibig si Ibarra? Gusto mo ba ang klase ng pagsusuyuan nila noon? Sino ang mga makapangyarihan sa bayan ng San Diego? Paano kaya nila nakuha ang kanilang kapangyarihan? Nangyayari pa rin ba ito sa kasalukuyan?

PAGSUSURI Gawain 2: Itala Mo Ilista ang mga pangyayari mula sa nabasang mga kabanata na nagpapakita ng paglabag ng karapatang-pantao

477

PAGSASANAY GAWAIN 3: May Solusyon Bumanggit ng mga posibleng solusyon sa mga nilabag na karapatang-pantao sa naunang gawain. Paano ito maiwasan o di kaya’y makontrol?

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________

478

PAGSASANAY GAWAIN 4: Nakaraa’y Balikan Mo Bumuo ng isang talata na naglalahad sa iyong napagtanto sa uri ng lipunan noon ayon sa mga nabasa at kung papaano maiiwasan ang pagkainggit sa kapwa-tao.

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ________________________________________ PAGTATAYA Subukin Mo Bumuo ng isang Action Plan para masolusyunan ang mga problema o isyu sa lipunan.

TAKDANG ARALIN Magbasa Pa 1.

Basahin ang kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, 29-31. Gawan ng buod ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Ibarra. Pangkat 1 – Pagdating ni Ibarra sa San Diego mula sa Europa Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Ibarra Pangkat 3 – Pagbabanta sa buhay ni Ibarra

2.

Gumupit ng 2 larawan na nagpapakita ng pag-ibig o pagmamahal. Dalhin ito sa klase sa susunod na pagkikita.

479

IKATLONG LINGGO - SESYON 2 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman:

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Baitang : 9 Sesyon : 2 ( Aralin 3.2 ) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon. Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa sinapit ng mga tauhan. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pagibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan. Nasusuri ang mga simbolismo na ginamit sa mga binasang kabanata. Nakalilikha ng photo collage sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, kasintahan, kapwa, at bayan. Napayayaman ang mga kaugaliang Filipino na litaw sa mga binasang kabanata. Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Mga Buhay ni Ibarra ( Kab. 12, 19, 20, 22, 24,26, 29, 30 at 31) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/noli-metangere-buod-ng-bawat-kabanata.html Batayang-aklat, kartolina strips, mga ginupit na larawan, glue



Pagtatanong 1. Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso? 2. Paano ito naiuugnay sa pag-big? 3. Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?

Aktiviti / Gawain

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain



Pagpapabigay ng ilang “hugot lines” ng mga magaaral.

➢ ➢

Pag-uulat ng grupo sa itinakdang kabanata. Pagtatalakay sa mahahalagang pangyayari sa kabanata at mga kaugaliang Filipino na masasalamin dito. Pagtalakay sa denotasyon at konotasyon. Pagbibigay ng konotasyon at denotasyon na kahulugan ng mga salita: buwaya anino kampana umaga

➢ ➢

480

➢ D. PAGLALAPAT Aplikasyon

E. PAGLALAHAT Generalisasyon IV. PAGTATAYA V. TAKDANG-ARALIN

takipsilim Pag-uugnay sa salita sa taong maaaring tinutukoy nito.



Paggawa ng photo collage na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pag-ibig mula sa mga larawang ginupit sa mga diyaryo at magasin. Pangkat 1 – Pag-ibig sa Magulang Pangkat 2 – Pag-ibig sa Kasintahan Pangkat 3 – Pag-ibig sa Kapwa Pangkat 4 – Pag-ibig sa Bayan (Ang pagpapangkat ay maaaring ayon sa larawang nadala o nagupit ng mag-aaral.) Paano napapakilos ng pag-ibig ang isang tao? ➢ Pagpapaliwanag ng grupo sa photo collage na nabuo. ➢ Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat grupo ➢ Basahin ang Kabanata 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at 62. ➢ Alamin kung paano nanganib ang buhay at nagbago ang pag-uugali ni Ibarra at kung sino-sino ang nagbabalak nang masama sa kanya.

TUGON

PAGNINILA-NILAY

481

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 3.2 Sesyon 2

TUKLASIN

Masarap ang magmahal at lalo na ang mahalin ka. Iba-iba man ang naging karanasan ng mga taong umibig, pinipili pa rin nating sumugal sa pag-ibig kaysa umiwas dito.

GAWAIN 1: Iugnay Mo Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso? 2. Paano ito naiuugnay sa pag-big? 3. Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?

PAGSUSURI Gawain 2: Hugot Ko, Pakinggan Mo Basahin nang puno ng damdamin ang mga hugot lines sa ibaba. Pagkatapos, magbigay din ng sarili mong halimbawa.

482

ALAM MO BA NA …

Ang buhay ni Ibarra ay makukuhanan natin ng aral sa iba’t ibang uri ng pagmamahal. Di lamang niya ipinakita kung anong klaseng kasintahan siya kay Maria Clara ngunit ipinamalas din niya ang pagmamahal sa bayan, sa kapwa, sa Diyos at maging sa sarili. Alamin mula sa mga sumusunod na kabanata kung papaano mahalin ang sarili na hindi ka hahantong sa pagiging makasarili. Buod ng Kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, at 29-31 Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa isang malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula nang mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapon ito sa lawa. Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak na adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila dito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at nang makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso. Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang

483

ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo noong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na rito ang kawalan ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid-aralan na akma upang makapag-aral nang walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Espanyol at kahit anong tiyaga ng guro na ituro sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kumbento, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedisiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya nang hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor. Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya-siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapat ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga-San Diego. Ang sentro rin ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Filipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya. Araw ng pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi roon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya sa lahat ng mga tao roon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag nang isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra. Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta na sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito

484

habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya-sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya-sibil ang kagubatan ngunit wala silang nakitang Elias. Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minanaat antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-punong mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, pagtugtog ng kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin. Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway. Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainam na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagastusan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit wala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habang siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkakaiba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

485

Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso.Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang magsermon hanggat hindi ito tapos makapagmayabang. Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Espanyol. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Filipino na binibigkas sa wikang Espanyol kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao roon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tiyago. Sina Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na rin sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias. http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/noli-me-tangere-buod-ng-bawat-kabanata.html

Pamprosesong Tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.

Bakit di nagawa ng sepulturero ang ipinag-utos ni Padre Garrote sa bangkay ni Don Rafael? Ayon sa kanya, bakit mas mabuti pang malibing sa ilalim ng lawa kaysa ilibing sa libingan ng mga Intsik ang hinukay? Ano ang masasalamin natin sa lipunan noon? Sino ang napagbuntunan ng galit ni Ibarra sa natuklasan niya? Isalaysay ang pangyayari at bigyangreaksyon. Ano-ano ang napag-alaman ni Ibarra sa mga naging karanasan at suliranin ng guro sa pagtuturo? Sa tingin mo ba’y problema pa rin ito ng mga guro ngayon? Bakit? Sa halip na maghiganti sa mga taong lumampastangan sa kanyang ama, ano ang naging balak gawin ni Ibarra? Bakit kaya? Sino ang masusunod noon sa mga gawaing panlipunan at panrelihiyon tulad ng pista? Makatarungan kaya ito? Ilarawan si Padre Salvi. Ano-ano ang kanyang mga katangian? Ilarawan si Padre Damaso bilang alagad ng Diyos. Tama ba ang kanyang inugali sa pulpito? Bakit?

486

10. Itala ang lahat na pagpapahalaga at kulturang Pilipino na masasalamin sa mga kabanatang tinalakay.

Kulturang Pilipino

Pagpapahalagang Pilipino

TANDAAN

Di lahat ng mga salita o pahayag ay nagtataglay ng iisa o literal na kahulugan. Sa pagpapakahulugan, dapat isaisip ang denotasyon at konotasyong kahulugan kung alin ba sa dalawa ang tinutukoy ng nagsasalita. Denotasyon • Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo. • Ito ay literal o totoong kahulugan ng isang salita. Konotasyon • Ito ay pansariling pagpapakahulugan ng isa o grupo ng mga tao sa isang salita. • Ang kahulugan sa konotasyon ay iba sa totoong kahulugan.

PAGSASANAY GAWAIN 3: Kahulugan, Ibigay Mo Ang mga salita ay maaaring nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Kung minsan literal kung minsan naman ay pansarili o patalinghaga. Subukin mo ngayong ibigay ang konotasyon at denotasyon ng mga larawang makikita sa ibaba. Denotasyon Konotasyon 1.

487

___________________

_________________

2.

___________________

_________________

3.

___________________

_________________

___________________

_________________

__________________

_________________

4.

5.

PAGSASANAY Gawain 4: Pag-isipan Mo

488

Paano napapakilos ng pag-ibig ang tao?

PAGLALAPAT Gumawa ng photo collage na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pag-ibig mula sa mga larawang ginupit sa mga diyaryo at magasin. Pangkat 1 – Pag-ibig sa Magulang Pangkat 2 – Pag-ibig sa Kasintahan Pangkat 3 – Pag-ibig sa Kapwa Pangkat 4 – Pag-ibig sa Bayan

PAGTATAYA ➢ ➢

Pagpapaliwanag ng grupo sa photo collage na nabuo.

Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat grupo

TAKDANG ARALIN ➢ ➢

Basahin ang Kabanata 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at 62. Alamin kung paano nanganib ang buhay at nagbago ang pag-uugali ni Ibarra at kung sinosino ang nagbabalak nang masama sa kanya.

489

IKATLONG LINGGO - SESYON 3 – 4 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman:

Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

Baitang : 9 Sesyon : 3-4 (Aralin 3.3 – 3.4) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon. Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa sinapit ng mga tauhan. Napaghahambing ang kalagayan ng lipunan noon at ngayon batay sa sariling karanasan at sa napapanood sa telebisyon at/ o pelikula. (F9PD-IVd-57) Nailalarawan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili matapos mabasa ang akda. (F9PS-IVd-60) Naitatala ang mga impormasyong nakuha sa isinagawang panayam sa mga taong may lubos na kaalaman sa aralin. (F9EP-IVd-22)

I. LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II. PAKSANG-ARALIN A. PAKSA

B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III. PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Nakapagbabahagi ng mga ideya batay sa paksa. Nakapagsasagawa ng isang panayam tungkol sa mga binanggit na pangyayari sa aralin. Napahahalagahan ang pagpapanatili ng kahinahunan sa sarili sa gitna ng magulong sitwasyon. Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Mga Buhay ni Ibarra (Kab. 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at 62) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk Batayang-aklat, cartolina strips, mga ginupit na larawan, glue ➢ Paglalahad ng pangganyak na tanong 1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbabago ng ugali ng tao? 2. Dapat ba natin siyang husgahan at sisihin sa pagbabagong ito? Bakit?

Aktiviti / Gawain

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

490



Pagbanggit ng mga tauhan sa mga napanood na teleserye o pelikula na nagbago ang mga paguugali.

➢ ➢

Paglilinang ng Talasalitaan Dugtungang Pagsasalaysay sa naging buhay ni Ibarra mula nang dumating sa Filipinas.

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Paghambingin ang katwiran nina Ibarra at Elias. Kaninong katwiran ang higit na matimbang? Bakit?

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa kasunod na gawain. https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s Ang pakikipanayam o pangangalugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.

E. PAGLALAHAT Generalisasyon

Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam 1. Humingi ng kaukulang pahintulot sa tiyak na taong nais kapanayamin. 2. Dumating ng mas maaga sa itinakdang oras na panayam . 3. Tiyakin dala ang mga kinakailangan kagamitan sa paglulunsad ng panayam. 4. Agad na pasalamatan ang kinakapanayam dahil sa pag sang-ayon lalo na sa oras at panahong inilaan para sa gawing ito. 5. Magpakilala nang may paggalang. 6. Tumingin sa kinakapanayam at magpakita ng tiwala sa sarili. 7. Limitahan ang mga katanungan at iwasan ang mga personal na tanong. 8. Tapusin ang panayam sa itinakdang oras. 9. Magalang na magpasalamat. IV. PAGTATAYA V. TAKDANG-ARALIN

Bakit mahalagang panatilihin ang kahinahunan lalong-lalo na sa magulong sitwasyon? Sarili, Ihanda Mo Panoorin ang videoclip ng isang eksena sa korte na mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk

TUGON PAGNINILA-NILAY

491

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 3.3 – 3.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN Karapatan ng tao kahit pa ng isang nasasakdal na idepensa ang kanyang sarili sa harap ng hukuman. Kaugnay nito, marami na ring pagkakataon na kung saan nalalagay tayo sa sitwasyon na napagkamalan,napagbintangan o di kaya’y di nauunawaan ng iba ang ating ginagawa. Bago pa man ito mangyari ay paghandaan mo na sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. GAWAIN 1: Nagbago Ka, Nagbago Siya Mag-isip ng mga tauhan sa mga napanood mong pelikula o teleserye na nagbago ang ugali at sabihin kung ano-ano ang mga dahilan ng pagbabagong iyon.

Tauhan/Karakter

Pagbabago

Dahilan

Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbabago ng ugali ng tao? 2. Dapat ba natin siyang husgahan at sisihin sa pagbabagong ito? Bakit? 3. Papaano kaya natin sila matutulungan para makabalik sa dating pag-uugali (mabuti)?

ALAM MO BA NA…

Nagkaroon ng sakuna sa araw ng paghugos ng unang bato sa paaralang itatayo ni Ibarra. Ang paaralang kanyang naisip na itayo para tulungan ang kanyang minamahal na bayan at iangat ang katayuan ng mga kababayan.Basahin ang mga kabanata na nagpapakita na may mga taong may masasamang tangka sa kanyang buhay. Kabanata 32, 34-36,49, 54-55, 58, 60, 62 Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Ñol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Ñol

492

Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagkokontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang makiisa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Ñol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat. Huling dumating sa pananghalian sa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan nang ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patotsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nag-umalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kaya’t nang inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra, dinaluhong niya ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito. Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi makakapagpigil kung ang ama ang lalapastanganin. Ang mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapupunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Ganunpaman, wala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindikatulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Filibustero ng mga prayle si Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga mahihirap. Nagdesisyon ang mga prayle na paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang maekskomulgado ang binata. Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago kaya naging abala ang lahat sa paghahanda maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat ito’y ekskomulgado. Naging walang silbi ang pang-aalo nina Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa at magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang-dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Labis ang paghanga ng kapitan-heneral kay Ibarra nang makausap ito. Inalok pa niya itong sumama pabalik sa Europa.

493

Kinagabihan, pinuntahan ni Elias si Ibarra at sinabi kaagad na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan, si Kapitan Pablo, na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao. Nagtaka si Ibarra. Hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala sa tinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Binigyang-diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi sa bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ang bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may kapangyarihan. Sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa lumitaw na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala. Orasyon. Pahangos na nagtungo ang kura sa bahay ng alperes. Sinabi ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin ng gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisano ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli ng mga buhay ang mga lulusob. Sa kabilang dako, isa namang lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad namang itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang narinig si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Mula sa mga kasulatan, nalaman ni Elias na si Don Pedro Eibarramendia ay nuno ni Ibarra. Natuklasan ng piloto na ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan nang biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra at itinuloy ang pagsunog sa mga mahahalagang papeles at dokumento. Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan si Sinang sa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad-lakad si Padre Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan sa pagdating ni Ibarra. Kasalukuyang kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalis na ang "multong" si Padre Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ikawalo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang

494

magdasal. Siya namang pagpasok ni Ibarra na luksang-luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod-sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. Biglang pumasok ang mga tulisan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan nang malubha si Padre Salvi. Tiniyak ng alperes na wala nang panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Hindi nagkausap sina Ibarra at Maria, basta nagpatuloy na lamang sa paglakad ang binata. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na nakabayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na huwag niyang pabayaang makatakas ang mga nahuling lumusob. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya sa kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nang nakarinig siya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na Espanyol. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama siya. Sa kabilang dako, gulong-gulo ang isip ni Elias nang pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na nangingipuspos ang kanyang damdamin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nag-ipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito ng gaas at saka sinilaban. Biglang nagkaroon ng malalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra. Pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal ang pamilya ng mga bilanggo. Nang ilabas ang mga bilanggo upang dalhin sa pangulong-bayan, lahat sila’y may gapos matangi kay Ibarra. Ang bagay na ito ay lalong ikinagalit ng mga kaanak ng mga bilanggo kay Ibarra. Kahit pilit siyang nagpalagay ng gapos, hindi nabawasan ang galit ng mga ito. Sinigawan, isinumpa at inulan si Ibarra ng mga bato at buhangin. Isa mang kaibigan ay wala siyang nakita.Walang naawa sa kanya. Doon niya nadama nang husto ang mawalan ng inangbayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang kinabukasan. Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan nina KapitanTiyago at Donya Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kanya at kay Ibarra na labis na nakasakit ng kanyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asotea at tumanaw sa ilog. Ilang sandali pa, isang bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito ay umakyat sa kinaroroonan ng dalaga, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pagiibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang pagtakas

495

ng binata. Pumasok si Elias upang akalaing taga-Penafrancia siya. Pinahiga niya si Ibarra sa bangka habang tinutugis sila. Ibinalita sa pahayagan ang pagkalunod ng bangkang sinakyan ni Ibarra, ang nagbibigay sa kanya ng pagnanais na makibaka, maghintay at magtiwala. Sa gitna ng pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang dahilan ng pag-ayaw niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binata, ang tanging nalalabi sa kanya ay ang kumbento o ang kamatayan.

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang inilagay sa uka ng batumbuhay? Paano ito magiging makabuluhan sa darating na panahon? 2. Ano ang nagtulak sa taong madilaw para pagtangkaan ang buhay ni Ibarra? Makatarungan ba ang kanyang ginawa? Bakit? 3. Anong kalagayan ang nagpalubha sa galit ni Ibarra kay Padre Damaso? 4. Makatwiran ba ang parusang iginawad kay Ibarra? 5. Sa kasalukuyan, sinlawak pa rin ba ang impluwensya ng mga pari o ministro sa kay Padre Damaso? Patunayan. 6. Kailan nagiging banyaga sa sariling bayan ang isang Pilipino? Ano ang epekto nito sa indibidwal? Sa kanyang bayan? 7. Kung ikaw si Elias, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang pagtulong kay Ibarra matapos mong malaman na nuno nito ang dahilan ng kasawian ng inyong angkan? Bakit? 8. Anumang panganib sa buhay ni Ibarra ay naroroon si Elias. Ano sa palagay mo ang dahilan at hindi maiwan-iwanan ni Elias si Ibarra? 9. Bakit nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi nang gabi ng kaguluhan? 10. Kung inibig ni Ibarra, maililigtas ba niya ang kanyang sarili sa gulo? Paano? 11. Bakit tumindi ang poot ng mga tao kay Ibarra? Paano nila ipinadama ang kanilang galit? 12. Ayon kay Tinyente Guevarra, paano sana nakaligtas sa pagkapiit si Ibarra? 13. Nang malamang patay na si Ibarra, bakit ayaw nang magpakasal ni Maria Clara kay Linares?

PAGSUSURI Gawain 2: Pagtimbangin Mo

Paghambingin ang katwiran nina Ibarra at Elias. Kaninong katwiran ang higit na matimbang? Bakit?

496

TANDAAN

Ang pakikipanayam o pangangalugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid. Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam 1. Humingi ng kaukulang pahintulot sa tiyak na taong nais kapanayamin. 2. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras na panayam . 3. Tiyaking dala ang mga kinakailangan kagamitan sa paglulunsad ng panayam. 4. Agad na pasalamatan ang kinakapanayam dahil sa pagsang-ayon lalo na sa oras at panahong inilaan para sa gawing ito. 5. Magpakilala nang may paggalang. 6. Tumingin sa kinakapanayam at magpakita ng tiwala sa sarili. 7. Limitahan ang mga katanungan at iwasan ang mga personal na tanong. 8. Tapusin ang panayam sa itinakdang oras. 9. Magalang na magpasalamat. PAGSASANAY GAWAIN 3: Panoorin Mo Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa kasunod na gawain. https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s

PAGSASANAY GAWAIN 4: Kung Ikaw Ako Anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon? Isulat sa ibaba nito. Ipinagkasundo kang ipakasal sa anak ng kaibigan ng iyong mga magulang. Di mo iyon gusto dahil nais mong makalabas muna ng bansa at may napupusuan ka na. Ano ang gagawin mo? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

Ikaw ang napagbintangan na nagpasimuno ng gulo sa klase. Ano ang gagawin mo? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

497

PAGLALAPAT Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa kasunod na gawain. https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s

Pakikipanayam, Planuhin Na Pumili ng taong kakapanayamin sa sumusunod na paksa. Pangkat 1: Mga Bagay na Inilalagay sa Paghugos ng Unang Bato Pangkat 2: Pagpapatawad sa mga Taong Nagkasala Pangkat 3: Mga Dahilan ng Pagpataw ng Ekskomunyon Pangkat 4: Pangingialam ng mga Magulang sa Desisyon ng mga Anak

PAGTATAYA Pahalagahan Mo

Bakit mahalagang panatilihin ang kahinahunan lalong-lalo na sa magulong sitwasyon?

TAKDANG ARALIN

Sarili, Ihanda Mo Panoorin ang videoclip ng isang eksena sa korte na mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk

498

IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 1 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

Baitang : 9 Sesyon :1 (Aralin 4.1) Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay – pahiwatig sa kahulugan (F9PT-IVe-f-59) Nasusuri kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon o nagpapahayag ng damdamin (F9PS-IVe-61) Nabibigyan ng kasingkahuluga ang iilang salita na nagtataglay ng malalim na kahulugan sa aralin; Nakapagbibigay ng ideya na may kaugnayan sa mga pangyayari sa aralin;at Nakapagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa mga pahayag. Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag Kabanata 65 Ang Pagkapahamak Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat, Audio Tape o Radio

III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

1.Kayo ba ay may mga lihim? 2.Naniniwala ba kayo na walang lihim na hindi nabubunyag? 3.Sa mga lihim na ito’y nakapagdudulot ba ng kabutihan o kapahamakan? Pangkatang pagpapagawa ng isang showbiz balita. Pipili lamang ang guro ng iilang grupo na magbabahagi ng kanilang nagawa. Pangkatang Pag – uulat : Pangkat 1 – Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag Pangkat 2 – Kabanata 65 Ang Pagkapahamak (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

499

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

E. PAGLALAHAT

IV PAGTATAYA V TAKDANG-ARALIN

Pagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa pahayag na hango sa mga kabanatang tinalakay. Mga Pahayag: • “Hindi maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan”. • “Sapilitang pinasok ng guwardiya civil ang bahay ni Ibarra”. Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling Dula - dulaan” Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak. Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay. Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak. Sa inyong palagay ang mga lihim na pilit ninyong itinatago ay nakapagbibigay ba ng katahimikan sa inyong sarili?Bakit? Magsulat ng isang sanaysay na may temang “Walang Lihim na Hindi Nabubunyag” Paunang basahin ang mga sumusunod na kabanata sa nobelang Noli Me Tangere. *Kabanata 45 *Kabanata 49 *Kabanata 61

TUGON PAGNINILA-NILAY

500

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 4.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Makikita kay Elias ang ilang paniniwala at katangian ni Rizal – ang pagiging tapat at mapagmahal na kaibigan, mapagmahal sa bayan at paniniwalang ang bayan ay pinakamahalaga higit sa lahat ng bagay. Likas sa tao ang kabutihan subalit kapag pinagmalupitan at pinagkaitan ng katarungan, natututong maghimagsik at lumaban. Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Elias Kabanata XXIII Kabanata XXV Kabanata XLV Kabanata XLIX Kabanata LII Kabanata LIV Kabanata LV Kabanata LXI Kabanata LXIII

(Ang Pangingisda) (Si Elias at si Salome–tagong kabanata ng akda) (Ang Mga Nagrerebelde) (Tinig ng Pinag - uusig) (Ang mga Tao sa Libingan) (Ang Lihim Na Nabunyag) (Ang Pagkapahamak) (Habulan sa lawa) (Noche Buena)

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG 1. 2. 3.

Kayo ba ay may mga lihim? Naniniwala ba kayo na walang lihim na hindi nabubunyag? Sa mga lihim na ito’y nakapagdudulot ba ng kabutihan o kapahamakan?

GAWAIN 1: Ibalita Mo Pangkatang pagpapagawa ng isang showbiz balita. Pipili lamang ang guro ng iilang grupo na magbabahagi ng kanilang nagawa.

PAGSUSURI GAWAIN 2: Iulat Mo Pangkatang Pag – uulat : Papangkatin ng guro ang klase para sa pag – uulat. Pangkat 1 – Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag Pangkat 2 – Kabanata 65 Ang Pagkapahamak (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

501

ALAM MO BA NA…

Kabanata 64: Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita. Kung kailan nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.

PAGSASANAY GAWAIN 3: Ibigay Mo Pagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa pahayag na hango sa mga kabanatang tinalakay. Mga Pahayag: ➢ Hindi maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan. ➢ Sapilitang pinasok ng guwardiya civil ang bahay ni Ibarra.

PAGLALAPAT Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling Dula - dulaan” Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak. Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay. Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak.

TANDAAN

Hindi nakapagdudulot ng maganda kung ang indibidwal ay may dinadalang lihim na nakapagpabagabag sa sarili dahil may kasabihan tayo na walang lihim na hindi nabubunyag.

PAGTATAYA Magsulat ng isang sanaysay na may temang “Walang Lihim na Hindi Nabubunyag”

502

TAKDANG ARALIN Basahin Mo Paunang basahin ang mga sumusunod na kabanata sa nobelang Noli Me Tangere. *Kabanata 45 – Ang mga Nagrebelde *Kabanata 49 – Tinig ng Pinag-uusig *Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa.

503

IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 2 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv:

Baitang : 9 Sesyon : 2 (Aralin 4.2) Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng pag – uugnay sa ilang pangyayari sa kasulukuyan. (F9PN-IVe-f- 59) Batay sa naririnig/nababasa sa multimedia, nailalahad ang mga hinaing ng mga piling tauhan na siya ring hinaing ng mamamayan sa asalukuyan. (F9PD-IVe-f-58) Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias na maiuugnay sa iilang pangyayari sa kasalukuyan; Nakapapaskil ng napiling larawan sa Timeline ng Facebook page na gawa ng guro;at Nakapagtatamo ng kasiyahan sa pagtulong ng mga nangangailangan.

II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA

B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong: Aktiviti / Gawain

Mahahalagang Pangyayari sa buhay ni Elias: Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Larawan, Kompyuter, Magasin, Pahayagan/Diyaryo

Bubuo ang guro ng circle group sa klase (nasa guro na kung ilang miyembro bawat pangkat). Magpakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng kasawiang nararanasan ng mga tao. Bigyan ang mag – aaral ng pagkakataong pag – usapan ang nasa larawan. Maaaring gawing gabay ang mga tanong:

504

1. 2. 3.

Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Bakit nangyayari ang ganitong kasawian sa isang tao? Ilarawan ang damdaming namayani sa iyo habang tinitingnan mo ang larawan? Pagkatapos, magtatalaga ang guro ng isang tagapagsalita sa pangkat na magbabahagi ng kanilang pinag – usapan. Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang guro sa mga naging sagot ng mga mag – aaral. B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias na maiuugnay sa iilang pangyayari sa kasalukuyan. Pangkat 1 Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde Pangkat 2 Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig Pangkat 3 Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa (Maaaring magbigay ng feedback sa ginawang ulat ng mag - aaral) Ipasasagot ng guro sa bawat pangkat ang mahahalagang tanong sa aralin gamit ang 3-2-1 strategy. Sa unang tanong, 3 sagot, ikalawa 2 sagot, ikatlong tanong 1 sagot. Ipasulat s mga mag – aaral ang mga sagot sa kartolina at ipapaskil ito. Hayaan ng guro na nakapaskil ito hanggang sa matapos ang aralin. Mga Tanong: 1. Bakit natututong lumaban o maghimagsik ang tao? 2. Paano ipinakita ni Elias ang pagmamahal sa isang kaibigan? 3. Sino ang sinisimbolo ni Elias?

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

Papangkatin ang klase sa lima. Pipili ang bawat grupo ng isang larawan na pwedeng maiuugnay sa buhay ni Elias na ilalagay sa timeline ng facebook page na gawa ng guro. Ang larawang nailagay sa timeline ay bibigyan ng pagpapaliwanag.

505

E. PAGLALAHAT IV PAGTATAYA

V TAKDANG-ARALIN

Bilang isang mag – aaral, ano ang pakiramdam na nakatulong ka sa iyong kapwa? Ang pagtulong ba ay bukas sa iyong kalooban? Pumili ng isang kaibigan na maituturing na pinakamatalik. Maglahad ng iilang sitwasyong sa tingin mo ay may naitulong/naiambag sa iyong buhay. Magsaliksik ng mga Kulturang Pilipino.

TUGON PAGNINILA-NILAY

506

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 4.2 Sesyon 2 TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias

Pamantayan sa Pagganap:

Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG 1. 2. 3.

Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Bakit nangyayari ang ganitong kasawian sa isang tao? Ilarawan ang damdaming namayani sa iyo habang tinitingnan mo ang larawan?

GAWAIN 1: Ibahagi Mo Bubuo ang guro ng circle group sa klase (nasa guro na kung ilang miyembro bawat pangkat). Magpakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng kasawiang nararanasan ng mga tao. Bigyan ang mag – aaral ng pagkakataong pag – usapan ang nasa larawan. Maaaring gawing gabay ang mga tanong:

Pagkatapos, magtatalaga ang guro ng isang tagapagsalita sa pangkat na magbabahagi ng kanilang pinag – usapan. Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang gurosa mga naging sagot ng mga mag – aaral. PAGSUSURI GAWAIN: Iulat mo

507

Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias na maiuugnay sa iilang pangyayari sa kasalukuyan. Pangkat 1 Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde Pangkat 2 Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig Pangkat 3 Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa (Maaaring magbigay ng feedback sa ginawang ulat ng mag - aaral) ALAM MO BA NA…

Kabanata 45: Nagsadya sa kabundukan si Elias upang makipagkita kay Kapitan Pablo, isa sa mga pinag – uusig ng pamahalaan. Ibig ni Elias na iwan na ng matanda ang pamumundok, sumama sa kanya sa Hilaga at magsama silang parang mag – ama. Sinabi niya sa kapitan na may kaibigan siyang mayaman at kaibigan ng Kapitan – Heneral, si Ibarra. Sinabi niyang makatutulong ang binata sa pagpaparating sa Madrid ng kanilang mga kairingan. Kabanata 49: Habang namamangka sa lawa, inilahad ni Elias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga pinaguusig. Sinabi ni Ibarra na hindi kailangan ang pagbabago, na ang mga guardia civil ay kailangan ng pamahalaan at ang kasiraan ng korporasyon ng mga prayle ay isang masamang kahilingan. Kabanata 61: Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang pagtakas ng binata. Pumasok si Elias sa Ilog Beata upang akalaing taga-Penafrancia siya. Nang makarating sila sa lawa, nabanaagan ni Elias ang palwa kaya pinahiga niya sa bangka si Ibarra at tinakpan ng bayong. Binago ni Elias ang bangka ngunit may sumulpot na isa pang palwa. Ipinihit ni Elias ang bangka patungong pulo ng Talim. Dalawa na ang tumutugis sa kanila.

PAGSASANAY GAWAIN 3: Sagutin Mo

Ipasasagot ng guro sa bawat pangkat ang mahahalagang tanong sa aralin gamit ang 3-2-1 strategy. Sa unang tanong, 3 sagot, ikalawa 2 sagot, ikatlong tanong 1 sagot. Ipasulat sa mga mag – aaral ang mga sagot sa kartolina at ipapaskil ito. Hahayaan ng guro na nakapaskil ito hanggang sa matapos ang aralin. Mga Tanong: 1. 2. 3.

Bakit natututong lumaban o maghimagsik ang tao? Paano ipinakita ni Elias ang pagmamahal sa isang kaibigan? Sino ang sinisimbolo ni Elias? PAGLALAPAT Papangkatin ang klase sa lima. Pipili ang bawat grupo ng isang

508

larawan na pwedeng maiuugnay sa buhay ni Elias na ilalagay sa timeline ng facebook page na gawa ng guro. Ang larawang nailagay sa timeline ay bibigyan ng pagpapaliwanag.

TANDAAN

Ang Kahalagahan ng Mabubuting Kaibigan Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos, lalo na sa ating kabataan. “Malaki ang magiging impluwensya nila sa inyong pag-iisip at pagkilos, at maging sa kahihinatnan ng inyong pagkatao.” At kapag mabubuting kaibigan ang pinili ninyo, “malaking kalakasan at pagpapala sila sa inyo. … Tutulungan nila kayong maging mas mabuting tao at gagawing mas madali para sa inyo na ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.”Ang pagkakaroon ng mga kaibigan batay sa alituntuning ito ay tutulong sa kabataan na bumuo ng mga pakikipag-ugnayan na magtatagal at pakikihalubilo na higit pa sa pagiging “mga kaibigan” sa mga social networking site. Bilang magulang matutulungan mo ang iyong mga anak na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging mabuting kaibigan at pagpili ng mga kaibigan na hihikayat sa kanilang ipamuhay ang ebanghelyo. https://www.lds.org/liahona/2013/04/the-importance-of-good-friends?lang=tgl

PAGTATAYA Pumili ng isang kaibigan na maituturing na pinakamatalik. Maglahad ng iilang sitwasyong sa tingin mo ay may naitulong/naiambag sa iyong buhay.

TAKDANG ARALIN Saliksikin Mo

Magsaliksik ng mga Kulturang Pilipino.

509

IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 3 - 4 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA

B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Baitang : 9 Sesyon : 3-4 (Aralin 4.3 – 4.4) Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanatang nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano. (F9PB-IVe-f-59) Nakikibahagi sa pagsulat at pagtatanghal ng pagsasadula ng ilang isyung binanggit sa akda na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan. (F9PU-IVe-f-61) Nasusuriang mga Kulturang Filipino; Naisasadula ang nagawang komik istrip ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa Kulturang Filipino;at Napapanatili ang pagpapahalaga mga Kulturang Filipino.

Kabanata 23 – Ang Pangingisda Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino Kabanata 63 – Noche Buena Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat,

1. 2. 3.

Aktiviti / Gawain

Ano – ano ang mga Kulturang Pilipino? Sa tingin ninyo ang mga kulturang inyong nabanggit ay napahahalagahan pa rin ba sa kasalukuyan? Paano mo mapahahalagahan ang mga Kulturang Pilipino?

Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Picture Perfect ay ipapakita ng bawat pangkat ang iilang Kulturang Pilipino na ibibigay ng guro.

510

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Pangkatang pag – uulat . Pangkat 4 Kabanata 23 – Ang Pangingisda Pangkat 5 Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino Pangkat 6 Kabanata 63 – Noche Buena (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag - aaral)

Ipapaliwanag sa mag – aaral ang kulturang Pilipinong inilahad sa aralin at ang kalagayan nito sa kasalukuyan. Gamit ang Triple Entry Journal. Mga Kulturang Pilipino na inilahad sa Aralin

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

Saang Kabanata ito Makikita

Kalagayan ng mga Kulturang ito sa Kasalukuyan

Pagpapasadula sa nagawang Komik Istrip ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa Kulturang Pilipino.

511

E. PAGLALAHAT

IV PAGTATAYA

V TAKDANG-ARALIN

Malaya ang guro sa pagpapangkat ng klase at pagbubuo ng rubrik na pagbabasehan sa pagsasadula. Bilang isang Filipino, buong puso mo ba na niyakap ang kulturang pamana ng nakaraan? Paano mo ito pahahalagahan para sa kasalukuyan maging sa hinaharap? Ipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: ➢ Masining ➢ Orihinal ➢ Makatotohanan ➢ Kaangkupan ng mga pahayag ➢ Presentasyon (Maaaring bumuo ng sariling rubrik ang guro sa pagtataya) Paunang basahin ang mga kabanata na may kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara. Mga Kabanata: VI-(Si Kapitan Tiyago) VII-(Suyuan sa Asotea) XXII-(Liwanag at Dilim) XXIV-(Sa Gubat) XXVII-(Dapithapon) XXVIII-(Mga Sulat) XXXVI-(Mga Suliranin) XXXVII-(Ang Kapitan Heneral) XXXVIII-(Ang Prusisyon) XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana) XLIV-(Ang Pangungumpisal) XLVIII-(Mga Talinghaga) LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

TUGON PAGNINILA-NILAY

512

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 4.3 – 4.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG 1. 2. 3.

Ano – ano ang mga Kulturang Pilipino? Sa tingin ninyo ang mga kulturang inyong nabanggit ay napahahalagahan pa rin ba sa kasalukuyan? Paano mo mapahahalagahan ang mga Kulturang Filipino?

GAWAIN 1: Iaksyon Mo Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Picture Perfect ay ipapakita ng bawat pangkat ang iilang Kulturang Pilipino na ibibigay ng guro.

PAGSUSURI GAWAIN 2: Iulat mo Pangkatang pag – uulat . Papangkatin ng guro ang klase para sa pag - uulat. Pangkat 4 Kabanata 23 – Ang Pangingisda Pangkat 5 Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino Pangkat 6 Kabanata 63 – Noche Buena (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral

ALAM MO BA NA…

513

Kabanata 23: Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binata sa pistang pambukid ni Ibarra. Sumakay sila sa dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang baklad upang kumuha ng mga isdang kanilang lulutuin. Gayon na lamang ang pagtataka nila nang walang isdaang baklad. Kabanata 62: Ang balitang nalunod si Ibarra’y tuluyang pumaram sa pagnanais ni Maria Clara na makibaka, maghintay at magtiwala. Sa pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang dahilan ng pag –ayaw niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binata, ang tanging nalalabi sa kanya ay ang kumbento o ang kamatayan. Kabanata 63:Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita. Kung kailan nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.

PAGSASANAY GAWAIN 3: Itala Mo Ipapaliwanag sa mag – aaral ang kulturang Filipinong inilahad sa aralin at ang kalagayan nito sa kasalukuyan. Gamit ang Triple Entry Journal. Mga Kulturang Filipino na inilahad sa Aralin

Saang Kabanata ito Makikita

Kalagayan ng mga Kulturang ito sa Kasalukuyan

PAGLALAPAT Pagpapasadula sa nagawang Komik Istrip ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa Kulturang Filipino.

514

Malaya ang guro sa pagpapangkat ng klase at pagbubuo ng rubrik na pagbabasehan sa pagsasadula.

TANDAAN

Ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwala kaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo. Maraming paraan upang mapagyaman at mapalaganap ang kulturang Filipino. Ngunit ang unang hakbang ay matutuhan mong mahalin ito at huwag ikahiya sa iba. Matutong ibahagi sa iyong kapwa ang iyong kultura.

PAGTATAYA Ipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan: ➢ ➢ ➢ ➢ ➢

Masining Orihinal Makatotohanan Kaangkupan ng mga pahayag Presentasyon

(Maaaring bumuo ng sariling rubrik ang guro sa pagtataya)

TAKDANG ARALIN Basahin Mo Paunang basahin ang mga kabanata na may kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara. Mga Kabanata: VI-(Si Kapitan Tiyago) VII-(Suyuan sa Asotea) XXII-(Liwanag at Dilim) XXIV-(Sa Gubat) XXVII-(Dapithapon) XXVIII-(Mga Sulat) XXXVI-(Mga Suliranin) XXXVII-(Ang Kapitan Heneral) XXXVIII-(Ang Prusisyon) XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)

515

XLIV-(Ang Pangungumpisal) XLVIII-(Mga Talinghaga) LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

516

IKALIMANG LINGGO - SESYON 1 - 2 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv: II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

Baitang : 9 Sesyon : 1-2 (Aralin 5.1 – 5.2) Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa pag – ibig. (F9PB-IV-j-61) Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng mga tauhan upang mapabuti ang sariling ugali, pagpapahalaga at buong katauhan. (F9PS-IVi-j-63) Naibabahagi ang sariling damdamin sa naging kapalaran ng tauhan sa akda at ang pag – unawa sa damdamin ng tauhan batay sa napakinggang talakayan (F9PN-IVi-j-61) Nakabubuo nang mabisang pananaw tungkol sa pag – ibig. Naihahambing at naibabahagi ang mga ideya sa kababaihan sa nakaraan at sa kasalukuyan. Napahahalagahan ang mga pangyayaring nagpapakita ng pagpapahalagang Pilipino Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ni (C. Maria Clara) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat, Larawan

III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain

1.Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pag – ibig? 2.Naranasan mo na bang umibig? 3.Gaano makapangyarihan ang pag – ibig?

Papangkatin ng guro ang klase, depende na sa guro kung ilang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng isang hugot lines na ukol sa pag – ibig. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa klase.

517

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan(C. Maria Clara) maaring gumamit ng estratehiyang Story Ladder. Depende na sa guro kung paano niya hahatiin ang kabanata sa pag – uulat. VI-(Si Kapitan Tiyago) VII-(Suyuan sa Asotea) XXII-(Liwanag at Dilim) XXIV-(Sa Gubat) XXVII-(Dapithapon) XXVIII-(Mga Sulat) XXXVI-(Mga Suliranin) XXXVII-(Ang Kapitan Heneral) XXXVIII-(Ang Prusisyon) XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana) XLIV-(Ang Pangungumpisal) XLVIII-(Mga Talinghaga) LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara) (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag - aaral)

Story Ladder

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Paghambingin ang babae Noon at Ngayon Ibigay ang kani – kanilang mga katangian Sino sa kanila ang nais mong tularan?

518

Noon

Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha. D. PAGLALAPAT Aplikasyon E. PAGLALAHAT

IV PAGTATAYA

V TAKDANG-ARALIN

Ipauulat ang natapos na gawain at ito’y bibigyan ng feedback, (Maaaring guro o mag - aaral) 1. Paano mo maipapakita ang tunay na pagmamahal sa taong itinatangi? 2. Bakit sinisimbolo ni Maria Clara ang mga katangian ng isang tunay na Pilipina gayong sa nobela siya ay inilarawan bilang isang mahinang babae? Pagpapaliwanag: Anong pagpapahalagang Filipino na nakapaloob sa araling ito?

Muling pag – aralan ng masinsinan ang mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

TUGON PAGNINILA-NILAY

519

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 5.1 – 5.2 Sesyon 1-2

TUKLASIN

Si Maria Clara ay mabining kumilos, mapagmahal sa kasintahan at magulang. Bagamat nagpakita ng kahinaan sa larangan ng pag – ibig nangangahulugan lamang na mas pinili niya ang sariling kabiguan kaysa sariling kaligayahan mapasaya lamang ang mga magulang. Marahil ito’y taglay din ng mga Filipina sa kasalukuyan. Mga Kabanatang May Kaugnayan sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara: Kabanata VI Kabanata VII Kabanata XXII Kabanata XXIV Kabanata XXVII Kabanata XXVIII Kabanata XXXVI Kabanata XXXVII Kabanata XXXVIII Kabanata XLII Kabanata XLIV Kabanata XLVIII Kabanata LX

(Si Kapitan Tiyago) (Suyuan sa Asotea) (Liwanag at Dilim) (Sa Gubat) (Dapit Hapon) (Mga Sulat) (Mga Suliranin) (Ang Kapitan Heneral) (Ang Prusisyon) (Ang Mag – asawang De Espadana) (Ang Pangungumpisal) (Mga Talinghaga) (Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG 4. 5. 6.

Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pag – ibig? Naranasan mo na bang umibig? Gaano kamakapangyarihan ang pag – ibig?

GAWAIN 1: Humugot Ka Papangkatin ng guro ang klase, depende na sa guro kung ilang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng isang hugot lines na ukol sa pag – ibig. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa klase.

520

PAGSUSURI GAWAIN 2: Iulat mo Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan(C. Maria Clara) maaring gumamit ng estratehiyang Story Ladder. Depende na sa guro kung paano niya hahatiin ang kabanata sa pag – uulat. Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara. Kabanata VI (Si Kapitan Tiyago) Kabanata VII (Suyuan sa Asotea) Kabanata XXII (Liwanag at Dilim) Kabanata XXIV (Sa Gubat) Kabanata XXVII (Dapit Hapon) Kabanata XXVIII (Mga Sulat) Kabanata XXXVI (Mga Suliranin) Kabanata XXXVII (Ang Kapitan Heneral) Kabanata XXXVIII (Ang Prusisyon) Kabanata XLII (Ang Mag – asawang De Espadana) Kabanata XLIV (Ang Pangungumpisal) Kabanata XLVIII (Mga Talinghaga) Kabanata LX (Ang Pagpapakasal ni Maria Clara

Story Ladder

(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

ALAM MO BA NA…

Kabanata 6: Kung si Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego, si Kapitan Tiyago naman ang sa Binundok. Kasundo siya ng Diyos, ng pamahalaan at ng mga tao. Kabanata 7: Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t magkasintahang

521

Crisostomo at Maria Clara. Nanatili silang tapat at di nakalilimot sa isa’t isa. Kabanata 22: Nagkaroon ng anas-anasan sa mga pagbabagong nakikita kay Padre Salvi. Bumalik naman si Ibarra sa bahay nina Maria Clara pagkaraan ng ikatlong araw at ibinalita nito na matutupad sa kinabukasan ang ipinangako niyang pistang pambukid. Kabanata 24: Idinaos ang pistang pambukid ni Ibarra. Dumating ang kura habang naglalakad sa batis sina Maria Clara. Nakinig siya sa pinag – uusapan ng mga dalaga. Nang makita ang kura at alperes, ang pag-uusap nila’y nauwi sa pagtatalo. Habang naglalaro ng ahedres sina Kapitan Basilio at Ibarra, isang telegram ang tinanggap ni Ibarra. Kabanata 27: Inanyayahang mamasyal ng mga kaibigang dalaga si Maria Clara. Kasama nila sina Ibarra at Tiya Isabel. Sa liwasan, naawa si Maria Clara sa ketongin. Inilagay niya sa bakol nito ang relikaryong kabibigay pa lamang ng kanyang ama. Kabanata 28: Ang pagdaraos ng kapistahan ng San Diego ay inilathala ng isang kilalang pahayagan sa Maynila. Isang liham ang ipinadala ni Kapitan Manuel Aristorenas kay Luis Chiquito. Samantala, tumanggap naman ng liham si Ibarra mula kay Maria Clara. Kabanata 36: Nilapatan ng excomunion si Ibarra dahil sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Pati si Kapitan Tiyago ay magiging excomulgado kung di niya sisirain ang kasunduan ng kasal nina Maria Clara at Ibarra. Ni hindi na maaaring kausapin ng binata si Maria Clara. Kabanata 37: Magaan ang loob ng Kapitan-Heneral kina Maria Clara at Ibarra. Nagpasalamat ang KapitanHeneral kay Maria Clara dahil sa pagkakapigil nito kay Ibarra sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Hinangaan naman ng Kapitan-Heneral si Ibarra. Ang mga pahayag ng binate na nagpapahiwatig ng katalinuhan, pagkamakabayan, pagkamapagpakumbaba. Ngunit hinayang na hinayang ang Kapitan-Heneral kay Ibarra. Kabanata 38: Sa prusisyon, kapansin-pansin ang diskriminasyon ng mga prayle. Ang mga paborito nilang santo ay magara ang kasuotan at ang gayak ng karo ay naiilawang mabuti. Sumama sa prusisyon ang matataas na pinuno at kilalang mamamayan. Ang iba ay nag-abang sa bintana ng kanilang bahay. Ngunit nasaan si Dona Consolacion? Kabanata 42: Tumuloy kina Kapitan Tiyago ang mag-asawang De Espadana upang gamutin si Maria Clara. Kasama nila si Linares, ang binatang pamangkin ni Don Tiburcio. Kabanata 44: Lahat ay ginawa ng mga nagmamahal kay Maria Clara upang siya ay gumaling. Ipinadoktor, ipinagmisa, ipinagtulos ng kandila at higit sa lahat, ipinagkumpisal at hinatdan ng viatico. Kay Elias nabalitaan ni Ibarra na nagkasakit si Maria Clara nang minsang dumalaw ang piloto upang ipaalam ang pagtungo niya sa Batangan. Kabanata 48: Dumating kinabukasan si Ibarra kina Kapitan Tiyago upang ibalita na siya’y di na excomulgado. May dala siyang sulat ng arsobispo para sa kura. Nadatnan niyang si Maria Clara na nakaupo sa balkonahe habang namimitas ng mga rosas at sampaga si Linares. Namula si Maria Clara at namutla si Linares nang makita nila si Ibarra. Nang siya’y umalis, ang puso ni Ibarra’y ginugutay ng pag-aalinlangan. Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan nina Kapitan Tiyago at Dona Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kanya at kay Ibarra na labis nakasakit sa kanyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asotea at tumanaw sa ilog. Ilang sandali pa, isang bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito ang umakyat sa kinaroroonan ng dalaga.

522

PAGSASANAY GAWAIN 3: Paghambingin ang babae Noon at Ngayon 1.Ibigay ang kani – kanilang mga katangian 2. Sino sa kanila ang nais mong tularan? Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha.

Noon

Ngayon

PAGLALAPAT Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling Dula - dulaan” Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak. Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay. Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak.

TANDAAN

Ang pag – ibig ay sadyang kamakapangyarihan sapagkat hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Kayang pasukin ang butas ng karayom para sa itinatangi. Naging simbolo si Maria Clara bilang dalagang Filipina sapagkat taglay niya ang mga katangian ng isang Filipina ang pagiging mahinhin,mapagkumbaba,marespeto at mapagmahal na tao.

523

PAGTATAYA Pagpapaliwanag: Anong pagpapahalagang Filipino na nakapaloob sa araling ito?

TAKDANG ARALIN Busisiin Mo Muling pag – aralan nang masinsinan ang mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

524

IKALIMANG LINGGO - SESYON 3 - 4 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv:

Baitang : 9 Sesyon : 3-4 (Aralin 5.3 – 5.4) Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa (F9PT-IVi-j-60) Nagagamit ang mga kasanayang komunikatibo sa lahat ng mga gawain sa klase. (F9WG-IVi-j-63) Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka – video clip. (F9PD-IVi-j-60) Naitatanghal ang dulang panteatro na pumapaksa sa ilang napapanahong isyung panlipunan. (F9PU-IVi-j-63) Nabibigyan ng kahulugan ang mga salita at nagagamit sa pangungusap; Nakabubuo ng isang tula na may kaugnayan sa isyung panliligaw noon o ngayon; at Napahahalag ang kaibahan sa napanood na ng panililigaw noon at ngayon sa pamamagitan ng panonood ng video chip.

II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng (C. Maria Clara) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat, Larawan o Video Player, TV

III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

1. 2. 3.

Naranasan niyo na bang manligaw o ligawan? Anong klaseng panliligaw ang iyong naranasan? Anong mas maganda ang panliligaw noon o ngayon?



Pipili ang guro ng iilang mag – aaral na magsasabuhay tungkol sa panliligaw noon at ngayon. Pagpapanood ng isang video clip. https://www.youtube.com/watch?v=ehhu6-wN1RU ➢ Pagkatapos ay iuugnay ito sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara. Mga Gabay na tanong:

525

1. 2. 3. 4.



Ano ang kaugnayan ng video sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara? May malaki ba na kaibahan ang suyuan noon at ngayon? May malaki bang papel ang magulang sa sitawsyong ipinapakita sa video? Ano ang nais ipahiwatig ng Video Clip para sa mga manonood? Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang gurosa mga naging sagot ng mga mag – aaral.

Teoryang Dekonstruksyon Isang paraan ng pag – aanalisa ng akda. Batay ito sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang akda dahil ang wika ay di matatag at nagbabago. Dahil dito, higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may – akda sa pagtiyak ng kahulugan ng akda. APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap? Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain. • Gramatikal - ang komponent na nagbibigaykakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung anu-anong mga salita ang angkop at kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa pagsasalita o sa pakikipagusap. “Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan.” • Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigaykakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng

526





527

lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang , o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyolingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa isang partikular na lugar. Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasamasama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo. Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang

bagay. Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipagusap sa isang tao upang kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin tulong upang magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang ginagamit. C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa kahon at gamitin ang mga ito sa pangungusap. Mga Salita Pangungusap Pag - uulayaw

Asotea

Pag – iisang dibdib

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

E. PAGLALAHAT

IV PAGTATAYA

V TAKDANG-ARALIN

Papangkatin ang klase at depende na sa guro kung ilang pangkat at magpapagawa ng isang tula hinggil sa panliligaw maging ito man ay sa noon o ngayon. Pagkatapos ay ibahagi sa klase. Gaano kahalaga ang panliligaw?

Dalawahan na Gawain Ipasulat ang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan. Pamantayan: 5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman 2- May Pag-unlad 1- Pasimula Paunang basahin ang mga kabanatang ang mga pangyayari ay may kaugnayan sa buhay ni Sisa. Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.

TUGON PAGNINILA-NILAY

528

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 5.3 – 5.4 Sesyon 3-4 TUKLASIN Ang panliligaw/ligawan ay bahagi na ng ating pagka-pilipino sa gawain na ito, dito ipinapakita ng mga kalalakihang Pilipino ang kanilang paggalang sa mga kababaihan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG 1. 2. 3.

Naranasan niyo na bang manligaw o ligawan? Anong klaseng panliligaw ang iyong naranasan? Anong mas maganda ang panliligaw noon o ngayon?

GAWAIN 1: Isabuhay Mo ▪

Pipili ang guro ng iilang mag – aaral na magsasabuhay tungkol sa panliligaw noon at ngayon.

PAGSUSURI GAWAIN 2: Panoorin Mo Pagpapanood ng isang video clip. https://www.youtube.com/watch?v=ehhu6-wN1RU ▪ Pagkatapos ay iuugnay ito sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara. Mga Gabay na tanong: 1. Ano ang kaugnayan ng video sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara? 2. May malaki ba na kaibahan ang suyuan noon at ngayon? 3. May malaki bang papel ang magulang sa sitawsyong ipinapakita sa video? 4. Ano ang nais ipahiwatig ng Video Clip para sa mga manonood? (Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang guro sa mga naging sagot ng mga mag – aaral.)

ALAM MO BA NA…

529

Teoryang Dekonstruksyon Isang paraan ng pag – aanalisa ng akda. Batay ito sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang akda dahil ang wika ay di matatag at nagbabago. Dahil dito, higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may – akda sa pagtiyak ng kahulugan ng akda. APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap? Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain. Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung anu-anong mga salita ang angkop at kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa pagsasalita o sa pakikipagusap. “Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan.” •





Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang , o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyolingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa isang partikular na lugar. Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnayugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng

530

kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang bagay. Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipagusap sa isang tao upang kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin tulong upang magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang ginagamit.

PAGSASANAY Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa kahon at gamitin ang mga ito sa pangungusap.

Mga Salita

Pangungusap

Pag - uulayaw

Asotea

Pag – iisang dibdib

PAGLALAPAT Papangkatin ang klase at depende na sa guro kung ilang pangkat at magpapagawa ng isang tula hinggil sa panliligaw maging ito man ay sa noon o ngayon. Pagkatapos ay ibahagi sa klase.

TANDAAN Sadyang napakahalaga ang panliligaw sa larangan ng pag-ibig dahil dito mo makikita kung anong klaseng pag-uugali ang taong magiging kabiyak sa iyong buhay. Makikita sa panliligaw ang pagrerespeto ng lalaki sa babae at lalong-lalo na sa magulang ng nililigawan. PAGTATAYA Dalawahan na Gawain Ipasulat ang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan. Pamantayan: 5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman

531

2- May Pag-unlad 1- Pasimula

TAKDANG ARALIN Basahin Mo Paunang basahin ang mga kabanatang ang mga pangyayari ay may kaugnayan sa buhay ni Sisa. Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.

532

IKAANIM NA LINGGO - SESYON 1 - 2 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor: Apektiv:

Baitang : 9 Sesyon : 1-2 (Aralin 6.1 – 6.2) Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario Building tungkol kay Sisa sa makabagong panahon. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F9PT-IVg-h-60) Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapwa, kayamanan at kahirapan at iba pa. (F9PB-IVg-h-60) Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig na naging kapalaran ng tauhan sa nobela at ng isang kakilalang may karanasang katulad ng nangyari sa tauhan. (F9PN-IVg-h-60) Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan; Nakabubuo ng isang tanaga na naglalaman ng mga katangian o gawain ng isang butihing ina ;at Napahahalagahan ang papel ng isang babae lalong – lalo na ang ina sa lipunan.

II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng tauhan (Sisa) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat, Larawan

III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

1. 2. 3.

Importante ba ang inyong magulang sa inyong buhay? Gaano ninyo kamahal ang inyong ina? Kaya ba ninyong ipagtanggol kung sakaling may umaapi sa kanila?

Pipili ng iilang mag – aaral ang guro na bubuo sa pira – pirasong papel ng larawan ng isang ina at ama. Paunahan ito sa pagbuo sa pamamagitan ng pagdidikit nito sa pisara. Pangkatang pag – uulat sa mga pangyayari sa buhay ni Sisa sa paraang Story Frame Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Sisa:

533

Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47. (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag - aaral) Mga Gabay na Tanong: 1. Ilarawan si Sisa. Anong uri siya ng ina? Asawa? Bigyan ng halimbawa ang sagot. 2. Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa piling ng asawa? Bakit? 3. Anong mensahe ang ibig ipaabot ni Rizal sa kababaihang Pilipina sa pamamagitan ng katauhan ni Sisa? 4. Sa kasalukuyan, ano ang kalagayan ng mga ginang sa lipunan at sa sariling tahanan? 5. Sa ngayon, may tinatawag nang Feminist Movement. Layunin ng samahang ito ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa kalagayan ni Sisa, ano kayang karapatan ang nilalabag ng kanyang asawa sa kanya? C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

Subukin ang Pagka – unawa Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang italisado sa Hanay A. Hanay A

Hanay B

1.

Maibigay

2.

3.

4.

5.

D. PAGLALAPAT Aplikasyon

Anuman ang kanyang gawin, pilit na gumigiit sa kanyang isipan ang mapait na karanasan. Dahil sa pagkahayok ng bata, naubos niya ang pagkain para sa kanilang hapunan. Dahil sa kanyang pagsusugal, unti – unti niyang nalustay ang kayamanang minana niya. Nabisto ng kanyang mga kaibigan ang makahayop na ugali ng taong iyon. Nang wala na silang maitustos sa pag – aaral ng anak, pinagtrabaho nila ito.

Sumisiksik

Katakawan

Labis na kagutuman

Masama

Nagasta

Naubos

Pangkatang pagbabatuan ng tanaga. Bibigyan lamang ng 30 segundo ang bawat grupo para makabuo ng tanaga na magiging panlaban sa ibang grupo.

534

Halimbawa: E. PAGLALAHAT

IV PAGTATAYA

V TAKDANG-ARALIN

Hanggang saan maaaring humantong ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak o ng isang anak sa kanyang magulang? Tatayain ang mga nagawang tanaga ng bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan. Pamantayan Bahagdan Kahusayan sa Pagtatanaga 35% Orihinalidad 30% Kabuuang Pagtatanaga 35% Kabuuang Marka 100% Marka: Napakahusay – 100-91% Mahusay – 90-81% Mahusay-husay – 80-75% Nagsisimula – 74%-pababa Magsaliksik ng mga sitwasyon sa kasalukuyan na may kaugnayan sa isang ina.

TUGON PAGNINILA-NILAY

535

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 6.1 – 6.2 Sesyon 1-2

TUKLASIN

Makikilala rito si Sisa bilang ulirang ina at asawa. Hangga’t may mga Ina at asawang patuloy na nagmamahal sa kanilang pamilya nang walang hinihinging kapalit, walang kondisyon, mananatiling may Sisa sa modernong panahon. Mababatid din ditto ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa. Mga kabanatang may kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa. Kabanata XV Kabanata XVI Kabanata XVII Kabanata XVIII Kabanata XXI Kabanata XXXIX Kabanata LXIII Kabanata LXVII

(Ang mga Sakristan) (Si Sisa) (Si Basilio) (Nagdurusang mga Kaluluwa) (Kasaysayan ng Isang Ina) (Dona Consolacion) (Noche Buena) (Ang Dalawang Senyora)

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG 1. 2. 3.

Importante ba ang inyong magulang sa inyong buhay? Gaano ninyo kamahal ang inyong ina? Kaya ba ninyong ipagtanggol kung sakaling may umaapi sa kanila?

GAWAIN 1: Idikit Mo ▪

Pipili ng iilang mag – aaral ang guro na bubuo sa pira – pirasong papel ng larawan ng isang ina at ama. Paunahan ito sa pagbuo sa pamamagitan ng pagdidikit nito sa pisara.

PAGSUSURI GAWAIN 2. Iulat mo Pangkatang pag – uulat sa mga pangyayari sa buhay ni Sisa sa paraang Story Frame Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Sisa: Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47. (Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag - aaral) Mga Gabay na Tanong: 1.

Ilarawan si Sisa. Anong uri siya ng ina? Asawa? Bigyan ng halimbawa ang sagot.

536

2. 3. 4. 5.

Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa piling ng asawa? Bakit? Anong mensahe ang ibig ipaabot ni Rizal sa kababaihang Pilipina sa pamamagitan ng katauhan ni Sisa? Sa kasalukuyan, ano ang kalagayan ng mga ginang sa lipunan at sa sariling tahanan? Sa ngayon, may tinatawag nang Feminist Movement. Layunin ng samahang ito ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa kalagayan ni Sisa, ano kayang karapatan ang nilalabag ng kanyang asawa sa kanya?

ALAM MO BA NA…

Kabanata 15: Ang magkapatid na sakristan ay sina Crispin at Basilio. Si Crispin, ang maliit, ay pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan kaya ayaw pauwiin hangga’t hindi ito inililitaw. Si Basilio, ang malaki, ay minultahan dahil sa pagputol-putol na pagtugtog ng batingaw kaya di makauuwi kundi sa ikasampu ng gabi. Kabanata 16: Mababakas pa rin sa mukha ni Sisa ang kanyang kagandahan noong kabataan niya. Isa siyang mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio subalit walang swerte sa lalaking kanyang napangasawa. Kabanata 17: Si Basilio’y isang mapagmahal na anak at kapatid. Nang gabing iyon, ipinagtapat niya sa ina na ayaw na niyang magsakristan. Inilahad niya sa ina ang mga balak niya para sa kanilang mag-ina na hindi kasama ang ama. Kabanata 18: Nagtungo si Sisa sa kumbento upang makausap ang kura at makita ang anak na si Crispin. Subalit may sakit ang kura at wala roon ang anak. Ayon sa isang utusan, si Crispin ay nagtanan din pagkatapos nitong magnakaw sa kumbento. Kabanata 21: Sa labis na paghihirap ng loob at masidhing pag – aalala sa mga anak, ang isipan ni Sisa’y lubhang naligalig. Kinabukasan, nakita na lamang siyang pagala-gala, ngumingiti, umaawit at kinakausap ang lahat ng nilalang ng kalikasan. Ang kaawang-awang si Sisa ay nabaliw. Kabanata 39: Lahat ay nagsaya sa kapistahan ni San Diego maliban kay Doña Consolacion. Pinagbawalan siya ng alperes na lumabas dahil sa nakahihiya niyang anyo at pag-uugali. Ang napagbuntunan ng Doña ng galit ay si Sisa na noon ay nakakulong sa bahay ng alperes. Kabanata 63: :Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita. Kung kailan nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay Binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan. Kabanata 47: Nag-away sina Doña Victorina at Doña Consolacion. Sa pag-aaway ng dalawang señora, nadamay sina Don Tiburcio, Linares at ang alperes. Ibig ng “doktora” na hamunin ng kanyang esposo o ni Linares ng barilan o sable ang alperes. Kung hindi susunod si Linares, ibubunyag ng Doña kung sino talaga ang binata. Noon naman natuklasan ni Maria Clara na siya pala’y ipinagkasundo kay Linares. PAGSASANAY GAWAIN 3: Subukin Mo Subukin ang Pagka – unawa

537

Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga Mga Salita salitang italisado sa Hanay A. Hanay A 1. 2. 3. 4. 5.

Hanay B

Anuman ang kanyang gawin, pilit na gumigiit sa kanyang isipan ang mapait na karanasan. Dahil sa pagkahayok ng bata, naubos niya ang pagkain para sa kanilang hapunan. Dahil sa kanyang pagsusugal, unti – unti niyang nalustay ang kayamanang minana niya. Nabisto ng kanyang mga kaibigan ang makahayop na ugali ng taong iyon. Nang wala na silang maitustos sa pag – aaral ng anak, pinagtrabaho nila ito.

Maibigay Sumisiksik Katakawan Labis na kagutuman Masama Nagasta Naubos

PAGLALAPAT Pangkatang pagbabatuhan ng tanaga. Bibigyan lamang ng 30 segundo ang bawat grupo para makabuo ng tanaga na magiging panlaban sa ibang grupo. Halimbawa:

TANDAAN

ANG PAGMAMAHAL NG MAGULANG AY HINDI MASUSUKLIAN KAILANMAN. Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito at isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang pagibig ng isang ina sa anak. Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian. Bakit? Dahil ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dinggin ito ng Panginoon lalo na kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya inuuna ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras.

PAGTATAYA

538

Tatayain ang mga nagawang tanaga ng bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan. Pamantayan Bahagdan Kahusayan sa Pagtatanaga 35% Orihinalidad 30% Kabuuang Pagtatanaga 35% Kabuuang Marka 100% Marka: Napakahusay – Mahusay – Mahusay-husay – Nagsisimula –

100-91% 90-81% 80-75% 74%-pababa

TAKDANG ARALIN Isaliksik Mo Magsaliksik ng mga sitwasyon sa kasalukuyan na may kaugnayan sa isang ina.

539

IKAANIM NA LINGGO - SESYON 3 - 4 Sabjek : Filipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Kompetensi:

I LAYUNIN Kaalaman : Saykomotor:

Apektiv:

Baitang : 9 Sesyon : 3-4 (Aralin 6.3 – 6.4) Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario Building tungkol kay Sisa sa makabagong panahon. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa: pagpapaliwanag,paghahambing, pagbibigay ng opinyon. (F9WG-IVg-h-62) Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula. (F9PD-IVg-h-59) Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak. (F9PS-IVg-h-62) Naitatanghal ang scenario building tungkol kay Sisa sa makabagong panahon. (F9PU-IVg-h-62) Nasasaliksik ang mga pagkukunan ng impormasyon upang mapagtibay ang paninindigan at makabuo ng matibay na kongklusyon at rekomendasyon. (F9EP-IVe-f-25) Naihahambing ang isang ina noon at ngayon base sa naoobserbahan, nakita o napanood; Nakapagpepresenta ng mga eksenang kakikitaan ng isang Sisa sa kasalukuyan at; Nasusukat ang kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa pangwakas na pagtataya. Naiaangkop ang pagbibigay ng opinyon hinggil sa tungkulin ng isang ina sa pamilya lalong – lalo na kanyang anak.

II PAKSANG-ARALIN A. PAKSA B. SANGGUNIAN

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng tauhan (Sisa) Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc. Google images Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat, Larawan

III PAMAMARAAN A. PAGHAHANDA Pangmotibeysyunal na tanong:

1. 2. 3.

540

Nagagampanan ba ng magulang o ng ina ang tungkulin sa inyo bilang anak? Sa tingin ninyo sapat na ba ang pag – alaga nila sa inyo o pag – alaga ninyo sa kanila? Paano ninyo sinuklian ang pag – alagang ibinigay ng

Aktiviti / Gawain

B. PAGLALAHAD Abstraksyon (Pamamaraan sa Pagtalakay)

inyong ina? ➢ Pipili lamang ng mga mag – aaral na silang magmamannequin challenge ng eksenang ibibgay ng guro sa kanila. Bibigyan lamang ng 1 minuto para sa paghahanda. Mga eksena: 1. Pag – aalaga sa inang may karamdaman 2. Pag – aaruga ng ina sa mga anak 3. Ina noon at sa kasalukuyan Pagpaparinig ng iilang movie trailer na may kaugnayan ng isang ina maging noon o sa kasalukuyan. https://www.youtube.com/watch?v=qF1pOscxB1k https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo Mga Gabay na Tanong: 1. Gaano ka kaepektibo ang pagganap ng mga tauhan para maipakita ang sitwasyon na kawiwilihan? 2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga eksenang napanoood sa movie trailer? 3. Paano napupukaw ang damdamin ng bawat isa sa sitawasyong binigyang buhay? 4. Ipinahihiwatig ba sa mga eksenang ipinakita ang kahalagahan ng magulang/ina ng bawat isa? 5. Sa mga eksena, ano ang inyong naikintal sa puso’t isipan?

C. PAGSASANAY Mga Paglilinang na Gawain

1. 2. 3.

Paghambingin ang ina Noon at Ngayon Ibigay ang kani – kanilang mga katangian Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Noon

Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha. D. PAGLALAPAT Aplikasyon



➢ ➢

541

Pangkatang pagpepresenta ng senaryo building hingil sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan na may kaugnayan sa katangian ng isang magulang o ina. Depende na sa guro kung ilang pangkat ang bubuuin at ilang minute ang ibibigay para sa gawain. Tatayain ang mga naipresenta na senaryo building ng

bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan.

E. PAGLALAHAT

IV PAGTATAYA V TAKDANG-ARALIN

Pamantayan

Puntos

Orihinal, Makatotohanan,

40 30

Kaangkupan ng mga pahayag, Presentasyon, Napapanahaon. Kabuuan

10 10 10 100

(Maaaring bumuo ng rubrik ang guro para sa pagtataya.) Napagtagumpayan ba ng inyong mga magulang lalong-lalo na ang inyong Ina ang kanilang mga tungkulin? Ikaw napagtagumpayan mo rin ba ang iyong tungkulin bilang isang anak? Pagpapasagot sa Pangwakas na Pagtataya Balik aralan ang mga natalakay para sa paghahanda sa ikaapat na markahang pagsusulit.

TUGON PAGNINILA-NILAY

542

YUGTO NG PAGKATUTO Aralin 6.3 – 6.4 Sesyon 3-4 TUKLASIN

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG 1. 2. 3.

Nagagampanan ba ng magulang o ng ina ang tungkulin sa inyo bilang anak? Sa tingin ninyo sapat na ba ang pag – alaga nila sa inyo o pag – alaga ninyo sa kanila? Paano ninyo sinuklian ang pag – alagang ibinigay ng inyong ina?

GAWAIN 1: Subukin Mo Pipili lamang ng mga mag – aaral na silang magmamannequin challenge ng eksenang ibibgay ng guro sa kanila. Bibigyan lamang ng 1 minuto para sa paghahanda. Halimbawa:

Mga eksena: 1. Pag – aalaga sa inang may karamdaman. 2. Pag – aaruga ng ina sa mga anak. 3. Ina noon at sa kasalukuyan.

ALAM MO BA NA…

543

Pakinggan Mo Pagpaparinig ng iilang movie trailer na may kaugnayan ng isang ina maging noon o sa kasalukuyan. https://www.youtube.com/watch?v=qF1pOscxB1k https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo Mga Gabay na Tanong: 1. Gaano kaepektibo ang pagganap ng mga tauhan para maipakita ang sitwasyon na kawiwilihan? 2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga eksenang napanoood sa movie trailer? 3. Paano napupukaw ang damdamin ng bawat isa sa sitawasyong binigyang buhay? 4. Ipinahihiwatig ba sa mga eksenang ipinakita ang kahalagahan ng magulang/ina ng bawat isa? 5. Sa mga eksena, ano ang inyong naikintal sa puso’t isipan? PAGSASANAY 1. 2. 3.

Paghambingin ang ina Noon at Ngayon Ibigay ang kani – kanilang mga katangian Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Noon

Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha. PAGLALAPAT Pangkatang pagpepresenta ng senaryo building hingil sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan na may kaugnayan sa katangian ng isang magulang o ina. Depende na sa guro kung ilang pangkat ang bubuuin at ilang minute ang ibibigay para sa gawain. Tatayain ang mga naipresentang senaryo building ng bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan. Pamantayan Orihinal, Makatotohanan, Kaangkupan ng pahayag, Presentasyon, Napapanahaon. Kabuuan

mga

Puntos 30 40 10 10 10 100

(Maaaring bumuo ng rubrik ang guro para sa pagtataya.)

544

TANDAAN

PAGTATAYA

Pangwakas na Pagtataya (Ikaapat na Markahan) Alam kong nasiyahan ka sa paglakbay sa ikaapat na markahan.Sagutin ang pangwakas na pagtataya upang maging gabay kung gaano na kalawak ang iyong natutuhan sa talakayan. A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang ________________. A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya 2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay _________________. A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat 3. 4.

5.

6.

Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa ________________. A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay __________________. A. Sa Aking mga Kabata C. Inang Wika B. Ang Pag-ibig D. Ang Batang Gamugamo Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me Tangere ay_______________. A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentrit C. Maximo Viola D. Valentin Ventura Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang _________________.

545

7. 8. 9.

A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle Tom’s Cabin Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere” ay _________________. A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis Ang salitang panlibak ng mga Espanyol s mga Pilipino ay_______________. A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo Ang nakatuluyan ni Jose Rizal ay _________________. A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Bracken D. Maria Clara Isulat ang titik S kung Sanhi at B kung bunga ang sumusunod:

10. 11. 12. 13. 14.

______ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso. _____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito. _____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng kanyang tiya. _____ Naging ekskomulgado si Ibarra. _____ Namundok si Tandang Pablo.

C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-E. ____15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kaniya. ____16. May dumating na telegram para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan-heneral. ____17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos. ____18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso . ____19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw. D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag. Para sa blg. 20-30. “Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong maka-mamalas sa kanya, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang nagbulid sa dilim ng gabi.” 20. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang ________________. A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang kalayaan 21. 21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa ________________. A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan B. kalayaan ng bayan D. kuwentong-bayan 22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay_________________. A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat 23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa: A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda 24. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng ________________. A. pambansa B. pang-esperitwal C. panlipunan D. pangkalikasan 25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming ________________. A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan 26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang ________________. A. matalino B. matatag C. mapagmahal D. mamamayan 27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang ________________. A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan 28. Sa kabuuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang _________________. A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D. pagpapahalaga 29. Ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa ay ________________.

546

A. Huling Panawagan C. Tagubilin sa Kabataan B. Paalam sa Inang Bayan D. Ang mga Nangabulid 30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa _________________. A. kabiguan B. kasawian C. kamatayan

D. kadakilaan

Para sa blg. 31-35. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.” - Pilosopo Tasyo 31. Ang ideya o kaisipang lumulutang sa pahayag ay __________________. A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipunan

D. pambansa

32. Ang katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag ay _______________. A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot 33. Ang katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag ay ________________. A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D. kataksilan 34. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa ________________. A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. nagmamayabang 35. Binigyang-diin sa pahayag ay __________________. A. Ang tao ay di dapat magtiwala. C.Ang tao’y laging may kaaway. B. Ang tao’y laging may pasalubong. D. Ang tao’y pinapakitaang-giliw.

Binabati kita! Natapos mo ang pangwakas na pagtataya. Natitiyak kong nadaragdagan pa ang iyong kaalaman.

TAKDANG ARALIN Balik Aralan Mo Balik - aralan ang mga natalakay para sa paghahanda sa ikaapat na markahang pagsusulit.

547

Related Documents


More Documents from "ruff"

Ikaapat Markahan.pdf
October 2019 4
Adef.docx
December 2019 0
June 2020 0
June 2020 0
Jornada23_2
October 2019 16