Komposisyon-ikaapat Na Markahan Iv

  • Uploaded by: ruff
  • 0
  • 0
  • July 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Komposisyon-ikaapat Na Markahan Iv as PDF for free.

More details

  • Words: 2,395
  • Pages: 12
BANGHAY – ARALIN SA KOMPOSISYON NG FILIPNO 4 IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Mga Kagamitan : Pangunahing Kasanayan :

Suring-Pelikula Tsart Naisusulat nang wasto ang nakuhang mga tala.

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nakapagbabahagi ng pasalitang reaksyon impormasyon.

tungkol sa tiyak na

B. Nakahahango ng mga tiyak na impormasyon mula sa isang tiyak na teksto o sanggunian. C. Nakabubuo ng tiyak na pagsusuri sa kahalagahan at dikahalagahan ng mga impormasyon. D. Naipakikita ang kasanayan sa pagpapangkat at pagsasaayos ng mga tala ayon sa lebel nito. E.

Naisusulat nang wasto ang nakuhang mga tala.

3.

PROSESO NG PAGKAKATUTO UNANG ARAW A.

Panimulang Gawain 1. `Pagganyak : Madalas ba kayong magtungo sa silid-aklatan? Anu-ano ang inyong na-obserbahan?

B. Pangkatang Gawain 1. Magtutungo/mag-oobserba ang guro at mag-aaral sa silid-aklatan. Pangkat 1 : Pag-iinterbyu sa librarian tungkol sa wastong paraan ng paggamit ng silid-aklatan.

45

Pangkat 2:

Magtala ng ilang aklat na maaaring matagpuan sa silid-aklatan.

Pangkat 3:

Alamin ang impormasyong nakapaloob sa “Kard Katalog”.

Pangkat 4:

Bumasa ng isang artikulo mula sa pahayagan o magasin. Iulat ito sa klase.

2. Pagbabahaginan ng bawat pangkat. 3. Pagbibigay ng sintesis. a. Mahalaga ba ang iyong natuklasan sa pgg-oobserbang ginawa sa silid-aklatan? b. Ano ang kahalagahan nito sa pagkuha ng tala? C. Paglalahad 1. Pagbibigay-input sa katuturan ng pagkuha ng tala (note card).

Ang pagkuha ng tala ay isa sa mahalagang salalayan ng mahusay na pananaliksik. Dito nakasalalay ang dami at halaga ng datos at materyales na makakalap. Kung gayon, kailangang maging maingat at sistematiko sa pagkuha ng tala mula sa natuloy na sanggunian. (Pamela c. Constantino et al. md. Ed. 2000 p. 71).

2. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral sa ipinakitang input ng guro. 3. Pagbabahagi (Pangkatang Gawain).

ng

kinagawiang

pagkuha

ng

tala.

Magbibigay ang bawat pangkat ng karanasan tungkol sa kinagawiang paraan nmg pagkuha ng tala sa tulong sumusunod na tanong : a. Paano mo pinipili ang mahalagang kaisipan sa loob ng isang artikulong binasa?

46

b. Kung gumagawa ka ng isang paglalagom, paano mo ito binubuo? c. Paano mo kinikilala ang makabuluhan at dimakabuluhang pahayag na nakapaloob sa tekstong binasa? d. Paano masasabing ikaw aymay kakayahan ng umunawa sa binasa? D. Pagbabahaginan ng bawat pangkat. E. Pagbibigay ng sintesis ng guro sa paraang pagtatanong. • Kung ikaw ay mananaliksik, gaano kahalaga ang isang sistematikong paraan ng pagkuha ng tala? IKALAWANG ARAW PAGTALAKAY SA ARALIN A. Mga Panimulang Gawain Pangkatang Gawain : Pagsasatao ng bawat pangkat (low cost production) sa mg gamit o bagay na maaaring maging sources sa pagkuha ng tala. (Hal. Aklat, kompyuter atbp.). B. Pagbibigay-reaksyon sa ginawang pagsasatao. C. Pagpapabasa ng texto tungkol sa gabay at sistematikong pagkuha ng tala. Kung ikaw ay mananaliksik, mahalaga ang isang sistematikong paraan ng pagkuha ng tala. Upang maisagawa mo ito nang wasto, mahalagang taglayin mo ang mga sumusunod na katangian. A. Nararapat ay magkaroon ka ng kakayahang pumili ng mga mahahalagang kaalaman o kaisipan mula sa iyong mga binabasa. Hindi naman lahat ng nakapaloob sa isang teksto ay tunay na mahalaga. Piliin mo lamang ang mga kaalamang may kaugnayan sa bubuing pananaliksik. B. Nararapat •ay mayroon kang kakayahang bumuo ng lagom. Ang isang mahabang artikulong iyong binasa ay maaari mong mapaiksi batay na rin sa kabuluhan nito sa iyong bubuuing pananaliksik. C. Nararapat ay mayroon kang kakayahang makabuluhang kaisipang narinig o nabasa.

kumilala

ng

mga

D. Higit sa lahat, nararapat na magtaglay ka ng kasanayang umunawa sa binasa. 47

Kung magsasagawa ka ng pagsulat na pagtatala, maaari mong gabay ang mga sumusunod : a. Maghanda ng index card. Dito mo isusulat ang talang lilikumin. b. Tungkol sa isang kaalaman lamang ang isulat sa bawat kard. Saka na lamang ayusin ang mga kaalamang nalikom batay sa inihang balangkas. c. Sa kaliwang itaas ng kard, isulat agad ang pinaghanguan ng siniping kaalaman. Kabilang sa dapat isulat ang ngalan ng awtor, dinaglat ng aklat, dinaglat na pamagat ng aklat, at ang eksaktong pahinang katatagpuan sa artikulo. d. Sa kanang itaas ng kard, itala ang pamagat ng artikulo. e. Sipiin lamang ang mahahalagang ideya. Paigsiin ang mahahabang artikulo. f. Humango lamang ng kaalaman mula sa kilalang tao. g. Pag-ingatan ang gagawing pagsipi, pansinin ang tamang baybay ng mga pangalan at katawagan. Kung tiyak na tiyak at batay sa orihinal ang pagkakasipi, lagyan ito ng (sic). Kung may bahaging binago, gumamit naman ng (….).

D. Pagbibigay-reaksyon ng mga mag-aaral. E. Pagpapakilala ng isang tiyak na halimbawa.

48

Bilang ng tala mula sa sanggunian o ideya : ideya

pahina

Zafra, G. awtor ng Balagtasan… pamagat

A.3 p.4 Pagsasapopular ng Balangkas

“Hindi nakapgtataka na ang balagtasan, bagaman pabigkas, ay makarating din sa mga magasin at pahayagan. Marami sa mga mambabalagtas ay mga

pamagat ng tala

tala

Makatang nagsusulat din sa iba’t ibang Publikasyon at kani-kaniyang kolum”. F. Pagsusuri ng mga mag-aaral. G. Pagsasanay. Pagpapasulat ng talata na may kaugnayan sa pagkuha ng tala. (gagamitin ang kaukulang impormasyon). Mga Kaukulang Impormasyon Aklat Sumulat Pahina

- Ang Panitikan Natin - Dr. Isagani Cruz - pp. 34

Artikulo : Ang pagdaraos ng timpalak sa pagsulat ng mga Dagli ang siyang nagtulak upang magkahugis ang maikling kwento sa Panitikang Tagalog. Ang isang uri ng pagsasalaysay na ito na may kaigsian at hayagang nangangaral ay nagpakilala sa pangalang Deogracias a. Rosario sa larangan ng panitikan. Ang kanyang dagli na may pamagat na Elias ang pinarangalan bilang pinakamahusay ng dagli ng taon noong 1910. Ito ay nalathala sa pahayagang Ang Mithi. Bukod kay Rosario, na siyang tinaguriang Ama ng Maikling kwentong Tagalog, nagsisulat din ng dagli sina Valeriano Hernandez pena, Inigo Ed Regalado, Lope K. Santos at Patricio Mariano. 49

Bumuo ka ng isang pasulat na pagtatala. Gamitin mo ang artikulong nasa itaas. A. Tungkol sa karangalang natamo ni Rosario; B.

Tungkol sa kaugnayan ng dagli at maikling kwento; C. Tungkol sa iba pang sumulat ng dagli;

D.

Paiksiin mo ang artikulo; H. Pagpapabasa ng ginawa sa isang kaklase. Hingan ito ng pagpuna. I. Pagbibigay ng puna ng guro sa mga ginawa ng mag-aaral. IKATLONG ARAW PAGSULAT A. Mga Panimulang Gawain Pangkatang Gawain : Itatala ng bawat pangkat ang mga impormasyon dapat ilagay sa index card. Gagamitin ang paraang paghahabi upang mapagsunud-sunod ito. Paz, V.

A6 p. 6

“Pagkaing Asyano”

Pagkuha ng Tala

Pagluluto Bilang Tradisyon

B. Pagbabahaginan ng bawat

Ang pagluluto ay hindi lamang isang pinagkikitaan ng mga tagaAsyano. Isa rin itong mahalagang elementong pangkultura na ipinamana sa mga nagdaang henerasyon. Ang mga diwang nangingibabaw at pinahahalagahan sa tradisyong ito ang higit na nagpapalabas at nagpapatibay sa malakas at matibay nang kultura ng mga taga-Asyano. pangkat.

50

C. Pagbibigay ng input ng guro sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang uri ng kahalintulad ng teksto ng pagkuha ng tala. Sa buod ng tala tinutukoy ang pinakamahalagang ideya ng isang talata o pahina. Halimbawa : (Orihinal) Dahil nasa tapat lamang ng bahay at mga lutong bahay na ito, kahit sino pwedeng magluto at magtinda. Bagamat mayroon talagang mga nakilala sa kanilang pagluluto, kung mapapansin, kahit matagal ng bahagi ng pagkain ng mag tao ang mga luting ito, walang isang malawakang industriyang nabuo para sa mga nabanggit na mga pagkain. Oo, ginawa itong hanapbuhay ngunit tradisyon din ang pagluluto ng mga ito. Gawain itong ipinasa’t minana ng mga magluluto sa kanilang pamilya. Ibinibenta ito para sa isang kaanak. Sa mahabang panahon, ang diwa ng pagbebenta ay di para sa kumpetisyon at tubo. Kung meron man nito, sekondaryong konsiderasyon na lamang ito. Ang diwa ng pagbabahagi ang siya pang nagbibigay daan upang paglapitin at pagtagpuin ang mga tao. Hindi lamang panlaman ng sikmura ang niluluto’t kinakain ng mga tagAngono. Nalalaman din nito ang diwa’t pagpapahalaga sa pamilya, kapwa, pakikipagkapwa tao at pagkakaisa na nagpapatibay sa kultura ng bayan. (Paz, Vina P. “Pagkaing ngono: Pamana ng Panahon at Kalikasan.” Nasa (Es) Kultura ng Bayan: Angono, Rizal nina TiamsonRubin, Ligaya, et al. 1999, pp. 195-204).

F1 p.204

Paz, Vina “Pagkaing Angono” Pagluluto bilang tradisyon

Bagamat hanapbuhay, ang pagluluto ng pagkaing Angono ay isa ring tradisyong ipinasa’t minana sa pamilya. Sekondarya lamang ang kumpetisyon at tubo. Ang diwa ng pagbabahagi, pagpapahalaga sa pamilya, kapwa, pakikipagkapwa at pagkakaisa na nagpapatibay sa kultura ang mas nangingibabaw sa tradisyong ito. (BUOD) D. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral.

51

E. Pagsasagawa/pagsusulat ng mga mag-aaral ng mga tala mula sa binasang teksto upang makapagsuri sa kahalagahan at dikahalagahan ng mga impormasyon na makukuha sa texto. Igagayd ng guro ang mag-aaral sa pagsulat. Ibibigay ng guro ang gagamiting “sources” sa pagkuha ng tala.

“SOURCES” Narito ang iba’t ibang artikulong sinipi mula sa mga aklat. Mula dito ay gagawa ka ng isang pagtatala. Sundin ang mga sumusunod na panuto. A. Ikaw ang magpasya kung alin sa mga artikulo ang kunawa’y hinango sa isang tiyak na aklat. B. Isulat mo ito sa laang sulatan na parang nasa indeks. Sundin mo ang tuntunin sa pagtatala na may kaugnayan sa paglalagay ng ngalan ng sumulat, dinaglat na pamagat ng aklat, ang pahina at pamagat ng artikulo. C.

Ipakita mo rin kung paano mo ito pinaigsi.

D. Pagsunud-sunurin mo na ang mga tala. Alin ang panimulang talata at alin ang pangwakas. E.

Isulat ito ng maayos.

PAMAGAT NG ARTIKULONG BUBUIN

:

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTONG TAGALOG

MGA AKLAT NA BATAYAN

:

PANITIKANG FILIPINO Ni Alejandro Abadilla pp. 37 ITO ANG PANITIKAN NATIN Ni Genoveva Edroza pp. 29 ANG ATING PANITIKAN Ni Eduardo deveza pp. 45

52

KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTONG TAGALOG Ni Federico Sebastian pp. 35 at pp. 67 KATUTUBONG PANITIKAN Ni Cirilo Almario pp. 38 Dumating ang panahong tila natutuyong disyerto ang larangan ng kwento, binatikos ang mga paksang tinatalakay at ang paraan ng pagkukuwento. Pinuna ng mga bagong manunulat ang de-kahing uri ng estilo sa pagsulat. At upang isalba raw ang natutuyong larangan, pinaagos nila ang tubig ng bagong kamalayan sa disyerto. Dito nakilala ang mga manunulat na nag-ambag ng mga matatapang na akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari sa buhay.

Sa pagtatapos ng pananakop ng mga Amreikano at dala na rin sa biglaang pagdating ng mga Hapon, lalung nakakita ng magandang kapalaran ang Maikling Kwentong Tagalog. Dahil sa pagbabawal sa Ingles at sa pagkakaroon ng nasyunalismong oryentasyon ay naging maningning ang kalagayan ng Maikling Kwento. Nakilala sa panahong ito si Macario Pineda na sumikat dahil sa kanyang akdang Suyuan sa Tubigan.

Pumasok ang Dekada 70. Nanatili pa rin ang Maikling Kwentong Tagalog subalit sa iba ng mga kamay. Lumabas ang isang antolohiyang tinawag na SIGWA. Tulad din ng AGOS, may sariling pananaw ng mga manunulat na kasangkot dito. Dito tinalakay ang makatotohanang kasaysayan ng buhay mga mahihirap at ang hayagang pagkampi ng mga manunulat sa mga naaaping uri. Ito rin ang hayagang pagtatampok sa naglalabang lakas sa pagitan ng mapang-aliping uri at ng mga inaalipin. Sumuong din ang mga manunulat sa pagtalakay ng mga isyung pulitikal. Dito ang panahon nbg pagkita ng liwanag ng mga manunulat sa piitin.

Unti-unting nanamlay ang Maikling Kwentong tagalog. Nawala na ang interes ng mga tao sa pagbabasa nito dahil na rin sa pagkawala ng

53

kaugnayan ng kwento sa kanilang buhay. Sa kasalukuyan, nasa panahon na naman ng tagtuyot ang larangan ng Maikling Kwento. Subalit naroroon pa rin ang pag-asa na muling aagos ang tubig sa disyerto at babalik ang sigal ng larangang ito.

Natapos ang digmaan. Muli na naming umusad ang Maikling Kwentong Tagalog. Nagkaroon ito ng pagkakataong maisama sa taunang timpalak sa itinataguyod ng pamilyang Palanca. Noong 1951, pinarangalan ang akdang Kwento ni Mabuti na sinulat ni Genoveva Edroza. Mula noon, marami ng kwento ang umani rin ng ganitong pagkilala. F. Ipababasa ang ginawang sulatin sa katabing mag-aaral. Hingan ito ng puna. G. Pagbubuo ng sintesis sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng ilang suliraning nakaharap. a. Nahirapan ka ba sa pagbubuo ng index? Bakit? b. Naging madali ba sa iyo ang pagbuo ng index? Bakit? IKAAPAT NA ARAW PAGWAWASTO AT PAG-EEDIT A. Pansariling pagwawasto Ipasusuri sa mag-aaral ang ginawang komposisyon. Gamitin ang “Caravan” tseklist upang masuri ito. Wasto ba ang baybay, bantas, isrtuktura at gramatika ng komposisyon?

Wasto bang naitala sa notecard ang kumpletong datos?

Wasto bang naitala ang mahalagang impormasyon?

B. Dalawang Pagwawasto

54

Pagkuha ng Tala

Humanap ng kapareha at magpalitan ng komposisyon. Iwasto itong muli batay sa “Caravan” tseklist na ibinigay ng guro. C. Ipasusulat muli ng guro sa mga mag-aaral ang nasuring sulatin. Bigyan-diin ang kalinisan at wala nang kamaliang sulatin. D. Pagwawasto ng guro sa isinulat ng mga mag-aaral batay sa tseklist… IKALIMANG ARAW MULING PAGSULAT A. Pagsusulit Basahin mabuti ang halimbawang tala sa ibaba. Pagkatapos ay gawan ng buod. Ipormat sa anyo ng note card. Tala : Ang maong ay rebelyon laban sa establisimentong may halos baliw na paghahangad na magmukhang disente upang maitago ang kahinaan at katiwalian ng sistema. Naghanap ang kabataan ng kataliwasan ng damit ng middle class, yaong hindi maporma, mukhang marumi at hindi naitatago ang kahinaan. Kung mukhang luma at gusgusin, higit namas magaling. May estudyanteng taga-Lyceum na bumili ng bagong pantaloon, binuhusan ito ng chlorox at presto, biglang kupas, mukhang luma. Tatak din ng pantalong maong ng pag-alsa ng kababaihang itinali sa kumbensyon ng palda at saya. Lalo na noong panahon ng mini-skirt, ang anak ni Eba’y kailangang bumaba ng de-numero sa kotse o magtakip ng kwaderno, samantalang nakaupo sa dyipni upang huwag mabunyag ang takaw-matang tanawin. Kung nakapalda’y mahirap makipaghabulan sa pagbitin sa estribo ng bus, o sumalagmak sa lupa, at nakatatakot malilisan ng malakas na ihip ng hangin. Bukod sa dahilang sosyolohiko, may mga personal na dahilan ang ilang Pilipina na mahilig magsuot ng maong. Maraming nakikisunod sa moda upang masabing sila’y moderno at hindi napag-iiwanan ng panahon. Para sa ilang matanda, DOM man o hindi, ang kulay asul at pangharabas na anyo nito’y nagbibigay ng damdaming macho. Sa karaniwang estudyanteng tatlo lamang ang pantaloon, hindi kapitin ng dumi. Kaunting pagpag pagkagamit, maaari na uling isabit sa hanger. Isang dalagita ang pigil ang ngiting nagkwento; “ang hilig kong umupo sa

55

damuhan, at kiliting-kiliti ako ‘pag hindi nakamaong.” (“Sa Makati at Divisoria, Denims ang Hanap Nila,” ni Valerio Nofiente). B. Pagbibigay ng input ng guro sa muling sulatin. a. Paglalahad sa mga panandang ginamit sa pagwawasto. b. Pagwawasto sa ilang halimbawang kamalian sa sulatin sa pisara. C. Muling pagsulat ng iniwastong sulatin. D. Pagbabasa ng ilang sulating isinulat. E. Pagbibigay ng reaksyon sa ginawang pagkuha ng tala. F. Pagpapahalaga. Pagbabasa sa piling o tanging gawa ng mag-aaral. Ilalahad ng guro ang dahlian kung bakit ito natatangi. Ilalathala sa pastilan ang ginawang komposisyon.

56

Related Documents


More Documents from "ruff"