Hele Ng Ina.docx

  • Uploaded by: Jeff Baltazar Abustan
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Hele Ng Ina.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 404
  • Pages: 1
Tuklasin Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng bansang pinagmulan nito ay makabubuting isagawa mo ang mga na gawain. GAWAIN 1: Ibahagi Mo! Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak.” Pagkatapos ay isagawa ang Think-PairShare. Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaan ng ina. Ibahagi ito sa klase. Ang aming ina’y, masinop na maybahay Adhikain niya’y kagaya ni itay Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at Katulad ng inyong magagandang anak. Sana, sana ang kawalan ay malunasan. Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan.

Alam mo ba na... ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig. Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay ang sumusunod: 1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

1. GAWAIN 2: Isa-isahin Mo! Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay.

1.

Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos A/li/pa/tong/lu/ma/pag Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak Sukat-Pipituhing Pantig Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal Tunay ngayong umid yaring dila’t puso Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo. Tugmang - Ganap Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.

Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen Ito ba ang mundong hinila kung saan Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran? Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay 1. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda. GAWAIN 3: Pagbulayan Mo! Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel.

Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez Putol na tinapay at santabong sabaw sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay halos ay sinaklot ng maruming kamay Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

Related Documents

Hele Ng Ina.docx
June 2020 34
Hele-j
June 2020 5
Mesa Hele Shaw
May 2020 6
Ng
May 2020 47
Domino Hele Uren
November 2019 8

More Documents from ""

Mullah.docx
June 2020 15
Hele Ng Ina.docx
June 2020 34
Bab-8-sma Mtk.pdf
December 2019 12
Brain
November 2019 45