Handouts Fildis.docx

  • Uploaded by: Issabela Denise Endrina
  • 0
  • 0
  • July 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Handouts Fildis.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,456
  • Pages: 6
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa







     

Wika - nagmula sa salitang Latin na “Lengua”. Nangangahulugang “dila” Lengua=dila - Simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw at iba pa. - Ginagamit maaaring pasulat o pasalita. Constantino – isang dalubwika “Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin at instrumento ng pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.” Henry Gleason – “Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa isang komunidad”. Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga tunog. Ponema- pinakamaliit na yunit ng tunog. Morpolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga salita. Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita Sintaksis- makaaghaam na pag-uugnay ugnay ng mga pangungusap. Diskors – makahulugang palitan ng dalawa o higit pang mga tao. (Pag-uusap)

Mga Katangian ng Wika 1. Ang wika ay isang masistemang balangkas 2. Ang wika ay sinasalitang tunog. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. 4. Ang wika ay arbitraryo. 5. Ang wika ay ginagamit. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. 7. Ang wika ay nagbabago. 8. Ang wika ay komunikasyon. 9. Ang wika ay makapangyarihan. 10. Ang wika ay kagila-gilalas. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika 1. Bow-wow = panggagaya mula sa tunog sa kalikasan. Hal. Aw-aw, meow 2. Ding-Dong = panggagaya ng tunog sa mga bagay. Hal. Tik-tok, ding-dong, tsug-tsug 3. Pooh-Pooh = masidhing damdamin Hal: Aray! 4. Yo-he-ho = tunog mula sa pwersang pisikal. Hal: mga nababanggit kapagnagbubuhat ng mabigat na bagay. 5. Ta-ta = kumpas o galaw ng kamay ng isang tao. Nangangahulugang paalam o goodbye sa wikanng Pranses.

Bb. Issabela Denise O. Endrina - Instructor JRMSU –MAIN CAMPUS

6. Yum-Yum = tulad ng ta-ta galaw ng isang tao bilang tugon sa bagay na nangangailangan ng aksyon. Madalas gamitin ng tao ay bibig. 7. Sing-Song = ang wika ay nagmula sa paglalaro, patawa, pagbulong sa sarili . 8. Coo Coo = ang wika ay nagmula sa tunog na nililikha ng mga sanggol. 9. Hey You! = Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan. Hal: “Ako” “Tayo” 10. Babble Lucky = ang wika ay nagmula sa walang kahulugang bulalas ng tao. 11. Hocus Pocus = ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong bagay. 12. Eureka = Sadyang inimbento ang wika. 13. La-la = mga pwersang may kinalaman sa romansa 14. Ta-ra-ra-boom-de-ay = ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha sa mga ritwal. 15. Mama = ang wika ay nagmula sa pinakamadaling pantig ng pinakamahalagang bagay. Hal. “ma” mula sa mama . 16. Rene Descartes = ang tao ang pinakamataas na uri ng hayop. Likas sa kanya ang gumamit ng wika 17. Plato = nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. 18. Jose Rizal = ang wika ay galing sa poong Maykapal. 19. Charles Darwin = Nakikipagsapalaran ang tao kaya nabuo ang wika. “Survival of the Fittest”. 20. Wikang Aramean = pinaniniwalaang ang kauna-unahang wikang ginamit sa daigdig ay wikang Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. 21. Haring Psammatichus=hari ng Ehipto na nag eksperimento kung paano nakapagsasalita ang tao. Inobserbahan niya kung paano makapagsasalita ang dalawang sanggol na itinago niya sa kuweba. 22. Tore ng Babel = Biblikal na Teorya.

Tungkulin ng Wika

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal. halimbawa: pasalita:pangangamusta pasulat:liham pang-kaibigan 2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan. halimbawa: pasalita: pag-uutos pasulat: liham pang-aplay 3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba. halimbawa: pasalita: pagbibigay ng direksyon pasulat: panuto 4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. halimbawa: pasalita: pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot 5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. halimbawa: pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan pasulat: mga akdang pampanitikan 6. Heuristic / Hyuristik- naghahanap ng mga impormasyon o datos. halimbawa: pasalita: pagtatanong pasulat: survey 7. Informative / Informativ- nagbibigay ng mga impormasyon. halimbawa: pasalita: pag-uulat pasulat: balita sa pahayagan Antas ng Wika 1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare' 5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla –

Bb. Issabela Denise O. Endrina - Instructor JRMSU –MAIN CAMPUS

halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’. 6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sa’kin,kelan Meron ka bang dala? Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot)

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Sigarilyo – Siyo – Yosi 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis, natalsik) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (crocodiles – greedy) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam – paki 5. Pagbabaliktad Buong Salita Halimbawa: Etned – bente Papantig Halimbawa: Dehin – hindi Ngetpa – Panget Tipar – Parti 6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: G – get, nauunawaan 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak – Palpak – Bigo 8. Paghahalo ng salita Halimbawa: Bow na lang ng bow Mag-jr (joy riding) Mag-MU 9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 143 – I love you 50-50 – naghihingalo 10.Pagdaragdag Halimbawa: Puti – isputing 11.Kumbinasyon Pagbabaligtad at Pagdaragdag Halimbawa: Hiya – Yahi – Dyahi Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino – Pinoy Mestiso – Tiso, Tisoy Pagpapaikli at Pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon – Talon – Lonta Bb. Issabela Denise O. Endrina - Instructor JRMSU –MAIN CAMPUS

Panghihiram at Pagpapaikli Halimbawa: Security – Sikyo Brain Damage – Brenda Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get – Gets/Getsing Cry – Crayola BARAYTI NG WIKA 1. Dayalek = barayti ng wika na nabubuo sa dimensyong heograpiko. Salitang ginagamit ng mga tao ayon sa kanilang rehiyon o lalawigan. 2. Sosyolek = Barayti ng Wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Hal. Gay Lingo, salita ng mga mayaman, conyo at iba pa. 3. Idyolek = Istilo ng pagsasalita. Hal: “Handa na ba Kayo?” , “Magandang Gabi Bayan!” , “ Di’ umano…” 4. Jargon = nakabatay sa propesyon. 5. Etnolek = barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo (mga pangkat-etniko). 6. Ekolek = barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. 7. Pidgin = Barayti ng wika na walang pormal na istruktura. Hal: “Ako kita ganda babae” 8. Creole = Pinaghalong wika . Hal: Chavacano KASAYSAYAN NG WIKA Panahon ng Kastila : opisyal na wika ay Kastila / Espanyol Panahon ng Amerikano : Tagalog at Ingles Panahon ng Hapon : Nihonggo at Tagalog Tinatawag ding “Gintong Panahon ng Tagalog” 

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.



Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa



mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isapangesensyal nagawain – angpaghahanda ngkanyang ulat-pampananaliksik.

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas. Pangulo ng SWP: Jaime C. De Veyra batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino.

Sa kasalukuyan ang SWP ay tinatawag na KWF o Komisyon sa Wikang Filipino na pinamumunuan ni Virgilio S. Almario. 

  

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. 1959 = Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ang Kautusang Blg. 7 1987 Konstitusyon = Ang wikang Pambansa ay Filipino. Kasalaukuyan = Filipino Palabaybayang Filipino



  

Abakadang Tagalog = 20 titik Patinig = 5 Katinig = 15 Bilang ng Ponema = 21 May isang dagdag (impit na tunog) Bagong Alfabetong Filipino = 28 titik = 8 hiram na titik C, F, J, Q, Ñ, V, X, Z

PANANALIKSIK • Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito. • Aquino (1974) ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga

Bb. Issabela Denise O. Endrina - Instructor JRMSU –MAIN CAMPUS

-

• • • • •

Sa madaling salita, ang pananalisik ay isang sistematikong pangangalap ng datos bilang tugon sa isang problema.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Nagpapayaman ng Kaisipan Makadiskubre ng Bagong Kaalaman Magkaroon ng panimulang Kaalaman sa Pananaliksik Pasundang Pag-aaral (Follow-up Studies) Sarbey (Surbey) LAYUNIN NG PANANALIKSIK

• •

• • • • • • •

• • • • • •

Magbigay-linaw sa isang pinagtatalunang isyu Maghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinagpalagay na totoo o makatotohanang ideya Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, palagay o paniniwala Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo Makakita ng sagot sa suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon Makadebelop ng bagong instrumento o produkto Higit na maunawaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga bagong "elements" at "substances” Palugurin ang kuryosidad ng mga mananaliksik Mapalawak at mabigyang-linaw ang mga umiiral na kaalaman MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK Sistematiko Kontrolado Empirikal Mapanuri Obhetibo,Lohikal at Walang Kinikilingan Gumagamit ng Kuwantetibo o Estadistikal na Metodo

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

• • • • • •

Orihinal na Akda Akyureyt Matiyaga at Hindi minamadali Pinagsisikapan Nangangailangan ng Tapang Maingat na Pagtatala at Pag-uulat

URI NG PANANALIKSIK  Basic Research  Descriptive Research  Action Research  Experimental Research  Applied Research  Pampamilihan  Pampanitikan MGA ESTRATEHIYA NG PANANALIKSIK • • • • • • •

Pasundang Pag-aaral o Follow-up Studies Pag-aaral na Pangkalakaran o Trend Studies Pangkasaysayang Pananaliksik o Historical Research Developmental Studies Sarbey (Survey) Pangkalagayang Pag-aaral o Case Study Field Study

KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK • • • • •

Masipag Matiyaga Kritikal o Mapanuri Maingat Sistematik







BAHAGI NG PANANALIKSIK KABANATA I Ang Suliranin at Saklaw ng Pag-aaral Panimula Teoretikal at Konseptwal na Balangkas Iskema ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin - Batayang Palagay (Hipotesis) Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Depinisyon ng Terminolohiya

• • • • • • •

KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Kaugnay na Literatura Lokal na Literatura Banyaga na Literatura Kaugnay na Pag-aaral Lokal na Pag-aaral Banyaga na Literatura

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK 







Unang Hakbang •Pumili at maglimita ng paksa •Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon. Ikalawang Hakbang • Magsagawa ng pansamantalang balangkas. I.Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. II.Ilahad ang layunin. III.Itala o ilista ang mga tanong. IV.Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa. Ikatlong Hakbang •Magtala ng sanggunian •Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian. Ikaapat na Hakbang

Bb. Issabela Denise O. Endrina - Instructor JRMSU –MAIN CAMPUS

• Mangalap ng datos • Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat na. • Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian Ikalimang Hakbang • Bumuo ng konseptong papel • Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. • Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat. Ikaanim na Hakbang •Gumawa ng dokumentasyon •Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas. Ikapitong Hakbang •Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

• •

KABANATA III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik Respondente ng Pananaliksik Kinalalagyan ng Pananaliksik Paraan ng Paglilikom ng Datos Pagsusuring Estadistika

• • • • • •

KABANATA IV Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos KABANATA V

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa



Buod ng mga Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

   

Talasanggunian Talaan ng Nilalaman Abstrak Kurikulum Bita

Bb. Issabela Denise O. Endrina - Instructor JRMSU –MAIN CAMPUS

Related Documents

Handouts
November 2019 48
Handouts
November 2019 50
Handouts)
May 2020 23
Handouts
November 2019 71
Handouts
October 2019 53
Handouts
December 2019 55

More Documents from ""

Handouts Fildis.docx
July 2020 19
May 2020 4
May 2020 4