i PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS
Isang Tesis na iniharap Sa Kolehiyo ng Edukasyon Jose Rizal Memorial State Univeristy Dipolog Campus, Lungsod ng Dipolog
Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan Sa Pangangailangan ng Digring BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION Dalubhasa sa Filipino
Nina
Issabela Denise O. Endrina Carlo B. Guillena Merry Fe B. Tubil
Oktubre 6, 2017
ii
Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City PAGPAPATUNAY BILANG BAHAGI SA PAGSASAKATUPARAN ng mga kinakailangan sa digring BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION Dalubhasa sa Filipino,ang tesis na ito na pinamagatang “PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS”, ay inihanda at ipinasa nina Issabela Denise O. Endrina, Carlo B. Guillena, at Merry Fe B. Tubil ay inirekomenda para sa ORAL DEFENSE. GLENDA A. TAMPON, M.A. FIL. Tagapayo Ang tesis na “PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSUDIPOLOG KAMPUS”, na inihanda at ipinasa nina Issabela Denise O. Endrina, Carlo B. Guillena, at Merry Fe B. Tubil ay sinuri at tinanggap ng Tesis Komite.
LEONARDO D. CAINTA, E.M.D Tagapangulo
GEMMA S. OROSCA, M.A FIL Internal Expert
GLENDA A. TAMPON, M.A FIL Tagapayo
iii INAPROBAHAN ng LUPON NG MGA TAGASURI SA ORAL DEFENSE noong ika-6 ng Oktubre, 2017 na may markang ______________________________
LEONARDO D. CAINTA, E.M.D Tagapangulo
GEMMA S. OROSA, M.A FIL Internal Expert
GLENDA A. TAMPON, M.A FIL Tagapayo
TINANGGAP ng Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon bilang bahagi ng pagsasakatuparan para sa pangangailan ng Digring BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION Dalubhasa sa Filipino.
ELENITA M. REYNA, Ed. D Dekano
iv
PASASALAMAT Nais ng mga mananaliksik na ipabatid ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng taong walang sawang sumuporta para maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Una sa lahat, sa Panginoong Diyos na nagbigay ng lakas ng loob at kaalaman sa aming mga mananaliksik. Pangalawa, sa aming Pamilya at mga mahal sa buhay na buong-buo ang suportang pinansyal at moral at patuloy ang paggabay maisakatuparan lamang ito. Kay Dr. Elenita M. Reyna, dekano sa kolehiyo ng Edukasyon sa kanyang mga payo; Sa mga Dekano ng iba pang kolehiyo para sa pagbibigay pahintulot sa amin na magpasagot ng mga talatanungan sa bawat departamento; Kay Dr. Ramil C. Moroscallo, guro sa SPEC-107 F -Pananaliksik sa kanyang paghihikayat sa amin na magsikap na matapos ang aming pananaliksik sa kabila ng mga problemang tinahak; Kay Prof. Glenda A. Tampon, tumatayong tagapayo sa pagbahagi ng kanyang kaalaman at panahon sa pagwawasto sa kamalian sa aming pananaliksik; Kay Prof. Rochel A. Ranes, guro sa Research-32 sa kanyang pag-intindi at pagbibigay ng oras upang maisagawa ang pananaliksik; Kay Prof. Rosenda Borres, sa mga payo at pagpapaliwanag at pamatnubay sa larangan ng estadistika; Kay Prof. Gemma S. Orosca, na walang humpay ang suporta at pagpapalakas ng loob namin;
v Sa mga respondente ng Unibersidad na mula pa sa apat na departamento, (COC, CED, CAS, CET) na nakapaglaan ng oras at buong kooperasyon upang sagutan ang mga talatanungan; Sa aming kapwa mag-aaral at mga kaibigan, maraming salamat sa inyong mga tulong, sa aming mga pamilya, maraming salamat sa pagbibigay pinansyal at suporta. Sa inyong lahat, maraming salamat po!
Mga mananaliksik
vi
DEDIKASYON Ang pananaliksik na ito ay buong- pusong inaalay sa bawat isa lalong-lalo na sa Panginoong Diyos, na nagbigay ng kaalaman at lakas ng loob upang matapos ang pananaliksik na ito, sa aming pamilya, kaibigan at mga kaklase. Inaalay din ito ng mga mananaliksik sa mga butihing guro na sina Dr. Ramil C. Moroscallo, Prof.Glenda A. Tampon, Prof. Gemma S. Orosca, Prof. Rochel A. Ranes, Prof. Rosenda A. Borres na gumabay at naghubog upang maisagawa ang pananaliksik.na ito. Hindi matatapos ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa inyo.
ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL
vii
TALAAN NG NILALAMAN Pahina Pahinang Pamagat
i
Pagpapatunay
ii
Pasasalamat
iv
Dedikasyon
vi
Talaan ng Nilalaman
vii
Mga Talahanayan
x
Mga Talungguhit
xi
Abstrak
xii
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SAKLAW NG PAG-AARAL Panimula
1
Teoritikal at Konseptwal na Balangkas
3
Iskema ng Pag-aaral
5
Paglalahad ng Suliranin
6
Kahalagahan ng Pag-aaral
7
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
8
Depinisyon ng Terminolohiya
9
viii
2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na Literatura
12
Kaugnay na Pag-aaral
15
3 DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pananaliksik
21
Respondente ng Pananaliksik
21
Ang Kinalalagyan ng Pananaliksik
22
Instrumento ng Pananaliksik
24
Paraan ng Paglilikom ng Datos
24
Pagsusuring Estadistika
24
4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
27
5 BUOD
NG
MGA
NATUKLASAN,
KONKLUSYON
REKOMENDASYON Buod Ng Mga Natuklasan
41
Konklusyon
42
Rekomendasyon
43
TALASANGGUNIAN
45
APENDIKS
AT
ix A. Liham para sa Tagapayo
47
B. Liham para sa Respondente
48
C. Liham pahintulot mula sa mga Dekano
49
D. Talatanungan
53
KURIKULUM BITA
56
x MGA TALAHANAYAN Talahanayan
Pahina
1
Bilang ng mga Respondente
22
2
Propayl ng Respondente ayon sa Edad
27
3
Propayl ng Respondente ayon sa Kurso
28
4
Propayl ng respondente ayon sa Kasarian
29
5
Antas ng Kasanayan ng mga Mag-aaral Hinggil sa wastong Paggamit ng mga Bantas
30
6
Makabuluhang Kaugnayan sa Pagitan ng Demograpikong Propayl ng mga Respondente at ang Antas ng Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas ayon sa Edad
7
8
Makabuluhang Kaugnayan sa Pamamagitan ng Demograpikong Propayl ng mga Respondente at ang Antas ng Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas ayon sa Kurso Makabuluhang Kaugnayan sa Pagitan ng Demograpikong Propayl ng mga Respondente at ang Antas ng Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas ayon sa Kasarian
35
37
39
xi
TALUNGGUHIT Talungguhit
Pahina
1
Iskema ng Pag-aaral
5
2
Mapa ng JRMSU-Dipolog Campus
23
xii ABSTRAK Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay masuri ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng JRMSU-Dipolog Kampus hinggil sa wastong paggamit ng bantas. Naglalayon din itong malaman ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad, kurso at kasarian at matuklasan ang makabuluhang kaugnayan nito sa kanilang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. Upang maisakatuparan, nagpasagot ang mga mananaliksik ng mga talatanungan sa mga piling mag-aaral ng bawat departamento ng JRMSU, (COC, CED, CAS, CET). Pero bago ito, humingi muna ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga dekano at dekana ng mga nabanggit na departamento at ang mga sariling gawang talatanungan ay dumaan muna sa pagwawasto ng mga tagapayo at mga guro sa pananaliksik. Ginamitan ito ng pormulang Sloven upang makuha ang sample size. Chi-Square Test naman ang ginamit upang matuklasan ang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga respondente at ang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. Natuklasan na mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng JRMSUDipolog Kampus pagdating sa wastong paggamit ng bantas sapagkat ang pinakamalaking bahagdan ng mga mag-aaral ay nakahanay sa sanay na sanay. Gayunpaman, walang kaugnayan ang propayl ng mga respondente ayon sa edad, kurso at kasarian sa kanilang antas ng kaanayan sa wastong paggamit ng bantas. Masasabi ng mga mananaliksik na anumang edad, kasaarian o kurso ng magaaral, hindi ito makakaapekto sa kanilang kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. Iminumungkahi na patuloy na bigyang diin ang kahalagahan at wastong paggamit ng bantas lalong lalo na sa mga asignaturang may kaugnayan sa pagsulat at
xiii pakikipagkomunikasyon. Hinihikayat din ang unibersidad at mga guro na magsagawa ng mga pasulit na binibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mailapat ang mga natutunan hinggil sa wastong paggamit ng mga bantas. Hinihikayat din ang mga guro na magbigay ng mga gawaing pasulat at pagbabasa at iwasto ang mga pagkakamali ng mga mag-aaral sa paggamit ng bantas nang sa gayon ay hindi nila ito makasanayan. Dagdag pa ang mga mag-aaral ay hinihikayat na maglaan ng oras sa mga gawaing pasulat at pakikipagkomunikasyon upang mapalago ang kaalaman sa wastong paggamit ng bantas at kasanayan sa pakikipagtalastasan na ginagamitan ng mga bantas.
xiv
1
Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SAKLAW NG PAG-AARAL Introduksyon
Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas. Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahulugan ng mga pangungusap.Truss (2003) Kaugnay sa pahayag na ito, ang maling paggamit ng mga bantas sa pagsulat ay kadalasang sanhi ng di pagkakaunawaan. Ang bawat pahayag na ginagamitan ng bantas ay may tiyak na kahulugan kung kaya’t magkamali ka lang ng kaunti sa paggamit nito ay iba na ang magiging kahulugan ng mensaheng nais mong ipabatid. Madalas binabalewala lang natin ang mga ganitong senaryo imbes na pagtuunang pansin.
Ang kasanayan sa pagsulat ay isang sistema na humigit-kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayag kung saan maaari itong muling makuha nang walang interbensyon na nagsasalita. (The World's Writing System, Peter Daniels) Kaya naman, sadyang napakahalaga ng paggamit ng wastong bantas sa pagsusulat ng isang pahayag o pangungusap. Sa pagsusulat, mayroon tayong tinatawag na maykrong kasanayan. Ayon kay Javed et. al (2013) ang mga kasanayang ito ay nakatutulong sa mga manunulat na makapagsulat ng maayos at maiwasan ang pagkakamali. Ang unang kailangang taglayin ng isang mabuting manunulat ay ang kakayahan sa wastong paggamit ng bantas. Dagdag pa ni Donald Murray (2003), ang pagsulat ay isang
2
eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon ng kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente. Subalit, paano maipapahayag ng maayos at episyente ang mensahe kung hindi maayos ang gamit ng mga bantas sa kasanayang pagsulat? Batid ng mga mananaliksik na ang problemang ito ay may malaking epekto sa mga mag-aaral gaya ng mga mga kumukuha ng kursong edukasyon. Ang mga mag-aaral sa Bachelor of Elementary Education at Bachelor of Secondary Education lalong lalo na ang may mayoryang Filipino sa Jose Rizal Memorial State University ay mga naghahangad na maging guro sa hinaharap. Gamit nila ang wikang Filipino bilang midyum ng instruksiyon. Darating din ang panahon na magkakaroon ng sulating gawain ang kanilang mga mag-aaral o di kaya’y pagbasa kung saan, kailangang masuri ang wastong gamit ng mga bantas upang mas maging epektibo ang pagpapahayag ng saloobin. Subalit, paano nila ito magagawa kung sila mismo ay hindi alam ang wastong gamit ng mga bantas? Sa kabilang dako, ang mga mag-aaral mula sa mga departamento ng Criminology, Arts and Sciences at Engineering and Technology ay makakaranas din ng mga gawaing pasulat o pasalita at kinakailangan din nila ang kaalaman at kahalagahan ng wastong paggamit ng mga bantas. Kaya naman, titiyakin ng mga mananaliksik na malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa JRMSU Dipolog Kampus hinggil sa wastong paggamit ng mga bantas. Sa pamamagitan nito, maisasakatuparan ang layuning malaman ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral hinggil sa wastong paggamit ng bantas.
3
Teoritikal at Konseptwal na Balangkas Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ng komunikasyon ni Rubin (2001) na nagsasabing kailanman ang tao’y hindi makatatagal na mamuhay nang sa ganang sarili lamang niya. Ang tao ay palaging nangangailangan ng kanyang kapwa, kaya ang isang tao ay namumuhay. Kaya ang isang tao ay namumuhay kasama ang kapwa niya dahil mayroon siyang katangiang pantao na katulad ng kanyang kapwa. Ngunit mabubuo lamang ang kanyang pakikipagkapwa kung may instrumentong mag-uugnay sa kanila. Ang komunikasyon ang siyang sasagot sa pangangailangang ito. Ang teorya ni Rubin ang nagsasaad na sadyang mahalaga ang komunikasyon sa buhay ng tao. Gayunpaman, paano makakamit ang epektibong komunikasyon kung hindi malinaw ang mensaheng ipinapabatid ng isang sender? Kung gayon, Malaki ang kaugnayan nito sa wastong paggamit ng bantas at mga salita mapasalita man o pasulat. Ang wastong paggamit ng bantas ay isa sa mga sangkap ng epektibong komunikasyon. Nakabatay din ang pag-aaral na ito sa teorya ni Donald Murray (2003) na ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon ng kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente. Ayon pa sa kanya, ang pagsulat ay prosesong rekarsibo o paulit-ulit. Kung gayon, nangangailangan ito ng wastong gamit ng mga bantas at salita upang magkaroon ng mas malinaw na pagpapahayag o interpretesyon ng saloobin o nais ipabatid na mensahe sa pamamagitan ng pagsulat. Nakabatay din ang pag-aaral na ito sa konsepto ni Jung (2013 p. 133) na nagsasabing marami sa atin ang naniniwalang hindi mahalaga ang wastong paggamit ng
4
bantas kung kaya’t maraming mga mag-aaral ang nagkakamit ng mga pagkakamali sa paggamit nito. Naaayon din ito sa konsepto ni Samson (2014) na nagsasaad na ang bantas ay nagiging daan upang magkaroon tayo ng mas malinaw na komunikasyon sa mga mambabasa ng ating mga isinulat. Dagdag pa, hinango rin ang pag-aaral na ito sa konsepto ni Awad (2012). Ayon sa kanya ang bantas ay may tatlong mahalagang tungkulin. Una ay ang tungkuling Pamponetika. Nakasaad dito na mahalaga ang bantas sapagkat malinaw itong nagpapakita ng ritmo, paghinto at tono sa isang nalimbag na akda. Pangalawa ay ang Pambalarilang tungkulin na nagsasabing ang bantas ay mahalaga sapagkat ito ay may malaking kaugnayan sa wastong gamit g mga salita at sa pagbuo ng mga pahayag, pangungusap, talata at anumang artikulo. Panghuli ay ang Semantikong Tungkulin na nagsasabing ang bantas ang pangunahing dahilan upang mabigyang kaliwanagan ang kahulugan ng mga salita sa isang pahayag o di kaya’y parirala sa pamamagitan ng pagiging pananda nito. Sa kabuuan, ang mga konsepto at teoryang nabanggit ay nagpapatunay na kailangan pagtuunang pansin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas nang sa gayon ay maipabatid sa kanila ang kahalagahan nito.
5
MALAYANG BARYABOL
DI MALAYANG BARYABOL
Iba’t ibang
Antas ng kasanayan ng mga piling mag-aaral
Uri ng Bantas
hinggil sa wastong paggamit ng bantas
Edad
Kurso
Kasarian
INTERVENING BARYABOL Talungguhit I. Iskematik na Disenyo
6
Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang antas ng kasanayan ng mga piling mag-aaral ng JRMSU-Dipolog Kampus hinggil sa wastong paggamit ng bantas. Nais ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente ayon sa: 1.1 Edad; 1.2 Kurso 1.3 Kasarian; 2. Ano ang antas ng kasanayan ng mga piling mag-aaral hinggil sa wastong paggamit ng mga bantas na: 2.1 Tuldok o period (.) 2.2 Kuwit o comma (,) 2.3 Tandang Pananong o question mark (?) 2.4 Tandang Padamdam o exclamation point (!) 2.5 Gitling o hyphen (-) 2.6 Tutuldok o colon (:) 2.7 Tuldok-kuwit o semicolon (;) 2.8 Kudlit o apostrophe (′)
7
2.9 Panipi o quotation mark (“”) 3.0 Panaklong o parenthesis ( )
3. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan ang demograpikong propayl ng mga respondente sa kasanayan nila sa wastong paggamit ng mga bantas?
Batayang Palagay: H01- Walang makabuluhang kaugnayan ang demograpikong propayl ng mga respondente sa kasanayan nila sa wastong paggamit ng mga bantas Kahalagahan ng Pag-aaral Ang resulta ng pag-aaral na ito ay naglalayong mapabatid ang kahalagan at wastong paggamit ng bantas. Kung gayon, ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, guro, Jose Rizal Memorial State University Campus at sa iba pang mga mananaliksik. Jose Rizal Memorial State University-Dipolog Kampus. Mahalaga ang pagaaral na ito sa unibersidad dahil ang resulta nito ay magiging tulay upang mapagtanto ng administrasyon na sadyang mahalaga ang wastong paggamit ng bantas sa kasanayang pagsulat, pagbasa at pakikipagtalastasan. Kung gayon, mas tututukan nila ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wastong bantas at mas matutulungan pa silang mapaunlad ito. Guro. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga guro sapagkat makakatulong ito sa pagpapaunlad ng kanilang mga paraan sa pagtuturo. Mas magiging madali rin para sa mga guro ang paggawa ng mga gawaing ginagamitan ng pagsulat, pagbasa o
8
pakikipagtalastasan sapagkat mas magiging maalam na ang mga guro sa wastong paggamit ng mga bantas. Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral sapagkat sa pamamagitan nito, mabibigyang pansin na nila ang kahalagahan ng wastong paggamit ng bantas. Mapapalago ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa pagsulat. Magiging mas madali sa kanila ang pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at hindi na mabibigyan ng maling interpretasyon ang kanilang mensaheng nais ipabatid. Iba pang Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga rin sa iba pang mananaliksik dahil maaaring mapagkunan ito ng mga ideya lalo na kung ang paksang pag-aaralan ay may kaugnayan din sa wastong paggamit ng mga bantas. Maaring tungkol sa kasanayang pagsulat o pagbasa gayong ang mga bantas ay mahalaga ring mga pananda sa pagbabasa. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay naka pokus sa antas ng kasanayan ng mga piling magaaral ng JRMSU-Dipolog Kampus hinggil sa wastong pagamit ng bantas. Nakatuon din ang pag-aaral na ito sa mga respondenteng mag-aaral sa bawat departamento ng Jose Rizal Memorial State University (Dipolog Kampus). Ang mga personal na kaalamang kinakailangan sa pag-aaral na ito ay ayon sa Edad, Kurso at Kasarian. Sinusuri rin dito ang kasanayan ng mga mag-aaral tungkol sa mga bantas na ating ginagamit at kung gaano nga ba sila ka-sanay sa wastong paggamit nito. Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa Jose Rizal Memorial State University (Dipolog Kampus), Turno, Dipolog City, Zamboanga Del Norte (College of Education) sa taong panuruan 2016-2017.
9
Depinisyon ng mga Termino Upang maging malinaw at makabuluhan ang pag-aaral na ito, binigyan ng katuturan ang mga katawagang tekniko at mga salitang ginagamit sa pag-aaral. Bantas – Sa pag-aaral na ito ang bantas ay nangangahulugang mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas.Ito ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng mga pangungusap. Gitling- Ang gitling o hyphen (-) ay ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan. C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling. E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan F. Kapag ang panlaping ikaay iniunlapi sa numero o pamilang. G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. Kudlit- Ang kudlit o apostrophe (′) ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kinakaltas.
Kuwit- Ang kuwit o comma (,) ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan: A. Paghihiwalay ng isang sinipi. B. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng
10
mga salitang magkaka-uri. C. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan. D. Pagkatapos ng Oo at Hindi. E. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. F. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham. G. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Panaklong- Ang panaklong o parenthesis (( )) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Panipi- Ang mga panipi o quotation mark (“”) ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga kaparaanan: A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Tandang Padamdam- Ang tandang padamdam o exclamation point (!) ay isang bantas na ginagamit sa mga pahayag na dulot ng bugso ng damdamin, sigaw, o pahayag na mapang uyam. Tandang Pananong- Ginagamit ang tandang pananong o question mark (?): A. Sa pangungusap na patanong B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pagaalinlangan sa diwa ng pangungusap. Tuldok- Ang tuldok o period (.) ay ginagamit na pananda A.sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. B. Sa pangalan at salitang dinaglat. C.Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
11
Tuldok-kuwit- Ang tuldok-kuwit o semicolon (;) ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig, sa ganitong mga paraan: A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal. B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Tutuldok- Ang tutuldok o colon ( : ) ay ginagamit matapos maipapuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, sa ganitong mga paraan: A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o lihampangangalakal. C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Wikang Filipino- ang wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas.Sa pag-aaral na ito, ang wikang Filipino ay nangangahulugang wikang kinapapalooban ng mga salitang dapat ginagamit ng maayos na tinutukoy sa paksa ng pag-aaral.
12
Kabanata 2 KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga literatura at pag-aaral na nakatulong upang magsilbing batayan at mas lalong mapatibay ang ginawang pananaliksik. LITERATURA Ayon sa isang artikulo sa blog na Wika at Panitikan na pinamagatang Batayang Kaalaman
sa
Komunikasyon
noong
2010,
kadalasang
ginagamit
sa
pakikipagkomunikasyon ang paraang pasalita at tinatawag na berbal na komunikasyon. Ang komunikasyong berbal ay gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong nababasa at pasalita yaong mga binibigkas at naririnig. Ang berbal na komunikasyon ang siyang pinakamahalaga at pinakamabisa. Ang artikulong ito ay mahalaga sa aming pananaliksik sapagkat binibigyang linaw nito ang kahalagahan ng wastong paggamit ng bantas para sa mabisang komunikasyon. Sapagkat, paano magiging mabisa ang pakikipagkomunikasyon kung hindi naipabatid ng maayos ang mensahe dahil nagkamali sa paggamit ng bantas. Dagdag pa, ayon kina Hussain et. al (2013) ang pagsulat ay ang pagpapahayag ng anumang nasa isipan ng isang manunulat. Ito ay proseso kung saan makikitaan ng masistemang paggamit ng wika. Ayon kay Ridha (2012), ang pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng kognitibong pag-aanalisa at kaalaman sa paggamit ng mga bagay na may kaugnayan sa wika. Dagdag pa ni Adas at Bakir (2013), bukod sa pagiging komplikado ng pagsulat, ito ang pinakamahirap na gawain na ginagamitan ng wika. Sapagkat mahalaga ang bantas sa paggamit ng wika, mahalaga ang mga nabanggit upang pagtibayin ang pananaliksik sa wastong paggamit ng bantas. Maraming bagay ang
13
maapektuhan kung hindi wasto ang paggamit ng bantas sa anumang gawaing pasulat. Halimbawa, kung sakaling magkamali tayo sa paggamit ng tandang padamdam sa halip na tuldok, mag-iiba agad ang magiging pahiwatig ng pahayag. Binigyang diin din ni Albalawi (2015) na ang pagsulat ay nangangailangan ng kaalaman sa mga salik na nakakaapekto sa produkto nito. Sapagkat ang bantas ay may malaking kaugnayan sa pagsulat o masasabing salik na nakakaapekto sa pagsulat, ang pahayag na ito ni Albalawi ay nangangahulugang kailangan talaga nating pagtuunan ng pansin ang kasanayan ng bawat isa sa wastong paggamit ng bantas. Ayon pa sa pagsusuring ginawa nina Javed et al., (2013) ang kasanayang pagsulat ay mas komplikado kaysa sa kasanayang pangwika. Kung gayon nangangailangang ipagpatuloy ang mas malalim na pag-aaral na kaugnay sa kasanayang pagsulat upang mas maipakita kung gaano ito kakomplikado at gaano kahalaga maging ang paggamit ng bantas at mga salita sa prosesong ito. Samantala, ipinagdiinan ni Almario (2015) sa kanyang manwal na “KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat, Ikalawang Edisyon” ang mga wastong gamit ng mga bantas. Ayon sa kanya, ang tuldok ay may angkop na gamit at naayon ito sa: pagpapaikli, paglilista sa enumerasyon, sa agham at matematika, sa relasyon nito sa iba pang bantas, sa sanggunian, sa sangguniang online at sa diksyunaryo. Ang kuwit naman ay ginagamit din sa: mga serye, pambukod ng mga ideya, pambukod ng mga detalye, pansamantalang pagtigil, sa pagsipi, matapos ang pang-abay at pangatnig, bilang pamalit sa detalye, sa mga liham at sa diksyunaryo. Ang tandang pananong ay ginagamit ayon sa relasyon nito sa iba pang bantas, mga tuwiran at di tuwirang tanong at mga pakiusap na patanong. Ang tandang padamdam ay ginagamit din nang naayon sa relasyon nto sa ibang bantas at sa
14
mga pahayag na dulot ng bugso ng damdamin. Sa kabilang dako, ang tuldok-kuwit ay ginagamit sa mga komplikadong serye sa pangungusap, bago ang pang-abay, sa paghihiwalay ng mga detalye at ayon na rin sa relasyon nito sa iba pang bantas. Ginagamit naman ang tutuldok sa pagsipi, sa paglilista, sa oras at kabanata ng Bibliya, sa sanggunian, sa mga bahagi ng liham at maging sa mga iskrip. Ang panipi ay ginagamit sa pagsipi o tuwirang pagpapapasok sa isang pangungusap ng isa o mahigit na pahayag o pangungusap mula sa ibang nagsasalita o sanggunian. Ang gitling ay ginagamit sa paghihiwalay ng numero, pagbabaybay, pananda ng panlapi at senyas ng naputol na salita. Ang panaklong naman ay ginagamit din sa mga sanggunian at para sa paglilinaw. Ang kudlit ay ginagamit kung hindi dapat pagdikitin ang mga salita at sa mga pangalang banyaga. Sa agham naman at matematika madalas gamitin ang panaklaw. Ginagamit ang pahilig sa: saklaw ng panahon, pagsulat ng petsa, representasyon ng kada at bawat, sa agham at matematika, sa pagsipi ng tula at sa URL ng website. Ang ellipsis ay madalas ginagamit sa pagsipi ng tula at ang panaklang ay madalas din gamitin sa matematika at pananda na naghihiwalay sa email address o URL sa iba pang bahagi ng pangungusap. Ang manwal na binuo ni Almario (2015) ay mahalaga sa pananaliksik na ito dahil binigyang paliwanag nito ang mga wastong gamit ng bawat bantas. Kung gayon, mas mapagpapatibay nito ang katunayang dapat mabatid ng lahat ang kahalagahan ng wastong paggamit ng bantas. Bawat banats ay may tiyak na gamit kaya naman hindi dapat ito basta bastang gamitin lalo na kung hindi naman ito angkop sa pangungusap. Samantala, binanggit naman sa blog ni Siddiqi (2010) na “The Write Corner” na mahalagang malaman ng lahat kung ano ang mga bantas, gamit at kahulugan nito upang magamit ito ng wasto at makagawa ng isang magandang gawaing pasulat. Higit sa lahat, upang mailahad ang tunay na mensahe sa isang pahayag.
15
Sa kabilang dako, ayon naman kay Aira Gabon (2014) mayroong limang hadlang sa epektibong komunikasyon at nangunguna rito ang hindi malinaw na mensahe. Ang hindi malinaw na mensahe ay kinapapalooban ng hindi angkop na mga salita at mga bantas. Kung gayon, ang wastong paggamit ng bantas ay sadyang dapat pagtuunan ng pansin sapagkat ito ay sangkap para sa isang epektibong komunikasyon. Ayon pa sa isang artikulo sa Text Buff News: Text Messaging in the Philippines taong 2016 na pinamagatang “Textspeak in the Philippines”, ang SMS language ay nabubuo sa paggamit ng initials. Halimbawa: JK – Just Kidding; OTW – On the Way. Kontraksiyon – Halimbawa: bakit-bkit; dahil-dhil at Phonetics-Halimbawa: later-l8r; itoi2. Katumbas na ng mga bantas ang isang buong mensahe para sa mga Pilipino Ngunit hindi lahat ng pagkakataon ay kayang ibigay ng isang simpleng simbolo ang buong kaisipan na gusto ihatid ng text. Ito minsan ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan at ayaw natin ng malabong mensahe. PAG-AARAL Ayon sa pag-aaral nina Javed et. al, (2013) na pinamagatang, “A Study of Students’ Assessment in Writing Skills of the English Language” dapat mas bigyan ng mas maraming pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil sa pagsulat upang mahasa ang kanilang mga kakayahan sa paggamit ng wastong mga salita, bantas at tamang balarila. Mahalaga ang pag-aaral nina Javed et al., (2013) bagamat tungkol sa wikang Ingles ito dahil ang resulta ng kanilang pag-aaral ay maaaring iugnay sa pag-aaral sa wikang Filipino. Sa katunayan, Ingles man o Filipino ang wikang gamitin, hindi magbabago ang gamit ng mga bantas. Malaki pa rin ang pinsalang maidudulot nito sa pagbabago ng mensaheng nais ipahayag kung sakaling mali ang paggamit na nagawa.
16
Mula naman sa Study Service Advice tungkol sa Punctuation ni Jowers (2012), simple lamang ang sagot kung bakit kailangang gumamit ng bantas. Ayon sa kanya, ang pagsulat ay di
gaya ng aktwal na pagkakasabi na aktwal din nating malalaman ang
emosyon ng nagsasalita. Kaya naman, sa pamamagitan ng mga bantas, nabibigyang emosyon ang mga pahayag. Dagdag pa niya, ang bantas ay instrumentong nakakatulong sa pagdikta ng paghinto, pag taas at pagbaba ng intonasyon na mahalaga sa pakikipagunawaan. Dagdag pa, sa ibang bansa, tulad ng Ghana, pinagtutuunang pansin din ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng mga bantas. Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Akampirige at Benjamin (2014) na pinamagatang, “Errors in the use of punctuation marks among Polytechnic students” na ginanap sa isang paaralang pang kolehiyo sa Ghana, ang mga mag-aaral ay malayang gumagamit ng mga bantas sa kanilang pagsusulat bagama’t hindi nila alam ang tunay na gamit ng mga bantas na ito. Ang nasabing pag-aaral ay mahalaga sa pananaliksik na ito dahil magkasing tugma ito ng mga layunin.
Isa rin itong patunay na ang wastong paggamit ng bantas at
ang kahalagahan nito ay hindi lamang isang suliranin sa wikang Filipino bagkus, pati na rin sa Ingles. Nakapaloob sa pag-aaral na ito na sadyang mayroong mga bantas na hindi pa rin alam ng mga mag-aaral ang wastong gamit bagama’t sila’y nakatungtong na ng kolehiyo. Bagama’t ang pag-aaral na ito ay ginanap sa Ghana, mayroon itong makabuluhang pahiwatig sa maaring antas ng kaalaman at kasanayan sa wastong paggamit ng bantas ng mga mag-aaral sa Pilipinas lalo na sa mga estudyante sa kolehiyo. Sa isinagawang pag-aaral ni Awad (2012) na pinamagatang “The Most Common Punctuation Errors Made by the English and the TEFL majors at AN-Najah Universities students” sinasabing ang mga mag-aaral sa ikalawang semester ng taong panuruan 2009-
17
2010 ay nagkakamali sa paggamit ng mga bantas na kuwit, tuldok, panipi at tuldokkuwit. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa aming pag-aaral sapagkat maaari itong maging batayan kung anong mga bantas din ang madalas na hirap gamitin ang mga mag-aaral sa JRMSU. Mahalaga rin ang pag-aaral ni Awad sapagkat nakasaad dito na ang bantas ay may tatlong mahalagang tungkulin. Una ay ang tungkuling Pamponetika. Mahalaga ang bantas sapagkat malinaw itong nagpapakita ng ritmo, paghinto at tono sa isang nalimbag na akda. Pangalawa ay ang Pambalarilang tungkulin na nagsasabing ang bantas ay mahalaga sapagkat ito ay may malaking kaugnayan sa wastong gamit g mga salita at sa pagbuo ng mga pahayag, pangungusap, talata at anumang artikulo. Panghuli ay ang Semantikong Tungkulin na nagsasabing ang bantas ang pangunahing dahilan upang mabigyang kaliwanagan ang kahulugan ng mga salita sa isang pahayag o di kaya’y parirala sa pamamagitan ng pagiging pananda nito. Ayon naman sa pag-aaral ni Khran (2014) na pinamagatang “A New Paradigm for Punctuation”, ang mga bantas ay sistema ng mga pananda na ginagamit upang protektahan ang integridad ng isang pangungusap. Kung gayon, kailangan nating maging sanay sa paggamit ng mga bantas upang maging makabuluhan ang mga pangungusap na ating isusulat. Sa kabilang dako, napag-alaman sa pag-aaral ni Muhammad (2010) na pinamagatang “Punctuation Marks and Effective Written Communication” – A case study of Higher National Diploma (HNDII) students of School of Technology, Kano, na mayroong mga mag-aaral na masasabing mataas ang antas ng kasanayan pagdating sa paggamit ng wastong bantas sapagkat naituro ng maayos ang paggamit ng bantas mula sa kanilang paaralan sa elementarya at sekondarya.
18
Batay sa obserbasyon ni Muhahamad, may posibilidad din na mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng JRMSU-Dipolog Kampus pagdating sa wastong paggamit ng bantas dahil maaring karamihan sa mga mag-aaral sa unibersidad na ito ay may sapat na kaalaman na tungkol sa bantas bago pa man tumungtong sa kolehiyo. Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ni Muhammad ay masasabing may malaking kaugnayan sa aming ginagawang pananaliksik. Sa pag-aaral naman ni Khansir (2013) na pinamagatang “Error Analysis and Second Language Writing” na isinagawa sa Bushehr University of Medical Science and Health Services, Iran, ang kadalasang pagkakamali ng mga mag-aaral sa paggamit ng bantas ay ang bantas na tuldok-kuwit at ang may pinakakaunting pagkakamali ay ang panipi. Ayon kay Khansir ang pangunahing dahilan nito ay ang kawalan ng mga magaaral ng sapat na kaalaman sa wastong paggamit ng bantas. Kung gayon, ang pag-aaral ni Khansir ay nagpapatunay na nangangailangan ng mga panibagong pananaliksik hinggil sa kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas. Kinakailangan din ng pagpapaalala sa mga mag-aaral ng kahalagahan ng wastong paggamit ng bantas. Natuklasan naman sa pag-aaral ni Sudilah (2015) na pinamagatang “Punctuation Errors by the Fourth Semester Students of the English Department na mula sa 30 respondente may kabuuang 59 na pagkakamali sa paggamit ng mga bantas na tuldok, kuwit, kudlit at tandang pananong at ang may pinakamataas na bilang ng pagkakamali ay ang kuwit. Ayon sa kanya, kaunti lamang ang mga mag-aaral na alam ang wastong paggamit ng lahat ng mga bantas. Kung gayon, mas lalong nagdagdag ng dahilan ang pag-aaral na ito ni Sudilah upang lubos na ipagpatuloy naming mga mananaliksik ang pagsukat sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa wastong paggamit ng bantas.
19
Ayon naman sa isang pag-aaral na nailathala sa smslanguage blog na may pamagat na “Epekto ng SMS Language sa Pagwawasto ng Wikang Filipino sa mga Piling Mag-aaral ng Mater Ecclesiae School sa taong 2016-2017”, nagagamit ang SMS language upang mapaikli ang salita o mensahe. Kaya naman, ang paggamit ng tamang bantas at tamang gramatika ay hindi masyadong nagagamit. Mahihinuha mula sa pagaaral na kahit noon pa mang 90’s ang mga nagtetext ay lumalabag sa tamang balarila na sumasaklaw sa pagbabantas. Ang pagbabantas ay mahalaga dahil dito masasabi kung ang tao ay bumubuo ng malinaw na mensahe. Karamihan sa mga gumagamit ng sms language ay hindi gumagamit ng angkop na pagbabantas. Kung ito ay hindi maaagapan, ito ay maaaring makapagdulot ng maling pagkakaintindihan o malabong mensahe. Sa larangan naman ng pagbasa, isinaad ni Arabejo (2014) sa kanyang pag-aaral na ang pagbasa ay isang makabuluhang paraan ng pagkilala, pagkuha ng ideya at pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag at susing magbubukas ng damdamin, kaalaman at kaisipang nalikom ng tao. Kung gayon, mahalaga ang pag-aaral na ito ni Arabejo dahil malaki rin ang kaugnayan nito sa wastong paggamit ng bantas. Paano magiging makabuluhan ang pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag kung hindi naman wasto ang mga salita at higit sa lahat ang mga bantas na ginamit dito? Dagdag pa ni Charita Lasala (2013) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang “Communicative competence of secondary senior students: Language instructional pocket”, mahalaga ang kasanayan sa pagsasalita at pagsulat ng bawat mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang komunikatibo at sosyolingwistikong kakayahan. Ayon pa sa pag-aaral ni Fred Agustin (2015) hinggil sa kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino sa Tersyarya, inaasahan na mas mataas na diskurso na ang paggamit
20
ng Filipino sa tersyarya. Dahil nasa ASEAN integration na ang ilang mga unibersidad, hinawa niyang halimbawa ang pagpapatatag ng mga Hapon sa wikang Nihonggo. Itoo ag opisyal na wikang ginagamit nila sa pag-aaral ng iba’t ibang kurso. Hindi raw ito tulad sa Pilipinas na ang katapatan ay wala sa pambansang wika kundi nasa wikang Ingles. Napag-alaman niyang ang puno’t dulo nito ay karamihan sa mga gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng mga teknikal/bokasyonal na kurso ay hindi pa bihasa sa tamang alituntunin ng ating wika. May mga pagkukulang sa paggamit ng bantas, mayroon ding hindi angkop na gamit ng salita at iba pa.
21
Kabanata 3 PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, kinalalagyan ng pananaliksik, mga respondente ng pananaliksik, ang instrumentong ginamit, pagsusuri at paglalapat ng estadistika. Disenyo ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay piniling gumamit ng metodong descriptive research kung saan ang paglilikom ng datos ay idinaan sa pagpapasagot ng mga talatanungan na naglalayong mapag-alaman ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa lahat ng kolehiyo ng Jose Rizal Memorial State University Dipolog-Kampus hinggil sa wastong paggamit ng bantas. Respondente ng Pananaliksik Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay may kabuuang bilang na 356 at pawang mga mag-aaral na nagmula sa apat na departamento ng JRMSU: College of Education, College of Criminology, College of Arts and Sciences at College of Engineering and Technology. Sinagot ng mga mag-aaral ang talatanungan hinggil sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas na may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang Demograpikong Propayl at ang pangalawang bahagi ay kinapapalooban ng mga katanungan hinggil sa bantas.
22
Narito ang talahanayan ng respondente ng pananaliksik. Talahanayan 1. Bilang ng mga Respondente Departamento
Bilang
College of Education
117
College of Criminology
124
College of Arts and Sciences
71
College of Engineering and Technology
44
Kabuuang Bilang
356
Ang Kinalalagyan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Jose Rizal Memorial State University – Dipolog Kampus. Ito ay dating Jose Rizal Memorial State College at naging unibersidad sa bisa ng Republic Act 9852 na nilagdaan ng dating Pangulo – Gloria Macapagal Arroyo. Kasalukuyang nakatayo ang JRMSU-Dipolog Kampus sa Gen. Luna St., Turno, Dipolog City. Sa kasalukuyan, mayroon itong apat na departamento: Education, Criminology, Engineering, Arts and Sciences. Sa taong 2016, nadagdagan ito ng panibagong departamento ang Senior High School department. Noong taong 2009, ang Jose Rizal Memorial State University ay ginawang kaunaunahang pamantasan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte sa pamamagitan ng pagaamenda ng Republic Act 8913 sa bisa ng Republic Act 9852 na principally authored ni Congresswoman Cecilia G. Jalosjos-Carreon at co-authored ni Cong. Cesar G. Jalosjos.
23
Talungguhit 2: Mapa ng Jose Rizal Memorial State University – Dipolog Kampus, Turno, Dipolog City Pinagkunan: DSAS office
24
Instrumento ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng talatanungan na naglalayong malaman ang antas ng kasanayan ng mga piling mag-aaral sa lahat ng kolehiyo ng JRMSU – Dipolog Kampus hinggil sa wastong paggamit ng bantas. Ang ginamit na talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Una ay ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na kinapapalooban ng Edad, Kurso at Kasarian. Sa kabilang dako, ang ikalawang bahagi ay mga katanungang sumusukat sa kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas. Ang ikalawang bahagi ay nahahati rin sa apat (Kaalaman, Komprehensyon, Paglalapat, Ebalwasyon). Susuriin ang kanilang kasanayan sa mga bantas na ginagamit sa pagsulat o pagbabasa at kung alam ba nila ang wastong gamit nito. Samantala, mayroong bahagi ng talatanungan kung saan, binigyang pagkakataon ang mga respondente na isulat ang angkop na bantas sa pahayag. Makikita ito sa bahagi ng paglalapat. Mayroon ding bahagi na kinakailangan ng mga respondente na matukoy ang bantas na mali ang pagkakagamit at kailangan nilang iwasto ito. Paraan ng Paglilikom ng mga Datos Upang makalikom ng mga datos, humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga dekano/dekana ng lahat ng kolehiyo: College of Education, College of Criminology, College of Arts and Sciences at College of Engineering and Technology na magsagawa ng pananaliksik sa kani-kanilang kolehiyo. Matapos mabigyang pahintulot, nagpasagot ng hinandang talatanungan ang mga mananaliksik sa mga piling mag-aaral ng bawat kolehiyo. Pagsusuring Estadistika Ang sumusunod na pamamaraan at pormulang pangestadistika ay ginamit ng mga mananaliksik upang matumbok ang kinalabasan ng mga datos na nalikom.
25
Ang kabuuang bilang ng mga respondente para sa pag-aaral na ito ay tatlong daan limampu’t anim (356). Ang sample size ay natukoy ng mga mananaliksik sa paggamit ng pormulang Sloven.
𝑛=
𝑁 1 + (𝑒)2
n- Sample Size N- Kabuuang Populasyon e- Margin of Error Paglalapat ng Estadistika: Ang mga sumusunod ay mga kasangkapang ginamit sa pagpapakahulugan ng datos na nalikom. Frequency and Percentage computation ito ay ginamit upang matukoy ang propayl ng mga respondente at antas ng kasanayan ng mga mag-aaral hinggil sa wastong paggamit ng mga bantas. Ang pormulang ginamit ay: Percentage = (part/whole) x 100
Chi – Square Test Ang chi-square test ay ginamit upang matukoy ang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga respondente at ang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng mga bantas.
26
Ang pormulang ginamit ay: 𝑥2 =
∑(𝑂−𝐸 2 ) 𝐸
Where: X2 = Chi-square test O = observed frequency E = expected frequency Σ = summation
27
Kabanata 4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS Hinahangad ng kabanatang ito na mailahad, masuri at mabigyang kahulugan ang mga datos na nalikom ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan sa 356 na mag-aaral sa lahat ng departamento ng Jose Rizal Memorial State University.Tinutugon sa kabanatang ito ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng wastong bantas. Ang paglalahad ng mga datos ay ibinatay sa pagkakasunod sunod ng mga suliranin. Mapapansin sa Talahanayan 2 na ang may pinakamaraming respondente ay ang may edad 19-20 taong gulang na may bahagdan na 39%, ang sumunod sa pinakamaraming respondente ay ang may edad na 17-18 taong gulang na may bahagdang 25.3%. Pangatlo ang may edad na 21-22 taong gulang na may bahagdang 13.5%, pangapat ang 15-16 taong gulang na nakakuha ng bahagdang 11.2% at ang panghuli ay may 23 pataas na edad na nakakuha ng 11% na bahagdan. Sa kabuuan, masasabi ng mga mananaliksik na ang may maraming respondente ay nasa ikatlo o ikaapat na taon gayong ang mga edad na nakalap ay 19-20 taong gulang. Talahanayan 2 Propayl ng mga Respondente ayon sa Edad Edad
F
%
15 – 16 Taong Gulang
40
11.2 %
17 – 18 Taong Gulang
90
25.3 %
19 – 20 Taong Gulang
139
39 %
21 – 22 Taong Gulang
48
13.5 %
23 Pataas Taong Gulang
39
11 %.
Total
356
100 %
28
Mapapansin sa talahanayan 3 na ang may kursong BSCRIM ang may pinakamataas na bilang na kung saan, sila ay may 34.8% na bahagdan. Sinundan ito ng mga may kursong BSED na may 20.8 % at BEED na 12.1% na pawang mula sa College of Education. Pang-apat naman sa listahan ay ang may kursong BSHRM na may 11.2%, sinundan ng AIT na may 7.3%. Nasa ika-anim na puwesto ang may kursong BST na nakakuha ng 5.9% na bahagdan. Sinundan ito ng BSEE na may 3.09% na bahagdan, ABMC na may 2. 81% na bahagdan at pang huli ay ang BSIT na may 1.97%. Sa kabuuan, masasabi nating ang may pinakamalaking bahagi ng mga respondente ay mula sa College of Criminology, sinundan ng College of Education, College of Arts and Sciences at College of Engineering and Technology. Talahanayan 3 Kurso BEED BSED BSCRIM AIT BSIT BSEE BST BSHRM ABMC Total
Propayl ng mga Respondente ayon sa Kurso F 43 74 124 26 7 11 21 40 10 356
% 12.1 % 20.8 % 34.8 % 7.3 % 1.97 % 3.09 % 5.9 % 11.2 % 2.81 % 100 %
Mapapansin sa talahanayan 4 na patas ang bahagdang nakuha ng Babae at Lalaki na 42.4% na bahagdan. Kung gayon ay pareho silang nakakuha ng may pinakamataas na bahagdan. Ang sumunod ay ang Tomboy na may bahagdang 5.9%, Bakla 5.34%, Baysekswal 3.65% at Transekswal na may bahagdang 0.28%. Sa kabuuan, masasabi ng mga mananaliksik na pantay ang bilang ng Babae at Lalaki at mas mataas ang kanilang bilang kumpara sa iba pang kasarian dahil mas maraming Babae at Lalaki ang sumagot sa
29
ipinamudmod na talatanungan ng mga mananaliksik. Masasabi rin ng mga mananaliksik na mataas ang bilang ng mga babae dahil mataas ang bilang ng mga respondenteng may kursong BSED at BEED. Ito ay sang-ayon sa pag-aaral nina Calago et al. (2017) na pinamagatang “Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa ng Maikling Kwento ng mga Piling Mag-aaral sa JRMSU-Dipolog Kampus” na nagsasabing mas maraming babae ang nasa propesyong pagtuturo kaysa sa ibang kasarian. Dagdag pa, mataas din ang bahagdan ng mga respondenteng lalaki kumpara sa iba pang kasarian dahil mataas ang bilang ng mga mag-aaral na may kursong Criminology. Ang resultang ito naman ay sumasang-ayon sa pag-aaral nina Curam et al. (2017) na pinamagatang “Antas ng pagtanggap ng mga magaaral sa Gay Lingo”. Nakasaad sa pag-aaral na ito na nakakuha ng 51.71% bahagdan ang mga lalaki at 1.558% bahagdan lamang ang nakuha ng LGBT sapagkat mataas ang bilang ng mga respondenteng may kursong Criminology at inaasahan ding mas maraming lalaki ang kumukuha ng kursong ito. Talahanayan 4
Propayl ng mga Respondente ayon sa Kasarian
Kasarian
F
%
Babae
151
42.4 %
Lalaki
151
42.4 %
Tomboy
21
5.9 %
Bakla
19
5.34 %
Baysekswal
13
3.65 %
Transekswal
1
0.28 %
Total
356
100 %
30
Talahanayan 5
Antas ng Kasanayan ng mga Mag-aaral Hinggil sa wastong Paggamit ng mga Bantas
Bantas
1. Tuldok 2. Kuwit 3. Tandang Pananong 4. Tandang Padamdam 5. Gitling 6. Tutuldok 7. Tuldok-Kuwit 8. Kudlit 9. Panipi 10. Panaklong
Antas ng Kasanayan
Sana y na Sana y
Sana y
Medy o Sanay
300 84 % 257 72 % 250 70 % 284 80 % 298 84 % 261 73 % 258 72 % 253 71 % 215 60 % 203 57 %
45 13 % 57 16 % 83 23 % 54 15 % 38 11 % 68 19 % 72 20 % 76 21 % 79 22 % 83 23 %
9 3% 32 9% 19 5% 13 4% 16 4% 16 4% 14 4% 13 4% 33 9% 34 10 %
DiGaan ong Sana y 2 1% 8 2% 13 4% 5 1% 4 1% 9 3% 7 2% 9 3% 18 5% 23 6%
Total
DiSana y
0
Wala ng Kasa naya n 0
2 1% 3 1% 0
0 1 0.3 % 0
0
0
2 1% 5 1% 5 1% 6 2% 8 2%
0 0 0 5 1% 5 1%
356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 % 356 100 %
Ang Talahanayan 5 ay nagsasaad ng Antas ng Kasanayan ng mga mag-aaral hinggil sa wastong paggamit ng mga bantas. Batay sa resulta ng pasulit napag-alaman ng mga mananaliksik na: 1. Mataas ang bilang ng mga respondenteng nahahanay sa Sanay na Sanay sa paggamit ng Tuldok. May kabuuang 84% na bahagdan ng respondente ang may sapat na kaalaman sa wastong paggamit ng Tuldok. Samantala, 16% bahagdan
31
nito ang nagkamali kung saan ang 1% nito ay sadyang Di-Gaanong Sanay sa Paggamit ng Tuldok. Masasabi ng mga mananaliksik na mataas ang antas ng kasanayan ng mga respondente pagdating sa paggamit ng Tuldok. 2. Mas mababa ang bilang ng mga respondenteng sanay sa paggamit ng Kuwit kumpara sa Tuldok. Mayroong 72% lamang ng mga respondente ang Sanay na Sanay sa paggamit ng Kuwit. Sa limang aytem sa pasulit na may kaugnayan sa paggamit ng kuwit, mayroong 16% ng respondente ang nagkamali ng isang beses sa paggamit nito, 9% naman sa nagkamali ng dalawang beses, 2% sa tatlong beses at may 1% ng respondente ang isang beses lamang naging wasto ang paggamit ng kuwit. Nangangahulugan itong mayroon talagang mag-aaral na sadyang hindi sanay sa paggamit ng Kuwit. 3. Sa wastong paggamit ng Tandang Pananong, 70% bahagdan ng mga respondente ang sanay na sanay sa paggamit nito. May kabuuang 30% ng respondente ang nagkamali sa wastong paggamit ng Tandang Pananong kung saan, mayroong 0.3% ng respondente ang nahahanay sa walang kasanayan. Ibig sabihin, mayroong 0.3% ng respondente ang hindi talaga alam ang wastong gamit ng Tandang Pananong. 4. Mataas ang antas ng kasanayan ng mga respondente pagdating sa paggamit ng Tandang Padamdam. Mayroong 80% ng respondente ang masasabing sanay na sanay at 20% bahagdan lamang ang nagkamali sa paggamit nito. 5. Tulad ng antas ng kasanayan ng mga respondente sa paggamit ng Tuldok, may kabuuang 84% din ng mga respondente ang nabibilang sa Sanay na Sanay sa
32
Paggamit ng Gitling at 16% bahagdan naman ang nagkamali. Nangangahulugan ito na mataas ang kasanayan ng mga respondente sa paggamit ng Gitling. 6. Sa paggamit naman ng Tutuldok, napansin ng mga mananaliksik na 73% lamang ng mga respondente ang Sanay na Sanay sa paggamit ng Tutuldok. Mayroong 27% bahagdan ng respondente ang nagkamali kung saan may natatanging 1% bahagdan ng mga respondente ang isang beses mula sa lima lamang naging wasto ang paggamit ng tutuldok. 7. Magkalapit ang bilang ng mga respondenteng Sanay na Sanay sa paggamit ng Tuldok-Kuwit at Tutuldok. Kung ang Tutuldok ay may 73% bahagdan ang bilang naman ng mga respondenteng Sanay na Sanay sa paggamit ng Tuldok Kuwit ay 72%. Mayroon ding 28% bahagdan ng respondente ang nagkamali kung saan may natatanging 1% bahagdan ng mga respondente ang isang beses mula sa lima lamang naging wasto ang paggamit ng tuldok-kuwit. 8. Mayroong kabuuang 71% bahagdan din ng mga respondente ang nahahanay sa Sanay na Sanay pagdating sa wastong paggamit ng Kudlit. Samantala, 29% naman sa mga respondente ang nagkamali sa paggamit nito kung saan, 21% ay isang beses lamang nagkamali, 4% dalawang beses nagkamali, 3% ang tatlong beses nagkamali, at 1% naman ang apat na beses nagkamali at isang beses lamang tumama. Mapapansin na mababa ang bahagdan ng mga respondenteng ang antas ng kasanayan sa paggamit ng Panipi ay Sanay na Sanay. Nakakuha lamang ito ng 60% na bahagdan kumpara sa kasanayan ng mga respondente sa paggamit ng ibang bantas na lagpas 75% bahagdan. Mayroong 40% ng mga respondente ang nagkamali sa paggamit ng panipi. Mayroong 22% bahagdan ng respondente ang
33
napabilang sa Sanay o isang beses lamang nagkamali, 9% ang medyo sanay o dalawang beses nagkamali, 5% sa di-gaanong sanay o tatlong beses nagkamali,2% sa di sanay o apat na beses na nagkamali at 1% naman para sa Sa kabuuan, madalas may mataas na antas ng kasanayan ang mga respondente sa wastong paggamit ng bantas sapagkat iilan sa mga ito ay lagpas 75% ng kabuuang populasyon. Subalit, mayroong mga resultang sadyang mababa kumpara sa nararapat na kasanayan ng mga respondente sa wastong paggamit ng mga bantas. Ang resulta ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng tuldok ay sumasang-ayon sa pag-aaral ni Awad (2012) na pinamagatang “The Most Common Punctuation Errors Made by the English and the TEFL majors at AN-Najah Universities students”. Ang pag-aaral na ito ni Awad ay naglalayong maiwasto ang kadalasang pagkakamali ng mga mag-aaral sa paggamit ng bantas. Kung gayon, nagsagawa sila ng pasulit at natuklasan na 16% na bahagdan lamang ng mga respondente ang nagkamali sa paggamit ng tuldok. Samantala, maaaring nagpapahiwatig na kaya mataas ang bilang ng mga respondenteng sanay na sanay sa paggamit ng kuwit dahil ang kuwit ay isa sa mga bantas na madalas na ginagamit sa pagsulat. Binanggit ni Khran 2014 sa kanyang pagaaral na pinamagatang “A New Paradigm for Punctuation” na mas madalas gamitin ang kuwit sa pagsulat dahil sa isang pangungusap, maaari itong gamitin ng mahigit isang beses. Subalit, dahil madalas itong gamitin, marami ring pagkakataon maaring magkamali sa paggamit nito. Sa kabilang dako, sumasalungat naman ang resulta ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng tandang pananong sa resulta ng pag-aaral ni Akampirige at
34
Benjamin 2014. Ayon sa kanilang isanagawang pag-aaral hinggil sa “Errors among the use of Punctuation Marks among Polytechnic Students” na isinagawa sa Bolgatanga Polytechnic, Ghana, 63% ng mga mag-aaral ang hindi man lang masagutan ang kalahati ng kabuuang bilang ng mga aytem sa pasulit na may kaugnayan sa wastong paggamit ng tandang pananong. Sa parehong pag-aaral, sumasalungat din ito sa resulta ng antas ng kasanayan ng mga respondente sa paggamit ng kudlit. Ayon kay Akampirige at Benjamin 2014, 70% ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang nagkakamali sa paggamit ng kudlit gayong 29% lang naman ang nagkakamali sa aming pag-aaral. Kaugnay dito, maaring kaya mababa ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ibang bantas dahil sumasang-ayon ito sa konsepto ni Jung (2013 p. 133) na nagsasabing marami sa atin ang naniniwalang hindi mahalaga ang wastong paggamit ng bantas kung kaya’t maraming mga mag-aaral ang nagkakamit ng mga pagkakamali sa paggamit nito. Dagdag pa, ang resulta ng kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa paggamit ng mga bantas na nakakuha ng bahagdang higit sa 80% ay masasabing sumasang-ayon sa resulta ng pag-aaral ni Muhammad (2010) na pinamagatang “Punctuation Marks and Effective Written Communication” – A case study of Higher National Diploma (HNDII) students of School of Technology, Kano, na nagsasabing mayroong mga mag-aaral na may mataas nang antas ng kasanayan pagdating sa paggamit ng wastong bantas sapagkat naituro ng maayos ang paggamit ng bantas mula sa kanilang paaralan sa elementarya at sekondarya.
35
Talahanayan 6
Makabuluhang Kaugnayan sa Pagitan ng Demograpikong Propayl ng mga Respondente at ang Antas ng Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas ayon sa Edad
Factors Compared Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas
Propayl ng mga Respondente ayon sa Edad
Level of significanc e
Degrees of freedo m (df)
Tabula r value (tv)
Compute d chi – square (x2)
Interpretatio n
Action/Decisio n
Tuldok
α = 0.05
9.00
16.919
0.3982
H0 was accepted
Kuwit
α = 0.05
9.00
16.919
0.5912
Tandang Pananong
α = 0.05
9.00
16.919
0.3944
Tandang Padamda m Gitling
α = 0.05
9.00
16.919
1.2045
α = 0.05
9.00
16.919
0.5923
Tutuldok
α = 0.05
9.00
16.919
0.2446
TuldokKuwit
α = 0.05
9.00
16.919
0.6466
Kudlit
α = 0.05
9.00
16.919
0.415
Panipi
α = 0.05
9.00
16.919
0.1451
Panaklong
α = 0.05
9.00
16.919
0.1015
No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship
H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted
36
Ang talahanayan 6 ay nagsasaad ng makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga respondente at ang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng mg bantas ayon sa Edad. Ang computed chi – square value ng mga bantas ay ang sumusunod. Kung saan ito ay nakahanay mula sa may pinakamataas na halaga hanggang sa pinakamababa. Ang Tandang Padamdam ay may computed chi- square value na 1.2045, sinundan ng Tuldok-Kuwit na may 0.6466, Gitling na may 0.5923, Kuwit na may 0.5912, Kudlit na may 0.415, Tuldok na may 0.398, Tandang Pananong na may 0.3944, Tutuldok na may 2.446, Panipi na may 0.1451 at panghuli ay ang Panaklong na nagtamo ng computed chi-square value na 0.1015. Lahat ng mga bantas ay may parehong halaga ng tabular value na 16.919. Kung gayon, masasabi ng mga mananaliksik na lahat ng computed chi-square value ng mga nabanggit na bantas ay mas maliit sa kanilang tabular value. Lahat ng mga ito ay tanggap sa null hyphotesis na kung saan ay nangangahulugang, walang makabuluhang kaugnayan ang edad ng mga mag-aaral sa antas ng kanilang kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. Ang resultang ito ay sumasalungat sa parehong obserbasyon nina Dubey (2014) mula sa ICAR-Indian Institute of Soil and Water Conservation at Marek (2014) na mula sa Wayne State College. Ayon sa kanila, may kaugnayan ang edad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng bantas. Madalas napapansin daw nila na ang mga mag-aaral sa ating bagong henerasyon ay naiaaplay ang kasanayan sa text messaging sa pagsusulat. Kaya naman minsan, nakakalimutan na ng kabataan ang wastong paggamit ng mga bantas.
37
Talahanayan 7
Makabuluhang Kaugnayan sa Pamamagitan ng Demograpikong Propayl ng mga Respondente at ang Antas ng Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas ayon sa Kurso
Factors Compared Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas
Propayl ng mga Respondente ayon sa Kurso Level of significanc e
Degrees of freedo m (df)
Tabula r value (tv)
Compute d chi – square (x2)
Interpretatio n
Action/Decisio n
Tuldok
α = 0.05
9.00
16.919
6.2374
H0 was accepted
Kuwit
α = 0.05
9.00
16.919
15.5877
Tandang Pananong
α = 0.05
9.00
16.919
6.9959
Tandang Padamda m Gitling
α = 0.05
9.00
16.919
5.5233
α = 0.05
9.00
16.919
8.7714
Tutuldok
α = 0.05
9.00
16.919
1.5112
No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship
TuldokKuwit
α = 0.05
9.00
16.919
4.9978
No significant relationship
H0 was accepted
Kudlit
α = 0.05
9.00
16.919
4.2251
H0 was accepted
Panipi
α = 0.05
9.00
16.919
5.5952
No significant relationship No significant relationship
Panaklong
α = 0.05
9.00
16.919
6.7967
No significant relationship
H0 was accepted
H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted
H0 was accepted
38
Makikita sa Talahanayan 8 ang Makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng Demograpikong Propayl ng mga respondente at ang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng bantas ayon sa Kurso. Napansin ng mga mananaliksik ang computed chisquare value ng bawat bantas at narito ang resulta na nakaayos mula sa pinakamataas na halaga hanggang sa pinakamababa. Nanguna ang kuwit na may 15.5877, sinundan ng Gitling na may 8.7714, Tandang Pananong na may 6.9959, Panaklong na may 6.7967, Tuldok na may 6.2374, Panipi na may 5.5952, Tandang Padamdam na may 5.5233, Tuldok-Kuwit na may 4.9978, Kudlit na may 4.2251 at pang huli ay ang Tutuldok na may 1.5112. Ang lahat na mga nabanggit na bantas ay may kaukulang tabular value na 16.919, kung saan natuklasan ng mga mananaliksik na mas mababa ang computed chisquare value ng mga bantas sa tabular value nito. Tanggap ito sa null hypothesis at nangangahulugang walang makabuluhang kaugnayan ang kurso ng mga respondente sa kanilang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng Bantas. Ang resultang ito ay sumasang-aayon sa obserbasyon ni Belfiglio (2014) mula sa Texas Women’s University na nagsasabing ang pagsasanay sa mga mag-aaral at kakayahan sa paggamit ng bantas ay di naaayon sa kurso. Walang makabuluhang kaugnayan ang kurso sa kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas sapagkat, nararapat lamang na alam na ito ng lahat pagtuntong ng kolehiyo. Nasa elementarya o sekondarya pa lang tayo ay itinuturo na ang wastong paggamit ng bantas. Payo ni Belfigio (2014) kailangan pang mas bigyang pansin ang wastong paggamit ng mga bantas habang nasa elementarya at sekondarya pa lamang nang sa gayon ay maganda ang performans ng mga mag-aaral pagdating sa kolehiyo.
39
Talahanayan 8
Makabuluhang Kaugnayan sa Pagitan ng Demograpikong Propayl ng mga Respondente at ang Antas ng Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas ayon sa Kasarian
Factors Compared Kasanayan sa Wastong Paggamit ng mga Bantas
Propayl ng mga Respondente ayon sa Kasarian Level of significanc e
Degrees of freedo m (df)
Tabula r value (tv)
Compute d chi – square (x2)
Interpretatio n
Action/Decisio n
Tuldok
α = 0.05
9.00
16.919
7.2815
H0 was accepted
Kuwit
α = 0.05
9.00
16.919
1.1075
Tandang Pananong
α = 0.05
9.00
16.919
3.4294
Tandang Padamda m Gitling
α = 0.05
9.00
16.919
4.0331
α = 0.05
9.00
16.919
6.0565
Tutuldok
α = 0.05
9.00
16.919
1.8132
TuldokKuwit
α = 0.05
9.00
16.919
1.33
Kudlit
α = 0.05
9.00
16.919
3.5791
Panipi
α = 0.05
9.00
16.919
0.4093
Panaklong
α = 0.05
9.00
16.919
0.3064
No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship No significant relationship
H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted H0 was accepted
Ang talahanayan 9 ay tungkol sa Makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga respondente at ang antas ng kasanayan sa wastong
40
paggamit ng mga bantas ayon sa kasarian. Sa pamamagitan ng Chi-square test, napagalaman ng mga mananaliksik na: Ang computed chi-square value ng mga bantas ay ang sumusunod: Tuldok na may 7.2815, Gitling na may 6.056, Tandang Padamdam na may 4.0331, Kudlit na may 3.5791, Tandang Pananong na may 3.4294, Tutuldok na may 1.8132, Tuldok Kuwit na may 1.33, Kuwit na may 1.1075, Panipi na may 0.4093 at ang panghuli ay Panaklong na may 0.3064. Lahat ng computed chi-square value ng mga bantas ay mas mababa sa tabular value nito na 16.919. Ito ay tanggap sa null hypothesis at nangangahulugan ding walang makabuluhang kaugnayan ang demograpikong propayl ng mga respondente at ang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng mga bantas ayon sa kasarian. Ang resultang ito ay sumasang-ayon sa pag-aaral ni Okonkwo (2014) tungkol sa “Gender in Students’ Achievement in English Essay Writing Using Collaborative Instructional Strategy”. Sinubok ni Okonkwo ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay kung saan pinagtuunang pansin ang kanilang paraan ng pagsulat. Hinati ni Okonkwo ang mga mag-aaral sa apat na grupo kung saan isang grupo ng mga babae at isang grupo ng mga lalaki ang ginamitan ng Collaborative Instructional Strategy at ang mga natitirang grupo ay ginamitan ng ibang estratehiya. Lumalabas na mas maganda ang performans ng mga mag-aaral na babae at lalaki na ginamitan ng Collaborative Instructional Strategy. Kung gayon, isinaad ni Okonkwo bilang konklusyon na, hindi nakakaapekto ang kasarian ng mag-aaral s akanyang kasanayan sa pagsulat ng may wastong gamit ng bantas at mga salita. Bagkus, ang estratehiya ng pagkatuto sa klase ang dahilan kung bakit minsan ay mas nakakaangat ang performans ng babae sa lalaki o di kaya ng lalaki sa babae.
41
Kabanata 5 BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng kabuuan sa pananaliksik. Nakasaad dito ang mga natuklasan, konklusyon at rekomendasyon. Mga Natuklasan Batay sa mga suliranin, natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod: Ang mga demograpikong propayl ng mga respondente ayon sa edad, kurso, kasarian, estadong sibil at uri ng pamayanang tinitirhan. Ang kanilang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. 1. Sa kabuuan, may 13.7% bahagdan ang pagitan ng mga respondenteng may edad na 19-20 at 17-18 at ang mga respondenteng may edad 19-20 ang may pinakamataas na bilang. 2. Ang mga respondenteng may kursong BSCrim ang may pinakamataas na bilang at nakakuha ng 34.8%. 3. Pantay ang bahagdang nakuha ng mga babae at lalaki. Ito ay parehong nakakuha ng 42.4% at mas mataas sa LGBT ng 70%. 4. Karamihan sa mga mag-aaral ay mataas ang antas ng kasanayan o sanay na sanay sa paggamit ng wastong bantas sa pagsulat. 5. Ang bahagdan ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga bantas na Tuldok, Tandang Padamdam at Gitling ay lagpas 80%.
42
6. Ang mga bantas na Kuwit, Tandang Pananong, Tutuldok, Tuldok-Kuwit at Kudlit ay nagkamit ng mga bahagdang mababa sa 75% pero hindi naman bumaba pa sa 70%. 7. Nakamit ng Panaklong at Panipi ang may pinakamababang bahagdan sa antas ng kasanayan sa wastong paggamit nito. Pawang mababa sa 70% ang nakamit nila subalit mas mataas naman sa 50%. 8. Ang demograpikong propayl na edad ay walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng kasanayan ng mga respondente sa wastong paggamit ng bantas. 9. Ang demograpikong propayl na kurso ay walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng kasanayan ng mga respondente sa wastong paggamit ng bantas. 10. Ang demograpikong propayl na kasarian ay walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng kasanayan ng mga respondente sa wastong paggamit ng bantas. Konklusyon Batay sa mga natuklasan sa pananaliksik na ito ay masasabi na karamihan sa mga mag-aaral ay nasa pagitan 19-20 taong gulang na nangangahulugang karamihan sa mga respondente ay nasa ikatlo o ikaaapat na taong mag-aaral sa JRMSU. Marami rin ang mga respondenteng may kursong BSCriminology sapagkat ang mga mananaliksik ay kumuha ng pinakamataas na bilang ng mga respondente sa Kolehiyo ng Kriminolohiya na may bilang na 124. Mas marami ring respondenteng babae at lalaki kumpara sa LGBT sapagkat mataas ang bilang ng mga respondenteng mula sa Kolehiyo ng Kriminolohiya at Edukasyon at inaasahang mas maraming mga mag-aaral ang babae at lalaki sa mga nasabing kolehiyo.
43
Gayunpaman, ang mga demograpikong propayl ng mga respondente na edad, kurso, kasarian, ay walang kaugnayan sa kanilang antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng bantas. Kung gayon, anumang edad, kasarian at kurso ng bawat mag-aaral, hindi ito makakaapekto sa kanilang antas ng kasanayan pagdating sa wastong paggamit ng bantas. Ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Tuldok na nakahanay sa sanay na sanay ay 84%. Tulad din ito ng Gitling na may 84% at sinundan naman ng Tandang Padamdam na 80%. Ang mga sumunod na mga antas ng paggamit ng mga bantas sa hanay na sanay na sanay ay 75% pababa ngunit di naman bababa sa 50%. Ang dalawang nakakuha ng pinakamababang porsyento ay ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng Panaklong na may 57% lamang at Panipi na may 60% sa hanay ng Sanay na Sanay. Kung gayon, masasabing matataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa wastong paggamit ng mga bantas na Tuldok, Tandang Padamdam at Gitling dahil lagpas 80% ang bahagdang natamo nito. Katamtaman naman ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral na nahahanay sa sanay na sanay pagdating sa wastong paggamit ng Kuwit, Tandang Pananong, Tutuldok, TuldokKuwit at Kudlit sapagkat mababa man ito sa 75% hindi naman ito lubusan pang bumaba sa 70%. Dagdag pa, pagdating sa wastong paggamit ng Panaklong at Panipi, mababa ngunit hindi naman gaano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral dahil mas mataas naman sa kalahating porsyento ang bahagdan ng mga respondenteng nahahanay sa sanay na sanay. Gayunpaman sa kabuuan, angat ang sanay na sanay bilang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa wastong paggamit ng bantas. Rekomendasyon Batay sa pagbubuod ng pag-aaral na ito at ng mga konklusyon, ang mga sumususunod ay rekomendasyon ng mga mananaliksik.
44
1. Ang mga guro ay patuloy na bigyang diin ang kahalagahan at wastong paggamit ng bantas sa pagsulat o pagbasa. Maaaring mapagdiinan ito lalong lalo na sa mga asignaturang may kaugnayan sa pagsulat. Halimbawa ay ang asignaturang Fil. 12 (Iba’t Ibang Disiplina sa Pagbasa at Pagsulat). 2. Ang unibersidad at mga guro ay hinihikayat na magsagawa ng mga pasulit na binibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mailapat ang mga natutunan hinggil sa wastong paggamit ng mga bantas. 3. Ang mga guro ay hinihikayat na magbigay ng mga gawaing pasulat o pabasa sa mga mag-aaral. Halimbawa nito ay pagsulat ng sanaysay o pagbabasa ng teksto. Sa pamamagitan nito, malalaman ng mga guro ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas at maaaring malinang pa ito. 4. Ang mga guro ay dapat itinatama ang pagkakamali ng mga mag-aaral sa paggamit ng bantas upang hindi masanay ang mga ito. Dapat din na ang puna ng mga guro ay nagbibigay ng positibong pananaw sa mga mag-aaral nang sa gayon ay mahikayat siyang matuto sa wastong paggamit ng bantas. 5. Ang mga mag-aaral ay dapat naglalaan ng oras sa mga gawaing pasulat, pagbabasa o pakikipagtalastasan. Kailangang mapalago ng bawat mag-aaral ang kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong paggamit ng bantas dahil ito ay mahalaga sa ating pagpapahayag ng mga ideya sa paraang pasulat o pasalita.
45
TALASANGGUNIAN
Aklat Almario, Virgilio (2015) – KWF Manwal sa Massinop na Pagsulat Ikalawan Edisyon Karapatang Sipi 2015 ni Virgilio S. Almario at Komisyon sa Wikang Filipino Calaga et al. (2017) - “Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa ng Maikling Kwento ng mga Piling Mag-aaral sa JRMSU-Dipolog Kampus” Curam et. al (2017) - “Antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa Gay Lingo” Magasin Text Buff News: Text Messaging in the Philippines Internet Adas at Bakir (2013) http://repository.umy.ac.id/bitstream/handle/123456789/6122/f.%20Chapter%20two.pdf?sequenc e=3&isAllowed=y Agustin, Fred (2015) – https://dlsudmco.wordpress.com/2015/11/24/ano-ba-ang-kahalagahan-ngpag-aaral-ng-wikang-filipino-sa-tersyarya
Akampirige, Oscar (2014) – Errors in the Use of Punctuation Marks among Polytechnic Students https://ideas.repec.org/a/asi/ijells/2014p93-98.html http://www.aessweb.com/download.php?id=2574
Albalawi (2015) http://repository.umy.ac.id/bitstream/handle/123456789/6122/f.%20Chapter%20two.pdf?sequenc e=3&isAllowed=y
Awad (2012) - The Most Common Punctuation Errors Made by the English and the TEFL majors at AN-Najah Universities students” http://repository.umy.ac.id/bitstream/handle/123456789/6122/f.%20Chapter%20two.pdf?sequenc e=3&isAllowed=y
Belfiglio, Valentine John (2014) – from Texas Women’s University https://www.researchgate.net/post/What_may_account_for_students_ignoring_punctuation_mark s_in_their_writing_nowadays_How_can_the_practice_be_checked
Dubey, Sarwan Kumar (2014) ICAR-Indian Institute of Soil and Water Conservation https://www.researchgate.net/post/What_may_account_for_students_ignoring_punctuation_mark s_in_their_writing_nowadays_How_can_the_practice_be_checked Gabon, Aira (2014) – https://brainly.ph/question/34623
46
Hussain et. al (2013) – http://repository.umy.ac.id/bitstream/handle/123456789/6122/f.%20Chapter%20two.pdf?sequenc e=3&isAllowed=y
Javed et. al (2013) - A Study of Students’ Assessment in Writing Skills of the English Language https://www.researchgate.net/publication/289579936_A_Study_of_Students’_Assessment_in_Wr iting_Skills_of_the_English_Language
Judy Jowers (2012) – Study Service Advice https://burycollege.instructure.com/courses/356/files/38624/
Khran,
Albert
Edward
(2014)
–
A
New
Paradigm
for
Punctuation
http://dc.uwm.edu/etd/465
Marek (2014) - Wayne State College https://www.researchgate.net/post/What_may_account_for_students_ignoring_punctuation_mark s_in_their_writing_nowadays_How_can_the_practice_be_checked
Muhammad (2010)“Punctuation Marks and Effective Written Communication” http://repository.umy.ac.id/bitstream/handle/123456789/6122/f.%20Chapter%20two.pdf?sequenc e=3&isAllowed=y
Murray, Donald (2003)–Teorya ng Pagsulat – www.academia.edu/30267817/KASANAYAN_SA_SEMANTIKA_MORPOLOHIYA_AT_PAG SULAT_NG_MGA_MAG-AARAL_SA_IKAPITONG_BAITANG
Okonkwo, Adaobi Fidelia (2014) Gender in Students’ Acievement in English Essay Writing Using Collaborative Instructional Strategy www.mcrothink.org/journal/index.php/ijele/article/view/6763
Ridha (2012) http://repository.umy.ac.id/bitstream/handle/123456789/6122/f.%20Chapter%20two.pdf?sequenc e=3&isAllowed=y
Siddiqi,
Anis
(2009)
-
“The
Write
Corner”
https://thewritecorner.wordpress.com/2009/11/14/te-importance-of-punctuation/
Smslanguage blog – https://smslanguageblog.wordpress.com/2016/09/15/69/ Wika at Panitikan Blog- siningngfilipino.blogspot.com/2010/09/batayang-kaalaman-sa komunikasyon.html?m=1
47
APENDIKS A Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City
October 05, 2017
GLENDA A. TAMPON, M.A.FIL COLLEGE OF EDUCATION JRMSU- DIPOLOG CAMPUS
Dear Madame: Greetings Our group in research (Pananaliksik-SPEC 107 F) choose you as our adviser to our thesis entitled “PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSUDIPOLOG KAMPUS”. Hoping for your approval and consideration in this matter.
Respectfully yours, ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL Noted by: ROCHEL A. RANES, M.A.ENG. Instructor
Approved/Disapproved GLENDA A. TAMPON, M.A.FIL. Adviser
48
APENDIKS B
Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City
October 05, 2017 Dear Respondents, Greetings! We, the researchers are required to work on a thesis entitled “ PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS” as one of the requirements in our subject research (Intro sa Pananaliksik SPEC 107-F and Research 32). In connection, we would like to ask your help to be our respondents in the said study that we are conducting. We are humbly requesting you to please answer the given questionnaire with all honesty and patience. Your favored action is highly appreciated regarding this matter. Thank you and God Bless You!
Respectfully yours,
ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL
49
APPENDIKS C
Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City
October 06, 2017 CLARITA D. BIDAD, Ed.D. Dean, College of Arts of Sciences JRMSU- Dipolog Campus Dear Madame: Good day! Our group in research (Intro sa Pananaliksik- SPEC 107-F and RES 32) would like to conduct a survey on your department for the fulfillment of our thesis entitled “PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS”. Your approval regarding this serious matter will truly help for the success of our study. Thank you and God bless you always Respectfully yours, ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL ROCHEL A. RANES, M.A.ENG. Instructor
Approved/Disapproved: CLARITA D. BIDAD, Ed.D. Dean, College of Arts and Sciences
50
Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City
October 05, 2017
ELENITA M. REYNA, Ed. D. Dean of College of Education JRMSU- Dipolog Campus
Dear Madame: Good day! Our group in research (Intro sa Pananaliksik- SPEC 107-F and RES 32) would like to conduct a survey on your department for the fulfillment of our thesis entitled “PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS” Your approval regarding this serious matter will truly help for the success of our study. Thank you and God bless you always! Respectfully yours ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL Noted by: ROCHEL A. RANES, M.A.ENG. Instructor Approved/Disapproved: ELENITA M. REYNA, Ed. D. Dean of College of Education
51
Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City
October 05, 2017 LORENZO V. SUGOD Dean, College of Engineering and Technology JRMSU- Dipolog Campus
Dear Sir: Good day! Our group in research (Intro sa Pananaliksik- SPEC 107-F and RES 32) would like to conduct a survey on your department for the fulfillment of our thesis entitled “ PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS”. Your approval regarding this serious matter will truly help for the success of our study. Thank you and God bless you always!
Respectfully yours, ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL Noted by: ROCHEL A. RANES, M.A.ENG. Instructor Approved/Disapproved: LORENZO V. SUGOD, M.T.E Dean, College of Engineering and Technology
52
Republic of the Philippines Jose Rizal Memorial State University The Premier University in Zamboanga del Norte Dipolog Campus, Dipolog City
October 05, 2017 DR. MARVIN A. RECAPENTE Dean, College of Criminology JRMSU- Dipolog Campus
Dear Sir: Good day! Our group in research (Intro sa Pananaliksik- SPEC 107-F and RES 32) would like to conduct a survey on your department for the fulfillment of our thesis entitled “PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS”. Your approval regarding this serious matter will truly help for the success of our study. Thank you and God bless you always! Respectfully yours,
ISSABELA DENISE O. ENDRINA CARLO B. GUILLENA MERRY FE B. TUBIL
Noted by: ROCHEL A. RANES, M.A.ENG. Instructor Approved/Disapproved: DR. MARVIN A. RECAPENTE, D.M. Dean, College of Criminology
53
PAGSUSURI SA ANTAS NG KASANAYAN SA WASTONG PAGGAMIT NG BANTAS SA MGA PILING MAG-AARAL NG JRMSU-DIPOLOG KAMPUS
TALATANUNGAN Ang talatanungang ito ay inihanda ng mga mananaliksik na naghahangad na malaman ang antas ng kasanayan ng mga piling mag-aaral sa iba’t ibang departamento ng JRMSU-Dipolog Kampus hinggil sa wastong paggamit ng bantas. Hinahangad po namin ang inyong katapatan sa pagsagot. I. Demograpikong Propayl Pangalan (Opsyonal): _________________________________________ Kurso: ________________________ Lagyan ng tsek ang iyong sagot. Kasarian: ( ) Babae ( ) Lalaki ( ) Tomboy ( ) Bakla ( ) Baysekswal ( ) Transekswal Edad:
( ) 15-1 ( ) 17-18 ( ) 19-20
( ) 21-22
( ) 23 pataas
Estadong Sibil: ( ) Dalaga ( ) Binata ( ) Kasado ( ) Biyudo/Biyuda Uri ng Pamayanang Tinitirhan ( ) Urban ( ) Rural II. A. Panuto: Pagtapatin ang magkatugmang simbolo. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.
Hanay A _____1. Tuldok _____2. Kudlit _____3. Gitling _____4. Tutuldok _____5. Tandang Padamdam _____6. Kuwit _____7. Panaklong _____8. Panipi _____9. Tuldok-Kuwit _____10. Tandang Pananong
Hanay B a., c.? e.; f. ′ g. . h. k. ( ) m. — n. ! o. : q. “ ”
54
B. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at ibigay ang tinutukoy na bantas. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang. _______1. Karaniwang gamit ang bantas na ito bilang pananda para sa pagwawakas ng pangungusap na paturol o pautos. a. kuwit b.tuldok c. tutuldok d.tuldok-kuwit _______2. Ang bantas na ito ay ginagamit upang matukoy ang pinakamikling pagputol ng ideya o pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap. a. tuldok-kuwit b. kuwit c. Tandang Padamdam d. Gitling _______3. Ang pangkalahatang gamit ng bantas na ito ay tuwing nagpapahayag ng tanong , usisa o alinlangan. a. tandang pananong b. Tandang padamdam c. Panipi d. Panaklaw _______4. Ginagamit ang panandang ito sa mga pahayag na dulot ng bugso ng damdamin, sigaw o pahayag na mapang-uyam. a.Kudlit b. Elipsis c.Tandang Padamdam d. Tutuldok _______5. Ang panandang ito ay ginagamit tuwing paghihiwalayin ang mga sugnay na nakapag-iisa na walang pang-ugnay. a.Tutuldok b.Kudlit c. Tuldok-Kuwit d. Gitling C. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang bantas na mali ang pagkakagamit at ilagay ang angkop na bantas sa patlang bago ang bilang. ________1. Hindi pa pala nakakauwi si Maria? Ang alam ko, 4:00…5:00 n.h. ang oras ng kanyang huling klase. ________2. Nang maging guro siya′ inakala niyang habambuhay siyang magiging tagapagmulat ng murang isipan sa isang nayon. ________3. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at nag-usisa, (Saan nanggaling ang perang ipinambayad sa pagpapaospital ni Ama?) ________4. Bakit namatay ang alagang aso ni Ivo/ Alam ko!y binantayan iyon nang maayos ni Thraia habang siya’y wala. ________5. Aray? Nasugatan ako!
55
D. Panuto: Isulat sa mga patlang ang mga angkop na bantas upang mabuo ang mga pangungusap sa liham ni Lola Patricia sa kanyang apo. 25 Kalye Maligaya Barangay San Lorenzo Lungsod ng Cavite Ika__18 ng Pebrero 2014 Mahal kong Maria__ Maligayang ika__sampung kaarawan__ Kumusta ka na__ apo__ Ipinagdarasal ko na nakapiling mo ang iyong pamilya at mga kaibigan sa iyong espesyal na pagdiriwang noong ika__5 ng Pebrero__ Anu__anong mga pagkain ang inihanda ninyo__ Nasiyahan ka ba sa mga regalong natanggap mo__ Alam mo na ba ang magandang balita__ Mas mabuti na ang aking pakiramdam__ Maaari na kaming magbiyahe at bumisita sa inyo__ Sabik na sabik ka na naming makita ng Lolo Pedro mo__ Marami kaming pasalubong para sa inyo mula sa aming bukirin__ kamote__ patatas__ papaya__langka__ mangga__ at mais__ Hindi ba__t mahilig kang kumain ng nilagang mais__ Paboritong prutas mo pa ba ang mangga__ Pakisabi na lang sa mga magulang mo na darating kami riyan sa unang linggo ng Setyembre__ Sige__ hanggang dito na lang ang aking liham__ Nagmamahal__ Lola Patricia
56
APENDIKS E Kurikulum Bita
Pangalan:
Issabela Denise O. Endrina
Petsa ng Kapanganakan:
April 20, 1998
Edad:
19 taong gulang
Kasarian:
Babae
Tirahan:
Purok Naga, Minaog, Dipolog City
Lugar ng Kapanganakan:
Windward Hills,Dasmarinas, Cavite
Estadong Sibil:
Dalaga
Pangalan ng Ama:
Ferdinand P. Endrina
Pangalan ng Ina:
Ma. Emma O. Endrina
Edukasyon: Elementarya:
Goodwill Elementary School
Sekondarya:
Lantapan National High School
Kolehiyo:
Jose Rizal Memorial State University
Kurso:
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
57
Kurikulum Bita
Pangalan:
Carlo B. Guillena
Petsa ng Kapanganakan:
October 16, 1996
Edad:
20 taong gulang
Kasarian:
Lalaki
Tirahan:
Belwak Silawe, Polanco, Zamboanga del Norte
Lugar ng Kapanganakan:
Belwak Silawe, Polanco, Zamboanga del Norte
Estadong Sibil:
Binata
Pangalan ng Ama:
Elmer Q. Guillena
Pangalan ng Ina:
Cornelia B. Guillena
Edukasyon: Elementarya:
Silawe Central School
Sekondarya:
Silawe National High School
Kolehiyo:
Jose Rizal Memorial State University
Kurso:
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
58
Kurikulum Bita
Pangalan:
Merry Fe B. Tubil
Petsa ng Kapanganakan:
September 27, 1996
Edad:
21 taong gulang
Kasarian:
Babae
Tirahan:
Roxas, Zamboanga Del Norte
Lugar ng Kapanganakan:
Roxas, Zamboanga Del Norte
Estadong Sibil:
Dalaga
Pangalan ng Ama:
Pedro T. Tubil
Pangalan ng Ina:
Merlyn B. Tubil
Edukasyon: Elementarya:
Moliton Elementary School
Sekondarya:
Moliton National High School
Kolehiyo:
Jose Rizal Memorial State University
Kurso:
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino