Hustisya sa Pinas: Patas ba?
Nabalitaan mo ba ang nangyare kay Kian Delos Santos? Isang labing-pitong gulang na nagsasara lamang ng kanilang tindahan nang siya ay mapagkamalan ng mga pulis na drug pusher kaya siya ay pinagbabaril. Isa lamang si Kian sa napakaraming menor-de-edad na biktima ng “war on drugs” ng ating pangulo. Sa ating bansa, hindi maitatanggi na ang sistema ng ating hustisya ay tagilid lalo na at binigyan ng ating pangulo ang ating mga kapulisan ng karagdagang kapangyarihan upang ipatupad ang kaniyang mga plano sa bansa. Ngunit nakakalungkot isipin na ang karamihan sa kanila ay inilalagay ang batas sa kanilang kamay, na kahit wala namang katunayan sa kanilang sinususpekta ginagamit na agad ang kanilang baril imbes na ito ay imbestigahan. Kapansin-pansin din na ang kanilang pinag-tutuusan ng pansin ay ang mga mahihirap kahit na talamak din ng paggamit ng droga sa mga mas nakakaangat ang estado ng pamumuhay. Kagaya nga ng sabi sa kanta ni Bamboo, “ang hustisya ay para lang sa mayaman”. Ito ay totoo dahil sa mga nangyayare ngayon, parang ang kaligtasan ay binibili na rin kung kaya ang mga walang pangbili nito ay delikado dahil kahit anong oras ay pwede kang mapatay. Ang hustisya na para sa lahat ay nagiging pang mayaman nalang. Kapag papanoorin mo sa balita, kapag ang mayaman, nahulihan ng droga, siya ay ikukulong lamang ngunit kung ang mahuhulihan ng droga ay mahirap, maaaring siya ay patayin agad at sasabihin nalang na ‘nanlaban’ kahit na ang totoo ay pabigla-bigla nalang sila kung mamaril.