3rd Q – AP/FIL I.
PAMAYANANG RURAL AT URBAN
A. PANUTO: Lagyan ng √ kung ang sinasaad ng pangungusap ay totoo at X kung mali. ______
1.
Maraming puno at palayan sa pamayanang urban.
______
2.
Ang pagsasaka at pangingisda ay mga hanap-buhay sa pamayanang rural.
______
3.
Sa pamayanang rural, may mahahabang mga tulay at aspaltado o sementado ang mga kalye.
______
4.
Ang mga nakatira sa pamayang rural ay sumusunod sa mga tradisyon, kaugalian at pamahiin.
______
5.
Ang mga bahay sa pamayanang urban ay gawa sa dahon at kawayan.
______
6.
Simple lamang ang pamumuhay ng mga tao dito.
B. PANUTO: Isulat ang titik R kung ang pamayanang tinutukoy ay RURAL at U kung ito ay URBAN. ______
1.
Maraming malalaking gusali at tanggapan
______
2.
Mabagal at iilang uri lamang ng transportasyon
______
3.
Maraming tao ay may hanapbuhay bilang empleyado sa mga tanggapan o manggagawa sa pabrika
______
4.
Iilan lamang ang mga likas yaman dito
______
5.
Makaluma ang mga tao dito
C. PANUTO: Isulat ang T kung ang sinasaad ng pangungusap ay totoo at M kung mali. ______
1.
Ang mga tao sa bayan ng Pandan ay mas makaluma kaysa sa mga taga-Cebu.
______
2.
Ang pagsasaka at paggawa ng mga handicraft ay mga hanap-buhay sa Cebu.
______
3.
Ang wikang Sebwano ay ginagamit sa Pandan at Cebu.
______
4.
Ang mga Sebwano ay kilala bilang mga malilikhaing negosyante.
______
5.
Ang Sinulog Festival ay pista ng Pandan.
______
6.
Ang Cebu ay isang industriyal o urban na pamayanan.
______
7.
Ang pagnood ng butanding ay magagawa sa Cebu.
2 ______
8.
Maunlad na ang bayan ng Cebu bago pa dumating ang mga Espanyol noong 1565.
______
9.
Ang Pandan ay nagmula sa “pan” na Espanyol para sa tinapay, at “dan” na Bisaya para sa “iyan”.
______
10.
Ang mga taga-Pandan ay malapit sa pamilya at relihiyoso.
D. PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang kilalang lugar sa Cebu: a. Tulay ng Mactan
b. Bundok Mab-o
c. Kweba sa Pandan
2. Ang dayalekto ng mga taga-Pandan ay tinatawag na Pandadanon o _____. a. Aklanon
b. Kinaray-a
c. Bisaya
3. Ito ay kilalang lugar sa Cebu. Ang lugar na ito ang palatandaan ng pagbinyagan nina Rajah Humabon at Reyna Juana. a. Kiosko ng Krus ni Magellan
b. Capitol
c. Fort San Pedro
E. PANUTO: Punan ng sagot ang tsart. Navala Village, Fiji Uri ng pamayanan (rural o urban)
Pisikal na kapaligiran
Imprastruktura / bahay
Transportasyon at komunikasyon
Katangian ng mga tao
Osaka, Japan
3 (magbigay ng 2)
Pamumuhay o hanapbuhay ng mga tao (magbigay ng 2)
II. PANG-URING PANLARAWAN AT PAMILANG PANUTO: Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat ang mga sinalungguhitang salita sa tamang hanay sa tsart sa ibaba. (Maaaring may dalawa o higit pang pang-uri sa isang pangungusap.) 1. May tatlong katutubo ang makikita sa Zamboanga. 2. Ang maunlad na Lungsod ng Cebu ay may 2000 paaralan. 3. Maraming tao mula sa Luzon ang nanirahan sa maliit na Barangay Canan. 4. Ang makasaysayang bayan ng Pandan ay binubuo ng 34 na barangay. 5. May dalawang uri ng klima sa Camiguin, ang tag-ulan at ang tag-araw. 6. Matitibay ang mga sapatos na gawa sa Marikina. 7. Ang mga badjao sa Zamboanga ay palakaibigan. PANLARAWAN
PAMILANG
III. PANG-URING MAGKASALUNGAT AT MAGKASINGKAHULUGAN
4 PANUTO: Lagyan ng √ kung ang mga salitang nakasalungguhit ay magkasingkahulugan at X kung magkasalungat. _________1.
Maingay sa lungsod dahil maraming tao samantalang tahimik sa baryo dahil kaunti lamang ang tao.
_________2.
Maraming bantog na bayani ang ipinanganak sa pamayanang rural kaya naman sikat sila sa mga lugar na iyon.
_________3.
Masikip ang mga kalye sa lungsod dahil sa malalaking gusali kaya naman mas gusto kong dumaan sa maluwang na kalye ng mga baryo.
_________4.
Luma na ang ilang kagamitan sa pamayanang rural samantalang bago naman ang ilan sa kagamitan sa pamayanang urban.
_________5.
Maligaya ang mga naghahanapbuhay sa aming pamayanan dahil masaya nilang ipinapakita ang kanilang kahusayan sa paggawa.
_________6.
Ang libro ni Jake ay makapal. Ang kay Luis ay manipis.
_________7.
Maraming kopra na ani ang bayan ng Pandan. Sagana din ito sa bigas.
_________8.
Kumain ka ng hinog na saging. Ang hilaw na saging ay mapakla.
_________9.
Ang batang malusog ay may matalim na pag-iisip. Matalas din ang kanyang mga mata.
_________10.
Ang damit ni Rissa ay kulay lila. Byoleta naman ang palda ni Isabel.
PANUTO: Isulat ang kasingkahulugan ng mga nakasalungguhit na salita. _________________ 1. Bughaw ang paborito kong kulay. _________________ 2. Mahusay tumugtog ng piano si Jay. _________________ 3. Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe. _________________ 4. Ang mga hayop sa gubat ay mababangis. _________________ 5. Binigyan ako ng mahahalimuyak na bulaklak ni Jose. _________________ 6. Iilan lamang ang laruan ni Jose. _________________ 7. Maginaw ang panahon sa Baguio. PANUTO: Isulat ang kasalungat ng mga nakasalungguhit na salita. _________________ 1. Si Cobbie ay mataba. _________________ 2. Marumi ang mga kalye sa Quiapo. _________________ 3. Maliwanag ang buwan sa Pandan.
5 _________________ 4. Kaunti ang mga tao sa Cagayan de Oro. _________________ 5. Matigas ang mga sangay ng puno sa bukid. _________________ 6. Masipag mag-aral si Ken. _________________ 7. Mabangis ang alaga kong aso. IV. ANTAS NG PANG-URI PANUTO: Salungguhitan ang pang-uring panlarawan. Isulat ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol. _______1.
Tanyag ang Cairo Opera Ballet.
_______2.
Ang Tempozan Wheel sa Osaka ang pinakamalaking ferris wheel sa buong mundo.
_______3.
Ang mga Yagua ay mas matatapang kaysa sa mga Bora Indian.
_______4.
Parehong masarap ang pagkain ng mga Pilipino at Egyptians.
_______5.
Magkasingganda ang mga burda ng Kazak at Batanguena.
_______6.
Ang makasaysayang pyramid ay makikita sa Cairo.
_______7.
Kayhaba ng gabi sa Alaska tuwing Disyembre.
_______8.
Maliliit ang mga bure ng mga Fijian.
_______9.
Ang Kazakhstan Hotel ang pinakamataas na gusali sa Almaty.
_______10. Mas masayahin ang mga tao sa Camiguin kaysa sa mga taga-Anchorage. PANUTO: Isulat ang tamang antas ng pang-uri. Gamitin ang pang-uri sa loob ng panaklong. 1. Ang Almaty ay (malaki) ___________________ kaysa sa Astana, ang bagong kabisera ng Kazakhstan. 2. Ang Sphinx sa Cairo ang (tanyag) _______________________ na monumento sa buong mundo. 3. (Makapal) _________________ ang telang ginagamit sa yukata kaysa kimono. 4. Ang Pista ng Lovo ay isang (saya) ______________ pagdiriwang ng mga Fijian. 5. Nais ng pamahalaang Fiji na palitan ang mga bure sa Navala Village ng mga kongkretong bahay na (matibay) _______________________. 6. Ang mga tradisyunal na awitin ng mga Kazak ay (lungkot) _______________. 7. Ang mga alagang hayop ng mga Samburu ay ang (mahalaga) ___________________ pag-aari nila. 8. (Makulay) ___________________ ang mga kasuotan ng mga mananayaw sa Meke kaysa Fiji.
6 9. Ang mga Kazak ay (mapagmahal) _______________ sa mga nakatatanda. 10. Ang lambanog ay (mapait) _________________ kava. PANUTO: Sumulat ng pangungusap gamit ang antas ng pang-uri na hinihingi sa bawat larawan. 1. lantay
Banaue Rice Terraces Pangungusap: _______________________________________________
____________________________________________________________ 2. pahambing - di-magkatulad
cheetah
kabayo
Pangungusap: _______________________________________________
____________________________________________________________ 3. pahambing - magkatulad
gumamela
rosas
Pangungusap: _______________________________________________
____________________________________________________________ 4. pasukdol
7
Pangungusap: _______________________________________________
____________________________________________________________