HULING PAALAM isinulat ni: Sigmund Teoxon Perona BA Broadcasting 1-4
SEQUENCE TREATMENT
HULING PAALAM ISINULAT NI: SIGMUND TEOXON PERONA
SINOPSIS NG KWENTO: Limang taon na ang nakalilipas simula ng mawala si Kathlene. Hindi na bumalik, hindi ko na muling nakita’t naramdaman. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman ang dahilan ng kaniyang pag-alis o ang makapagpaalam man lang… o ang marinig man lang ang isang paalam mula sa kanya. Limang taon na ang nakakalipas, nang ako’y malapit na maging malaya sa pagkakakulong sa sakit. Kami ay muling nagtagpo; muli ko siyang naramdaman at nasilayan. Nanumbalik ang tila ba nakaraan. Sa hiwaga ng isang gabi na magtatapos sa katanungang, “Oras na, oras na nga bang magpaalam?”
MGA TAUHAN SA KWENTO: MIGUEL DE GUZMAN – 25, nagtatrabaho sa isang travelling agency sa Makati bilang office clerk. Matipuno, matangkad, kayumanggi ang kulay ng balat. Isang mabuting anak na pinahahalagahan ang pamilya. Tapat at wagas sa pagmamahal na kaniyang ibibigay hangga’t sa abot ng kaniyang makakaya. KATHLENE MERCADO – 24, maganda, maputi, kalooban. Siya ang mapagmahal na kasintahan silang mataas mangarap at maraming ambisyon magagawang maglihim nito kay Miguel sa makakabuti ito sa kanilang relasyon.
at may mabuting ni Miguel. Pareho sa buhay. Ngunit pag-aakalang mas
MRS. EVA DE GUZMAN – Single mom, may dalawang anak na sina Miguel at Henry. HENRY DE Miguel.
GUZMAN
–
college
student,
nakababatang
kapatid
ni
DAY 1 BODY 1 SEQUENCE
1
INT
MIGUEL’S DESK/OFFICE
NIGHT
Papaalis na si Miguel mula sa kanyang opisina kaya’t tinatapos na lamang niya ang kanyang natitirang trabaho. Masyado itong tutok sa harap ng computer at hawak na mga papeles. Matapos sa kanyang gawain ay aayusin na nito ang kanyang mga gamit at aalis na ito. Magtataka naman ang mga ka-trabaho nito dahil madalas magpaalam si Miguel bago umalis sa opisina.
SEQUENCE 2
EXT
RCBC PLAZA FACADE/GIL PUYAT AVE
NIGHT
Matapos makababa mula sa kanyang opisina ay mapapansing pagod na pagod si Miguel mula sa kanyang trabaho. Sa kabila ng pagod, patungong bus terminal.
dire-diretso
lamang
itong
maglalakad
Hindi aabot sa bus terminal ang kanyang paglalakad. Ang gabing ito ay ang kakaibang mangyayari sa darating.
SEQUENCE 3
INT
OFFICE
simula nang mga susunod
hindi pangkaraniwan na eksena at araw
at na
NIGHT
Matapos makaalis ni Miguel ay pag-uusapan ng mga ka-trabaho ang ikinilos nito.
SEQUENCE 4
EXT
GIL PUYAT AVE/BENCH NIGHT
Sa patuloy na paglalakad ni Miguel ay tila ba hihingalin ito kaya’t pipiliin muna nitong maupo sa isang bench na madadaanan. Ibababa niya ang dalang gamit at uupo na ito.
SEQUENCE 5
EXT
BENCH/AYALA, MAKATI NIGHT
Sa kinauupuan ni Miguel ay pagmamasdan nito ang mga taong naglalakad na may kanya-kanyang pinatutunguhan. Malalim itong mapapaisip sa mga nangyayari at sa kalagayan ng abalang gabi. May mga masayang nagkukwentuhan, kumakain, nag-iisa, may mga kasabay sa paglakad, nagmamadali, naghihintay, at katulad niya ring pagod na pagod.
SEQUENCE 6
EXT
BENCH/GIL PUYAT AVE NIGHT
Mapapatungo na lamang si Miguel sa mga nakitang kalagayan ng abalang gabi. May dadaan na isang babae at dire-diretsong uupo sa bench na kinauupuan din ni Miguel. Hindi direktang ipapakita ang mukha ng papansinin o lilingunin man lang ni Miguel.
SEQUENCE 7
EXT
BENCH
babae.
Hindi
ito
NIGHT
Biglang hahawakan ng babae ang braso ni Miguel. Tila ba hindi mararamdaman ni Miguel ang paghawak ng babae. Magsasalita ang babae na magdudulot upang mapalingon Miguel. Magiging pamilyar sa kanya ang boses ng babae.
na
si
Walang maisasambit si Miguel na mga salita ngunit ang mga titig lamang sa babae. Makikilala ni Miguel ang babae. Ito pala ang kanyang kasintahan na si Kathlene na ilang taon niyang hindi nakita.
SEQUENCE 8
EXT
BENCH
NIGHT
Labis na mabibigla si Miguel matapos makilala ang babae. Ngunit wala pa rin itong maisasambit na mga salita. Patuloy na magsasalita si Kathlene. At mga titig lamang nang pagtataka at pagkabigla ang gagawin ni Miguel.
SEQUENCE 9
EXT
BENCH
NIGHT
Habang nagsasalita si Kathlene ay biglang yayakapin ito nang mahigpit ni Miguel. Magsasalita na si Miguel habang yakap-yakap si Kathlene. Magsisimula ito ng mga katanungang nais niyang masagot noon pa man. Mga katanungang kung bakit siya biglang nawala at di man lang nagpaalam.
SEQUENCE 10
EXT BENCH
NIGHT
Paulit-ulit lamang si Miguel sa kanyang mga katanungan hanggang sa lumuha ang mga mata nito. Mahigpit na yayakapin lang ni Kathlene si Miguel na magiging dahilan upang manahimik at kumalma ito.
SEQUENCE 11
EXT
BENCH
NIGHT
Matapos yakapin ang isa’t isa ay hahawakan ni Kathlene ang mga kamay ni Miguel. Hindi niya sasagutin ang mga katanungan ng kasintahan. Sasabihin niyang mas mahalaga na nagkita silang muli at nagkasama ng gabing iyon. Matapos magpaliwanag ay nais ni Kathlene na umuwi na si Miguel sa kanilang bahay upang makapagpahinga. Alam nitong pagod ito mula sa kanyang trabaho.
SEQUENCE 12
EXT
BENCH/GIL PUYAT AVE NIGHT
Tatangging umuwi agad si Miguel matapos silang magtagpo gabing iyon. Gusto niya pa sanang makasama si Kathlene.
ng
Magbabalak umalis si Kathlene ngunit hihilain ito pabalik ni Miguel. Makikiusap si Miguel na kung pwedeng wag muna silang umalis.
GAP 1 BODY 2 SEQUENCE 13
EXT
BENCH
NIGHT
Gagawa ng alibi si Kathlene na kailangan niya na talagang umalis at umuwi na si Miguel. Magtataka naman si Miguel kung bakit tila nagmamadali naman si Kathlene, kung kailan ngayon lang ulit sila mismong nagkita. Magbibigay si Kathlene ng kondisyon na kung maaari ay sa ibang araw na lang ulit silang magkita.
SEQUENCE 14
EXT
BENCH/GIL PUYAT AVE/PEDESTRIAN
NIGHT
Tatayo na si Kathlene mula sa kanyang kinauupuan. Dire-diretso itong maglalakad patungong pedestrian lane upang tumawid. Dali-dali naman itong hahabulin ni Miguel at siya naman ang magbibigay ng kondisyon.
SEQUENCE 15
EXT
GIL PUYAT AVE/PEDESTRIAN LANE
Hahablutin ni Miguel ang kamay ni sasabihin na kung pwede pa silang natitirang oras ng gabi.
NIGHT
Kathlene. At dali-daling magsama kahit sandal sa
Walang isasagot si Kathlene. Kaya’t patuloy itong maglalakad hawak-hawak ang kamay ni Miguel. Ito na pala ang kanyang pagsang-ayon niya sa kagustuhan ni Miguel. Susunod lamang si Miguel at ikatutuwa niya naman ito.
SEQUENCE 16
EXT
AYALA AVE
NIGHT
Habang naglalakad ay ipapagpatuloy ni Miguel ang pangungulit sa mga tanong na nais niyang masagot. Hindi sasagot si Kathlene, tuloy-tuloy lamang ang kanyang lakad.
SEQUENCE 17
EXT
SALCEDO STREET/COFFEE SHOP
Halatang iniiwasan ni Kathlene ang mga katanungan ni Miguel kaya’t magyayaya naman itong pumunta sa coffee shop na madalas nilang puntahan noon. Papayag si Miguel na pumunta sa coffee shop.
SEQUENCE 18
EXT
COFFEE SHOP FACADE
NIGHT
Bago pa man pumasok sa coffee shop ay pipilitin ni Miguel na sagutin muna ang mga tanong niya. Iiwas muli si Kathlene. Para sa kanya mas mabuting pumasok at kumain muna sila.
SEQUENCE 19
INT
COFFE SHOP
NIGHT
Sobrang na-miss ni Kathlene ang pumunta dito. Kaya’t excited itong kumain ditto kasama si Miguel. Walang magagawa si Miguel kundi sumunod na lamang. Bagaman nais niyang masagot ang kanyang mga katanungan ay makikita sa kanya ang kagalakan na muli niyang nakasama ang taong pinakamamahal niya.
SEQUENCE 20 INT
COFFEE SHOP/TABLE
NIGHT
Madalas silang pumunta sa coffee shop na ito noon kaya’t dun din sila pupwesto sa lagi nilang inuupuan. Mag-aalok si Miguel na siya na ang magbabayad sa kanilang kakainin. Sasang-ayon naman si Kathlene at magbibiro pa dito.
GAP 2 BODY 3 SEQUENCE 21
INT
TABLE
NIGHT
Habang sila ay kumakain ay pipiliin na lamang kumustahin ni Miguel si Kathlene.
Sasagot naman si Kathlene at ibabalik agad ang mga tanong kay Miguel.
SEQUENCE 22
INT
TABLE
Nagpatuloy lamang ang kanilang salitang binibitawan ni Kathlene.
NIGHT usapan.
Pili
lang
ang
mga
Natutuwa naman si Kathlene sa mga ikinukwento ni Miguel. Mapapatingin si Kathlene sa kanyang relo at kinakailangan na nitong magpaalam kay Miguel. Wala namang magagawa si Miguel dahil sila ay may kasunduan.
SEQUENCE 23
EXT
COFFEE SHOP FACADE/SALCEDO STREET
NIGHT
Dali-daling kikilos si Kathlene palabas ng coffee shop at susundan ito ni Miguel upang sana’y ihatid. Ngunit walang anuano ay madaling mawawala ito sa kanyang mga paningin.
SEQUENCE 24
EXT
AYALA, MAKATI
NIGHT
Susubukan pang hanapin ni Miguel si Kathlene kung saan man ito maaaring pumunta. Ngunit bigo siyang makita itong muli. Hanggang sa magtungo na lamang siya sa bus terminal upang umuwi. Nanatiling mahiwaga ang gabing ito para kay Miguel.
END OF DAY 1
DAY 2 BODY 1 SEQUENCE 1
INT
MIGUEL’S BED
DAY
Pagkagising sa umaga ay nasa isip-isip pa rin ni Miguel si Kathlene at ang hiwaga ng nangyari kagabi. Kakausapin ang sarili kung nangyari nga ba iyon o panaginip lamang. Matapos magmuni-muni ay babangon ito mula sa kanyang higaan at lalabas ng kanyang kwarto.
SEQUENCE 2
INT
LIVING ROOM, DE GUZMAN HOUSE
DAY
Pagkalabas mula sa kwarto ay makikita niya ang kanya ina na papaalis. Bago pa man ito makaalis ay magtatanong ito kung may balita o nakita nito si Kathlene. Walang impormasyon na maibibigay ang ina ni Miguel. Wala itong alam. Saka ito aalis at magpapaalam sa anak.
SEQUENCE 3
INT
Habang kumakain sarili.
ay
DINING TABLE, DE GUZMAN HOUSE DAY muli
siyang
mapapaisip
at
kakausapin
ang
Gugulatin naman ito ng kanyang kapatid dahil sa mga ikinikilos at pinagsasabi nito. Hindi ito maniniwala dahil para sa kanya malabo na ring bumalik pa si Kathlene.
SEQUENCE 4
INT
DINING AREA, LABABO DAY
Matatapos na si Miguel sa kanyang almusal at magsisimula palang ang kanyang kapatid. Magsisipilyo si Miguel at patuloy pa rin kakausapin ang kapatid hanggang sa makaligo na ito.
SEQUENCE 5
INT
MIGUEL’S BEDROOM
DAY
Nag-aasikaso na si Miguel para sa kanyang trabaho. Nakaharap ito sa salamin habang inaayos ang kanyang kurbata.
Habang nag-aayos ay maaalala niyang si Kathlene ang nagbigay ng pulang kurbata na suot niya. Binigay ito ni Kathlene bago sila grumaduate.
SEQUENCE 6
INT
LIVING ROOM, DE GUZMAN HOUSE
DAY
Magpapaalam na ito kay Henry na aalis na. mag-iiwan ng mga paalala sa kapatid. Lalo na kung makita rin nito si Kathlene.
SEQUENCE 7
INT
TAXI DAY
Patungo na si Henry sa kanyang trabaho. Pababa na siya sa taxi na sinakyan niya.
SEQUENCE 8
EXT
RCBC PLAZA BLDG FACADE
DAY
Papasok na si Miguel papunta sa kanyang office.
SEQUENCE 9
INT
RCBC PLAZA BLDG/ELEVATOR DAY
Gagamitin ng elevator si Miguel papuntang office. Makakasabay ni Miguel ang isa sa mga matalik niyang ka-trabaho. Magtatanong ang kanyang ka-trabaho ukol sa nangyari kagabi.
SEQUENCE 10
INT
RCBC PLAZA BLDG 18th FLOOR HALLWAY
DAY
Hihingi ng paumanhin si Miguel sa nangyari kagabi bago umalis ng opisina. Maiintidihan naman ito ng ka-trabaho. Makukwento rin nito ang iba pang nangyari sa kanya kagabi noong makita at makasama niya si Kathlene.
SEQUENCE 11
INT
OFFICE
DAY
Magpapatuloy ang kanilang kwentuhan tungkol kay Kathlene habang sila’y nagtatrabaho.
SEQUENCE 12
INT
OFFICE
DAY
Sisingit sa usapan ang isang ka-trabaho sa usapan ng dalawa. Magbibigay ito ng alam nitong balita ngunit lumang impormasyon tungkol kay Kathlene.
GAP 1 BODY 2 SEQUENCE 13
INT
MIGUEL’S DESK
DAY
May makikitang sticky note si Miguel sa kanyang desk. Pansamantala niyang bibitawan ang kanyang tinatrabahong mga papeles. Babasahin niya ito at magtataka sa mababasa nito. Ang note ay nagmula kay Kathlene.
SEQUENCE 14
INT
OFFICE/MIGUEL’S DESK
DAY
Mapapatayo ito sa kanyang upuan at lalapit sa mga ka-trabaho kung may nakakita sa nag-iwan ng sticky note. Ni isa ay walang alam tungkol dito kaya’t magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Miguel.
SEQUENCE 15 INT
RCBC PLAZA BLDG
DAY
Kakasimula pa lang ng umaga, kaya’t nagbabakasali si Miguel na si Kathlene nga ang naglagay ng sticky note sa kanyang desk. Inikot niya ang building upang mahanap si Kathlene. Bigo muli siyang makita ito. Babalik ito sa kanyang opisina.
SEQUENCE 16
INT
OFFICE/MIGUEL’S DESK
DAY
Pagkatapos maghanap kay Kathlene, didiretso ito sa kanyang desk hindi upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho ngunit para i-chat ang naging matalik na kaibigan ni Kathlene. Wala ring alam na balita ang naka-chat ni Miguel. Ngunit nasiguro nito na totoo ngang pumuntang ibang bansa ang pamilya ni Kathlene bago ang graduation nila noong kolehiyo.
SEQUENCE 17 INT
MIGUEL’S DESK
DAY
Muli mang nabigo ay pinilit ni Miguel na ipagpatuloy na muna ang kaniyang trabaho. Ayaw niyang maging sagabal ito dahil sa naidulot ni Kathlene.
SEQUENCE 18
INT
MIGUEL’S DESK
NIGHT
Patapos na ang oras ni Miguel sa kanyang trabaho. Mapapadaan ang isang ka-trabaho at tiningnan pala nito ang mga CCTV sa RCBC Plaza. Ipagbibigay alam nito na hindi niya naman nakita si Kathlene. Labis ang pasasalamat ni Miguel sa ka-trabaho ngunit nag-iwan din ito ng labis na pagtataka.
SEQUENCE 19 EXT
GIL PUYAT AVE/BENCH NIGHT
Naglalakad na si Miguel patungong sakayan pauwi. Mapag-iisip nito na daanang muli ang bench kung saan sila nagtagpo ni Kathlene. Sinubukan niyang maghintay at magbakasaling dadating muli si Kathlene. Ngunit hindi dadating si Kathlene.
SEQUENCE 20
EXT
BENCH
NIGHT
Sinubukan niyang tanungin ang isang street sweeper tungkol kay Kathlene. Subalit, wala rin itong alam o nakita man lang ang babae. Magpapasalamat si Miguel at uuwi na lamang sa kanila.
GAP 2 BODY 3 SEQUENCE 21 INT
MIGUEL’S BEDROOM
NIGHT
Pagdating sa kanilang tahanan ay agad itong dumiretso sa kanyang kwarto. Naupo sa kanyang kama at nag-asikaso ng kanyang sarili. Sa kabila ng kanyang kama ay may mapapansing siyang papel na isa palang sulat. Bubuksan at babasahin niya ito. Naglalaman ito ng maikling sulat mula ulit kay Kathlene.
SEQUENCE 22 INT
LIVING ROOM, DE GUZMAN HOUSE
NIGHT
Dahil sa muling pagtataka, itatanong niya sa kanyang kapatid na nasa sala ang tungkol sa sulat. Hindi rin alam ni Henry kung kanino ito nanggaling at paano ito napunta sa kwarto nito.
END OF DAY 2
DAY 3 BODY 1 SEQUENCE 1 INT MIGUEL’S BEDROOM
DAY
Gigising si Miguel at babangon mula sa kaniyang kama na may pagasa na sa araw na ito ay muli niyang makikita si Kathlene. Agad na kikilos si Miguel upang maghanda para sa kaniyang trabaho. Maliligo, magbibihis, kakain ng almusal ng iniluto ng kaniyang Ina, at aalis na patungo sa trabaho.
SEQUENCE 2 INT RCBC PLAZA, GROUND FLR/OFFICE
DAY
Mas maaga sa usual na oras na darating si Miguel sa opisina. Bago umakyat sa taas ay bibili muna siya ng kape. Sa pagdating sa kanilang floor ay babatiin niya ang kaniyang mga katrabaho at magtataka ang mga katrabaho niya dahil halata sa mukha ni Miguel masaya ito at mukhang nasasabik tungkol sa isang bagay.
SEQUENCE 3 INT MIGUEL’S DESK
DAY
Pagdating niya sa kaniyang desk ay natagpuan niya ang mga paper works na kailangan niyang tapusin para sa araw na ito. Agad niyang sinimulan ang mga gawain sa pagbabakasakaling maaga siyang matatapos upang kitain si Kathlene.
SEQUENCE 4 INT OFFICE PANTRY
DAY
Tanghalian na ng mangalahati na ang tapos nang mga gawain ni Miguel kaya’t maiisipan niyang magpahinga ng sandali. Pupunta siya sa Pantry ng kanilang office para kumain ng kaunting miryenda. Doon ay makakausap niya ang pinakamatalik na kaibigan sa kaniyang trabaho. Sasabihin nito sa kaibigan na sabik siya sa pagkikita nila ni Kathlene mamayang gabi. Hindi nagtagal at bumalik na rin siya sa kaniyang desk.
SEQUENCE 5 INT MIGUEL’S DESK
DAY
Inasikaso nang muli ni Miguel ang mga kailangan tapusin na paper works. Sa kaniyang pagtapos ng mga gawain ay agad niyang ipinasa ang mga ito sa kaniyang boss.
SEQUENCE 6 INT MIGUEL’S BOSS’ DESK DAY Ipapasa ni Miguel ang mga natapos na gawain at magpapaalam ito sa kaniyang boss kung maaari ba siyang mag early-out. Papayag ito. Matapos nito ay agad siyang nagpaalam sa mga katrabaho.
SEQUENCE 7 EXT SALCEDO STREET DAY Sa paglabas ni Miguel sa RCBC Plaza ay maiisipan niyang kontakin si Kathlene. Nang ilabas ang cellphone, nagtype siya ng text na nagsasabing sabik siyang makita si Kathlene. Ilang segundo nang masend niya ang text ay naisip niya kung iyon pa rin ba ang number ni Kathlene ngunit aasa pa rin siya ng reply mula dito. Didiretso si Miguel sa coffee shop kung saan sila magkikita.
SEQUENCE 8 INT COFFEE SHOP
DAY
Pagpasok ni Miguel sa coffee shop ay pupwesto siya sa usual spot nila ni Kathlene. Mas maaga ng isang oras na dumating si Miguel mula sa oras na ibinigay ni Kathlene sa kaniya.
SEQUENCE 9 INT COFFEE SHOP
DAY
Dala dala ni Miguel ang sulat na nagmula kay kaniyang pag-upo ay muli niya itong babasahin.
SEQUENCE 10 INT
COFFEE SHOP
Kathlene.
Sa
DAY
Tatayo si Miguel mula sa kinauupuan para bumili ng kape at makakain habang naghihintay pa kay Kathlene. Sa kaniyang paglapit sa cashier ay makakasalubong niya ang isang kakilala at sila’y magkukumustahan ng saglit.
SEQUENCE 11 INT
COFFEE SHOP
DAY
Babalik si Miguel sa kaniyang kinauupuan at maghihintay. Dalawampung minuto na lang ang inaasahan niyang paghihintay bago dumating si Kathlene doon at dahil doon ay kaniya nang pagiisipan ang pag-uusapan nilang dalawa.
SEQUENCE 12 INT
COFFEE SHOP
NIGHT
Dalawang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin darating si Kathlene. Aasa pa rin si Miguel na darating ito dahil nagsabi ito sa kaniya sa pamamagitan ng sulat. Matiyaga siyang naghihintay para kay Kathlene.
GAP 1 BODY 2 SEQUENCE 13 EXT
COFFEE SHOP, SALCEDO STREET
NIGHT
Apat na oras na ang nakalilipas at wala pa rin si Kathlene. Naisipan ni Miguel na lumabas saglit upang tingnan kung nariyan na ba si Kathlene. Unti-unting mararamdaman ni Miguel ang pagkawala ng pag-asa kung sisiputin pa ba siya ni nito. Ngunit hindi siya sumuko.
SEQUENCE 14 INT
COFFEE SHOP
NIGHT
Babalik muli si Miguel sa loob, uupo, at maghihintay. Susubukan niya ring tingnan ang kaniyang cellphone sa pagbabakasakaling may reply si Kathlene. Mapagdedesisyunan muna ni Miguel na magCR.
SEQUENCE 15 INT
COFFEE SHOP
NIGHT
Limang oras na ang nakalilipas mula ng dumating si Miguel sa coffee shop. Sa kaniyang paglabas sa CR pabalik sa kinauupuan ay makikita niya si Kathlene na papasok ng coffee shop. Makikita ang pagliwanag sa mukha ni Miguel na sa wakas ay nariyan na si Kathlene.
SEQUENCE 16 INT
COFFEE SHOP
NIGHT
Magkakatinginan ang dalawa at lalapitan ni Miguel si Kathlene para dalhin ito sa kanilang usual spot. Babatiin ni Miguel si Kathlene at sasabihin na nagagalak itong makita siya.
SEQUENCE 17 INT
COFFEE SHOP
NIGHT
Binilhan ni Miguel ng maiinom at makakain si Kathlene at sila ay nag-usap. Hihingi ng paumanhin si Kathlene na nahuli siya sa kanilang pagkikita at tatanggapin naman ni Miguel ang pagpapaumanhin nila. Mag-uusap ang dalawa, magbabalik tanaw sa mga ala-alang naipon sa nakaaan. Sa kanilang pag-uusap ay susubukan nanamang itanong ni Miguel kay Kathlene ang dahilan ng kaniyang biglang pag-alis ng wala man lang paalam. Hindi sasagot si Kathlene at nagpaalam ito ng saglit para mag CR.
SEQUENCE 18 INT
COFFEE SHOP
NIGHT
Sa pagbalik ni Kathlene ay inaya siya ni Miguel na umalis na sa coffee shop upang maglakad lakad at magpahangin sa labas.
SEQUENCE 19 EXT
AYALA AVE
NIGHT
Ipagpapatuloy ng dalawa ang pag-uusap sa kanila paglalakad. Unti-unti, susubukan ni Miguel na hawakan ang kamay ni Kathlene.
SEQUENCE 20 EXT
AYALA AVE
NIGHT
Sa pagkakataong ito, bago pa man mahawakan ni Miguel ang mga kamay ni Kathlene ay nagring ang cellphone ni Kathlene. Agad naman niyang kinuha mula sa bulsa ang cellphone at sinagot ang tawag.
GAP 2 BODY 3 SEQUENCE 21 EXT
AYALA AVE
NIGHT
Sa pagbaba ni Kathlene ng tawag ay agad itong nagpaalam kay Miguel. Pipigilan ni Miguel si Kathlene sa pag-alis nito at itatanong ang dahilan pero hindi sasabihin ni Kathlene.
SEQUENCE 22 EXT
AYALA AVE
NIGHT
Dali-daling aalis si Kathlene. Susubukan namang habulin ito ni Miguel ngunit siya ay nabigo dahil mabilis na nawala si Kathlene sa kaniyang paningin at naglaho na para bang isang bula.
END OF DAY 3
DAY 4 BODY 1 SEQUENCE 1 INT MIGUEL’S DESK
DAY
Sa araw na ito, bago matapos ang oras ng trabaho ni Miguel, nang siya’y paalis na ay bigla siyang tinawag na kaniyang katrabaho at sinabing may natanggap itong tawag mula sa Receptionist na may bisitang naghihintay kay Miguel sa lobby. Nagtaka si Miguel dahil wala naman siyang inaasahan na bisita ngunit agad ring pumasok sa isip niya baka si Kathlene iyon. Dali-dali siyang nag-ayos ng gamit at bumaba.
SEQUENCE 2 INT RCBC PLAZA, OFFICE LOBBY
DAY
Pagbukas na pagbukas ng elevator ay agad na lumabas si Miguel para hanapin si Kathlene. Hindi siya nagkamali, si Kathlene nga ang kaniyang bisita. Lubos na galak ang naramdaman ni Miguel sa kaniyang puso.
SEQUENCE 3 INT RCBC PLAZA, OFFICE LOBBY
DAY
Sa sobrang pagkasaya ni Miguel, tatakbo ito patungo sa direksyon ni Kathlene at isisgaw nito ang pangalan niya. Sa paglingon ni Kathlene ay agad naman siyang yayakapin ni Miguel. Yayakapin siyang pabalik ni Kathlene at muli siyang hihingi ng paumanhin sa biglang pag-alis sa nakalipas na gabi.
SEQUENCE 4 INT RCBC PLAZA, OFFICE LOBBY
DAY
Itatanong ni Miguel ang rason sa pagbisita ni Kathlene at sasabihin nito na nais niyang bumawi kay Miguel. Kaya aayain ni Kathlene si Miguel na pumunta sa Greenbelt upang manood ng sine ngunit tumanggi si Miguel at hinila si Kathleen patungo sa isang lugar.
SEQUENCE 5 INT RCBC PLAZA, PARKING LOT
DAY
Dadalhin ni Miguel si Kathlene sa kaniyang sasakyan at pasasakayin ito. Sabik na sabik si Miguel dahil balak niyang surpresahin si Kathlene sa pagdala nito sa isang lugar na paboritong puntahan ni Kathlene. Magtataka si Kathlene kung saan
siya dadalhin ni Miguel pero sasabihin ni Miguel na surpresa niya ito sa kaniya.
SEQUENCE 6 EXT SCTEX
DAY
Purong kasiyahan lamang ang nadarama ni Miguel sa kaniyang puso habang nagmamaneho. Paulit-ulit siyang tatanungin ni Kathlene kung saan sila patungo ngunit lagi lamang isasagot ni Miguel na abangan na lamang niya.
SEQUENCE 7 EXT TAGAYTAY
DAY
Matutuwa si Kathlene nang mapagtanto niyang nasa Tagaytay sila. Dumiretso silang dalawa ni Miguel sa isang bulalohan para maghapunan.
SEQUENCE 8 INT BULALO POINT, TAGAYTAY
DAY
Oorder si Miguel na bulalo ang matutuwa si Kathlene dahil isa ito sa mga paborito niyang kainin. Habang naghahapunan ay masayang mag uusap ang dalawa. Pagkatapos nilang kumain ay babalik sila sa sasakyan at lilibot sa Tagaytay.
SEQUENCE 9 EXT SANTA ROSE ROAD, TAGAYTAY
DAY
Titigil si Miguel sa buko pie shop para bumil ng buko pie na paborito nilang dalawa noong sila ay kolehiyo pa lamang.
SEQUENCE 10 INT
BUKOPIE SHOP, TAGAYTAY
DAY
Papasok nilang dalawa sa shop. Oorder si Miguel ng dalawang kahon ng buko pie. Habang hinihintay ang binibili, magtitingintingin silang dalawa ng iba pang mga produkto na naroroon sa shop. Magtatawanan ang dalawa hanggang sa dumating na ang kanilang order.
SEQUENCE 11 EXT
CALAMBA RD., TAGAYTAY
NIGHT
Pagabi na at ipinagpatuloy nilang dalawa ang kanilang roadtrip. Magke-kwentuhang dalawa sa loob ng sasakyan at mapapatugtog si
Miguel ng paborito nilang mga kanta. Bubuksan ni Miguel ang mga bintana at sabay nilang dadamhin ni Kathlene ang malamig na simoy ng hangin.
SEQUENCE 12 INT
GROCERY STORE/TAGAYTAY
NIGHT
Dadaan sila sa iang grocery store at bababa si Miguel sa kotse para bumili. Hindi niya isasama si Kathlene sa pagbaba. Bibili si Miguel ng kanilang maiinom para sa isa nanamang naisip na surpresa ni Miguel para kay Kathlene.
GAP 1 BODY 2 SEQUENCE 13 EXT
CALAMBA RD., TAGAYTAY
NIGHT
Magmamaneho silang muli. Magtataka si Kathlene kung saan siya dadalhin ni Miguel. Pataas ang daanang kanilang pinagmamanehuan.
SEQUENCE 14 EXT
TAGAYTAY
NIGHT
Masosorpresa si Kathlene sa makikita. Makakarating sila sa isang mataas na lugar na ang makikita ay ang napakagandang mga city lights. Bababa una si Kathlene sa sasakyan at susunod naman si Miguel.
SEQUENCE 15 EXT
TAGAYTAY
NIGHT
Kukunin ni Miguel sa loob ng sasakyan ang binling buko pie at juice at pupunta siya sa likod na pick-up truck para doon sila uupo ni Kathlene. Lalakasan rin ni Miguel ang musikang tumutugtog na nanggagaling sa sasakyan.
SEQUENCE 16 INT
TAGAYTAY
NIGHT
Tatawagin ni Miguel si Kathleen na nakatitig lamang sa ganda ng mga citylights. Aalalayan ni Miguel si Kathleen sa pag-akyat sa pick-up at sabay silang uupo.
SEQUENCE 17 EXT
TAGAYTAY
NIGHT
Bubuksan ni Miguel ang unang isang kahon ng bukopie at hahatiin ito. Bibigyan niya si Kathlene nito at ng biniling inumin. Lubos na kasiyahan ang mararamdaman ng dalawa.
SEQUENCE 18 EXT
TAGAYTAY
NIGHT
Magpapasalamat si Kathlene Ngingiti si Miguel.
sa
SEQUENCE 19 EXT
NIGHT
TAGAYTAY
surpresang
ginawa
ni
Miguel.
Parehas na mananahimik ang dalawa. Walang ibang maririnig kundi ang musikang nagmumula sa tunog sasakyan. Walang ibang madarama kundi saya habang dumadampi ang malamig na hangin sa kanila balat.
SEQUENCE 20 EXT
TAGAYTAY
NIGHT
Ilang saglit pa ay papalitan ni Miguel ang kanta. Ililipat niya ito sa pinakapaboritong kanta ni Kathleen. Sa pagkakataong ito, lalapit siya ng marahan kay Kathlene.
GAP 2 BODY 3 SEQUENCE 21 EXT Yayayain dalaga.
ni
Miguel
SEQUENCE 22 EXT
TAGAYTAY si
NIGHT
Kathlene
TAGAYTAY
na
sumayaw.
Mapapangiti
ang
NIGHT
Tatanggapin ni Kathlene ang alok ni Miguel na sumayaw.
SEQUENCE 23 EXT
TAGAYTAY
NIGHT
Habang sumasayaw ang dalawa, nakapikit lamang ang dalawa. Magsasalita si Miguel. Nanaising tanungin muli ang paulit ulit
na tanong sa kung anong dahilan ng pag alis ng dalaga ngunit sa pagkakataong ito, nanaising niya lamang malaman kung aalis bang muli ang dalaga o mananatili na ito ng habambuhay sa kaniyang piling. Kaya’t itatanong ito ni Miguel ngunit muli, hindi sasagot ang dalaga.
END OF DAY 4
DAY 5 BODY 1 SEQUENCE 1 INT
MIGUEL’S HOUSE
DAY
Day-off ni Miguel. Manananghalian siya kasama ang ina at ang kapatid. Sasabihin ni Miguel sa kanila ang pagbabalik ni Kathlene. Matutuwa ang mag-ina sa kanilang malalaman.
SEQUENCE 2 INT
MIGUEL’S BEDROOM
DAY
Katatapos lang maligo ni Miguel. Maghahanap siya ng damit na mejo pormal dahil sa paplanuhin niyang gawin sa araw na iyon na puntahan si Kathlene. Mag-aayos ng buhok, magpapaalam sa pamilya na aalis muna siya.
SEQUENCE 3 EXT
OUTSIDE OF MIGUEL’S HOUSE
DAY
Mag-aabang si Miguel ng taxi sa labas ng bahay nila. Hindi niya madadala ang kaniyang sasakyan dahil sa coding. Papara siya ng taxi at tutungo sa Dangwa para bumili ng bulaklak na nais niyang ibigay kay Kathlene.
SEQUENCE 4 EXT
DANGWA
DAY
Pagkababa ng taxi ay agad na maghananap si Miguel ng bulaklak. Bigla niyang maaalala ang paboritong bulaklak ni Kathelene, ang tulips. Bibili si Miguel ng tulips at sasamahan niya ito ng sunflowers na isa pang paborito ni Kathlene. Pagkatapos ay papara muli si Miguel ng taxi patungo sa bahay ni Kathlene.
SEQUENCE 5 INT
TAXI
DAY
Iisipin ni Miguel ang mga nais niyang sabihin kay Kathlene. Sa isa pang pagkakataon, sa kagustuhang malaman, tatanungin niyang muli si Kathlene kung bakit ito umalis ng walang pasabi. Walang pakialam sa Miguel kung sasabihin ni Kathlene ang totoong dahilan o hindi man muli, pero liligawan niyang muli si Kathlene katulad ng dati.
SEQUENCE 6 INT
TAXI
DAY
Habang nagmumuni muni si Miguel, nakatingin lamang siya sa labas ng bigla niyang maaninag ang isang babaeng parang si Kathleen. Bubuksan niya ang bintana ng taxi.
SEQUENCE 7 INT TAXI DAY Isisigaw ni Miguel ang pangalan ni Kathlene para tawagin ito. Pahihintuin ni Miguel sa pagmamaneho ang drayber ng taxi at patatabihin ito sa kung nasaan si Kathlene.
SEQUENCE 8 INT TAXI
DAY
Makikita ni Miguel na papasok si Kathlene sa isang sementeryo ngunit ang pagkakasabi ni Miguel sa drayber ay tumigil kung nasaan ang isang babaeng nakabistidang dilaw. Tinatawag pa rin ni Miguel si Kathlene.
SEQUENCE 9 INT TAXI DAY Hindi agad titigil ang pagmamaneho ng drayber dahil hindi niya makita kung sino ang tinutukoy ni Miguel. Ituturo ni Miguel ang babaeng nakabistidang dilaw at magtataka ang drayber dahil wala siyang nakikitang babaeng nakabistidang dilaw.
SEQUENCE 10 INT
TAXI DAY
Pahihintuin na lang ni Miguel ang taxi kahit nasa gitna ito ng daanan dahil nais niya lamang na habulin si Kathlene kung saan man ito patungo. Nagbayad si Miguel at hindi na kinuha ang sukli sabay baba ng taxi.
SEQUENCE 11 EXT
CEMETERY
NIGHT
Bumaba na ang araw at nagdilim na ang paligid. Hindi maaabutan ni Miguel si Kathlene kung kaya’t hahanapin niya ito sa buong sementeryo.
SEQUENCE 12 EXT
CEMETERY
NIGHT
Sa lahat ng makakasalubong ni Miguel ay itatanong niya kung mayroon ba silang nakitang babaeng nakabistidang dilaw ngunit lahat ng iyon ay iiling at sasabihing wala silang nakita.
GAP 1 BODY 2 SEQUENCE 13 EXT
CEMETERY
NIGHT
Ilang minuto rin ang itatagal ni Miguel sa paghahanap. Pagpapawisan na ang binata. Magpapahinga muna siya ng saglit bago magpatuloy sa paghahanap kay Kathleen.
SEQUENCE 14 EXT
CEMETERY
NIGHT
Matapos magpahinga ay nagpatuloy sa paglalakad si Miguel. Sa kaniyang paglalakad ay binagabag siya ng kaniyang isipan sa pagtataka kung bakit naroroon si Kathlene. Sinabi niya sa sarili niya na sigurado siyang si Kathleen ang nakita niya.
SEQUENCE 15 EXT
CEMETERY
NIGHT
Ilang saglit lamang ay nasilayan niya na ang isang babaeng nakabistidang dilaw. Sinigaw muli ni Miguel ang pangalan ng dalaga.
SEQUENCE 16 EXT
CEMETERY
NIGHT
Nakatayo si Kathleen sa harap lilingon sa pagtawag ni Miguel.
SEQUENCE 17 EXT
CEMETERY
ng
isang
puntod.
Hindi
siya
NIGHT
Lalapit si Miguel kay Kathleen. Maririnig nito ang hikbi ng dalaga, mahahalata nito ang paggalaw ng balikat sa pag-iyak habang nakatitig lamang sa puntod na nasa harap niya.
SEQUENCE 18 EXT
CEMETERY
NIGHT
Pumwesto si Miguel sa likod ni Kathleen at mahinahon itong tatawagin. Sa pagkakataong ito, lilingon si Kathleen kay Miguel at makikita ng binata ang pag-iyak nito.
SEQUENCE 19 EXT
CEMETERY
NIGHT
Hawak hawak pa rin ni Miguel ang biniling mga bulaklak. Walang ibang tunog ang maririnig kundi ang paghikbi ni Kathlene. Sa kanaisan na punasan ang luha ng dalaga ay ibaba muna ni Miguel ang mga bitbit sa tabi ng puntod na nasa likuran ni Kathlene.
SEQUENCE 20 EXT
CEMETERY
NIGHT
Sa paglapag ni Miguel ng bulaklak sa tabi ng puntod ay nakita niya ang pangalan na nakalimbag sa puntod.
GAP 2 BODY 3 SEQUENCE 21 EXT
CEMETERY
NIGHT
Magugulat si Miguel. Ipipikit niya ang kaniyang mata at muling ididilat na para bang hindi siya makapaniwala sa nakitang pangalan. Hindi niya maintindihan. Magtataka siya at muling tatayo sa harap ni Kathlene.
SEQUENCE 22 EXT
CEMETERY
NIGHT
Tanging mga luha ang magiging karamay ni Miguel sa mga pangyayaring iyon. Marerealize niya na ilusyon lamang ang lahat at ito ang hiwaga ng isang gabi na sila ay nagkita. Hindi pala ito ang reyalidad ngunit ito ang nagbigay ng pagkakataon na masagot ang kanyang mg katanungan. Ito na nga ang oras, oras na upang magpaalam.
END OF DAY 5