THE OFFICIAL PUBLICATION OF THE GALILEA - ANSAN FILIPINO COMMUNITY Ansan City, Gyeonggi-do, South Korea
Volume 4 • Issue 9 • 2009 Spring Edition
As We Continue Our Journey This 2009… Kathlia De Castro
The year of the rat (2008) has been a fruitful one for the community. We successfully celebrated several big events such as the community Anniversary and Christmas party. In these events, Filipinos in Ansan has proven and shown their unity and friendship with one another. However, towards the end of this year, we start to experience the impact of the global financial crisis. Many of our friends lost their jobs, experience difficulties in finding new ones and worst some of them got no choice but to go back to our country, Philippines. With these scenario at hand we might thought what could we expect for 2009? Will there be a turn of events such that everything will be normal as we used to be. Are we going to surpass this crisis? Alternatively, can we still be glad and rejoice? Will there still be reasons to celebrate? Indeed the answer is YES. The year of 2009 might be difficult financially but that does not mean we will just sit back and be lax and let this obstacle win us over. We need to do something such that we could be able to win in this battle we called life. As long as we have the faith and the spirit, everything will soon be fine. We should not lose hope instead; we must strive more. There are still many good things ahead of us. As a community, we need to help one another augment each other’s morale by being there with one another as a friend and as a family since we are all far away from our home. 2009 brings us many activities and momentous events as migrant workers here in Korea. Soon the AFC in cooperation with Galilea will be launching this year’s Basketball League. We hope that this event will bring friendship and unity to everyone and not disarray or dividedness and misunderstanding. Another big and momentous event is up coming. This year we will be celebrating the 60th Bilateral Relationship of Philippines and Korea. Our friendship has gone that far and we will continue that endearing relationship. Several years ago we are the third country who helped Koreans battle for their independence and democracy by sending our brave soldiers and now they are helping us by giving us job opportunities. This year our government though the Philippine embassy to Seoul is preparing for this momentous event by bringing the best of Philippines wholly here in Korea. On the other hand, the issue of displacement is being addressed both by the Philippine and Korea government. Korea through their HRD is promoting its return job project for all our friends who decided to go back to our country. They aim to help give employment priority to our friends to the Korean companies in the Philippines. On the part of our government, they give reintegration services such as alternative employment via referral, free skills upgrading and business opportunities. Furthermore, the won nowadays is slowly strengthening against dollar and some migrants are seeing more job opportunities. Indeed, things will soon be fine. We just need to believe and not lose hope. Let us believe in our Creator because He will always be there to help us at the right time. All █ █ we need to do is call Him, have faith on Him because as His children he would not let us fall. █ In this life, we might feel that rainy season is never ending but one thing is for sure, the rain █ will also stop and bring us new morning of sunshine. Cheer up and have faith. █
What's inside …
Message from Fr. Jun, p.4 AFC Feature, p.5 Community in Action, p.6 Labor Related Information,p.10 For Your Information, P.11
GALILEA MIGRANT CENTER Na 106, 844-1 Sung Hwan I Cha, Wonggok-dong, Danwon-gu, Ansan City, Gyeonggi-do, Korea 425-130
GALILEAN NEWSLETTER
Editorial Reverse Brain Drain Benedict Ray E. Morales Ayon sa Wikipedia, ang “Brain drain” ay isang terminolohiyang gamit tungkol sa pag-luwas ng maraming tao na may sapat na technical na kakayahan o kaalaman patungo sa ibang lugar o bansa para magamit ang kakayahan o magtrabaho. Ito ay maaring mangyari sa mga sumusunod na kadahilanan: 1) kaguluhan sa loob ng bansa, 2) kawalan ng oportunidad, 3) political instability o 4) kaya naman dulot ng panganib sa kalusugan sa lugar na pinanggalingan. “Brain Gain” naman ang nangyayari sa mga bansang pinaglipatan dahil sila ang nakikinabang sa kakayahan at kaalaman ng mga mangagawa at propesyonal.
Ngayong nakakaranas tayo ng economic recession, ang sinasabing sunod na mangyayari ay ang Reverse Brain Drain kung saan ang mga manggagawa at propesyonal na nagtungo sa ibang bansa ay bumabalik sa kani-kanilang mga bansa dahil sa kawalan ng opportunidad sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Ito ay maaring magresulta sa pagbaba ng ekonomiya ng bansang pinaglipatan at pagtaas ng ekonomiya ng bansang orihinal na pinanggalingan. Ito ay dahil sa ang mga kaalaman, teknolohiya, training, at experience na nakuha sa ibang bansa ay naipapamahagi naman sa sariling bansa. Sa ganitong kadahilanan, hinihikayat ng gobyerno na magbahagi ang bawat balikbayan. Ito ay maaaring sa paraan ng investment o pamamahagi ng kakayahan at kaalaman.
Ang Brain drain ay karaniwang nangyayari sa isang developing country tulad ng Pilipinas. Sa mga nabanggit na dahilan, ang kawalan ng oportunidad o kaya naman ang mas mataas na sahod na maaring makuha sa ibang bansa ang nagiging dahilan ng Brain drain sa Pilipinas.
Ang pagkakaroon ng isang Reverse Brain Drain ay magiging epektibo lamang kung may sapat na programa o oportunidad na puwedeng makuha ang mga nagsisibalikan na manggagawa. Maaring hindi magsibalikan ang ating mga manggagawa kung pakiramdam nila ay hindi sila nakakasiguro sa kanilang sasapitin sa kanilang pagbabalik.
Masasabi natin na ang pagluwas ng mga tao sa ibang bansa para sa trabaho ay maaari naman ding magdulot ng magandang epekto sa ekonomiya. Ito ay dahil sa pagpasok ng mga remittances na malaki ang naitutulong sa ekonomiya. Pero kung tutuusin hindi ito pang matagalang solusyon kung nais nating makabangon ang Pilipinas.
Ang bansang South Korea ay isang magandang halimbawa ng magandang dulot ng Reverse Brain Drain. Ngunit ang Reverse Brain Drain na naganap sa South Korea ay isang programa ng kanilang gobyerno sa pamumuno ni pangulong Park, Chung-Hee noong 1960’s at hindi dulot ng recession o kung ano mang social factor. Sa ilalim ng kanyang programa, nahikayat niya ang maraming Korean na bumalik sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang government sponsored R&D institution at mga reporma sa kanilang mga batas. Pinaganda rin ang mga benepisyo ng mga manggagawa para mahikayat silang bumalik. Ang Reverse Brain Drain na nangyari sa Korea ay naging simula para magkaroon sila ng isang magandang pundasyon para sa pagiging ganap na industriyalisado nito at pagkakaroon nito ng mga makabagong development sa larangan ng teknolohiya.
Maaaring dumating sa punto na ito ay magkakaroon ng masamang epekto, dahil karamihan sa magagaling na propesyonal at manggagawa ay nagsisialisan at hindi napapakinabangan ang kakayahan. Ang nangyayari ay nagkukulang tayo sa mga qualified na propesyonal na naiiwan sa bansa. Ang health care system natin ay bumabagsak dahil sa kakulangan ng mga doctor at nurses. Maaring bumaba ang kalidad ng edukasyon dahil ang mga magagaling na guro ay nagsisialisan din. Ilan lang ito sa mga negatibong dulot ng brain drain sa ibang bansa.
Continued on Page 3...
Galilean Newsletter Team
BOSES NG BAYAN
Editor-in-Chief Billy Vela
1.
Kung pahihintulutan ng pagkakataon, boboto ka ba darating na 2010 Presidential Election? A. Hindi B. OO
sa Assistant Editor-in-Chief Benedict Ray Morales Writers Rachel Pangga Amiel Ferrer Emmaruth Gamido Richard Francisco Emmalee Francisco
80 60 40
C. Nagdadalawang isip pa
20
Contributors Rev. Fr. Jun Perez Marites Manicsic Amadeo Delos Reyes
0 A
B
C
2. Sa puntong ito, masasabi mo ba na ramdam mo pa rin ang krisis?
Encoders Arlan Francisco James Abragon
C
A. B. C.
OO, lalo pang lumala Hindi na masyado tulad ng dati Hindi ako nakaranas ng krisis
Adviser B
A
0
20
40
60
80
Page 2
If you have comments/suggestions or contributions please e-mail us at a f c n e w s l et t er t ea m @ y a ho o. c o m an d v i s i t o u r w e bs i t e w w w . i ga l i l e a. bl og s po t . c om
GALILEAN NEWSLETTER
Opinyon ko ‘to! Buksan ang ating Puso Billy Vela nilang iniaalay ang kanilang mga oras at panahon upang pamunuan ang ating banal na misa. Katulad na lamang ni Fr. Kristianus Piatu na isang Indonesian at kasalukuyang direktor ngayon ng Galilea. Bigay todo ito para suportahan ang ating mga programa para sa ating komunidad. Kung minsan nga ay tila imposible na ngunit dahil sa kanyang dedikasyon na tayo ay tulungan ay naiibigay pa rin nito ang ating kailangan. Kung minsan naman ay nalulugnkot sa tuwing pakiramdam niya ay nagkulang siya sa atin. Sa kanyang mga homiliya ay ramdam rin naman o tumatalab rin naman ang kaniyang mga pangaral sa atin. Iyon ay kung atin lamang iintindihin at isasapuso. Maging si Fr. John Kennady ay ganun rin. Kailangan lamang natin buksan ang ating mga puso at isipan upang maunawaan at maisabuhay ang mga ito. Kapansin-pansin ngayon ang paghupa ng bilang ng mga tao na nagsisimba tuwing araw ng linggo dito sa ating komunidad. Matatandaan na noong nakaraang mga taon ay halos maubusan ng upuan ang sino man na mahuhuli sa misa. Maging ang ikalawang palapag ng simbahan ay okupado na rin kumpara sa ngayon na halos hindi na nagagamit. Noong una ay iniisip ko na sadyang paunti ng paunti ang mga tao dahil sa marami na ang umuwi dahil sa kawalan ng trabaho dito ngayon. Hanggang sa may nakarating na impormasyon na ang dahilan diumano ng problemang ito ay ang ibang lahi na siyang namumuno ngayon sa ating banal na misa. Aking naiintindihan kung sa ibang simbahang katoliko sila nagsisimba dahil iisa lamang naman ang pakay ng lahat ng simbahan, ang palaganapin ang mabuting balita ng Panginoon. Ngunit paano naman ang mga taong mas pinili ang manood ng TV, mamasyal at harapin ang computer sa bahay sa halip na ibigaya ng 1 oras upang magsimba? Ayon na rin sa aking mga kakilala ay tinatamad sila sa tuwing hindi Pilipino ang mamumuno ng misa. Kung atin lamang pakikinggan na mabuti ang mga homiliya ng mga ito ay halos wala rin naman pinag-iba sa mga nakasanayan na nating mga pari. Alam kong hirap tayong intindihan ang mga katagang kanilang binibitiwan ngunit atin rin sanang isipin na maging sila man ay hirap sa ating lahat. Gayunpaman ay buong puso pa rin
Sa parte naman ng AFC volunteers ay puspusan na rin ang pag-eensayo ng choir upang mas higit na mapaganda pa ang ating misa sa tulong ng kanilang mga awitin. Maging ang mga miyembro ng liturhiya ay mas pinag-iigihan ang pagpapaabot sa atin ng mga pagbasa. Sa ating pagdedesisyon na sumimba naway huwag nating gawing batayan ang pari kung tayo ay papasok ng simbahan. Buksan natin ang ating mga puso sa tunay na nilalayon nito sa tuwing tayo ay pupunta sa simbahan. Naway huwag nating malimutan na magpasalamat sa Kanya kahit sa tuwing araw ng linggo man lamang. Ano ba naman ang isa o dalawang oras na ilalaan natin sa Kanya kapalit ng napakaraming biyayang patuloy Niyang ipinagkakaloob sa atin. Marapat lang na magpapasalamat tayo sa Kanya dahil sa kabila ng krisis at iba pang problema ay nananatili pa rin tayo dito sa Korea na ligtas. Hindi nais mangaral ng artikulong ito, nais lamang nitong ipaalam ang aking opinyon tungkol sa kasalukuyang problema ng ating komunidad.. Dahil lahat naman tayo ay may opinyon tungkol sa mga bagay na nagyayari sa ating paligid. Maaaring ito ay tama at maaari rin naming mali. Ngunit tulad nga ng tiltulo ng pitak na ito… OPINYON KO ‘TO
Continued from page 2 ...Reverse Brain Drain Hindi lamang ang South Korea ang naging matagumpay dahil sa reverse brain drain. Ang China, India at Vietnam ay ilan lang sa mga bansang umunlad dahil sa paggamit ng mga kaalaman at kakayahan na natutunan sa ibang bansa. Ngayong panahon ng recession, sana ay magkaroon ng magagandang programa at oportunidad sa ating bansa na mahikayat ang mga manggagawa at propesyonal na bupbalik sa Pilipinas para mag-invest o kaya naman ay mamahagi ng kakayanan. Hindi habang panahon ay maisasalba tayo ng mga remittances ng mga OFWs at hindi na nito maitataas pa sa mas mataas na level ang ating ekonomiya. Sa halip, ang mga kaalaman, training, experience at skills na natutunan ng ating mga OFW ang mas magiging pundasyon
ng ating pag-unlad. Hindi masamang umalis ng bansa para magtrabaho para sa pamilya at bayan dahil sa ganitong paraan mas marami tayong natututunan at na-aangat natin ang pamumuhay ng ating mga pamilya. Ang importante ay makagawa ng paraan kung saan maipapamahagi natin ang kaalaman na ating natutunan sa ibang bansa o kaya naman sa pamamagitan ng mga investment na pang matagalan ang puwedeng maitulong sa bayan. Sa pamamagitan ng isang epektibong reverse brain drain na maaring mangyari, maaring ang mga susunod na henerasyon sa ating bansa ay hindi na kakailanganin pang mangibang bansa para lang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang kani-kanilang mga pamilya.
Page 3
GALILEAN NEWSLETTER
Reflection Nagpakasakit SIYA para sa atin... Rev. Fr. Jun Perez,SVD Sa pagdiriwang natin ng Mahal na Araw, ating ginugunita ang pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesukristo. Ng dahil sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, inialay niya ang kanyang sarili para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Hindi siya ang dapat magdusa dahil wala siyang bahid kasalanan kundi ang tao. Subalit siya ang namagitan sa tao upang muling makalapit ang tao sa Diyos pagkatapos na ang tao ay sumuway at magkasala sa walang hanggang kabutihan ng Diyos. Siya ang naging tulay upang makatawid ang tao pabalik sa Diyos. Sa kanyang pagpapakasakit, tiniis niya ang sakit ng mga hampas, sampal at pag-alipusta sa kanyang pagkatao. Walang sinuman ang makakabata ng kanyang pinagdaanan lalo na ng kanyang pasanin ang krus na gagamitin sa kanyang kamatayan. Lahat ng ito ay kanyang tinanggap na bukal sa kanyang puso.
alipin.. Ito ang tugatog ng kanyang pagmamahal, ang mamatay para sa kanyang minamahal. Masakit tanggapin ang katotohanang dulot ng kamatayan sapagkat hindi na natin makikita kailanman ang taong ating minamahal sa mundong ibabaw. Subalit ito ang susi upang ang tayo ay makabalik at makatira sa mga silid na inihanda para sa atin ng ating Panginoon. Doon ay wala ng sakit, dusa at hinagpis. Wala ng luha bagkus walang hanggang kaligayahan sa piling ng ating Diyos na mapagmahal. Sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesukristo ginapi niya ang kamandag ng kamatayan. Hindi nawalan ng saysay ang kanyang paghihirap at kamatayan. Tayo ay binigyan niya ng bagong pag-asa sa buhay. Pagkatapos ng bagyo sa ating buhay masisilayan natin ang bahaghari ng kagalakan.
Sa pagharap natin sa hamon ng buhay nasasambit natin, ¨Bakit ako? Bakit ako dumaranas ng ganitong dagok sa buhay?¨ At kung minsan ay nawawala ang pagtitiwala natin sa Diyos. Ang dami nating tanong na hindi nagkakaroon ng angkop na kasagutan. Hindi natin nararanasan ang bukang liwayway na naghihintay sa atin sapagkat lagi tayong nakatuon sa dapit-hapon ng buhay.
Bigyan nating halaga ang ginawa ng ating Panginoon para sa atin. Pagnilayan natin sa ating buhay ang walang patumanggang pagpapahalaga ng Diyos sa atin. Kung tayo’y pinapahalagahan ng Diyos, pahalagahan din natin ang ating sarili lalung-lalo na ang kaluluwang ihaharap natin sa Diyos sa oras na tayo ay babalik sa kanya. Damhin natin sa ating puso ang nag-uumapaw na pagInialay ng Panginoon ang kanyang buhay para sa atin, mamahal ng Diyos sa atin. para sa iyo. Itinuring niya tayong mga kaibigan at hindi mga
Juan 3:16 “Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”
Page 4
AFC Feature
One Philippines: The 60th Philippine-Korea Bilateral Relationship Celebration Kathlia A. De Castro This year is the anniversary of the 60th Bilateral deployed during that time and former President Fidel V. relationship of Philippines and Korea. Truly our friendship Ramos was among them. They served in Korea for over five has gone that far and thus, our government decided to years. have a yearlong celebration of this endearing relationship having the theme: “Nurturing Meaningful Friendship.” The The highlight of this momentous event would be highlight of this event will be held on May the “One Philippines” exhibit on May 30 and 31 29-31 in which our government wherein the Philippine will showcase its through the leadership of our history, culture, and tradition through ambassador Luis T. Cruz will various performances from Filibring the best of the Philippino professionals and migrant pines here in Korea. workers. This two-day event will be held at the plaza in The Philippine front of the Seoul City Hall is the 5th country who and we are the first established a bilatcountry who will use this eral relationship place in such a big occawith Korea and we sion. The highlight are the third counwould be the Fiestas try (first in Asia) Filipinas Grand Parade who helped Korea featuring several street restore their democdances such as Atiracy during the Koatihan, Panagbenga, rean War. In view of Sinulog, Kadayawan, this and as part of the Masskara and Flores de celebration, a film entiMayo or Santacruzan which tled “The Forgotten War” will be performed by Filipinos was launched at the National here in Korea. Thus several FiliTheater of Korea last April 14. pino communities are very busy preThe film runs for 1.5 hours featuring paring for these performances. These the exploits of the Filipino soldiers during are just among the many events we need to the Korean War (1950-1953). It highlights some important watch out for the coming months. events in the lives of our brave soldiers who played an important role in safeguarding the Korean peninsula. It aims This is our event, let us join and be part of to refresh the minds of the Koreans and the Filipinos as this historic and meaningful affair. well on the valuable role we played in restoring their democracy. This film will soon be made available to the Filipinos here in Korea for viewing. Furthermore, a marker at the UN Memorial Cemetery in Korea (Busan) will be unveiled on May 28 in honor of the approximately 7,500 Filipino soldiers who took part in the Korean War. Five battalions (first one landed in Busan on September 19, 1950) of Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) were
GALILEAN NEWSLETTER
Community in Action AFC Election at Gawad Pasasalamat 2009 Emmalee Francisco Katulad ng nakagawian, noong ika-22 ng Pebrero taong kasalukuyan, nagtipon muli ang mga miyembro ng AFC upang magkaroon ng halalan ng panibagong opisyal. Naunang nagbigay ng simple at makabuluhang speech ang outgoing President na si Kathlia De Castro na nagpapasalamat sa lahat ng mga magagandang nangyari sa kanyang panunungkulan. Matapos ito ay dumako na sa botohan at ilang sandali lamang ay buo na ang “set of officers”. Ang mga sumusunod ang pinagkatiwalaan upang mamuno sa ating komunidad: President: Richard Francisco Vice President: Rachel Pangga Secretary: Emmalee Francisco Treasurer: Chona Llanes Auditor: Billy Vela
Bagong halal na opisyal ng AFC
PRO’s : Dennis Monta Julie Valerio
Asst. Service Committee Chaiman: Elgin Roxas
ng nakaraang taon bilang pagpupugay sa kanilang walang sawang dedikasyon sa kanilang mga katungkulan. Iginawad din sa kaunaunahang pagkakataon ang “Most Outstanding AFC Volunteer “ sa katauhan ni Jason Espiritu dahil sa kakaibang sipag at dedikasyong ipinamalas niya para sa organisasyon. Ito ay isinulong ng ating dating presidente at sinang-ayunan ng iba pang opisyal bilang pagpugay sa isang natatanging miyembro. Kasabay din nito ang pagbibigay ng rekognasyon sa mga oraganisasyong patuloy na sumusporta sa AFC at Galilea. Ito ay ang mga sumusunod: Amianan, Baguio, Batangas, Cavite, FMWAS, Guardians, Hawak Kamay Family Immigrant Association, Hiligaynon, Pampangga Brothers, Pangasinan, at Vismin. Muli ang aming taos pusong papasalamat sa walang sawang pagsuporta sa AFC at Galilea.
Noong Marso 15, ikatlong linggo matapos ang halalan, nanumpa sa kanilang katungkulan ang mga napiling bagong opisyal. Ito ay ginanap sa Wongok Parish Church na pinangunahan ng Galilea Migrant Center Director na si Fr. Kristianus Piatu. Kaalinsabay sa kaganapang ito ay ang pagbibigay ng certificates sa mga opisyal
Pagkatapos ng Banal na Misa ipinagpatuloy sa SVD house ang pagbibigay ng Certificates of Recognition sa mga AFC Volunteers. Nagkaroon ng maiksing programa at nagtapos ito sa simpleng salo-salo ng pagkaing inihanda ng mga March birthday celebrants.
Emmaruth Gabido Aaron Vergara Choir Committee Chairman: Michael Cacayuran Asst. Choir Committee Chairman: Jay De Vera Finance Committee Chairman: Marlon Clamonte Asst. Finance Committee: Lito Ibusca Liturgical Committee Chairwoman: Jennet Cacayuran Asst. Liturgical Committee Chairman: Jun Caguimbay Service Committee Chairman: Roger Barrido
Free Dental Check-up Emmaruth Gamido Nagbukas palad ang UCLA dental group sa ating mga kababayan dito sa Ansan para sa libreng pagpapalinis ng ngipin, bunot at konsultasyon noong nakaraang ika-08 ng Marso 2009 bandang ala una hangang alas kuwatro ng hapon. Ito ay isinagawa sa conference room ng Wongok Parish kung saan mahigit sa 60 katao ang nabigyan ng nasabing libreng serbisyo. Nag bigay din sila ng 20% bawas sa mga nagnanais na magpaayos ng kanilang mga ngipin tulad ng permanent implant, root canal, pasta at iba pa. Natakot at kinabahan ang ilan ngunit umuwi naman silang may ngiti sa labi. Sa mga nag nanais mag pakonsulta at magpaayos ng ngipin maaari pong dumulog sa kanilang tangapan sa UCLA Dental Clinic Ansan City Gojan706-3 building 5th floor (infront of 2001 oulet gojan) o kaya’y tumawag sa kanilang tanggapan sa numerong 031 -485-2828
Page 6
Ang isinagawang libreng linis ng ngipin
Community in Action Returnees Support Program Rachel Pangga Noong nakaraang February 15, 2009, linggo ay binisita ng ilang staff ng HRD Korea sa pangunguna ni Dir. Kim Hui-sun ang Ansan Filipino Community. Ang nasabing pagbisita ay ginawa upang ibahagi ang kanilang bagong programa na tinawag na Returnees Support Program. Ito ay naglalayong tulungan ang ating kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa malawakang krisis. Maging ang mga uuwi ng Pinas dahil hindi nakakuha ng work renewal ay maaaring mabigyan ng trabaho ng HRD mula sa 36 na kumpanya sa Pinas na pag-aari ng mga Koreano. Ito ay kung naaangkop ang kanilang pinag-aralan o work experience ayon sa hinihinging batayan. Ayon kay Dir. Kim Hui-sun ay mabibigyan ng prayoridad ang mga Pilipinong nagmula na dito sa bansang Korea dahil na rin sa experience at kaalaman ng mga ito sa wikang Koreano. Matapos ibahagi ang ilang impormasyon tungkol sa programa ay nagkaroon ng pagkakataon ang marami nating kababayan upang linawin ang ilang bagay tungkol sa EPS program at problema sa trabaho.
3 Pinoy Black Belter na sa larangan ng taekwondo! Emmaruth Gamido Noong nakaraang ika-22 ng Marso 2009 ay muling nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral ng Taekwondo World Academy sa Ansan Migrant Center . Ito ay naganap bandang alas singko ng hapon hangang alas otso ng gabi kung saan ang ating 3 kababayan na si Nestor F. Quebec, AFC volunteer at sina Jun C. Ramasta at Floyd V. Bautista ay naitalang kaunaunahang Filipino Black Belter mula sa nasabing Academy. Sila ay ginawaran ng parangal kasabay ng pagbibigay ng kanilang lisensya bilang black belter sa pangunguna ni Master Kim Kyo-hwan at isang Cambodian na si Sui Sutia. Muling napatunayan ng ating mga kababayan na saan man sulok ng mundo ay angat ang husay, liksi ng katawan at tiyaga ng Pinoy.
AFC donates computers to elementary school in Quezon Kathlia De Castro Last year Woori bank donated used computers to AFC. Some of these computers were used in SVD house while others were donated to the Philippines. We have selected one elementary school in Quezon province to be the recipient of ten (10) used computers. The AFC volunteers who have knowledge on computers managed to recondition these PC so it could be use by the elementary students in the “Paaralang Elementarya ng Con Pinagbakuran” in Quezon. This is one of our ways of helping our fellows back home. The principal of the said school sent us video of students who are very grateful for this donation. They said that this could really helped them become acquainted with computers and become abreast of the fast growing technology. We also include some used and new clothes as part of the donation.
Updates: Adopt a Piggy Bank In behalf of the Galilea the AFC volunteers are grateful for the generous support of all the Filipinos who contributed and donated their coins to help Galilea help others. Indeed, the coins when gathered together means a lot.
Month December
Amount (KRW) 101, 000
January
74, 230
February
45, 850
The following were the amount collected: (Please see Table 1) We would like to thank the following persons and those who opted to remain anonymous for their small but very meaningful contribution: Rhoda Beninsig, Elmer Tibus, Jayson San Juan, Edgar Vina, Wency Benedicto, Wilbert Dela Cruz, Baguio Group, Manongsong Family, Sheryl, Vangie Baliwag, Melody C., Julius Bayacagan, Yolanda, Cita Aatupen, Josel Hitalia, Grace and Edmund Malenab, Joy and Emma Coloma.
March
136, 360
Total
357, 440
Table 1 Once again thank you for your never ending support and we hope that you will continue to give you immeasurable contributions. Your help means a lot.
GALILEAN NEWSLETTER
Halina’t Maglibang Hanap-Salita 1. Pay, wages, salary 2. overtime work 3. factory 4. night differential 5. dormitory, boarding house 6. machine 7. part time job 8. labor department 9. contract paper
아
전
안
색
커
요
기
손
톱
하
르
예
녕
쁜
졌
깔
계
건
글
기
바
봉
하
보
네
는
가
있
서
분
이
급
세
우
업
지
연
약
는
종
트
라
요
렐
잔
이
계
사
주
당
안
하
벚
거
료
치
급
응
는
수
는
레
꽃
벌
벌
써
여
기
저
간
설
서
사
신
어
부
피
기
요
야
날
숙
디
인
데
동
무
계
시
나
기
오
엇
을
하
노
수
고
장
공
급치료
6. 기계 7. 아르바이트 8. 노동부 9. 계약서 10. 응 1. 봉급 2. 잔업 3. 장공 4. 야간수당 5. 기숙사 answer:
Tawa naman d’yan Parang Exam
Akala Bago
Juan: Uy! Ang ganda ng ngipin mo, ah?! Pedro: Salamat! Juan: Parang exam… Pedro: Huh?! Bakit naman? Juan: Kasi… one seat apart. Pedro: Juaannnn!
Sa museo nakabasag si Erap ng vase. Nataranta yung attendant. ATTENDANT: Naku Sir, more than 500 years old na po yang vase na yan! ERAP: Ay salamat!!! AKALA KO BAGO!!!! A new way to remove the 7 signs of skin agig If you want to remove wrinkles, pimples, face marks and the 7 signs of skin aging try.... ADOBE PHOTOSHOP!
Sinungaling! Mamang Driver: Favor po, sister. Dream ko po talaga makahalik ng madre. Madre: Ok. Pero me 2 akong kondisyon. Dapat Catholic ka at walang asawa. Mamang Driver: Ako po ay isang Catholic and single po sister. (pagkatapos ng ilang sigundo) Mamang Driver: thank you sister. Pero ako po ay nagsinungaling. Ako po ay me asawa na at muslim pa. Madre: That’s OK. Papunta namn ako sa costume party at ang totoo kong pangalan ay Badong. Eyebol Allan: May ka-eyebol ako bukas... Ano kaya itsura niya? Kc ang sabi naya kamukha daw siya na isang celebrity... “SH” ang simula ng name… John: Jackpot ka, Allan! Baka SHeri or SHaina! (Kinabukasan pagkatapos ang eyebol, uwi si Allan) John: Bakit ka malungkot? Kumusta ka-eyebol mo? Allane: Pano...ang kamuka nya si SHHHHrek!
Psttt! Taxi Pumara si Erap ng taxi.. Erap: Magkano papuntang Makati? Taxi: Ikaw lang ho mag-isa? Erap: Bakit, hindi ka ba sasama? President Arroyo Dumalaw si GMA sa Mental Hospital. Doc: (Sigaw sa mga pasyente) Let's welcome President Arroyo! Pumalakpak lahat ang mga pasyente maliban sa isa na nasa sulok. GMA: Doc: bakit 'yung isa, hindi pumalakpak? Doc: Magaling na po siya! Mga simpleng pangarap Pedro: Gusto ko maging nurse para makatulong sa kapwa. Erning: Ako doctor para makagamot ng kapwa. Nene: Ako superhero para makasagip ng nagigipit na kapwa. Kiko: Ako mayor tutulungan ko kapwa ko. Juan Tamad: Ako, gusto ko maging KAPWA para tiba-tiba..
Page 8
GALILEAN NEWSLETTER
Literary Works SILA
AMATS
Amadeo Delos Reyes
Billy Vela
…at sa bawat dampi sa iyong mamula-mulang kutis ng maginaw na simoy ng hanging hatid ng panahon ng taglamig… sa bawat patak ng puting-puting nyebe sa iyong mga bukas na palad na dagling matutunaw kapag iyong tinikom… sa walang sakdal na kirot na pakiramdam ng bawat himaymay ng iyong kalamnan na dulot ng taglamig… sa ligaw na diwang puno ng kahungkagan at pagkalungkot… habang nakatanghod sa kawalan at nanabik na masilayan muli ang mga halakhak.
Sabado na naman, araw na pinakaaabangan Pagkat mga barkada ay muling masisilayan Mga utos ni sajangnim ay muling maiiwasan Pagod sa mabigat na trabaho ay maiibsan Dito sa rasung mga kaibigan ay nagkalat Kaya sa mga tagay ay di ka makakaiwas Kahit anong tago ay di pa rin makaligtas Patayin man ang cellphone ay wala pa rin takas
…unti-unting tumulo ang mumunting butil ng luha sa iyong mapanglaw na mga mata… umagos sa mala-sutla mong mga pisngi… at dumurog sa iyong moog na pusong pinanday ng mga hirap at pasakit ng nagdaang panahon…
Mula Soju, mekju, tekila, hanggang fundador Kahit chichiriya ang pulutan ay solve na Tol Katapusan man ang sahod at mabawasan ang ipon Basta’t kasama ang barkada, problema’y maputol
…ngayon nga’y isigaw mo ang iyong kahinaan… ang kabila ng iyong katauhan… ang takot na “MAG-ISA”… paano nga ba ang makibaka na tanging ang sarili mo lang kamay ang nakataas… walang nakahawak… kundi nakabigkis sa tanikalang nakakabit sa iyong leeg… at sa bawat pakikipaglaban mo’y lalo ka lamang nahihirapan… nabibigti… nasasakal… ayan na naman, suminghot ka at wag hayaang tumulo ang sipong dala ng iyong impit na mga hikbi… yakapin mo ang iyong sarili… bakasakaling mabigyan ka ng karampot na init na papawi sa lamig na iyong nadarama… nang iyong labis na pangungulila.
Abutin man ng siyam-siyam, daan pauwi ay di matandaan Sa sobrang kalasingan, madalas away ay hanap sa daan Kaya naman kinabukasan mori apo ka kaibigan Pati tuloy barkada mo halos mailagay sa kapahamakan Konting payo lang kung mag-iinom ka minsan Kung di na kaya ay ‘wag ng pilitin kaibigan Pagkat di mo alam ang iyong kahihinatnan
…umidlip ka muna kaibigan… ipahinga ang pagal mong isip at balintataw… ipikit mo ang iyong pugtong mga mata… at ilapat sa banig ang walang lakas mong katawan… hayaan mo, bukas… tapos na ang pasko… ang bagong taon… ang araw ng mga puso… tapos na ang panahon ng taglamig… subalit hindi pa tapos ang kabanata ng iyong buhay… malayo pa ang ang daang iyong tatahakin.
Health Information Pasma Marites Manicsic Ang pasma ay ang kalagayan ng bahagi ng katawan ng tao kung kailan ang kalamnan at kasukasuan ay may pananakit dahil sa lamig-init na nadikitan o napagdaanan. Ito ay nagmula sa salitang espanyol na espasmo na o spasm sa ingles. Ang taong may pasma ay nakakaramdam ng manhid, kirot, ngawit, ngalay, pulikat (muscle cramps), paninigas (rigidity), nginig (tremors). Kadalasang ang nagkakaroon nito ay ang mga nagtratrabaho gamit madalas ang kamay tulad ng mga magsasaka, secretaries, piyanista, estudyante, at mga manggagawa sa factory. Ang pasma ay wala sa kaalamang panggagamot sa western therapy/kanluraning lunas, dahil ito ay hindi nasusukat o napupuna ng kanilang mga aparato o kagamitan. Ngunit sa eastern therapy/silanganing lunas, ito ay matagal nang batid at sa katunayan ay may mga paraan ng pag iwas nito at may kaparaanan din ng pagbabawas ng dahan dahan nito sa katawan ng tao. Ang bansang hapon ay isa sa may kaalaman ng pagbibigay lunas sa pasma at isa sa mga ginagawa nila ay ang pagligo araw araw ng maligamgam na tubig o kilalang steambath kung kaya ang matatanda sa bansang nabanggit ay may mahabang buhay na nanatiling malusog at maliksi. Sa Pilipinas, ang pasma ay alam ng matatanda lalu na ng mga manggagamot na humihilot at arbolaryo, sabi nila mayroong pasma sa lamig (napagod bago nalamigan), may pasma sa init (galing sa malamig at nainitan) at may pasma sa gutom (nalipasan ng gutom). Ayon sa kaalaman nila batay sa karanasan at pamumulso, ang pasma kapag hindi pinapansin sa katawan ay nagiging dahilan pa ng pagkakaroon ng mga komplikasyon o supling na mga sakit sa katawan ng tao tulad ng rayuma at paghina ng mga organs o bahagi ng katawan ng tao. Ito ay sa dahilan ng pagkakaroon ng hindi pantay na kuryente o dagitab sa katawan ng tao kapag
…at sa pagsapit ng panahon ng tagsibol… may panibagong pagasa… at tiyak kong sa iyong paggising ay mayroon ka na muling sigla… sa iyong muling paglalakbay ay lagi mong kasama ang PANGINOON… umaasa ka at manalig… dahil may nagmamahal at naghihintay sa iyong pagbabalik… at umaasa sa iyong minimithing TAGUMPAY…. SILA… napapasma at siya rin ang unti unting dahilan ng imbalance/di timbang at paghina ng metabolismo ng katawan. Kapag naabot ang pangkalahatang deperensiya sa katawan ay lalabas na ang iba’tibang sakit o karamdaman. Isa sa pangkaraniwang gamit sa pasma ay paggamit ng liniment o panghaplos na may sangkap na may init at lamig sa pakiramdam. Ang pagiwas ng pagbabasa ng malamig na tubig kapag galing sa nakakapagod na gawain ay isang mabuting kaparaanan o kaya naman ay ang paggamit ng maligamgam na tubig sa paghugas ay makakatulong din naman. Ang tama at wastong pagkain kasabay ng pag iwas sa pinagmumulan ng pasma ay isang magandang paraan upang mapanatiling malusog ang ating katawan. Wag ipagtaka na kapag minsan ang isang taong kumplikado ang mga karamdaman ay di agad gumagaling sa iniinom na mga gamot, maaring gumaling na ang ibang sakit niya tulad ng impeksiyon ngunit hindi ang pasma kaya hindi mawari kung anong dinaramdam niya. Ang pasma ay hindi nakikita ng iba ngunit nararamdaman naman ng may katawan. Minumungkahi ang iwasan ang mapasma. Source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pasma http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view_article.php? article_id=81222
Page 9
GALILEAN NEWSLETTER
Labor Related Information Important Items in the Revised Standard Labor Act Category
Kukmin Yongeum
Provisions
Statutory Working Hours
Effective July 1, 2008 the 40-hr workweek system shall applies to companies with more than 20 workers and by 2011 it shall applies to companies with less than 20 workers.
Flexible Working hours
Working hours can be extended up to 12 hrs per day or up to 52 hours per week under written agreement between the parties involved.
What are the required documents to avail this benefit?
Rates (KRW) Year Minimum Wage
Overtime Pay (temporarily for first 3 years)
Per hr
Per day
Per month (40-hr/wk)
2007
3,480
27,840
727,320
2008
3,770
30,160
787,930
2009
4,000
32,000
904,000
The maximum overtime is 16 hours per week temporarily for the first 3 years
Maximum overtime
1st 4hrs
(Rate/hr) x 125%
Succeeding hrs
(Rate/hr) x 150%
the
When applying in Korea (before departing Korea), the worker must fill-out the application form, provide a copy of the following: his/her ID (passport and ARC), bankbook in his/her name and plane ticket. When applying overseas (after departing Korea), the worker must fill-out the application form notarized from the Philippines and attested by the Korean Consulate or Embassy, provide a copy of his/her passport and his/her bankbook. If the worker applies for a lump-sum refund through an agent in Korea, the application must be submitted only by mail in order to avoid extra administration fees and false applications. He/she can contact the regional offices of the National Pension Service. Visit their site: www.nps.or.kr
Return Cost Insurance
Night Differential Pay (10:00PM – 6:00AM)
(Rate/hr) x 50%
15 – 25 days annual leave (15 days for the 1st one year of service with additional day for each two years of consecutive service)
In order to apply for this, you should report your departure at the Employment Support Center and have the Certificate of Departure Schedule (To issue the Certificate of Departure Schedule, you need to bring your airplane ticket or the document proving your ticket reservation). Fax the photocopies of Certificate of Departure Schedule, your bankbook and both sides of your Alien Registration Card to Samsung
For those with service period of shorter than 1 yr, they have one day per month
Released or Transfer of Company
No monthly leave
Leaves
Foreigners aged between 18 and 60 residing in Korea are subject to the compulsory coverage of the National Pension Scheme. As a benefit and as part of the bilateral agreement between Philippines and Korea, an EPS worker can avail a lump-sum refund when they leave Korea. The lump-sum refund is equivalent to the amount of contributions plus the fixed interest. For workers in the workplace, the employees and their employers should make contributions for the employees amounting to 4.5% of the standard monthly income respectively, based on the employees’ earned income.
Source: Ministry of Labor (http://english.molab.go.kr/english) Each employee has the right to be released or transferred to a different company provided one of the following reasons are available: 1) Two months without pay, 2) Physically and verbally abused, and 3) Company Bankruptcy. It should be noted that an employee has four
Benefits of an EPS Twejikum (Separation Pay) Twejikum or separation pay is one of the benefits which every EPS worker is entitled to have. It is an obligation of every employer to its employee. It should not be deducted to an employee’s salary. A minimum of one year work is necessary in order to receive Twejikum. Even a day less than one year will forfeit an employee’s chance to avail this benefit. Thus, every employee should be cautious about the exact date which is written on each Alien Registration Card (ARC). For example, if in the ARC the expiration date is August 9, 2008, the employee should be at work until August 8 in order to avail this benefit. When and how can an employee apply for Twejikum? An employee may apply for Twejikum once he is released or finished his contract. It should be noted that there has to be a minimum of one year to get this benefit. He has to go to the Labor center for assistance regarding the claim. Who gave the Twejikum? Twejikum came from Samsung Insurance and from the company. Every month each employee is being deducted an amount equivalent to 8.3% of his minimum wage. This is remitted by the company to the Insurance Company. This amount is part of the Twejikum. For example, if an employee’s Twejikum amounted to 1M won upon computation and his insurance remitted is 300,000 won, it means that his company has to give the remaining 700,000 won to complete the Twejikum amount.
Re-employment Procedure Each employee maybe be renewed for another two years after completing his three (3) years of contract here in Korea. This renewal depends on the companies decision on the basis of the employees’ performance. Should the employer decide to renew the employee the following must be done: 1. The company must renew the labor contract within 30—90 days prior to the expiration of the employee’s visa. 2. The employer must apply for the employee’s visa and once approved the Immigration office will issue a Certificate of Confirmation of Visa Issuance (CCVI) within two (2) weeks. In some cases, a secret control number is given to the employer. These number is necessary in obtaining visa from the Philippines. The CCVI number or secret number maybe obtain before a worker leaves Korea if his/her employer applies for it during the prescribed time. Otherwise, this number maybe obtain later when the worker is already in the Philippines. In this case, the worker should know his employer’s number or he/she has to inform his/her employer his/her
NPS-SSS Issue
How Twejikum do computed? As previously announced the NPS-SSS issue is a bilateral agreement between Korea and the Philippines. This agreement was already ratified here in Korea however; it is still pending on the Commission on Foreign Relations in the Philippine senate. Among the sixteen treaties For example: If an employee’s average gross income is KRW800,000 and he pending, this case is the last and there is no updates yet regarding its works for 2 years (24mos), his Twejikum will be: public hearing. Therefore, this agreement could not be implemented yet prior to this ratification.
Page 10
GALILEAN NEWSLETTER
For Your Information Galiliea in Action
News Bits 1.
If you were given a chance for a renewal of contract you are again entitled for 3 times of release. 2. Korea is still experiencing crisis thus all EPS workers are reminded to be patient as much as they can in their work and are advise to use their release opportunity wisely. 3. There is an on-going Filipino radio program hosted by a Filipino DJ aired everyday at 3:00am, 9:00am, 3:00pm and 9:00pm at Skylife channel 855 and C&M Cable channel 811. It is also available in the web through of Woongjin Foundation (www.wjfoundation.or.kr) 4. The Wongok Parish Souvenir shop is now open from 4:00-5:00 PM every Sunday for those who are interested to buy souvenirs. 5. The MOU for EPS workers expired last October 20. As of now, a new MOU was approved however, the quota for the number of workers was dramatically reduced to all sending countries. The formal signing is set to happen on the 60th Bilateral Relationship celebration of Philippines and Korea this coming May 29-31. 6. The embassy through POLO is now issuing OEC (Overseas Employment Certificate) or E-receipt to vacationing migrant workers to Philippines . It costs KRW5,000. Simply look for Rose Villanueva to avail this OEC. The requirements are as follows: for returning to the same employer: valid passport, valid re-entry visa/permit/or any equivalent document OWWA membership ($25); for workers who changed employer: valid passport, re-entry visa, employment proof, OWWA membership ($25) 7. The POLO continuously help displaced workers through their assistance desk. They give assistance on livelihood, skills upgrading/re-tooling, and job referral for overseas and local employment. You may contact Rose Villanueva at (02)-37853634-35 or send email to
[email protected]. 8. Registration for Overseas Absentee Voting is still on going until August 31, 2009. If you failed to vote for two consecutive National elections (2004 Presidential and 2007 National Elections) your registration has been cancelled by the COMELEC. To register you just need a valid passport or a travel document. The voting period would be from April 10,2010 to 3:00pm of May 10, 2010. For inquiries and other details send email to
[email protected]. The schedule of services are from Mon to Fri regular business hours, 1st and 3rd Sunday from 9:00 am to 12:00 nn at the Philippine embassy and 3rd and 4th Sun from 1:00 pm to 4:00 pm at Hyewadong Catholic Church. 9. All updates, news and downloadable forms for consular services are all available at the Philippine Embassy to Seoul website: www.philembassy-seoul.com. 10. The extensive crackdown is still on-going for all illegal workers here in Korea until they reach their below 10% target of remaining illegal of all nationalities. 11. The deadline for the 2009 Bagong Bayano Awards is on May 29, 2009. There are four categories namely: Outstanding Employee, Award for Community and Social Service, Award for Culture and the Arts, and Blas F. Ople Award para sa Natatanging Bagong Bayani. For guidelines and further information visit the POEA website.
If you need help, work or other related problems, don’t hesitate to come to Galilea Migrant Center. Galilea is concerned to all migrant workers and it is our happiness to see all of you in good condition. Although, we can’t give you the assurance in solving all your problems, we will try our best to help you in all ways we can. It is always our pleasure to serve you!
GALILEA’S SPECIAL SERVICES Free Haircut Every 4th Sunday of the month, 4:00-5:30pm Korean Language Class Every Sunday 1:30pm and Every Tuesday 10:00am Free Dental Check-up Every Saturday 3:00 to 5:00 pm Every Wednesday 7:00-8:00pm Free Medical Check up (schedule of specialist varies) Inquire at Galilea or St. Vincent 031-407-9780 Everyday except Monday at St. Vincent Clinic Ansan 2:00-8:30pm Pregnancy Care Every Wednesday 1:30pm For more information contact Galilea Tel. no. (031) 494-8411
Hotlines Philippine Embassy Galilea (031) 494-8411 Fr. Kristianus 010-9000-0742 Sr. Ambrosia 010-7587-8411 Mrs. Maria Park 010-4366-5398 Richard 010-5137-2408 Rachel 010-5107-0338 Emsa 010-7622-2980 John Cook 010-7264-7334 Nanay Tinay 011-9938-7700
Page 11
34-44 Jin Seong Building, Itaewon-1dong, Yongsan-Gu, Seoul 140-201 South Korea Tel. Nos. (02) 796-7387 to 9 Hotline: 010-9365-2312 Fax. (02) 796-0827
Sa bawat baryang ihuhulog mo, karugtong ay tinta ng panulat ko.
Please Help Us ...
- AFC NEWSLETTER TEAM
GALILEAN NEWSLETTER
Advertisements We would like to thank our Sponsors:
SAMPAGUITA MART
Metrobank Remittance
Galilea Migrant Center Every Sunday, 12:00-6:00pm
Philippine Products Roland and Kim (031) 492-7129 010-6283-3746 ● ●
“You’re in good hands with Metrobank” NANAY TINAY
● ● ●
PREPAID PHONE CARD/CARD PHONE NOREBANG KARAOKE CHICKEN ,TOCINO AND LONGANISA, RICE FROZEN FOOD: BANGUS, TILAPIA, HIPON, GALUNGGONG & DALAGANG BUKID BAKA: BULALO, LAMAN, BUTO-BUTO
(031) 494-6087 010-9938-7708 We sell: • Phil. Products , Karaoke ,handy phone, DVD player, Prepaid phone, cards etc.
MABUHAY PHILIPPINES Snack Bar & Sari-Sari Store Donna Esguerra 016-448-1347
MANGGAHAN MART Margie 01057525958
2nd Floor 209, Banwol Sangga 830Ho, Wongok-dong Area
Danwon-gu, Wongguk-dong, 844, Ankon Sangga. 1st Floor Back of Tiguk Kimpap
We accept Food Catering
PINOY STORE We Sell: • International calling card • canned goods • frozen products
PHIL INDIA CAMP Serves: • Pakistani and Indian Foods • Filipino Foods and Beverages
Ate Leah 0314851159/01197811159 Available here are: • All kinds of Philippine products • International and prepaid cards • Catering service for special occasions and lutong-ulam • Cargo box • Rent a car
PHILHOMES MART Restaurant & Billiard Hall Raymond
Accepts: • Food catering for special occasions Address: Sangnoksu 2 Dong 716-12 Campus Town Bldg. 3rd Flr. Across Handae-ap Station Besides Meganex 6 Contact numbers : 010-8796-6111 010-7713-3374 (031) 409-7976 Your ADS here Call or Text Bi l l y V e l a 010-2891-0809
011-9285-3788 031-495-3439 We sell : • • • • • • • •
All kinds of Philippine products International calling cards Norebang/karaoke Digital Cameras Computers Lutong ulam Cargo box And many more
Page 12