JIRI LEVY
Naging maimpluwensiya ang mga gawa ni Jiri Levy tungkol sa pag-usbong ng mga teorya ng pagsaasalin sa kanyang bansa, ang Czechoslovakia. Ang kanyang makabagong paraan sa pagsasalin, na siyang nakahiwalay sa tatlong proseso, ay naging batayan ng maraming iskolar sa larangang ito sa iba’t ibang dako ng mundo. Ang tatlong proseso ng pagsasalin ayon kay Levy: o Pag-unawa – kritikal ito dahil ditto iniintindi ang nais ipahayag ng mensaheng isasalin. Kapag mali ang pag-unawa, mali ang kalalabasan ng pagsasalin. o Pagbibigay ng Interpretasyon – Ang naunawaang mensahe ay inilulugar sa tamang konteksto na siyang naka-ugnay sa karanasan at dunong ng tagapagsalin. o Paglilipat – Ang tagapagsalin ay dapat marunong mamili ng salitang gagamitin na tutugma sa menshaeng nasa orihinal na wika.
SA AKING PALAGAY, ang kanyang makabagong paraan sa pagsasalin na nakasaad sa tatlong proseso ay nagpapakita ng konkretong mga hakbang upang ipakilala ang paraan sa epektibong pagsasalin. Iniugnay rin ditto ang proseso ng komunikasyon upang mas maging matiwasay ang pagsasalin. ROMAN JAKOBSON
Tanyag si Jakobson sa kanyang pagtatag ng paaralan na siyang nakatuon sa kontemporenyong wika, ang Prague School. Binigyan niya ng linaw ang tatlong paraan ng pagpapakahulugan sa mga berbal na senyales: o Interlingual translation o Intralingual translation, at o Intersemiotic translation Ang mga nasabing paraan ay ginagamit ng isang tagapagsalin kasabay ng kanyang pagtanggap ng mensahe. Sa pamamaraan na ito, sinusuri ang katangian ng wika na maisalin sa isa’t isa.
SA AKING PALAGAY, ang pagtatag ni Jakobson ng isang paaralan na nakatuon sa wika ay isang makabuluhang paraan upang mas malinang at mas mapalawak ang agham lingguuwistiko, katulad ng pagtuon niya sa kakayahan ng wika na maisalin. JOHN DRYDEN
Ayon kay Dryden, may tatlong uri ng pagsasalin: o Metaphrase o Paraphrase, at o Imitation o Malayang salin Maaring baguhin ng isang tagapagsalin ang orihinial na anyo sa ano mang paraan na sa kanyang palagay ay tama. Kinakailangan ng isang tagapagsalin na maging mahusay sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin.
SA AKING PALAGAY, ang paraan ng pagsasalin kay Dryden ay nagbibigay sa tagapagsalin ng kalayaan na maihayag ang nais isalin sa pamamaraan na tama pero abot sa makakaya. Magagawa lamang ito kapag makata at mahusay ka sa mga sangkot na wika, at nauunawaan mo ang diwa nito. Mahihirapan ang tagapagsalin kung hindi siya sanay sa mga nasabing wika.