Filipino 201- Yunit 5 Panahon Ng Republika

  • Uploaded by: Samantha
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino 201- Yunit 5 Panahon Ng Republika as PDF for free.

More details

  • Words: 864
  • Pages: 4
LA CONSOLACION COLLEGE Graduate School FILIPINO 201

MARY JANE A. MANGLAR Taga-ulat

GNG. EDNA D. FREGIL Propesor

PANAHON NG REPUBLIKA A. Kaligirang Kasaysayan : Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar sa tinatamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay ng mga Pilipino na nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan,muling inalis ang bansa sa ilalim ng nasabing batas noong ika-2 ng Enero,1981. Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago sa tingin ng mga naglilingkod sa pamahalaan. Sa kanilang pananaw, ang Pilipinas noon ay isa na naming bagong bansa,kaya’t ito’y tinawag ng dating Pangulong Marcos na “Ang Bagong Republikang Pilipinas.” Isa naming mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng ikatlong Republika. Ang unang republikang kanyang isinaalang-alang ay ang Republikang Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo; ang ikalawa ay ang paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at ang ikatlo,dahil muli na naman daw nagging Malaya ang bansa dahil sa pagkakaalis nito sa ilalim na Batas Militar. B. Ang Literatura sa Panahon ng Republika : Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang panahong ito,masasabing malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming manunulat ang nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng pakikisama,paggawa,pagdadalamhati,kahirapan,pulitika at imperyalismo. C. Ang Awiting Filipino sa Panahon ng Ikatlong Republika : 1. Laban Na ni Coritha at Eric - unang inawit sa isinagawang National Unification Conference ng Oposisyon noong Marso,1985. - inawit din ito sa idinaos na “Presidential Campaign Movement for Cory Aquino.” 2. Bayan Ko ni Freddie Aguilar 3. Pilipino ni Freddie Aguilar

D. Ang Pelikulang Filipino : Nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang Filipino nang panahong ito. Lalong di napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang nahihinggil sa sex.Kaya naman sinamantala ng mga ganitong uri kahit ito’y nakapagpapababa sa moralidad ng mga Pilipino. E. Ang mga Pahayagan,Komiks,Magasin, at iba pang Babasahin : 1. “Crony Newspapers” - di-makatotohanang pagpahayag at taliwas sa mga tunay na nagaganap sa ating kapaligiran. a. Bulletin Today b. Peoples Journal c. Peoples Tonight 2. Mga pahayagang tinangkilik ng marami na pinaniniwalaang nagpapahayag ng mga totoong pangyayari a. Forum b. Daily Inquirer c. Manila times d. Malaya 3. Mga Komiks a. Lovelife b. Extra c. Aliwan d. Hiwaga e. Holiday 4. Mga Magasin a. Kislap b. Modern Magasin c. Bulaklak d. Liwayway e. Extra Hot f. Jingle Sensation F. Ang Timpalak – Palanca sa Panahon ng Ikatlong Republika Ang mga nagkamit ng unang gantimpala sa mga larangang nabanggit simula Noong 1981 hanggang 1985 ay ang mga sumusunod : TULA : 1981 – “Taga Sa Bato” – isang matalinghagang tulang isinulat ni Romulo A. Sandoval na gumamit ng sagisag na “Victor BuenViaje.” 1982 – “Odyssey ng Siglo” – isang madamdaming tula ni Cresenciano C. Marquez,Jr. na ikinubli ang tunay na pangalan

sa sagisag na “Eva A. Dan.” 1983 - “Sa Panahon ng Ligalig” – ni Jose F. Lacaba na gumamit ng sagisag na “Bernardo Makiling.” 1984 – “Bakasyunista” - ni Tomas F. Agulto na kumubli sa sagisag na “Sarhento J. de la Cruz.” 1985 – “Punta Blangko” - ni Mike L. Bigornia,sa sagisag na “Haraya Negra.” MAIKLING KWENTO : 1981 – “Di Mo Masilip Ang Langit” – ni Benjamin P. Pascual,sa sagisag na “Radamen.” 1982 – “Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra” – sinulat ni Lualhati Bautista de la Cruz,sa Sagisag na “Joy Marela.” 1983 – “Pinagdugtung-dugtong na Hininga Mula sa Iskinitang Pinagpiyestahan ng mga Bangaw” - akda ni Agapito M. Lugay na nagtago sa sagisag na “Peping de la Cruz.” 1984 – “Sa Kaduwagan ng Pilikmata” – Fidel D. Rillo,Jr. sa sagisag na “Virginia Rivera.” 1985 – “Unang Binyag” – ni Ernie Yang sa sagisag na “Homer.” SANAYSAY : 1981 – “Sa Sariling Panunuring Pampanitikan; Mga Hamon at Pananagutan” – sinulat ni Pedro L. Ricarte, na gumamit sa Sagisag na “Priscilla R. Moreno.” 1982 – “Isang Liham sa Baul ng Manunulat” – ni Fanny A. Garcia, sa sagisag na “Simone.” 1983 – “Ang Kontemporaryong Nobelang Tagalog” – ni Rogelio Torres Yu, sa sagisag na “J. de la Cruz.” 1984 – “Mga Tinik sa Dambuhalang Bato” – ni Lilia Q. Santiago sa sagisag na “Abante Altamante.” 1985 – walang nagkamit ng unang gantimpala sa larangan ng sanaysay noong taong ito. - Fidel Rillo Jr. - sanaysay na isinulat sa Ingles na “Now Fun of the Flowing Gutter.”- nagkamit ng espeSyal na gantimpala. - Fidel Rillo Jr. - sagisag sa panulat ng may-akda ay si “Don Miguel del Vino.” Mga Sipi ng mga Maikling Kwento na nagkamit ng unang gantimpala sa TimpalakPalanca noong 1981-1985. 1. Di Mo Masilip ang Langit – ni Ramaden {Benjamen Pascual}

2. Unang Binyag – ni Homer {Ernie Yang} 3. Sa Kaduwagan ng Pilikmata DULA : 1.

1983 – “Huling Gabi sa Maragondon” – ni Reanto D. Villanueva gumamit ng sagisag na “Andres Magdale.” - nagkamit ng unang gantimpala.

NOBELA : Noong 1984, muling nagsimula ang Timpalak-Palanca sa pagpili ng pinakamahusay na nobela. Ang pagpili sa larangang ito ay isinasagawa lamang tuwing ikatlong taon nang gayo’y mabigyan ng mahabang panahon ang ating mga manunulat na makagawa ng higit na maganda at may mataas na uring akda.Kaya’t ang susunod na pag pili nila sa pinakamahusay na nobela ay sa taong 1987.

Related Documents


More Documents from "Samantha"

Contract Of Leased 2
June 2020 22
Division Achv
June 2020 17
Contract Of Lease
June 2020 21
20190402100426.docx
October 2019 33