Filipino 1 Masining Na Pag-unawa

  • Uploaded by: Shinji
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino 1 Masining Na Pag-unawa as PDF for free.

More details

  • Words: 465
  • Pages: 12
REPORT SA FILIPINO Hinanda ni: Angeline M. Ching

MASINING NA PAGUNAWA

::Ang proseso ng komunikasyon ay hindi magiging ganap kung walang pag unawa. ::Ganap na konsentrasyon sa pakikinig at pag basa ang kaylangan para makaunawa , bagamat ang kakayahang umunawa ay nagkakaiba-iba sapagkat may mga bagay na nakakaimpluwensya dito:

::Edukasyon- higit na may kakayahang umunawa ang tapos ng pagaaral sa kolehiyo kaysa natapos lamang ng haiskul. ::karanasan-Mas malawak ang pagunawa ng isang taong maraming karanasan sa iba’t ibang mga bagay kaysa isang taong may kakaunting mga karanasan o limitado ang karanasan. ::Paraan ng pagsasalita ng tagapagsalitang pinakikinggan o istilo ng manunulat na sumulat ng binabasa. ::Kapaligiran o kalagayan ng umuunawa –kung ang umuunawa ay nasa isang kapaligirang magulo mahihirapan siyang umunawa sapagkat mawawalan siya ng konsentrasyon. ::kalagayang pangkalusugan(katawan at isip)-kung may karamdaman ang isang tao, natural lamang na mawalan siya ng kakayahang umunawa. Ang isang taong walang matinong kaisipan ay mahihirapang umunawa ng ano mang maririnig.

MASINING NA PAGBIGKAS

:: Ang ating mga ninuno ay nagpakita ng kakayahang makapagpahayag ng kanilang mga iniisip, nadarama, at nakikita sa isang paraang masining. Nakapagpapaliwanag sila sa paraang maganda sa tulong ng mga salita at pariralang matalinghaga. ::Sa pangangaral ng ating mga ninuno ay gumagamit sila ng mga kawikaan, kasabihan at mga salawikaing may sukat at tugma kaya’t magandang bigkasin at pakinggan. ::Dahil sa mga kadahilanang ito, bahagi ng kaugaliang pilipino ang masining na pagbigkas at pagsasalita.

KATUTURAN NG MASINING NA PAGBIGKAS

::sa ating pagaaral, ang salitang pagbigkas ay gagamitin natin kaugnay ng tula at talumpati, gayun din ng dula. Samakatwid, kapag sinabing masining na pagbigkas, ang ibig nating tukuyin ay ang maayos ,maganda at tamang pagbigkas ng tula, talumpati at mga pahayag ng mga tauhang gumaganap sa dula, ayon sa mga alituntunin ng ganitong gawain

MGA SALIK NG MASINING NG PAGBIGKAS

::Lakas ng pagbigkas- kung bumibigkas, kaylangang my malakas at mahinang pagbigkas batay sa hinihingi ng kalagayang may kinalaman sa damdaming gustong paratingin o ibigay ng bumibigkas. ::Bilis ng pagbigkas- tulad din ng lakas ng pagbigkas, ang mabilis at mabagal na pagbigkas ay mahalaga sa pagbibigay kahulugan. Ang bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdaming nais ihatid ng bumibigkas. ::Linaw ng pagbigkas-hindi nakakawiling pakinggan ang isang bumibigkas na hindi malinaw ang kanyang sinasabi. Malamang na siya ay iwan o tulugan ng mga tagapakinigb kung di siya mauunawaan.

::Hinto-malaki rin ang nagagawa ng paghinto ng bumibigkas sa mga lugar na dapat ay humihinto siya. Iba’t iba ang uri ng paghinto sa pagbigkas. May matagal ang hinto na sinasagisag ng tuldok sa katapusan ng bawat pangungusap kaysa hintong sinasagisag ng kuwit sa loob ng isang pangungusap.

::Kilos at kumpas-ang pagbigkas na tinutulungan ng kilos at kumpas ay higit na nagiging kawili wili sapagkat buhay na buhay ang nag sasalitaat ito ay nagkakaroon ng kakaibang dating sa mga nakikinig.

SALAMAT

Related Documents


More Documents from ""