Fil Tula.docx

  • Uploaded by: Myles Quintero
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Fil Tula.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 203
  • Pages: 3
O pag-ibig by: Myles Quintero

O pag-ibig saan ka nga ba nagmula? Bakit ang hirap- hirap mung matagpuan? Sa ibat-ibang dako na ng Pilipinas Tila ikaw ay hinahanap ko sinta

O pag-ibig saan ba ako lulugar? Bakit ba ang layo- layo mung abutin Parang bangungot na di makalimutan Na ayaw mawala hanggang sa pagtulog

O pag-ibig ikaw ay magpakilala Ng mawala ang kathang-isip ko sinta Habang buhay hihintayin kita giliw Hanggang sa pinaka huli kung hininga

Sa Iyong Paglisan by: Myles Quintero

Sa lamig ng simoy ng gabi, Naalala ko pa nung tayo ay magkatabi, Sa bawat dampi ng iyong mga labi, Tila’y nagbibigay sa akin ng mga ngiti.

Sabay pa nating dinama ang lamig ng hangin At tinuklasan ang ganda ng dilaw na buwan Sabay bulong na ako lang ang iyong mamahalin At sa oras na ‘yun ikaw ang aking panalangin

Pero ikaw ay lumisan na walang paalam Na parang bula at bigla nalang nawala Tila ay hinila ako ng lungkot ng diwa’t kaba Na hanggang sa pag tulog ikaw ay inaalala

Mahal kung sinta, saan ka nga ba nagpunta?

Ginugunam-gunam kung bakit bigla kang nawala? Sa iyong paglisan, nakikibaka ang aking pangungulila Inaabangan ko parin ang igting sandali na tayo’y magkikita

Related Documents

Fil Handouts
May 2020 21
Fil-etika.pdf
June 2020 26
Fil Antica
April 2020 34
Fil-thesis.docx
May 2020 45
105 Fil
June 2020 5
Fil Reviewer.docx
December 2019 15

More Documents from "chassygab"