AMA Cavite Campus Senior High School Department FKABANATA I SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO
INTRODUKSYON “Ang wika ang kaluluwa ng isang nasyon” ito ang sinabi ng isang Swiss historyan na si Jacob Burckhardt. Paano niya nasabi ito? Ang wika ay ginagamit ng isang tao sa pakikipagtalastasan at nagiging daan din ito upang makilala ang pinagmulang bansa. Ginagamit ito upang magkaroon ng pagkaka-iintindihan at pagkaka-unawaan sa isang nasyon o lugar. Mahalaga din ito at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao dahil nagsisilbi itong patunay na lubos ng malaya ang isang bansa at tumutulong sa pagapapaunlad at pagpapalago ng ekonomiya.
Ang wikang Filipino ang “Lingua Franca” o kinikilala nating pambansang wika. Napayabong at napagyaman ang wikang ito dahil sa tagal ng panahong ginamit ng ating mga ninuno sa pakikipag-ugnayan sa ibat ibang lahing dumayo at sumakop sa ating kapuluan. Ang Espanyol, Amerikano, at Hapones ang mga dayuhang sumakop sa ating bansa na may malaking ambag hindi lamang sa ating kultura kundi maging sa ating wika.
1
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sa pagdaan ng maraming taon at pagasapit ng panibagong henerasyon, maraming pagbabago ang naranasan ng ating bansa lalong lalo na sa larangan ng wika. Nagkaroon ng maraming pagbabago sa salita sa ispelling man o kahulugan nito. Nagsimula rin ang paglikha ng panibagong lenggwahe tulad ng salitang ‘beki’’ o “gaylingo”. Naging malaki ang epekto nito sa ating wika lalong lalo na sa wikang ginagamit ng mga kabataan ngayon o ang tinatawag nating ‘millenials’. Dahil
sa
pagkakatuklas at pag-usbong ng panibagong teknolohiya na nakapaligid sa mga kabataan ngayon, nabaling na ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga. Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng mga salita at ang kahalagan ng pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglikom ng iba-ibang perspektibo ng kabataan sa paggamit sa wikang Filipino sa makabagong panahon at ang epekto ng ebolusyon o pagbabago ng wika.Malalaman din natin sa pag-aaral na ito kung nakatutulong ba ang ebolusyon ng wika sa ating bansa o maging sa bawat Pilipinong naninirahan dito.
2
AMA Cavite Campus Senior High School Department PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pananaliksik na ito na may pamagat na, Ebolusyon ng Wika sa Panahon ng ‘Millenials’ Nakakatulong Nga Ba? ay nalalayong tugunan ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa wika sa kasalukuyan na nagdudulot ng ebolusyon sa ating kinagisnang wika? 2. Ano ang mga sanhi ng pagkakaroon ng ebolusyo o pagbabago sa wikang Filipino? 3. Ano ang epekto ng pagbabago ng wika sa kultura at pamumuhay ng mga Pilipino? LAYUNIN NG PAG-AARAL Sa pag-aaral na ito ay sisikaping tugunan ang mga sumusunod na layunin: 1. Alamin kung ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa ating wika 2. Malaman ang mga epekto ng pagbabago ng wika sa buhay at kultura ng mga Pilipino 3. Matuloy ang mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng ebolusyon sa ating wika 3
AMA Cavite Campus Senior High School Department KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang kahalagahan ng pagaaral na ito ay magmulat o magbuksan ang isipan ng mga tao o mag-aaral tungkol sa epekto ng pagbabago ng wika sa panahon ng ‘millenials’ at kung nakatutulong ba ito sa mga Pilipino o hindi. Nais din nitong ipakita ang unti-unting pagbabago ng wika noon hanggang sa pagsapit ng panibagong henerasyon at ang epekto ng makabagong gadgets sa wikang ginagamit ng bawat Pilipino. Naglalahad din ito ng mga nararapat nating matutunan sa wika sa kabila ng pagbabago ng panahon at henerasyon. Sa kasalukuyang panahon, ang henerasyong tinatawag nating ‘millenials’ ay mas tumatangkilik sa mga dayuhang wika lalo na sa Ingles at mga baguhang wika kagaya na lang ng gayligo o bekimon, maging ang jejemon. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod: Sa mga mag-aaral. Makatutulong itong magbukas ng kanilang diwa o isipan ukol sa pagbabago o ebolusyon ng wika sapagkat ang kanilang grupo ay nabibilang sa henerasyong ‘millenials’. Sa mga guro o instruktor. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at makatutulong din sa mga instruktor upang madagdagan ang kanilang kaalaman ukol sa wikang ginagamit ng makabagong henerasyon kabilang na ang mga estudyanteng kanilang tinuturuan.
4
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sa mga susunod na mananaliksik. Mahalaga ito sa mga susunod na mga mananaliksik ng paksang katulad ng pag-aaral na ito. Magagamit nila
itong
reperensyal
o
maari
silang
makakuha
ng
dagdag
na
impormasyong makatutulong sa thesis na ginagawa nila. SAKLAW AT LIMITASYON Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epektong naidudulot ng ebolusyon ng wika sa makabagong panahon. Saklaw din ng pagaaral na ito ang iba’t ibang uri ng wika na lumaganap sa kasalukuyang panahon at ang mga paraan kung paano ang mga ito lumaganap. Tinatalakay din ng pananaliksik na ito ang mga sanhi at bungang naidudulot ng wika sa mga millenials at ang mga epektong maidudulot nito sa kapaligiran at pang arawaraw na pamumuhay ng mga makabagong henerasyon. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makalikom ng respondante mula sa mga magaaral ng ika-11 at ika-12 baitang ng AMA Senior High mula sa mga strand ng ABM, STEM, HUMMS, GAS, kabilang na ang mga nasa kurso ng Tourism, Programming, at Animation. Nais din ng pananaliksik na ito na makakakuha ng impormasyon sa 210 na estudyante upang maisakatuparan ang layunin at nais ng pananaliksik.
5
AMA Cavite Campus Senior High School Department DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Ang Balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye Ang Ebolusyon ay pagbabago sa mga namanang katangian ng isang populasyon sa pagdaan ng maraming henerasyon sa loob ng mahabang panahon. Ang Gadget ay isang madalas na maliit na makina o elektronikong aparato na may isang praktikal na paggamit ngunit madalas na naisip bilang isang bagong bagay. Ang Gaylingo ay tinatawag ding ‘bekimon’,at itinuturing din na balbal na salita. Ang Instruktor ay isang tao na nagtuturo o tagapagturo ng isang bagay sa isang tao. Ang Jejemon ay tawag sa mga taong may kakaibang paraan ng pagsulat at pagbaybay ng mga salita sa text message, pinapahaba nila ang mga salita sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga letrang h, w, y, z at paggamit ng mga numero kapalit ng ilang letra (gaya ng “4” sa halip na “a” at “1” sa halip na “I”). Kakaiba rin ang kanilang pananamit, maluwag na kasuotan at naka sumbrerong pinapatong lamang sa halip na sinusuot.
6
AMA Cavite Campus Senior High School Department Ang Kultura ay ang mga kaugalian, panlipunan, at materyal na katangian ng isang pangkat na panlahi, relihiyon, o panlipunan o ang katangian ng mga katangian araw-araw na pag-iral (tulad ng dibersyon o isang paraan ng buhay) na ibinahagi ng mga tao sa isang lugar o oras. Ang Lenggwahe ang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng isang partikular na komunidad o bansa. Ang Lingua Franca ay tumutukoy sa salita o dayalek na ginagamit ng dalawa o higit pang mga taong magkakaiba ang pangunahing lenggwahe upang makipagtalastasan sa isa’t isa. Ang Millenials henerasyong sumunod sa henerasyong X, tumutukoy ito sa mga kabataang ipinanganak sa taon ng 1980;’s - 1990’s. Ang perspektibo ay tumutukoy sa pananaw ng isang tao, sa kanyang pakakaintindi sa naturang paksa. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga pamamaraan, mga sistema, at mga kagamitan na resulta ng pang-agham na kaalaman na ginagamit para sa mga praktikal na layunin. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
7
AMA Cavite Campus Senior High School Department KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Sa bahaging ito matatagpuan ang iba’t ibang pag-aaral at literatura na may kaugnayan sa pananaliksik na ito. Nagpapakita ito ng mga mahahalagang detalyeng sumusuporta sa bawat kaugnay na literatura.
Mga Kaugnay na Literatura
Sa artikulo ni Senador Blas Ople (2001) na lumabas sa pahayagang Kabayan noong Ika-17 ng Agosto, 2001 ipinahayag niya na ang ebolusyon ng pambansang wika ay isa sa mga matatagumpay na kabanata sa kasaysayan ng bansa mula nang ito ay ipanganak bilang kauna-unahang republikang konstitusyunal noong 1898.
Ayon din kay Archibald A. Hill (2009) sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isanasaayos sa ma klase at pattern nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
8
AMA Cavite Campus Senior High School Department Mga Kaugnay na Panitikan
Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga ralasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
9
AMA Cavite Campus Senior High School Department SINTESIS: Ang mga literatura at teoryang nakatala sa pag-aaral na ito ay nagmula sa iba’t ibang pag-aaral na isinagawa ng iba’t ibang mananaliksik. Ang mga literaturang ito ay ginamit ng mga mananaliksik upang mas mapagtibay at masuporatahan ang kanilang isinagawang pananaliksik. Ayon sa mga literaturang nakalap, may mga pagbabagong naganap sa ating wika. Ang mga pagbabagong ito ay may iba’t ibang dahilan at pinaggalingan na ipinaliwanag ng mga akda sa nakatalang literatura. Nagkakaroon din ito ng epekto hindi lamang sa iisang tao kundi sa buong lipunan. Tinukoy rin ng iba’t ibang awtor kung nakakatulong ba ang pagbabago sa wikang Filipino.
10
AMA Cavite Campus Senior High School Department KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit ng isang deskriptib-analitik na proseso.Ang prosesong ito ay gumagamit ng sarbey o talatanungan upang makalikom ng angkop na impormasyong may kaugnay sa paksang sentro ng pananaliksik. Ang mga kaalamang nakalap ukol dito ay pawang mga katotohanan at may malaking epekto sa lipunan lalong lalo na sa wikang ginagamit ng mga kabataan ngayon na mas kilala sa tawag nating “millenials”. Dahil sa mga na pagbabagong nararanasan ng ating lipunan, umusbong ang mga makabagong wika na labis na nakakaapekto sa wika natin ngayon. Ang pagbabagong ito ay mga masama at mabubuting epekto na siyang tatalakayin sa pag-aaral na ito. Ang mga opiniyon ng mga mag-aaral sa Senior High school ng AMA ukol ay bibigyang halaga upang makalikom ng angkop at tamang impormasyon.
11
AMA Cavite Campus Senior High School Department RESPONDENTE Ang piling respondante ang naging sentro ng pananaliksik na gumamit ng simpleng random na paraan. Ang mga mananaliksik ay nagtakda ng bilang sa bawat istrand. Ang mga napiling respondante sa pananaliksik na ito ay nasa dalawang daan at sampung (210) mag-aaral na nasa Senior High School ng paaralan ng AMA Computer College-Cavite na kabilang sa mga sumusunod na kurso o strand: Accountancy, Business and Management (ABM), Science Technology Engineering and Mathematics (STEM), Humanities and Social Science
(HUMMS), General Academic
Strand (GAS), Tourism, Animation at Programming sa unang semester ng taong akademiko mula Hunyo 2017 hangang Nobyembre 2017. Ang mga mag-aaral na ito ang napagtuunan ng pansin sapagkat angkop sa kanila ang paksang ito.
12
AMA Cavite Campus Senior High School Department Talahanayan Blg. 1 Distribusyon ng mga Respondente mula sa mga mag-aaral ng STEM Strand, Baitang 12 hanggang sa GAS Strand, Baitang 11
STRAND
Bilang ng Respondente
Porsiyento
STEM (S6A)
15
7.142%
STEM (S4A)
15
7.142%
ABM (B2A)
15
7.142%
ABM (B3A)
15
7.142%
ABM (1B1A)
15
7.142%
HUMMS (1H1A)
15
7.142%
HUMMS (1H1P)
15
7.142%
PROGRAMMING(P1A) 15
7.142%
PROGRAMMING(P3A) 15
7.142%
ANIMATION (A1A)
15
7.142%
ANIMATION (1A1A)
15
7.142%
TOURISM (1T1A)
15
7.142%
TOURISM (1T1P)
15
7.142%
13
AMA Cavite Campus Senior High School Department GAS (1G1A)
15
7.142%
KABUUAN
210
99.99%
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit ng sarbey. Ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o talatanungan na binigay sa dalawang daan at sampung (210) mag-aaral na mula ibat ibang istrand ng Senior High school sa AMACC. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsusuri gamit ang sarbey na may dalawang parte. Ang unang parte ng sarbey ay ang pagsagot ng oo at hindi sa mga katanungan. Ang pangalawang parte naman ng sarbey ay ang interbyu kung saan sasagutan ito ng mga respondante gamit ang kanilang sariling opinion. Sa kabuuan, dalawampung (20) katanungan ang sinagutan ng mga respondante. Isinagawa ang sarbey upang makakuha ng mga dagdag na impormasyon sa pagtuklas ng mga naging sanhi, epekto at ang mga pagbabagong naganap sa ating wika at kung nakatulong ba ang mga ito o hindi. Ang sarbey na ito rin ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral sa Senior High School ng AMA Cavite.
14
AMA Cavite Campus Senior High School Department PANGANGALAP NG DATOS Ipinaalam ng mga mananaliksik ang sa mga respondent kung bakit isinasagawa ang pananaliksik, mga posibleng epektong pananaliksik at kung saan gagamitin ang mga nakalap na datos at impormasyon. Bago maisakatuparan ang pasasarbey ang bawat respondente ay binigyan ng “consent form“ upang humingi ng pahintulot na makapagsagawa ng pagsasarbey at gamitin ang opinyon nila sa pananaliksik. Nagtagal ng halos 20-30 minuto ang mga respondente sa pagsasagot ng kwestyoner. Ang mga impormasyon at datos na nakalap ay hinanda para sa interpretasyon at upang makuha ang bunga ng pag-aaral.
Talahanayan Blg. 2 Talaan ng oras, petsa, lugar ng pagkalap ng datos. Sa talaang ito ay sumusuporta sa mga nakalap ng datos at impormasyon ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa ibat ibang strand mula sa AMA Cavite Campus.
BLG. NG ORAS
PETSA
ISTRAND
LUGAR RESPONDENTE
15
AMA Cavite Campus Senior High School Department OKTUBRE 3, 10:50 A.M.
AMACC STEM (S6A)
15
2017
(4TH floor)
OKTUBRE 3,
AMACC
11:10 A.M.
STEM (S4A)
15
2017
(4TH floor)
OKTUBRE 3,
AMACC
11:30 A.M
ABM (B3A)
15
2017
(5TH floor)
OKTUBRE 3,
AMACC
11:50 A.M
ABM (1B3A)
15
2017
(3rd floor)
OKTUBRE 3,
AMACC
12:30 P.M.
PROG. (P3A)
15
2017
(5TH floor)
OKTUBRE
AMACC
1:00 P.M.
HUMMS (1H1A)
15 (4th floor)
3,2017 OKTUBRE 1:22 P.M.
3, GAS (1G1A)
AMACC 15
2017
(3rd floor)
OKTUBRE 3-5 ANIMATION
AMACC
1:47 PM.
15 2017
(4th floor)
(A1A)
OKTUBRE 4, 9:20 A.M.
AMACC ABM (B2A)
15 (4th floor)
2017
AMACC OKTUBRE 4,
PROGRAMMING
10:00 A.M.
15 2017
(5TH floor)
(P2A)
16
AMA Cavite Campus Senior High School Department OKTUBRE 4, 11:24 A.M.
AMACC TOURISM (1T1A)
15
2017
(annex5th floor)
OKTUBRE 4,
AMACC
11:45 A.M.
ANIMATION(1A1A) 15 2017
(annex5th floor)
OKTUBRE 4,
AMACC
2:30 P.M.
TOURISM (1T1P)
15
2017
(4th floor)
OKTUBRE 4,
AMACC
3:00 P.M.
HUMMS (1H1P) 2017
15 (annex 5th floor)
TRITMENT NG MGA DATOS Ang pamanahong papel na ito ay isang simpleng pananaliksik ng mga mag-aaral patungkol sa pag-aaral ng ebolusyon ng wika sa panahon ngayon ng millenials at kung nakatutulong ba ang mga ito o hindi. Pagtally at pagkompyut ng katumbas na porsyento ang ginawa ng mga mananaliksik upang makuha ang pagbubuod sa pangkalahatang datos. Ang mga nakalap na impormasyon at datos ay inihanda para sa presentasyon at interpretasyon.
17
AMA Cavite Campus Senior High School Department
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Nakapaloob sa bahaging ito ang mga nakalap na datos at impormasyon mula sa mga respondente ng Senior High School sa AMACC sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ipapakita din dito ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos na nakalap. Gumamit ng Clustered Column Graph at Pie Graph ang mga mananaliksik ay upang mapakita ang pagbibigay ng mga puntos sa bawat pagpipilian na nagsasaad sa kinalabasan ng sarbey. Dalawang daan at sampung(210) estudyante ng Senior High School ng AMA Cavite Campus ang naging respondente para sa pananaliksik na ito.
18
AMA Cavite Campus Senior High School Department
100 90 80 70 60 50
OO
HINDI
40 30 20 10 0 OO
HINDI
Grap 1: Ika-unang tanong: Ano-ano ang mga pagbabagong napansin mo sa ating wika sa pagdaan ng panahon? Ipinapakita sa grap 1 na halos karamihan ng mga respondente ay nagsabing may napapansin silang pagbabago sa ating wika sa pagdaan ng panahon.
Sa kabubuang dalawang daan at sampu (210), siyamnapu’t
limang porsyento (95%) ang nagsabing may napapansin silang pagbabago sa ating wika sa pagdaan ng panahon habang limang poryento (5%) naman nagsabing wala silang napapansing pagbabago sa ating wika sa pagdaan ng panahon.
19
AMA Cavite Campus Senior High School Department Talahanayan Blg. 3: Talahanayan ng Resulta sa katanungang una. Unang katanungan: Ano-ano ang mga pagbabagong napansin mo sa ating wika sa pagdaan ng panahon? Pagpipilian
Kabuuang bilang
Porsyento
Oo
199
95
Hindi
11
5
210
100%
Kabuuan:
Ipinapakita
ng
talahanayang
blg.
3
na
mula
sa
kabuuang
dalawandaan at sampung respondante (210) mayroong isangdaan at siyamnapu’t siyam (199) na magaaral na may porsyentong siyamnapu’t lima (95%) ang nagsabing may napapansin silang pagbabago sa wika sa bawat pagdaan ng panahon. Gayun pa man may roon din humigit kumulang na labin-isang (11) katao na may porsyentong lima (5%) ang nagsasabing wala silang napapansin na pagababago sa wika ng mga Pilipino sa paglipas ng panahon.
20
AMA Cavite Campus Senior High School Department Grap 12 Nakakatulong ba sa atin ang mga pagbabagong nagaganap sa ating wika? Bakit? Oo, dahil mas napapadali ang komunikasyon.
9%
35% 30%
Oo, dahil napapaunlad nito ang at napapalawak nito ang ating wika at kaalaman. Hindi, dahil ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakalito at di pagkakaintindihan.
26%
Hindi dahil isa din ito sa dahilan kung bakit nagiging impormal ang ating wika.
Ipinapakita sa grap 12 na sa isangdaangporsyento (100%) ng mga respondente ay may tatlumpu’t limang porsyento (35%) ng mga respondente ang nagsabing nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika dahil mas napapadali ang komunikasyon., tatlumpung porsyento (30%) naman ang nagsabing hindi nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika dahil ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakalito at di pagkakaintindihan., dalawampu’t anim na porsyento (26%) ng mga respondente naman ang nagsabing nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika dahil napapaunlad nito ang at napapalawak nito ang ating wika at kaalaman at siyam na porsyento (9%) naman ang nagsaad na hindi, dahil nagiging dahilan ito kung bakit nagiging impormal ang ating wika. 21
AMA Cavite Campus Senior High School Department KABANATA V LAGOM, KONGLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang kung ang pagbabago o ebolusyong nagaganap sa ating wika ngayon ay nakakatulong ba sa ating mga Pilipino o hindi. Nilalayon nitong alamin ang mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng ebolusyon at ang epekto ng ebolusyon ng wika sa mga Pilipino gamit ang mga pananaw at opinion ng mga estudyante sa AMA Cavite. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptib-analitik na disenyo ng pananaliksik. Gamit ang disenyong ito, nakagawa ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyoneyr na ginamit upang makakalap ng impormasyon sa mga respondent. Gamit ang nabanggit na proseso, narito ang naging resulta: Karamihan ng mga respondente ay may napapansing pagbabago sa ating wika.Sa dalawang daan at sampung (210) respondent, isangdaan at siyamnapu’t siyam (199) ang nagsabing may napapansin silang pagbabago sa ating wika sa pagdaan ng panahon habang labing-isa (11) naman nagsabing wala silang napapansing pagbabago sa ating wika sa pagdaan ng panahon. 22
AMA Cavite Campus Senior High School Department Isang daan animnapu’t tatlo (163) naman ang sumasang-ayon na nararapat na pagtuunan ng pansin ang pagbabagong nagaganap sa ating wika habang apatnapu’t apat (44) ang hindi sumang-ayon na nararapat na pagtuunan ng pansin ang pagbabagong nagaganap sa ating wika Isang daan at labing walo (118) ang sumang-ayon sa nagaganap na pagbabago sa ating wika ngayon habang siyamnapu’t dalawa (92) na respondente naman ang hindi sumang-ayon sa nagaganap na pagbabago sa ating wika ngayon. Sa dalawangdaan at sampung (210) respondente, ay may isang daan at limampu’t limang (155) respondente nagsasabing madalas silang gumamit ng makabagong wika at apatnapu’t lima (45) na respondente ang nagsasabing hindi sila madalas gumamit ng makabagong wika Halos karamihan naman ng mga respondente ay nagsabing nakatutulong sa kanila ang pagbabagong nagaganap sa wika. Isang daan apatnapu’t anim (146) na respondente ang nagsabing nakatutulong sa kanila ang pagbabagong nagaganap sa wika habang animnapu’t apat (62) na respondente naman ang nagsabing hindi nakatutulong sa kanila ang pagbabagong nagaganap sa wika.
23
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sandaan at limampu’t siyam (159) na respondente ang nagsabing mas napapadali ang komunikasyon sa kabila ng pagkakaroon ng pagbabago sa wika habang limampu’t isang (51) respondente naman ang nagsabing hindi napapadali ang komunikasyon sa kabila ng pagkakaroon ng pagbabago sa wika. Sa buong dalawangdaan at sampung (210) respondent, may isang daan at labing siyam (119) na respondente ang nagsabing gumagamit sila ng jejemon, bekimon at balbal sa social media samantalang siyamnapu’t isang (91) respondente naman ang nagsabing hindi sila gumagamit ng mga nabanggit na wika. Pantay naman ang bilang ng mga nagsasabing gumagamit sila ng jejemon, bekimon at balbal sa pakikipagtalastasan sa mga nagsasabing hindi sila gumagamit ng mga nabanggit na wika. Ang dalawang kasagutan ay parehong nakakuha ng tig-iisangdaan at limang (105) respondente . Isangdaan at apatnapung (114) respondente ang nagsabing madali nilang maintindihan ang mga makabagong wika samantalang siyamnapu’t anim (96) na respondente naman ang nagsabing hindi nila madaling maintindihan ang mga makabagong wika.
24
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sa kabuuang dalawangdaan at sampung (210) respondent ay mayroong isang daan at pitumpu’t dalawang (172) respondente ang nagsabing naiimpluwensyahan sila ng kaibigan, pamilya at social media sa paggamit ng makabagong wika at dalawampu’t walong (28) respondente naman ang nagsabing hindi sila naiimpluwensyahan ng kaibigan, pamilya at social media sa paggamit ng makabagong wika.
Sa buong isang daang porsyento (100%) ng mga respondente ay may apatnapu’t siyam na porsyento (49%) ang nagsaad na napansin nilang napapalitan ang istruktura, ispelling,anyo at bigkas ng mga salita sa ating wika. Tatlumpu’t anim na porsyento (36%) ang nagsaad na napansin nilang umuusbong at nagkakaroon ng makabagong salita at lenggwahe sa ating wika, walong porsyento (8%) naman ang nagsabing napansin nilang may mga nadagdag na makabagong salita na ginagamit sa kasalukuyang pakikipagkomunikasyon at may pitong porsyento (7%) ang nagsabing a pagdaan ng panahon, nagkakaroon ng pagbabago sa wika kaya lumalawak din ang ating bokabolaryo at kaalaman.
25
AMA Cavite Campus Senior High School Department Tatlumpu’t limang porsyento (35%) ng mga respondente ang nagsabing nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika dahil mas napapadali ang komunikasyon, tatlumpung porsyento (30%) naman ang nagsabing hindi nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika dahil ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakalito at di pagkakaintindihan, dalawampu’t anim na porsyento (26%) ng mga respondente naman ang nagsabing nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika dahil napapaunlad nito ang at napapalawak nito ang ating wika at kaalaman at siyam na porsyento (9%) naman ang nagsaad na hindi, dahil nagiging dahilan ito kung bakit nagiging impormal ang ating wika. May limampu’t walong porsyento (58%) ng mga respondente ang nagsabing, mas mainam gamitin ang wika noon dahil mas pormal itong nagagamit sa pakikipagkomunikasyon. Apatnapu’t dalawang porsyento (42%) naman ang nagsabing mas mainam na gamitin ang wika natin ngayon dahil mas madaming gumagamit nito kaya mas madaling magkaintindihan ang lahat.
26
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sa buong isang daang porsyento (100%) ng mga respondent, may apatnapu’t walong porsyento (48%) ang nagsabing dahil sa modernisasyong nararanasan sa kasalukuyan at pag-usbong ng makabagong teknolohiya kaya mas madaling lumalaganap ang mga makabagong salita tulad nalang sa social media, tatlumpung porsyento (30%) naman ang sumagot na dahil sa pagdaan ng panahon, lumalawak ang ating kaisipan at natututunan nating lumikha ng mga makabagong salita na ginagamit natin upang mas mapadali ang komunikasyon na nagdudulot naman ng ebolusyon. Dalawampu’t dalawang porsyento (22%) naman ang nagsabing dahil sa mga impluwensiya ng mga banyaga sa bansa nagkakaroon ng ebolusyon sa ating wika. Limampu’t isang porsyento (51%) naman ang nagsabing isang salik ang mga OFW kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa wika dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa nakukuha nilang ma-adap ang wikang mga banyaga na nagagamit din nila dito sa Pilipinas. Apatnapu’t siyam na porsyento (49%) ang nagsaad hindi salok ang mga OFW sa pagbabago sa ating wika dahil nagtatrabaho lamang sila doon at napipilitan lamang silang gumamit ng wikang banyaga at patuloy pa rin naman nilang ginagamit ang ating wika.
27
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sa kabuuan ng isang daang porsyento (100%), tatlumpu’t anim (36%) ang nagsabing natututunan nila ang mga makabagong wika sa social media at mga text messages. Dalawampu’t walo (28%) naman ang nagsabing natututunan nila sa mga kaibigan, pamilya, kaklase at ibang mga kaedad na kabataan
ang
makabagong
wika.
Samantalang
dalawampu’t
isang
porsyento ang nagsabing natututunan nila ito dahil sa mga napapanood at nababasang libro samantalang ang natitirang labinglima ay nagsabing natututunan nila ang mga ito dahil sa kanilang mga naririnig sa kalye at ibang pampublikong lugar. Apatnapu’t apat na porsyento (44%) ng mga respondente ang nagsabing isa sa mga epekto ng pagbabago ng wika ay ang pagtangkilik sa mga bagong wika kaya nawawala ang malalim na salita na parte ng kinagisnan nating wika. Tatlumpu’t tatlong porsyento (33%) naman ang nagsabing sa dami ng makabagong salita na nadagdag sa wika natin, minsan ay hindi na tayo nagkakaintindihan dahil lumlawak at nagiging komplikado ang mga salita. Labing anim na porsyento (16%) ang nagsabing ang dating pormal na wika ay nagiging impormal na dahil sa nagiging marahas na ang pagsasalita at nawawala na ang paggalang. At ang natitirang siyam na porsyento (9%) ay nagsabing mas dumadali ang komunikasyon.
28
AMA Cavite Campus Senior High School Department Tatlumpung porsyento (30%) ang nagsabing isa sa mabuting dulot ng pagbabago ay pagkahasa ng pananalita at lumalawak ang bokabolaryo at kaalaman ng mga kabataan dahil sa mga makabagong wika.Dalawampu’t pitong porsyento (27%) naman ang nagsabing mas napapadali ang ating komunikasyon dahil mas pinaikli na ang mga salita. Ang kasagutang, nagsisilbing
patunay
ang
ating
makabagong
wika
na
kayang
makipagsabayan ng wika natin sa pagbabago ng panahon ay nakakuha ng dalawampu’t pitong porsyento (27%)
kapareho ng bahagdan ng
pangalawang sagot. Ang natitirang labing anim na porsyento (16%) ay nagsabing nagsisilbing patunay ang ating makabagong wika na kayang makipagsabayan ng wika natin sa pagbabago ng panahon. Sa buong isang daang porsyento (100%) ng mga respondente, tatlumpu’t pitong porsyento (37%) ang nagsabing ang nagsabing isa sa masamang epekto ay ang pagkakaroon ng di pagkakaintindihan lalo na kapag nakikipag-usap sa mga matatanda.Tatlumpu’t isang porsyento (31%) naman ang nagsabing nasasanay tayong gumamit ng makabagong wika kaya unti-unti na nating nakakalimutan ang ating sarilig wika.Labingwalong porsyento (18%) ang nagsabing ang pagbabago sa ating wika ay nagdulot ng ibang di kaaya-ayang mga salita na nagagamit ng mga kabataan habang ang natitirang labing apat na porsyento (14%) ang nagsabing sa paggamit ng makabagong wika o pananalita, hindi na natin nagagamit o nabibigyang pansin ang ating dating wika. 29
AMA Cavite Campus Senior High School Department Limampu’t isang porsyento (51%) ng mga respondent ang nagsabing sang-ayon sila sa nagaganap na pagbabago sa ating wika sapagkat mas napapadali nito ang ating komunikasyon dahil mas pinaikli na ang mga salita at maraming tao rin ang gumagamit nito sa kasalukuyan kaya madaling magkaintindihan. Apatnapu’t siyam na porsyento (49%) naman ang nagsabing hindi sila sang-ayon sapagkat nasasanay tayong gumamit ng makabagong wika at sa halip na mapagyaman natin ang ating sariling wika ibang lenggwahe natatangkilik natin.
Konklusyon Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng ebolusyon sa wika. Ang pagkakaroon ng ebolusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto. Ang mga epektong ito ay maaring makatutulong sa atin at maari ring magdudulot ng di kaaya-ayang resulta. Bawat
respondante
ay
may
sariling
opinion
ukol
sa
paksang
nakatutulong ba ang ebolusyon ng wika sa panahon ng millenials. Halos lahat ng respondante ay nagsabing nagkakaroon ng ng pagbabago sa ating wika. Isa sa pangumahing pagbabagong napansin nila ay ang pagpapalit ng istruktura, ispelling, anyo at bigkas ng mga salita sa ating wika.
30
AMA Cavite Campus Senior High School Department Dahil dito,marami ang naniniwalang nararapat na pagtuunan ng pansin ang pagbabagong nagaganap.Karamihan ay aminadong gumagamit ng makabagong wika tulad ng jejemon, bekimon at balbal hindi lamang sa social
media
kundi
sa
pakikipagtalastasan
dahil
naniniwala
silang
nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa wika dahil mas napapadali ang komunikasyon at mas madaling maintindihan ang makabagong wika sa kabila ng ebolusyong naganap dito. Ayon din sa mga impormasyon at datos na nakolekta sa isinagawang sarbey ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa senior High ng AMA Cavite, napatunayang may iba’t ibang sanhi o dahilan kung bakit nagkakaroon ng ebolusyon sa ating wika sa kasalukuyang panahon ng millenials. Pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng ebolusyon ay ang modernisasyong nararanasan ng bansa at pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Dahil sa mga ito mas madaling lumaganap ang mga makabagong salita tulad nalang ng paglaganap nito sa social media. Malaking impluwensiya din ang kaibigan, pamilya at social media.
sa
paggamit ng isang tao sa makabagong wika. Pinaniniwalaan ding isang salik ang mga OFW kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa wika. Dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa, nakukuha nilang ma-adap ang mga wikang banyaga na nagagamit din nila dito sa Pilipinas.
31
AMA Cavite Campus Senior High School Department Naipahayag din ng nakalap na datos na may iba’t ibang epekto ang ebolusyong nagaganap sa ating wika. May mga mabuti epekto ang ebolusyon sa wika at may mga masamang epekto ito. Ang pagkakaroon ng di pagkakaintindihan lalo na kapag nakikipag-usap sa mga matatanda at ang pagtangkilik sa mga bagong wika kaya nawawala ang malalim na salita na parte ng kinagisnan nating wika ay halimbawa lang ng masamang epekto ng ebolusyon sa ating wika. Isa sa mabuting dulot naman ng ebolusyon sa wika ay ang pagkahasa ng pananalita at lumalawak ang bokabolaryo at kaalaman ng mga kabataan dahil sa mga makabagong wika Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, napatunayang nakatutulong ang pagbabagong nagaganap sa ating wika ngunit ang pagbabagong ito ay may kaakibat namang di kaaya-ayang resulta hindi lamang sa ating wika kundi pati na sa ating mga Pilipino.
32
AMA Cavite Campus Senior High School Department Rekomendasyon Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos para sa pag-aaral ukol sa Ebolusyon ng Wika sa Panahon ng Millenials, nabuo ng mga mananaliksik ang mga rekomendasyong ito: Mag-aaral Sa .kabila ng pag-usbong ng mga makabagong salita at wika, marapat lamang na patuloy na pahalagahan at linangin ang wikang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno ang wikang Filipino. Upang patuloy na malinang at mapanatili ang dating wikang Filipino, gumawa ng mga hakbang o gawaing nakatutulong upang mas mapayaman at mapaunlad ang sariling wika. Sa mga Guro Patuloy na ituro ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika sa mga estudyante upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman ukol sa ating wika Alamin ang mga angkop na paran upang mas madaling mapaintindi
o
maipaliwanag
sa
mga
mag-aaral
ang
kahalagahan ng patuloy na paggamit ng sariling wika.
33
AMA Cavite Campus Senior High School Department Sasusunod na Mananaliksik Gawing reperensya o gabay ang pananaliksik na ito na ukol sa Ebolusyon ng Wika sa Panahon ng Millenials at kung nakakatulong ba ito o hindi, upang mas mapalawak at mapaintindi sa mambabasa ang dahilan kung bakit isinagawa ang pananaliksik na ito. Palawakin at maglagay ng karagdagang impormasyon upang mas madagdagan ang kaalaman ng mga tao ukol sa paksa.
34
AMA Cavite Campus Senior High School Department Pananaliksik: “Ebolusyon ng Wika sa Panahon ng “Millenials”, nakakatulong nga ba?” Layunin: 1.) Alamin kung ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa ating wika 2.) Malaman ang mga epekto ng pagbabago ng wika sa buhay at kultura ng mga Pilipino 3.) Alamin ang mga sanhi kungbakit nagkakaroon ng ebolusyon sa ating wika. SarbeyQuestionaire Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang napilingsagotsa mga sumusunod na mga tanong.
TANONG
OO
HINDI
1.) May mga napansin ka bang pagbabago sa wika natin noon at ngayon?
2.) Nararapat bang pagtutunan ng pansin ang pagbabagong nagaganap sa ating wika?
35
AMA Cavite Campus Senior High School Department 3.) Sumasang-ayon ka ba sa mga naganap na pagbabago sa ating wika ngayon? 4.) Bilang isang millenial, madalas mo bang gamitin ang mga makabagong wika? 5.) Nakakatulong ba sa iyo ang pagbabago ng wika sa kasalukuyan? 6.) Mas napapadali ba ang komunikasyon ngayon sa kabila ng pagkakaroon ng pagbabago sa ating wika? 7.) Ginagamit mo ba ang jejemon,bekimon, balbal at iba pang makabagong wika sa social media? 8.) Ginagamit mo rin ba ang mga ito sa pakikipagtalastasan? 9.) Madali bang maintindihan ang mga makabagong wika? 10.) Naiimpluwensyahan ba ng kaibigan, pamilya at social media ang paggamit mo ng makabagong wika?
36
AMA Cavite Campus Senior High School Department Interbyu Questionaire Panuto: Panuto: Isulat ang iyong pananaw o sagot sa mga sumusunod na mga tanong.
1.) Ano-ano ang mga pagbabagong napansin mo sa ating wika sa pagdaan ng panahon?
2.) Nakakatulong ba sa atin ang mga pagbabagong nagaganap sa ating wika? Bakit?
3.) Para sayo, ano ang mas mainam gamitin ang wika noon o ang wikang ginagamit ngayon? Bakit?
4.) Bakit nagkakaroon ng ebolusyon o pagbabago sa ating wika?
5). Maituturing bang isang salik ang mga OFW kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa ating wika? Bakit?
37
AMA Cavite Campus Senior High School Department
6.) Saan mo natutunan o nakikita ang mga makabagong wika tulad ng jejemon, bekimon, balbal at iba pa?
7.) Ano ang epekto ng pagbabago ng wika sa ating mga Pilipino pati narin sa wikang Filipino?
8.) Ano-ano ang mabuting dulot ng pagbabago sa ating wika?
9.) Ano-ano naman ang masamang epekto ng mga pagbabagong nagaganap sa ating wika?
10.) Sang-ayon ka ba sa nagaganap na pagbabago sa ating wika ngayon? Bakit?
38