Fil 8 Pasimula Pananapos Na Pagsusulit.docx

  • Uploaded by: RavDv
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Fil 8 Pasimula Pananapos Na Pagsusulit.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,125
  • Pages: 2
Kagawaran ng Edukasyon SINILI INTEGRATED SCHOOL Sinili, Santiago City Taon ng Pagkatuto 2018 - 2019

PANIMULA / PANANAPOS NA PAGSUSULIT FILIPINO 08

PALATANUNGAN I. PAGPIPILI-PILI. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at markahan ang napiling sagot na titik sa sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa nakikita at nasasalamin ang kasaysayan o kalinangan ng isang lahi na kung saan naipakikita ang mga kaugalian, kultura, tradisyon at mithiin nito? A. panitikan B. karunungang-bayan C. patula D. tuluyan 2. Ito’y kwento ng mga hayop at ng mga bata. Ito’y laging may aral na napupulot. Ang layunin nito’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring nakahuhubog ng kanilang ugali, kilos at isipan. A. pabula B. alamat C. parabula D. epiko 3. Ito’y isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway. Nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di kapani-paniwalang pangyayari. A. alamat B. pabula C. epiko D. parabula 4. Isang uri ng tuluyang ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang at hindi totoo tunay na buhay. Karaniwan na ang paksay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, kalagayan, pook at katawagan. A. pabula B. epiko C. alamat D. parabula 5. Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na umusbong o lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo at ginagamit bilang aral sa buhay? A. panitikan B. karunungang-bayan C. bugtong D. sawikain 6. Isang uri ito ng karunungang-bayan na tumutukoy at naglalarawan ng kilos, ugali at gawi ng isang tao. A. bugtong B. sawikain C. salawikain D. kasabihan 7. Ito’y karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma na naglalarawan ng mga aral at mensaheng maaaring magsilbing gabay o patnubay sa buhay. A. sawikain B. salawikain C. kasabihan D. bugtong 8. Paraan ito ng pagsasalita na gumagamit ng idyomatiko, eupemistiko o patayutay upang hindi gumamit ng mararahas na salita at maiwasang makasakit ng loob. A. salawikain B. sawikain C. Kasabihan D. karunungang-bayan 9. Ano ang tawag sa larong isip na panlibangan kung saan kailangang hulaan ang bagay na inilalarawan? A. bulong B. bugtong C. balagtasan D. duplo 10. Ano ang tawag sa paghahambing na ginagamit kung ang dalawang pinaghahambingan ay may magkaibang katangian? A. pahambing na pasahol C. pahambing na palamang B. pahambing na magkatulad D. pahambing na di-magkatulad 11. Sino ang bayaning may akda ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa?” A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal B. Apolinario Mabini D. Emilio Jacinto 12. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku sa bansa? A. Katutubo B. Espanyol C. Hapon D. Amerikano 13. Saang bisyo nakasentro ang dulaang “Sa Pula, Sa Puti” ni Rogelio Sicat? A. paninigarilyo B. alak C. sabong D. wala sa nabanggit 14. Ano ang uri ng tulang lumaganap sa panahon ng Hapon na kaiba sa haiku na may sukat at tugma na binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod? A. haiku B. tanaga C. korido D. batutian 15. Ano ang mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa, pangyayaring karaniwang sadya o di-sadya, at karanasan o damdamin? A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay D. Panlarawan 16. Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos? A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo D. Aspekto 17. Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad na ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang? A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo D. Aspekto 18. Ano ang isang paglalahad na sariling opinyon o kuru-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa? A. Balagtasan B. Dula C. Sanaysay D. Sarsuwela 19. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita ukol sa tindi ng emosyon mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamasidhing kahulugang ipinahihiwatig? A. Aspekto B. Baybay C. Klino D. Diin

1

20. Ano ang isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo na ginagamit ng sukat at tugma? A. maikling kwento B. sanaysay C. sarsuwela D. tula 21. Ano ang tawag sa bilang ng mga pantig sa bawat taludod ng saknong? A. sukat B. tugma C. talinghaga D. simbolismo 22. Aling elemento ng tula ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng panghuling salita? A. sukat B. tugma C. talinghaga D. simbolismo 23. Ano ang isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian nito? A. panonood B. pagrerebyu C. pagbubuod D. pakikinig 24. Anong elemento ang paksa ng pelikula na siya ring diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula? A. kuwento B. tema C. dayalogo D. cinematography 25. Ano ang nagsisilbing panghatak ng pelikula na siyang naghahatid ng pinakamensahe nito? A. pamagat B. tauhan C. dayalogo D. editing 26. Ano ang inilalagay sa hulihan ng pangungusap na nagpapalinaw ng pagpapahayag? A. anekdota B. bantas C. simbolo D. panipi 27. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamitan ng gitling? A. pagsulat ng oras na may “ika” C. pagsaklaw ng panahon B. kasunod ng “de” at “di” D. kumpletong adres 28. Aling bantas ang nasa pagitan ng araw at taon sa pagsulat ng kumpletong petsa? A. tuldok B. gitling C. kuwit D. kolon 29. Ano ang simbolo ng panipi? A. --B. “ “ C. ( ) D. * 30. Aling bantas ang ginagamit sa hulihan ng bating pambungad ng pormal na liham? A. kolon B. semicolon C. gatlang D. kuwit II. TALASALITAAN. Talasalitaan – Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan sa pangungusap. Markahan sa sagutang papel ang pinakamalapit na sagot. 31. Alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga panabong na ito dahil sila ang magdadala sa atin ng grasya. A. salapi B. biyaya C. salagin D. hinala 32. Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lamang ay nagmamadali. A. salagin B. balikan C. pagpaumanhin D. hinala 33. Huwag mo na sanang ungkatin ang nakaraan. A. salagin B. hinala C. pagpaumanhin D. balikan 34. Ang lahat ng tinali ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. A. salapi B. biyaya C. salagin D. panabong na manok 35. Wala kang ibang ginawa kundi himasin ang mga manok mong panabong. A. haplusin B. hinala C. pagpaumanhin D. balikan 36. Matinding kalumbayan ang sinapit niya nang siya ay iwan ng iniibig. Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan? A. ligaya B. suwerte C. kalungkutan D. malas 37. Bukambibig sa maraming dako ang kahusayan ng makata sa pagtula. A. pinagsawaan B. ipinagtanong C. pinag-uusapan D. dinudumog 38. Maraming talisuyo ang dalagang maganda na’y mahinhin pa. A. kakilala B. kasintahan C. kaibigan D. mangingibig 39. Hindi dapat maging hadlang sa pagsulong ang karalitaan. A. hindi pag-aaral B. karuwagan C. pagiging dukha D. pagkamahiyain 40. Dapat parusahan ang mga taong nagpapakita ng kaliluhan sa bayan. A. paghamak B. pagtataksil C. paninisi D. pagsuway sa batas

Iniibig ng Tagumpay ang matinding Preparasyon!  - rdv06082018

2

Related Documents

Fil Handouts
May 2020 21
Fil-etika.pdf
June 2020 26
Fil Antica
April 2020 34
Fil-thesis.docx
May 2020 45

More Documents from "Jhon Azrael"