Esp 9 1stquarter.docx

  • Uploaded by: Magamay Nhs
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Esp 9 1stquarter.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 858
  • Pages: 3
Department of Education Region VI-Western Visayas Schools Division of Guimaras District of Nueva Valencia North SIMEON J. JABASA NATIONAL HIGH SCHOOL (Magamay National High School) Magamay, Nueva Valencia Guimaras

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT Edukasyon sa Pagpapahalaga 9 AY 2018-2019 PAALALA: BE HONEST! Huwag ka nang lumingon pa sa iba, kung ang sagot sa mga katunungan mo ay hawak mo na. PANUTO: Basahing mabuti at mga katanungan at piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang inyong kasagutan sa inyong papel. 1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? A. kapayapaan

C. katiwasayan

B. kabutihang panlahat

D. kasaganahan

2. Ano ang kabutihang panlahat? A. Kabutihan ng lahat ng tao B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan D. Kabutihan lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito 3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang tao ay isang sosyal? A. Si Kwed na may magagarang kotse at bahay. B. Si Adrian na may bagong Huawei Nova na nagkakahalaga ng P25,000.00. C. Si Edniel na may isang kwartong koleksiyon ng sapatos. D. Si John Loyd kasama ang mga barkada na naghahalubilo at nagkakasiyahan. 4. Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang lipon na nangangahulugang _______. A. piraso

C. buo

B. pangkat

D. barkada

5. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng Kabutihang Panlahat maliban sa ________. A. Kapayapaan

C. Paggalang sa indibidwal na tao

B. Indibidwalismo

D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlahat

6. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil ito ay mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao B. Tama, dahil ito ay inilalaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas

Inihanda ni: Bb. Donna May G. Ganancial

1|Page

C. Mali, dahil sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkapantay-pantay masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantaypantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat 7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ihambing sa lipunan? A. Pamilya

C. Organisasyon

B. Barkadahan

D. Magkasintahan

8. Sa isang lipunang pampolitika, sino ang kinikilala bilang boss? A. Si Lorence na isang opisyal ng barangay. B. Si Vincent na isang ordinaryong mamamayan. C. Si Rodley na isang lider ng simbahan D. Ang lahat ng nabanggit ay boss sa lipunang pampolitika. 9. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin isang pamayanan? A. kultura

C. batas

B. relihiyon

D. organisasyon

10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Prinsipyo ng Subsidiarity? A. Si Rona Fe ay isang doktor na nagbabayad ng buwis bawat buwan. B. Si Monlei na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil kapos sa pera. C. Si Shaira na nakatanggap ng scholarship mula sa gobyerno. D. Si Josh na mabait at masipag mag-aaral. 11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Prinsipyo ng Pagkakaisa? A. Si Crystal na hinihikayat ang mga barkada na mag clean up drive sa gilid ng kalsada. B. Ang palaging pagbayad ng gurong si Elaine ng buwis para sa ekonomiya ng Pilipinas. C. Ang paggawa ng `Gulayan sa Baranggay' ng mga taga Baranggay Courtesy. D. Lahat ay tama. 12. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na "ang tao ay pantay-pantay"? A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman. B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari. C. Lahat ay iisa ang mithiin D. Likha ang lahat ng Diyos 13. "Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman." Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? A. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa hilig niya. B. Naipakilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa. C. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin. D. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.

Inihanda ni: Bb. Donna May G. Ganancial

2|Page

14. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba: A. Iba't iba tayo ng mga kakayahan. B. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin. C. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa. D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba. 15. Bakit kusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakakarami? A. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa. B. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain. C. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin. D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon. 16. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong: A. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan. B. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro. C. Paglalahad ng isang panig ng usapin. D. Pagbanggit ng maliliit na detalye.

Para sa bilang 17-25, sagutan ang mga sumusunod. (17-20) Gaano kahalaga ang media para sa iyo bilang studyante at mamamayan ng ating bansa?

(21-25) Gaano kahalaga ang simbahan para sa iyo bilang studyante at mamamayan ng ating bansa?

--WAKAS--

Be fearless in the pursuit Of what sets your soul on fire.

Inihanda ni: Bb. Donna May G. Ganancial

3|Page

Related Documents

Esp 9 1stquarter.docx
December 2019 8
Recuperacion Esp 9 2008
December 2019 1
Esp
October 2019 61
Ciot2003 Esp
November 2019 45
Ergonomi Esp
November 2019 37

More Documents from ""