Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha
Alamin Natin
Ang buhay na handog sa atin ang pinakamahalagang regalong kaloob ng Diyos. Ibig ng Diyos gamitin natin ito sa tamang paraan sa ating kapwa sa ganitong paraan higit kaninoman Siya ang nasisiyahan kapag gumagawa tayo ng mabuti sa kapwa. Patunay lamang na ibig ng Diyos na ating ibahagi ang buhay para sa ibang , pananagutan nating mahalin , igalang, at pahalagahan ang bubhay ng bawat isa.Paano natin ito gagawin?
Suriin ang larawan sa ibaba
1. Ano ang ipinakikita sa larawan? 2. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kanila? Patunayan 3. Bakit dapat mong pahalagahan ang mga likha ng Diyos ,lalo na ang ating kapwa?
Isagawa Natin Sa iyong kwaderno sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa angkop na hanay .
Ako ba ay...... 1.Tinutukso ko ang aking kaklase 2.Pinipintasan ang pananamit na iba 3.Tinatawag ang kapwa tao gamit ang kanilang pangalan
Madalas
Minsan
Hindi
Madalas
4. Nakikinig sa opinyon ng iba 5. Nagtatakip ng bibig kapag umuubo, bumabahin, o naghihikab
6. Nagpapasalamat sa taong pumupuri
Minsan
Hindi
7.Humihingi n g tawad kapg nakagawa ng pagkakamali 8.Ibinibigay ang upuan sa mga matatanda 9. Nakikinig na mbuti kapag may nagsasalita 10. Nagsasabi ng totoo kahit masaktan ka
Madalas
Minsan
Hindi
Sagutin ang mga tanong: 1. Batay sa mga sagot, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili? 2. Masaya ka ba sa iyong natuklasan? 3. Kung madalas mong ginagawa ang mali, ano kaya ang magiging epekto nito sa pakikipagugnayan mo sa kapwa?
4. Sa mabubuting bagay na minsan mo lang ginagawa, ano kaya ang maaari mong gawin?Bakit? 5. Kung hindi mo ginagawa ang nararapat mong gawin, ano kaya ang maaaring maging bunga nito sa iyo sa pakikitungo mo sa kapwa?
Isapuso Natin Gumupit ng puso sa bond paper. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na iyong iginalang at piunahalagahan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila. Sa kabilang bahagi ng puso isulat ang ginawa mo sa taong binigyan mo ng pagpapahalaga
Isabuhay Natin Pagpapangkat ng magaaral. Bawat pangkat ay magpapakita ng role play o maikling dula dulaan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa. Pangkat I- Pagtulong sa Matatanda Pangkat II-Pagtulong sa may Kapansanan Pangkat III- Pagtulong sa mga Bata Pangkat IV- Pagtulong sa Barangay
Subukin Natin Gumawa ng isang talata na binubuo ng 5 pangungusap na tumatalakay sa pagtulong sa kapwa tanda ng pasasalamat sa Diyos.
Salamat sa Pakikinig….