Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Yunit 4 Week 6
Layunin:Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos (EsP5PD - IVe-i - 15)
Unang Araw
Balik-aral: Paano mo pangangalagaan ang buhay na kaloob sa atin ng Lumikha?
Ang paggawa ng kabutihan ay isang paraan ng pasasalamat sa Diyos. Alamin Natin
Mag-isip tayo: Isa, Dalawa, Tatlo... Buuin ang kaisipan sa pamamagitan ng paglalagay ng titik sa kahon sa ibabaw ng bilang. Gamitin ang alpabetong may katumbas na bilang sa ibaba upang mabuo ang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
A B C DE F GHI J K L M 1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
N O P Q R S T U V WX Y Z 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
9
11
14
7
16
1
11
9
7
1
2
14
1
12
21
12
4
9
25
15
19
7
1
23
1
21
20
9
21
8
7
15
4
1
14
7
14
7
1
14
Paano mo maipapakita ang kabutihan mo sa iyong kapwa?
Pagtataya: Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng iba’tibang sagot. Magkaroon ng talakayan sa sagot ng mga magaaral.
1.Ano ang iyong nabuong kaisipan? 2.Sumasang-ayon ka ba sa nabuong kaisipan? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3.Magtala ng mga kabutihang gawain mo bilang isang magaaral.
Ikalawang Araw
Balik-aral: Naniniwala ba kayo na kinalulugdan ng Diyos kapag tayo ay gumagawa ng mabuti?
Pagganyak:Magpakita ng larawan na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa.
Ano ang iyong masasabi sa larawan?
Pag-araan at suriin ang islogan.
Ang paggawa ng mabuti ay kinalulugdan, Ng Diyos na dapat nating pasalamatan.
Anong kaisipan ang ipinapakita ng islogann? Sumasang-ayon ka ba sa islogan? Bakit?
Paglalapat: Sa araw araw ng ating buhay, napakahalaga na tayo ay mabuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos kaya nararapat lang na tato ay gumaga ng mabuti sa ating kapwa.
Isagawa Natin
Ipaliwanag sa maikling talata ang islogan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ikatlong Araw
Balik-aral: Magbigay ng halimbawa ng kabutihan na kinalulugdan ng Diyos.
Ipaliwanag ang ipinapakita ng nasa larawan.
Sa iyong palagay, ang paggalang o pagbibigay ban g respeto sa nakatatanda ay isa din sa gawaing kalulugdan ng Diyos?
Magbigay pa ng ibang halimbawa na nagpapakita ng pasasalamat sa Maykapal.
Pangkatin ang klase. Hayaan silang magsadula ng duladulaan na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa.
Paglalapat: Paano mo ipapakita ang pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan?
Tandaan Natin: Ang pagsunod at paggalang sa nakatatanda, pagrespeto at paggawa ng kabutihan sa kapwa ay isang magandang gawain para sa kabataang tulad mo. Ang paggawa ng mabuti ay ikinalulugod ng Diyos. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Kanya.
Isapuso Natin
Sa bond paper, magpagawa ng isang simpleng tula tungkol sa pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan. _______________
_____________________________
_____________________________ __________________________________________________________
Ikaapat na Araw
Balik-aral: Ano ang inyong natutuhan mula sa mga tulang nabuo ninyo kahapon?
Muling tumawag ng magaaral upang basahin ng may damdamin ang tulang nagawa kahapon.
Paano mo maipapakita ang kabutihan sa mga nasalanta ng bagyo?
Pasulatin ang mga mag-aaral ng maikling sanaysay tungkol sa kanilang saloobin sa nagdaang lindol sa Surigao City. Ano ang maaari mong gawin upang kalugdan ka ng Diyos?
Isabuhay Natin
Pangkatang Gawain Bumuo ng tatlong pangkat. Kayo ay magkakaroon ng lima hanggang sampung minuto upang pag-usapan sa bawat pangkat ang mga sitwasyong igagawa ng dula-dulaan. Pumili ng lider na siyang magpapadaloy ng talakayan sa pangkat.
Pangkat 1 - Paggawa ng kabutihan sa loob ng silidaralan. Pangkat 2 - Paggawa ng kabutihan sa pamilya. Pangkat 3 - Paggawa ng kabutihan sa mga kaibigan.
Ikalimang Araw
Balik-aral: Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kahit saan mang dako ng mundo?
Magpanood ng maikling video clip tungkol sa“ANG PAGTULONG SA KAPWA” https://www.youtube.co m/watch?v=qopg54dKjdo
Ano ang iyong natutuhan sa iyong napanood? Kaya mo rin bang gawin ang katulad ng ipinakitang pagtulong sa video?
Paglalapat: Ang lahat ng kabutihang ating ginagawa sa ating kapwa ay hini lingid ito sa ating Maykapal. Ang lahat ng ito ay kanyang nakikita at tayo ay kinalulugdan Niya, kaya’t patuloy lamang natin gawin ang nararapat para sa ating kapwa.
Subukin Natin
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Natin sa pamamagitan ng paglalagay ng √ kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggawa ng kabutihan at × kung hindi. _____ 1. Pagbibigay ng tulong sa mga nasunugan ng tirahan.
_____2. Magpahiram ng gamit sa taong nangangailangan ngunit walang pambili. _____ 3. Pagtatapon ng basura sa harap ng bahay ng kapitbahay. _____ 4. Hindi pagsasabi ng totoo. _____ 5. Paggalang sa opinyon ng iba.