ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
KABANATA I Ang Suliranin at Kaligiran nito
Panimula Ang K-12 Program ay sinumulang ipatupad ng pamahalaan noong taong panuruang 2012 na nag lalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa sa buong asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon na Basic Education kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon ang K to12 curriculum. Sa programang ito, ginagawang madatory ang pag pasok ng mga batang kindergarten, nagkakaroon din ng Junior Highschool (grade 7-10) at Senior High School (grade 11-12) nag lalayong tulungan ang ating kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa buong asya, kung hindi sa buong mundo.
Isa sa mga layunin nito ay mas ihanda ang mga kabataan sa pag tatrabaho kapag sila ay nakapag tapos na sa Senior High School makakakuha na sila ng Certificate of Compentency Level 1
na igagawa ng Tesda. Mag sisilbi itong
pasaporte para makapag trabaho na sila, magandang balita ito lalo na sa mga kabataang walang pantustos sa kolehiyo para kay dating Pangulong Benigno Aquino III ang K-12 ay ang pag bibigay ng Basic Competencies na kailangan upang makapag trabaho ang mga kabataan, kahit Senior High School pa M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
lamang ay maari ng makakuha ng Certificate of Compentency Level 1 basta mapunan ang mga kinakailangang papeles ng tesda at kapag nakapag tapos na ng Senior High School ay maari na silang makapag trabaho.Sa kasalukuyan, maraming tao ang nag tatanong kung ano na nga ba ang estado ng mga indibidwal na estudyante sa kanilang pag aaral malaki ba ang naidagdag ng kurikulum na ito sa kani kanilang kaalaman, pisikal, mentalidad at sosyal na aspeto. Layunin Ang pag aaral na ito ay nag lalayong maipabatid sa mga indibidwal na mambabasa tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga Senior High sa makabagong kurikulum at nag lalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano-ano ang mga kasalukuyang kalagayan ng mga Senior High sa loob ng sampung buwan? 2. Ano-ano ang pangunahing problemang kinakaharap nila sa pang araw araw? 3. Ano-ano ang mga epekto sa kanilang akademikong pag ganap? 4. Magiging maganda kaya ang epekto nito sa kanilang pamumuhay? 5. Naging epektibo ba ito para mapa unlad ang kanilang sarili?
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang mga datos at impormasyong inilalahad dito sapagkat ito ay nakakatulong sa mga estudyanteng papasok pa lamang sa Senior High School sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay malalaman din ng mga esdudyanteng papasok pa lamang sa Senior High School kung saan at sa anong asignatura sila mahihirapan upang sa gayon mapag handaan na nila ang mga nasabing suliranin. Ang mga mananaliksik ay buong lakas at buong pusong isinagawa ang pag aaral na ito upang makapagbigay bahagi sa mga mambabasa kung anong suliranin ang kinakaharap ng isang mag aaral.
Saklaw at Limitasyon Ang panananaliksik na ito ay nakatuon sa kalagayan ng mga mag aaral sa Senior High School. Saklaw nito ang mga estudyante sa ika-labing dalawang baitang ng Senior High School sa ICCT College Main Campus Cainta Rizal. Nililimitahan ang pag aaral na ito sa mga mag aaral ng ika-labing dalawang baitang ng Senior High School mula sa ICCT. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay kinakailangang mag karon ng ganitong pag aaral upang mag karoon ng sanggunian at masagot ang mga katanungan at makapag bigay ng karagdagang impormasyon at kaalaman sa mga susunod pang pananaliksik.
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
KABANATA II Mga Kaugnay na Pag aaral at Literatura
Kaugnay na Pag-aaral Ang edukasyon isang mahalagang yugto ng buhay ng isang tao kung saan ang bawat mag aaral ay natututong sumulat at bumasa. Ito ang nag sisilbing gabay sa bawat mag aaral sa mga daang kanilang tatahakin tumatayo rin ito bilang pundasyon ng bawat kabataan upang makamtan ang kanilang mga hangarin sa buhay.sa buong asya pilipinas na lamang ang tanging bansa na nag tataglay ng sampung taong paunang edukasyon o tinatawag na “Basic Education” bago pa ipatupad ang bagong kurikulum ayon sa nakalap na mga impormasyon ng “Department of Education”
Ayon sa pag aaral ni (Braza, 2014) layunin nito na malaman at matuklasan ang mga problema at mga solusyon ng mga guro sa ikapitong baitang sa sekondarya, ang pag papatupad ng programang “K to 12” sa kanyang pag aaral sinasabi na ang mga nakapag tapos ng pag aaral, makalipas ang sampung taon ay napansin nag marami. Sinasabi rito na ang edukasyon sa pilipinas ay lubha ng napag iwanan ng iba pang bansa na nakapaligid dito. Ipinatupad programang “K to 12” upang mas maipataas ang kalidad ng pangunahing pamamaraan ng pag aaral sa ating bansa ngunit ang pangunahing problema na nakita ng mga Pilipino
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
ay kakulangan sa pera upang matustusan ang dalawang taon na dagdag sa edukasyon ng mga Pilipino. Ayon sa pahayag ng dating Pangulong Benigno Aquino III, nag laan ang gobyerno ng sapat na pera o “voucher” upang matustusan ang mga nag aaral sa kanilang pangangailangan sa pag aaral ng “k to 12” ng mga estudyante.
Ayon kay Eloisa R. Membre sa kanyang pananaliksik patungkol sa epekto ng k to 12 sa mga estudyante, ang programang K to 12 ay masyadong negatibong epekto sa mga estudyante. Kung titingnan napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naangkop ang pag papatupad nito hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil dito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pag tutok sa pag aaral ng mga bata ng kanilang magulang may mga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patumpalak sa ibang bansa.
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
(pasion, 2012) ang K to 12 na programa ng Administrasyong Aquino na nag lalayong solusyunan daw ang matagal ng problema sa Edukasyon pero umani ito ng batikos. Base sa programa magiging mandatory ang Kindergarten, mag kakaron ng anim na taon sa Elementarya (grade 1 hangggang 6) apat na taon sa Junior High School (grade 7 hanggang 10 ) at dalawang taon sa Senior High School (11 hanggang 12) subalit ayon sa kabataan Partylist, hindi sagot bumababang kalidad ng edukasyon sa pag lobo ng bilang nga mga out of school youth o ang mga kabataang hindi nakapag aaral maging ang kawalan ng trabaho sa bansa ang hakbang sa pag pag dagdag ng taon sa batayang edukasyon.
(trillanes, 2012) sinabi ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na lalong lalala ang Drop out rate at tataas ang halaga ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng programang Enhanced Kindergarten to grade 12 K to 12 ng Department of Education (DepEd) nanindigan ang senador na ang K to 12 na ipinatupad ng DepEd ay hindi praktikal na solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa pilipinas.
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
Ang programang ito ng DepEd ay hindi lamang nangangahulugan ng karagdagang gastos sa gobyerno kundi maging sa mga magulang na hirap ng maka agapay sa patuloy na pag taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bawat 100 na mag aaral sa grade 1 43 lamang ang nakakapag tapos ng highschool at 14 ang nakakapag tapos ng kolehiyo ani ni trillanes “kung ating isasaalang alang ang kasalukuyang estado ng ekonomiya hindi mo kinakailangan ng maging genius para makita na ang drop out rate ay lalo lamang tataas kung ipapatulad ang dawalang taong dagdag sa School Curriculum”
Ayon kay Trillanes base sa kamakailang pag aaral na ginawa ni Former Education Deputy Minister Abraham Felipe at ni Dr. Carolina Porio na walang kaugnayan ang bilang ng taon ng pag aaral sa pang kalahatang kalidad ng edukasyon sa madaling sabi hindi nakalulutas ng krisis sa sistema ng edukasyon ang programa kung hindi nag tatawid pa ito sa mas malaking suliranin na siyang dapat tutukan hindi lamang ng mga edukador maging ng mga mag aaral, guro at mga magulang na direktang maapektuhan nito. Ang dagdag taong ito sa pag aaral ay panibagong suliraning kinakaharap ng mga magulang lalo pa at sumasabay din ang pag taas ng mga bilihin at mababang prayoridad ng pamahalaan sa batayang serbisyo.
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
Mga Kaugnay na Literatura Ayon sa balita (2018) muling ipinahayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Batolis Briones na pangunahing layunin ng programang K to12 ang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa at “ not solely “ to provide immediate jobs for its graduates.” Sinabi ni Briones na mas mabibigyan ng opsyon at oportunindad ang mga estudyante upang mapa unlad ang kanilang edukasyon at kalidad ng pamumuhay sinabi ni Assistant Secretary Nepomuceno Malalauan na ang programang K to 12 sa ikatlong implementasyon ay nasa magang posisyon na kung ikokonsidera ang mga iprastraktura, materyales at pag sasanay ng mga guro ayon kay malaluan, batay sa mga pinaka huling sarbey ipinakitaang mga mapababa ng K to 12 ng ang porsyento ng drop out sa high school, tinatayang 2,813milyon ang papasok sa grade 11 at 12 para sa School Year 2018 hanggang 2019.
Ayon naman sa ABS-CBN news (2018) nangangamba nag isang malaking business group na hilaw pa sa karanasang makatulong sa pag tatrabaho ang ilang mag tatapos sa K to12 Program ang pinalawig na Basic Education System ng Department of Education.Ibinasura ng Korte Suprema (sc) ang mga petisyon ng mga paaralan, guro at mga mambabatas laban sa pag papatupad ng K to 12 Program sa pilipinas. Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Benjamin Caguioa at inilabas noong Nobyembre sinabi ng Korte Suprema na “conditional”
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
o hindi labag sa saligang batas ang Republic Act 105330 ang Enhanced Basic Education Act of 2018 at ang RA 10157. Kindergarten Education Act.
Ibinasura rin ang mga paratang na lumalabas saligang batas ang program na gawing “sapilitan” ang pag pasok sa mga estudyante sa kindergarten at Senior High School at mag daragdag pa umano ng obligasyon sa mga magulang at estudyante. Pinalawig ng programa ang Basic Education Program sa required na Kindergarten at 12 taon mula 10 taon na Basic Education Cycle. “The enactment of Education Laws, including the K to 12 Law ang the Kindergarten Education Act, their repective of the stats police power. The state has an interest in prescribing regulation to promote the Education ang the general welfare of the people” ayon sa korte. Paliwanag pa ng korte bilang isang batas ay may “presumption of constitutionality” ang K to 12 Program at ipahihinto lamang ito kung mapapatunayang ilegal o nag karoon ng Grave Abuse of Discretion sa panig ng mga gumawa hindi rin nila napatunayan ng mga petitioners na may abusong naganap sa pag arangkada ng discretion sa panig ng mga gumawa hindi rin nila mapatunayan ng mga petitioners na may abusong naganap sa pag arangkada ng programa. Tinanggal narin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas nito noong 2015 na nag patigil sa memorandum no.20 ng Commission of Higher Education na nag tatanggal sa mga Subjects na Filipino at
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
panitikan sa score courses sa kolehiyo. Nilagdaan ni Dating Pangulong Benigno Aquino III bilang ganap na batas ang RA 10533 noong 2013, pinalawig ang 10 taong Basic Education Cycle sa 12 taon. Layon din nitong ihanda ang mga Highschool Graduate sa pag sabak sa kolehiyo o para makakuha ng trabaho bagay na tinululan ng ilang grupo dahil sa umanoy kakulangan sa pag hahanda sa programa.
Sinabi ni Briones noong 2017 na may mga hamon na kailangang matugunan tungol sa pag papatupad ng K to12 lalo na sa SHS tiniyak ni Briones na sila ay nag susumikap upang matiyak na ang mga ito ay maasikaso bago mag simula ang bagong taon ng paaraln, patuloy pa rin nilang sinusubaybayan ang katayuan ng pagiging handang nga mga paaralan.dalawang linggo bago ang pag bubukas noong 2017
pinahayag ni Briones na isa pang press confrence ang isasagawa ng DepEdp upang ihayag ang “tunay na katayuan ng mga paaralan” lalo na ang mga nag aalok ng SHS. Sa simula sinabi ni Briones na mayroon paring maraming mapag kukunan tulad ng mga silid aralan at mga guro na dapat itanong ng DepEd. “ Mayroon ding mga kakulangan na hindi sa ilalim ng DepEd at mga lugar na problema na hindi nakasalalay sa ating reposibilidad tulad ng mga kalsada at tulay M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
ngunit kailangan natin tugunan ang mga ito. Upang matiyak ang patuloy na pag papatupad ng programa ng SHS sa ilalim ng K to12 sa taong ito tatanggapin ng DepEd ang 33,00 na guro upang ituro mag turo sa estudyante sa grade 11 at grade 12 bukod sa mga item para sa mga guro ng SHS, tatanggap din ang DepEd ng mga 20,000 para sa kinder, elementarya ang Junior High School mag kakaron din ng 13,000 non teaching items.
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
KABANATA III Disenyo at paraan ng pananaliksik
A.Disensyo ng Pananaliksik Ang pag aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng mapaparaang deskriptib analitik na pananaliksik masusi at itinangkang ilarawan at sinuri ng mga mananaliksik ang kaalaman at pananaw ng mga mag aaral sa kalagayan ng kanilang edukasyon sa napapanahong “K to 12 curriculum”
B. Mga Respondante Ang mga napiling repondante sa pag aaral na ito ay ang mga mag aaral ng Grade 12 Senior High ng ICCT College Caint Main Campus ang mga repondante ay mayroong apat na grupo. Labing dalawa (12) ay mula sa ABM labing – dalawa (12) sa GAS, labing-apat sa (14) sa stem at labing dalawa (12) sa HUMMS upang mag karoon ng pantay na representasyon ng bawat grupo gumamit ng “random sampling” ang mga mananaliksik pansinin ang kasunod na talahanayan.
ABM
GAS
HUMMS
STEM
KABUUAN
12
12
14
50
ICCT COLLEGES 12
M-19
ICCT Colleges Foundation Inc. v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal
C.Instrumento ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey kwestyoner upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga senior high sa loob ng sampung buwan. Ipang lalong madagdagan ang kaalam tungkol sa nasabingpaksa ay nag interbyu at nasagawa ng sarbey ang mga mananaliksik sa mga estudyante ng senior high nangalap din ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa TV , Thesis at dyaryo upang mas patibayin ang ginawang pamanahong papel
D.Tritment ng mga Datos Ang pamanahong papel na ito ay ginawa ng isang grupo ng mga mananaliksik na estudyante upang matamo ang mga wastong sagot sa mga datos at pag sasaliksik na ginawa sa pamamagitan ng masinsinan at masidhing pag susuri ng kompleks na istatistika tanging pag tatally at pag kuha nga mga porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.
M-19