Emcee Script.docx

  • Uploaded by: Khristelle Kaye Floralde Polo
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Emcee Script.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,251
  • Pages: 4
Sa aming mga minamahal na mga magulang, estudyante at panauhin. Nais po naming ipaalala na sa ilang sandali po ay magsisimula na ang palatuntunan. Mangyaring lang po na bumalik na po kayo sainyong upuan. (Panimula) Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat at MABUHAY! Sa araw pong ito ay ating masasaksihan ang ika-tatlumpu’t anim taunang palatuntunan ng Pagtatapos sa Paaralan ng San Agustin Day Care Center na may paksang: “Isulong tamang pag-aaruga para sa lahat ng bata.” Malugod po naming ipinababatid na sa mahalagang pagdiriwang na ito ay makakapiling natin ang ating mga kinatawan ng Barangay San Agustin na pinamumunuan ng ating kagalang- galang na Punong Barangay na si Ginoong Inocencio G. Llaneta at ang kanyang mga Kagawad na sina Kagawad Teresita Balderama, Kagawad Arvin Sanchez, Kagawad Romel Fulgar, Kagawad Francisco Tordillos, Kagawad Amy Balaoro, Kagawad Rolly Morco at Kagawad Jojit Funa. Kabilang ang Sekretarya ng Barangay San Agustin na si Myra D. Gamba at ang ating taga-ingat yaman na si Analyn E. Fusana. Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan. (Pagpasok ng mga Magsisipagtapos) Simulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga magsisipagtapos, mga magulang, at mga panauhin. Masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan kasama ang kanilang mga magulang, kasunod ang mga batang magsisipagtapos sa ilalim ng pamamatnubay ng ating butihing guro na si Binibining Danelle P. Gallanosa.

(PRAYER) Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang lahat po ay iniaanyayahan na tumayo at damhin ang panalangin bilang simbolo ng pakikipag usap sa ating Maykapal.

(PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM) Manatili lamang po na tumayo tayo para sa pag- awit ng ating Pambansang Awit ng Pilipinas na pangungunahan ng ating guro na si Binibining Danelle P. Gallanosa.

(WELCOME ADDRESS) Sa pagkakataong ito, ikinararangal ko pong ipakilala sainyo ang magbibigay ng kanyang mensahe bilang pambungad na pananalita. Mga minamahal kong mga magulang at panauhin, ating pakinggan at pasalubungan po natin ng isang napakalakas na palakpakan ang ating minamahal at kinatawan ng Barangay San Agustin, ang ating Punong Barangay na walang iba kundi si Ginoong Inocencio G. Llaneta. (END OF WELCOME ADDRESS) Maraming Salamat po Ginoong Llaneta. (POEM) Ngayon ay ating masasaksihan ang tulang patungkol sa kahalagahan ng Edukasyon na pinamagatang: EDUKASYON AKING KARAPATAN na itatanghal ng ating mag- aaral na si John Michael A. Gracilla. Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan. (END OF POEM) Maraming Salamat. John Michael.

(SPECIAL MESSAGE) Para sa susunod na magbibigay ng isang napakahalagang mensahe sa hapong ito. Bigyan natin ng isang malakas na palakpakan ang ating Barangay Kagawad na si Ginoong Arvin Sanchez. (END OF SPECIAL MESSAGE) Maraming Salamat po, Ginoong Sanchez sa pagbabahagi ng isang napakahalagang aral na kanilang magagamit para maipagpatuloy ang laban ng buhay na kanilang tatahakin.

(DANCE NUMBER)- Baby Shark Tayo naman ay hahandugan ng isang pangkatang sayaw na pinamumunuan ng ating tagapagsanay na si Binibining Danelle P. Gallanosa. (END OF DANCE NUMBER) Maraming Salamat sainyo mga bata sa isang napakaganda at napakabibong pangkatang sayaw. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.

(POEM) Samantala, dumako naman tayo sa isang pagtatanghal ng tula. Ito ay pinamagatang: AKO AY MALINIS na ipapayahag ng aming mag- aaral na si Princess Ann H. Enano. Bigyan natin siya ng isang malakas na palakpakan. (END OF POEM) Maraming Salamat, Princess.

(SONG NUMBER) Ngayon ay hahandugan tayo ng isang napakagandang awitin na galing sa aming mag- aaral na si Mich Jancean E. Barcelo. Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan. (END OF SONG NUMBER) Maraming Salamat, Mich sa pagbahagi ng iyong talento.

(INSPIRATIONAL MESSAGE) Sa sandaling ito ay matutunghayan at mapapakinggan natin ang pagbahagi ng kanyang napapanahunang mensahe sa araw na ito. Bigyan natin ng isang malakas ng palakpakan ang ating Barangay Kagawas sa Larangan ng Edukasyon, Ginang Teresita Balderama. (END OF INSPIRATIONAL MESSAGE) Maraming Salamat po, Ginang Balderama sa pagbabahagi iyong karanasan bilang inspirasyon hindi lang para sa panauhin at mga magulang kundi para sa batang magsisipagtapos sa araw na ito. Nawa’y magbigay ito sa kanila ng katatagan ng loob sa pagharap ng mga pagsubok at pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan.

(DISTRIBUTION OF AWARDS AND CERTIFICATION) Ngayon ay dumako tayo sa pag-gawad sa mga batang ating pagkakalooban ng gantimpalang kanilang pinaghirapan sa unang taon bilang mag-aaral. Iniaanyayahan po sa entablado ang ating Punong Barangay na si Ginoong Inocencio Llaneta at ang ating butihing guro na si Binibining Danelle P. Gallanosa para igawad ang kanilang gantimpala. Mangyari lamang po na ang aking tatawaging pangalan ng batang magtatapos ay umakyat po sa ating entablado kasama ang kanyang magulang upang kunin ang kanilang mga sertipiko. (END OF DISTRIBUTION OF AWARDS) Maraming Salamat po Ginoong Llaneta at Binibining Gallanosa sa pag gawad ng kanilang gantimpala. Maari na po kayong bumalik sa inyong upuan. At sa mga batang nakatanggap ng kanilang gantimpala, nawa’y maging mas malalim ang pagbuo ng inyong motibasyon na makapagtapos ng pag- aaral at magsilbing gabay tungo sainyong pangarap. (DANCE NUMBER)- Gummy Bear Sa sandaling ito ay ating matutunghayan ang isang pangkatang sayaw na inihahandog ng mga batang magsipagtapos na pinamumunuan ng ating tagapagsanay na si Binibining Danelle P. Gallanosa. (END OF DANCE NUMBER) Maraming Salamat sainyo mga bata sa isang nakakaaliw at masiglang pangkatang sayaw. Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan.

(POEM) Samantala, dumako naman tayo sa isang pagtatanghal ng tula na pinamagatang PAARALAN. Ito ay ipapahayag ng aming mag- aaral na si Argen E. Polo. Bigyan natin siya ng isang malakas na palakpakan. (END OF POEM) Maraming Salamat, Argen. (DISTRIBUTION OF CERTIFICATES OF COMPLETION TO DAYCARE CHILDREN TO BE ASSISTED BY BARANGAY OFFICIALS AND GUESTS) Ngayon naman ay dumako tayo sa pinakatampok na bahagi ng ating palatuntunan----- Ang pagkakaloob ng Katibayan ng Pagtatapos… Ating matutunghayan ang paggawad ng karangalan sa mga natatanging magsisipagtapos kasama ang kanilang magulang. Para simulan ang ating Seremonya ng Paggawad ng Sertipiko. Inaanyayahan po sa entablado an gating Punong Barangay na si Ginoong Inocencio Llaneta at ang kanyang mga Kagawad na sina Kagawad Teresita Balderama, Kagawad Arvin Sanchez, Kagawad Romel Fulgar, Kagawad Francisco Tordillos, Kagawad Amy Balaoro, Kagawad Rolly Morco at Kagawad Jojit Funa upang magkaloob ng Sertipiko ng karangalan. Ginoong Llaneta, ibinabahagi ko po sainyo ang batang magsisipagtapos sa San Agustin Day Care Center. Mayroon po kaming labing anim na mga lalaki at dalawampu’t dalawang mga babae. Sila po ang mga batang magsisipagtapos sa taong ito.

Mangyari lamang po na ang aking tatawaging pangalan ng batang magtatapos ay umakyat po sa ating entablado kasama ang kanyang magulang upang kunin ang kanilang Katibayan ng kanilang Pagtatapos. (END OF DISTRIBUTION) Sila po ang mga batang nagkamit ng karangalan kasama ang kanilang mga magulang. Palakpakan po natin sila. (POEM) Samantala, dumako naman tayo sa huling pagtatanghal ng tula na pinamagatang PAMILYA. Ito ay ipapahayag ng aming mag- aaral na si Ramjen F. Huab. Bigyan natin siya ng isang malakas na palakpakan. (END OF POEM) Maraming Salamat, Ramjen.

(CLOSING MESSAGE) Pakinggan naman po natin ngayon ang pangwakas na pananalita mula sa ating Presidente ng Day Care Parents na si Ginang Conception M. Astillero. Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan. (END OF CLOSING MESSAGE) Maraming Salamat, Ginang Astillero.

REMINDERS SIGNING OFF Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga panauhin, mga magulang ng mga batang nagsipagtapos ng mga nagkaloob ng kanilang mahalagang tulong at paglaan ng oras upang mabigyan katuparan at tagumpay ang palatuntunang ito at higit sa lahat sa ating POONG MAYKAPAL sa isang napakaganda at maaliwalas na panahon. Binabati ko po ang mga mag- aaral na nagsipagtapos sa taong ito. Ako po ang inyong Guro ng Palatuntunan, Binibining Khristelle Kaye Floralde Polo, Magandang Hapon po sa inyong lahat!

Related Documents

Emcee
May 2020 7
Emcee Debut.docx
April 2020 4
Emcee Script.docx
June 2020 10
1. Emcee Aly Profile.
April 2020 1
Emcee Script.docx
May 2020 5

More Documents from ""