Emcee Script Graduation Ob.docx

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Emcee Script Graduation Ob.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,055
  • Pages: 7
O.B. PAGSASARILI DAY CARE CENTER MONTESSORI – BASED SYSTEM ALITAGTAG, BATANGAS RECOGNITION DAY March 28, 2018 I. PROCESSIONAL Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Samahan nyo po kami sa pagsaksi sa ikatlong taunang pagtatapos ng O.B. Pagsasarili Day Care Center para sa taong panuruan dalawang libo’t labing pito –dalawang-libo’t labing siyam. Ating namamalas ang pagpasok ng tatlumput walong (38) magsisipagtapos ng O.B. Pagsasarili Child Development Center kasama ang kanilang mga magulang at mga gurong tagapayo, Gng. Marife G. Catapang at Gng. Critiana G. Tenorio, ang ating Municipal Mayor, Hon. Anthony Francis G. Andal, na kinakatawan ni ___________________________________, (in case) Vice-Mayor, Hon. Edilberto G. Ponggos, Chairman of Education – Hon. Ruben Ceferino Ilagan, Mrs. Sylvia A. Catanyag, MSWDO, mga Konsehal ng Bayan kasama ang iba pang Kawani ng ating Pamahalaan. (1st……2nd…) I. NATIONAL ANTHEM Lahat po ay magsitayo upang bigyang-pugay natin ang pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas na bibigyang kumpas ni Jesselly Summer L. Esguerra, With Honors, mula sa unang pangkat ng mga mag-aaral. II. DOXOLOGY/ INTER-FAITH PRAYER Manatiling nakatayo po ang lahat at ilagay po natin ang ating sarili sa prisensya ng ating Panginoon at Tagapagligtas, Ang Mahal na Panginoong HesuKristo. Atin pong saksihan ang Doxology Presentation ng mga piling mag-aaral ng OB Pagsasarili Child Development Center at susundan po ito ng isang panalangin na gagampan ni Shemaiah Rojh C. Malaluan, With Honors, mula sa ikalawang pangkat ng mga mag-aaral. III. WELCOME ADDRESS/ OPENING REMARKS Magsi-upo po ang lahat. Sa pagkakataon pong ito ay ating pakinggan ang pambungad na pananalita ng ating aktibong pangulo ng (Samahan ng mga Magulang at Guro) /PTA, Mr.Judy B. Malaluan. Salamat po sir. Isa pong pambungad na pananalita ang ihahandog naman sa atin ng ating MSWDO, Mrs.Sylvia A. Catanyag, RSW. Maramaing salamat po Mam. Sylvia. IV. WORD OF THANKS Ngayon naman po ay ating mapapakinggan ang pananalita ng pasasalamat na inihanda sa atin ni Lexie Rainne R. Tatlonghari, With High Honors, mula sa ikalawang pangkat ng mga mag-aaral. Maraming salamat Lexie sa iyong napakagandang mensahe. V. SPECIAL NUMBER -DANCE PRESENTATION Ang sayaw ay itinuturing na diwa ng buhay na isinasagawa sa pamamagitan ng galaw ng kamay at katawan sa saliw ng musika, ayon sa isang kasabihan. Ngayon, bilang isa sa mga

tampok na bahagi ng ating pagtatapos, ang inihandang dance presentation ni mula sa mga piling mag-aaral na nagkamit ng kampeonato sa nakaraang Children’s Month Dance Contest 2018. Bigyan po namin sila ng isang masigabong palakpakan.

VI. INSPIRATIONAL MESSAGE Sa pagkakataon pong ito ay ating damahin ang pagganyak na pananalita na gagampanan ni Leirianne May S. Baral, With High Honors, mula sa unang pangkat ng mga mag-aaral. Maraming salamat Leirianne. Tunay na nagagalak ang lahat ng mga magulang, mga guro, at mga kawani ng pamahalaan na masaksihan ang inyong taunang pagtatapos. Ito ay pagpapatunay ng inyong paglago at pag-ani ng inyong tagumpay bilang mga natatanging mag-aaral ng OB Pagsasarili Child Development Center. Isa pa ulit na mensahe ang iiwan po sa atin ni Kyth Ayesha Mckenzie M. Malaluan, With High Honors, mula sa ikalawang pangkat ng mga mag-aaral. Maraming Salamat Kyth Ayesha sa isang napakagandang mensahe. Tunay na ang mga magaaral ng OB Pagsasarili Child Development Center. ay mga mahuhusay at kakikitaan ng potential na aming aantabayanan sa hinaharap. VII. MODERN DANCE PRESENTATION Kung tayo po ay napukaw sa mga mensahe na ating narinig, manggigilalas naman po tayo sa inihandang Modern Dance Presentation ng mga piling mag-aaral..Bigyan po natin sila ng isang masigabong palakpakan. Sadya pong nakakatuwang pagmasdan na hindi lang academikong aspeto ang nahuhubog sa mga mag-aaral kundi pati kanikanilang mga talento. Ang higit pong pagkatuto ay makikita sa isang mag-aaral na buong aspeto ng kanyang pagkatao ay nahuhubog at nalilinang. Muli maraming-maraming salamat sa inyong mga napakagandang presentasyon. VIII. VIDEO PRESENTATION/ INTERMISSION NUMBER Sa pagkakataon pong ito ay atin pong pagmasdan ang isang video presentation na mga activities na napagdaan at isinagawa ng ating paaralan na nabigay daan sa paghubog ng mga talento at aspeto ng pagkatuto ng mga mag-aaral at ito po ay susundan ng isang surprise number mula sa mga pilng mag-aaral. IX. MESSAGES Mga minamahal naming mga magsisipagtapos, mga magulang, mga panauhing pandangal, upang bigyang kulay ang ating okasyon ating pakinggan ang mga mga mensahe ng ating Guest Speaker mula sa Batch 2016 ng paaralan, a proud alumnus of OB MONTESSORI Pagsasarili Child Development Center, Jayson,Jr. D. Labro, TOP 1 OB Pupil Batch 2016. X. CONFERRING OF CERTIFICATES TO THE GRADUATES Dadako na po tayo sa paggagawad ng sertipiko sa mga mag-aaral na magsisipagtapos. Atin pong inaanyayahan ang ating __________________________________, at ating MSWDO, Gng. Sylvia A. Catanyag para sa paggagawad ng sertipiko ng pagtatapos. XII. RECOGNITION OF HONORS ACHIEVERS AT SPECIAL AWARDEES Ang atin pong pinakahihintay ang paggagawad ng ng karangalan sa ating mga Honors, Achievers at Special Awardees para sa taong panunuran 2015-2016. Muli po ay atin pong

inaanyayahan ang ating _____________________________________, at ating MSWDO, Gng. Sylvia A. Catanyag for recognition of honors, achievers, and giving of special awards.

XIII. CLOSING REMARKS “Sa bawat simula ay mayrrong wakas.” Tunay na ang pagwawakas na ito nagdudulot ng katagumpayan sa ating minamahal na mga magulang lalo’t higit sa ating mga mag-aaral.” Upang bigyang wakas ang ating programa, atin pong tinatawagan ng pansin ang guro, pangalawang magulang, at tagpaggabay na humubog sa mga bata upang maabot ang kanilang dunong at talento Gng. Marife G. Catapang, Child Development Worker. XIV. GRADUATION SONG Tinatawagan po namin mga mag-aaral para sa pag-awit ng kanilang graduation song. Muli maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Magandang umaga at mabuhay tayong lahat!

PROCESSION: Both: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat. Ngayon po ay ating masasasaksihan ang ika- _____ taunang pagtatapos ng mga mag-aaral sa Paaralang Sentral ng Dalipit taong panuruan dalawanglibo’t labing lima, dalawang libo’t labing anim. M.Dez: Ang inyong tagapagpakilala Bb. Desiree G. Balome at M. Mae: ako naman po si Bb. Mae C. Galang. M. Dez: Ating mamamalas ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos kasama ang kanilang mga magulang at gurong tagapayo Gng. Araceli D. Garzon. M.Mae: Ang mga masisipag na guro ng Paaralang Sentral ng Dalipit kasama ang ating butihing Punongguro II, Gng. Yolanda A. Catapang. (Ang ating masipag na pampurok-tagamasid, Gng. Conie C. Hernandez kasama ang ating mahal na punong-bayan, Kgg. Anthony Francis G. Andal, kasama ang mga maaasahang konsehal ng bayan at kawani ng ating pamahalaan. ) PART I M.Dez: Tunay na tayo ay lubos na pinagpala sapagkat isa na namang taunang pagtatapos ang iginawad sa ating mahal na paaralan. M.Mae: Ito pagpapatunay ng ating tagumpay na nakamit sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsusumikap at tapat na pagtalima sa mga adhikain ng Kagawaran ng Edukasyon. M. Dez: Kaya po mga minamahal naming mga magulang, lalo’t higit sa aming mga mag-aaral na magsisipagtapos, sampu ng ating mga kaguruan at mga gurong tagapayo ay inihahatid namin ang aming taos-pusong pagbati sa inyong lahat. M.Mae: Para sa pagsisimula ng ating dakilang okasyon sa araw na ito, inaanyayahan po naming ang lahat na tumayo ng paggalang sa pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas na bibigyang kumpas ni Gng. Maricris R. Vergara, Gurong-tagapayo- Ikalimang Baitang. M.Dez: Susundan po ito ng panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas na gagampanan ni Nina May G. Coronel, may karangalan mula sa mga batang magsisipagtapos. M.Mae: Manatili po tayong nakatayo at ilagay po natin ang ating mga sarili sa prisensya ng ating Panginoon at Tagapagligtas para sa isang panalangin na gagampanan ni Jade Adelainne C. Adelantar, may karangalan mula sa mga batang magsisipagtapos. M.Dez. Atin pong sama-samang awitin ng buong dangal at sigla ang Himno ng CALABARZON ni Agapito Caritativo, Himno ng Batangan ni Cecilia AE Tusing at Oscar Manalo, Himno ng Alitagtag ni Nona Quiambao, Elmer A. Cadano, at Diony Ilagan, muli sa pagkumpas ni Bb. Maricris R. Vergara. M.Mae: Maaari na pong magsi-upo ang lahat. Sa pagkakataon pong ito ay ating pakinggan ang Pambungad na Pananalita ng ating masipag na Punongguro II, Gng. Yolanda A. Catapang. M. Dez: Maraming salamat po ma’am sa inyong maalab na pagtanggap at pagbati sa ating mga magulang at mga batang magsisipagtapos. Sa pagkakataon pong ito ay ating masasaksihan ang pagpapakilala at pagsusulit mga batang magsisipagtapos taong panuruan dalawang-libo’t labing lima, dalawang-libo’t labing anim na gagampanan na kanilang gurong-tagapayo, Gng. Araceli D. Garzon.

M.Mae: Susundan po ito ng pagtanggap at pagpapatunay ng pagtatapos na gagampanan ng ating masipag na Punongguro II, Gng. Yolanda A. Catapang at Pampurok na Tagamasid Gng. Conie C. Hernandez.

M.Dez: Maraming salamat po mam. Ngayon po ay ating matutunghayan ang pinaka-sentro ng ating palatuntunan –ang paggagawad ng katibayan ng pagtatapos na gagampanan ng ating Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan, Dr. carlito D. Rocafort, Ceso V, at ang ating masipag na Punong Bayan, Kgg. Anthony Francis G. Andal. kasama ang ating masipag na Punongguro II, Gng. Yolanda A. Catapang at Pampurok na Tagamasid Gng. Conie C. Hernandez. M.Mae: Amin po muling inaanyayahan ang gurong-tagapayo para sa ika-anim na baitang, Gng. Araceli D. Garzon, para sa pagpapakilala ng mga batang magsisipagtapos. M.Dez: “Ang bunga ng tagumpay ay kay sarap lasapin lalo’t higit kung ito ay bunga ng kasipagan at puspusang pagsusumikap sa pag-aaral.” Kaya ating bigyan ng pagkilala at pagpupugay ang mga mahuhusay na mag-aaral n gating paaralan na magsisisilbing inspirasyon para sa kinabukasan. M.Mae: Para sa paggagawad ng medalya ng karangalan para sa mga batang magsisipagtapos atin pong inaanyayahan ang ating Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan, Dr. carlito D. Rocafort, Ceso V, Punong Bayan, Kgg. Anthony Francis G. Andal, Punongguro II, Gng. Yolanda A. Catapang at Pampurok na Tagamasid Gng. Conie C. Hernandez. Inaayayahan din po namin na samahan ng kanikanilang mga magulang ang kanilang mga anak sa pagtanggap ng medalya ng karangalan. M. Dez: Muli po ay aming tinatawagan si Gng. Araceli D. Garzon, para sa pagpapakilala ng mga batang may karangalan. (Amin pong binibigyang pugay at pagbati ang pagdating ng ating __________________________ e.g. Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan, Dr. Carlito D. Rocafort, Ceso V.) M.Mae: Upang handugan tayo ng isang makabuluhang talumpati, amin pong tinatawagan si Cyrille Ces B. Adelantar, Balediktoryan para sa taong panuruan 2015-2016. M.Dez: Maraming salamat Cyrille. Tunay na napukaw mo aming damdamin sa iyong mensahe. Sa pagkakataon pong ito, ay ating pakinggan ang inihandang mensahe ng pasasalamat ni Lhanz Johann P. Oliva, Salutatoryan mula sa mga batang magsisipagtapos. M.Mae: Inaanyayahan po lahat ng mga batang magsisipagtapos para sa Panunumpa ng Katapatan sa Paaralan na gagampanan ni Rosemarie A. Benares, may karangalan. M.Dez: Inaanyayahan po namin ang mga batang magsisipagtapos para sa kanilang awit ng pagtatapos. Bigyan po natin sila ng isang masigapong palakpakan. M.Mae: “Sa bawat simula ay mayroong wakas. Subalit ang pagwawakas na ito ang pinakamainam sa lahat.” Isang buong pusong pagbati sa inyo ng buong kawani ng mga guro ng Paaralang Sentral ng Dalipit. Taglayin ninyo ang mga mumunting aral na inyong natutunan sa anim na taong inilagi ninyo sa ating mahal na paaralan. Both: Magandang umaga at mabuhay tayong lahat.

PAGSASARILI CHILD DEVELOPMENT CENTER MONTESSORI-BASED SYSTEM SY: 2017-2018 March 27, 2018

MS. JANICE R. GELI Principal I Alitagtag National High School Dominador West, Alitagtag, Batangas

Madam:

Greetings of Peace and Prosperity! Our PAGSASARILI CHILD DEVELOPMENT CENTER is moving to another milestone in providing quality education among our pupils. Our commitment and dedication to fulfill the Municipal Government’s quality preschool program in our beloved community is in its harvest time again proven by the upcoming Fifth Commencement Exercises –Recognition Day Ceremony. At this point, we now have 42 graduating pupils which prove the school’s success from its humble beginning as compared with the previous year. Thus, we are elicited our utmost effort in the preparation for this school year 2018’s recognition day in order to showcase our proud pupils as the product of the best practices and dedication of the school in providing quality education as mandated by the Municipal Government of Alitagtag. In this regard, we would like to request MR. MARK CHRISTIAN R. CATAPANG, MAED. my husband and Teacher III of your school to serve as the Master of Ceremony in facilitating our recognition program. His incomparable skills and outstanding oral competency would be of great help for the success of the aforementioned activity. The program is expected to last from 7 a.m to 12 nn. It is hoped that this letter will merit your kind consideration and favorable approval. Thank you very much and God bless!

Very truly yours, MARIFE G. CATAPANG Child Development Worker

MRS. SYLVIA A. CATANYAG MSWDO

Related Documents