Banghay-Aralin sa Science III
I. Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang: a. Matukoy ang iba’t ibang uri ng panahon; b. Mailarawan ang iba’t ibang uri ng panahon; c. Maikumpara ang iba’t ibang uri ng panahon; at d. Maiguhit ang iba’t ibang uri ng panahon; ll. Paksang Aralin: A. Paksa: Panahon B. Sanggunian: Pages 159-163 (Science III Book), C. Mga kagamitan: PowerPoint presentation, Laptop, Telebisyon, Libro saScience III, Mga larawan, Bond paper, LapisatPang kulay III. Pamamaraan: Gawaing Guro A. Panimulang Gawain: 1) Panalangin 2) Ehersisyo 3) Pagbati 4) Pagtse-tsek ng mga lumiban sa klase B. Pag ganyak: Ang klase ay mahahati sa limang grupo. Bawat grupo ay makakatanggap ng kanikaniyang larawan at mga letrang pinaghalohalo na nagpapakita at tumutukoy sa iba’t ibang uri o klase ng panahon.
Gawaing Mag-aaral
Base sa mga larawan, bubuo-in ng bawat grupo ang mga letra upang tumugma ang mga ito sa uri o klase ng panahong ipinakikita sa mga larawan. Idirikit sa pisara ang mga gawaing natapos. Ang mga larawan na ito (na nasa pisara) ay mayroong kaugnayan sa ating paksa para sa araw na ito. Sino sainyo ang makapag bibigay kung ano ang tema ng ating paksa? Lexus? Mga uri ng panahon, Ma’am. Tama! Ang ating paksa ay ang iba’t ibang uri ng panahon. C. Pagtalakay sa Aralin:
Ano nga ba ang panahon? Jaylord? Ang panahon ay ang kalagayan ng atmospera o himpapawirin sa tiyak na oras, Ma’am. Magaling!
Okay class, sisimulan na natin ang ating pagtalakay sa mga uri ng panahon. Handa na ba kayo? (PowerPoint Presentation) Yes, Ma’am! Ang panahon o kalagayan ng panahon ay ang paglalarawan sa kalagayan at katangiang pangkalikasan sa labas ng tahanan, gusali o anumang tirahan ng tao, hayop, halaman at iba pang mga nilalang. Tumutukoy ito sa kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan, katahimikan, pagkamaaraw, pagkamahangin, o pagiging maulan sa isang pook, sa isang takdang oras, na maaaring magbago. Ang panahon ay pabago bago. May mga araw na sa umaga ay maaraw, sa tanghali naman ay biglang uulan at sa hapon ay biglang aaraw ulit. Saan at paano natin nalalaman ang magiging lagay ng panahon sa maghapon? Xander? Ang magiging pansamantalang lagay ng panahon sa maghapon ay maari nating masubaybayan o malaman sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga pahayagan o dyaryoat pakikinig sa radyo, Ma’am. Magaling! Mayroon pa bang karagdagang pinag kukunan natin ng kaalaman o impormasyon ukol sa lagay ng panahon? Yes, Mary Rose? Sa internet at mapapanood sa mga ulat panahon sa telebisyon, Ma’am. Magaling, Mary Rose! Ano ano ang mga panahong nararanasan? Yes, Wicia?
ating Maaraw na panahon, maulap, mahangin, maulan at bumabagyong panahon, Ma’am.
Lahat ng iyan ay tama! Ang maaraw na panahon ay nagdudulot sa atin ng init. Init na kapag sobrang taas ay nakakairita at nakaka pag dulot ng hindi kaaya ayang pakiramdam.
Ano ano ang pwede nating gawin pag maaraw ang panahon? Sabina? Maari po tayong maglaro sa labas ng ating mga bahay, Ma’am. Tama! Ngunit, laging tatandaan na ang sobrang pagkakababad sa init ng araw ay nakakapag dulot ng masamang epekto sa ating mga balat. Maliban sa paglalaro, ano pa ang maari nating gawin? Ronniel? Maari po tayong magsampay ng ating mga labada sa labas ng ating mga bahay, Ma’am. Magaling, Roniel! Paalala: Ang masyado o matagal na pagkakababad sa init ng araw ay nakaka pag dulot ng masamang epekto sa ating balat. Ugaliing gumamit ng mga proteksyon upang maiwasan ang mga masasamang dulot nito. Ano anong mga proteksyon ang maari nating gamitin laban sa init ng araw? Yael? Sumbrero, Jacket, Payong at Sunblock, Ma’am. Magaling! Masasabi naman nating maulap ang panahon kapag ang araw ay natatakpan ng mga ulap. Ang maulap na panahon ay hindi nagtatagal. Maari tayong makaramdam ng kaunting pag lamig dulot nito. Ito ang panahon para yayain ang ating mga kapamilya o mga kaibigan na mamasyal sa parke o maglakad lakad. Ngunit, sa maulap na panahon, asahang may kasunod itong pagulan kaya huwag kakalimutan na magdala naman ng mga proteksyong laban sa ulan. Ang mahanging panahon naman ay nagdudulot satin ng pabugso bugsong lakas o hina ng hangin na nakakapagdulot ng may kalamigan ring panahon. Ang sobrang lakas naman ng hangin ay maaaring makasira ng ating mga bahay at establisimento lalo na kung ito ay hindi maayos ang pagkakayari. Maaring ilipad o tangayin ng sobrang lakas
ng
hangin ang mga bubong o ang ating mga pananim. Kapag sobrang lakas ng hangin, makakabuti na manatili na lamang sa loob ng bahay. Sa katamtaman namang lakas ng hangin, maari paring maglaro ang mga bata sa labas. Anong laruan na yari sa papel nakadepende sa lakas ng hangin?
ang Saranggolang Papel, Ma’am.
Yes, Romelia?
Magaling! Kayo ba ay nakaranas nang magpalipad ng Yes, Ma’am! saranggola?
Balik tayo sa ating paksa, ang maulang panahon. Nakapagdudulot rin ng lamig sa kapaligiran ang maulang panahon. Kadalasan, ito ang panahon na inaayawan ng karamihan lalo na kung ang pag ulan ay walang tigil. Sa tingin niyo, class bakit? Jaylord mayroon ka bang ibabahagi?
Tama! Magaling, Jaylord! Ang maulang panahon ay mayroong mabuti at masamang epekto saatin at sa ating kapaligiran. Kung ang pag ulan ay panandalian lamang at hindi kalakasan, nakakatulong ito sa ating mga pananim lalo na sa mga magsasaka. Ngunit, gaya ng sabi ni Jaylord, ang matagalan at malakas na pagbuhos ng ulan ay nakapagdudulot naman ng pagbabaha sa mga lugar na mabababa at malapit sa mga anyong tubig. Nakapagdudulot rin ito ng pag guho ng mga lupa. Isang salik sa pag guho ng mga lupa lalo na sa mga parte ng bulubundukin tuwing tag
Dahil basa ang paligid at nakakapag dulot ito ng sobrang lamig at mahirap lumabas ng ating mga bahay, Ma’am. Mahihirapan din po tayo sa pagpapatuyo ng ating mga damit at ang malakas at tuloy tuloy na pag ulan ay nakakapag dulot din ng pagbabaha sa mababang lugar o mga lugar na malapit sa mga anyong tubig. Nakaka pag dulot din ito ng pag guho ng mga lupa kung hindi ito titigil.
ulan ay ang walang sawang pagkaubos ng ating mga punong kahoy na may kakayanang hawakan ang mga lupa at sumisip ng mga baha. Ano ano naman ang mga proteksyon na maari nating gamitin laban sa ulan? Reijean?
Payong, Kapote at Botas, Ma’am.
Tama! Paalala: Mas makabu-buting manatili sa loob ng bahay pag maulan. Makabu-buti rin kung tayo ay laging may dalang payong o kapote para maiwasang mabasa ng ulan. Huwag maligo o maglaro sa ulan. Iwasan rin ang pag tatampisaw sa mga naipong tubig ulan dahil maaari tayong makakuha ng iba’t ibang uri ng sakit. Ang pinaka huling uri ng panahon na ating nararanasan ay ang? Arvhin?
Bumabagyong panahon, Ma’am.
Tama! Ang bumabagyong panahon ay atin ring nararanasan dito sa ating bansa. Ayon sa kinauukulan, 18-20 na bagyo ang dumarating sa ating bansa sa loob ng isang taon. Ano ano naman ang ating aasahan tuwing bumabagyo? Erwin?
Tama! Ang bagyo ay pinagsama-samang, malakas na hangin, ulan, kulog at kidlat. Depende sa lakas ng bagyong darating ang perwisyo na kanyang idudulot. Paalala: Mas makabu-buting manatili sa loob ng bahay pag bumabagyo. Abangan ang mga anunsyo sa telebisyon upang lubos na makapag handa. Laging mag handa ng mga pangunahing pangangailangan. D. Paglalapat:
Malakas na hangin at ulan na may kasamang pag kulog at pag kidlat, Ma’am.
Pumili ng isang panahon na inyong gustong gusto, sa isang Bondpaper, iguhit ito at kulayan. E. Ebalwasyon Maglabas ng isang buong papel. Isulat ang pangalan at pangkat sa itaas. F. Takdang Aralin Sa inyong kuwaderno, pangalanan ang iba’t ibang uri ng ulap.
Prepared and executed by: MARIA JANAE FILIALYN C. OCAMPO
Checked by:
MARIE JANE M. BAQUIRAN School Principal