DEBATE O PAGTATALO Group 5
Kahulugan
Ang debate o pagtatalo ay maaaring ipalagay na siyang sining ng paggantihang-katwiran o matwid ng dalawa o mahigit pang magkasalungat na panig hinggil sa isang kontrobersyal na paksa.
Uri ng Debate o Pagtatalo
Ang pagtatalong imformal o pakikipagtalo o argumentasyon Ito ay ang araw-araw na aktibidad ng tao, may pinag-aralan man o wala. Ito ay likas na sa pakikisalamuha sa kapwa. Random lamang ang pagganap nito.
Uri ng Debate o Pagtatalo
Ang pagtatalong formal Debate
kung tawagin sa Ingles ang pagtatalong formal. Binubuo ito ng dalawang panig: ang panig ng sang-ayon at ang panig ng tutol. Karaniwan nang ang bawat panig ay binubuo naman ng dalawa (2) o tatlong (3) kasapi. Bawat kasapi ay may takdang oras (talumpati) upang ilahad ang mga katibayan at pruweba hinggil sa paksang kanyang ipinakikipaglaban ng katwiran.
Anyo ng Debate
Oxford Napakaformal
na paraan ng pagdebate Tig tatlo o mahigit ang mga myembro sa isang panig at salitan silang naglalahad ng mga katibayan na naaayon sa kanilang pinangangatwiran
Anyo ng Debate
Oregon Ang
tagumpay dito ay nakasalalay nang malaki sa pagtatanong ng kabilang panig. Kaya’t kinakailangan ng pangalawang tagapagsalita.
Anyo ng Debate
Oxford-Oregon Ito
ang paghalo ng dalawang anyo ng debate upang mas lalong mailahad ng mabuti ang paninindigan ng bawat panig. Sa paraan na ito mas mailalahad ng mabuti ang mga pruweba at paninindigan ng bawat panig at mas makukwestyon din nila ang isa’t isa.