Pangatlong Talakayan: Mga Prinsipyo ng Panlipunang Turo ng Simbahan * Ang mga mapagpasyang at permanenteng prinsipyo ng panlipunang turo ng simbahan ay: 1) 2) 3) 4) 1.
“human dignity” “common good” at “universal destination of all created goods” “subsidiarity” at “participation” “solidarity”
Prinsipyo ng “Human Dignity” • Ang primerang prinsipyo at susing batayan ng lahat pang mga prinsipyo at mga nilalaman ng panlipunang turo ng simbahan. • Ang pinagmumulan ng lahat ng mga doktrina ng simbahan at usaping moralidad ng Kristiyanismo. • Lahat ng tao ay pantay-pantay sa dignidad. (kahit ang mga kababaihan, kabataan, ang mga matatanda, pati na ang may kapansanan) May angking talino at katayuan ang sangkatauhan. Di ito maaaring tignan bilang simpleng kasangkapan na pwedeng ikumpara sa ibang bagay. Ang pagunlad ng mga tao sa kanilang kalagayan, katayuan, at sa kanilang kapaligiran ay pamamaraan ng pagkalinga niya sa kanyang sarili. Lahat ng mga ganitong pagunlad ay nararapat lamang para sa lahat ng tao. Makikita rin na ang angking talino ay nakaugnay sa kanyang kalayaan. Ang kanyang kalayaan ay pagpapakita na ang mga kaganapan ay resulta ng kanya ring katalinuhan. Ang katalinuhan at kalayaan ng tao ay di maaring mapailalim bilang ordinaryo kasangkapan sa kadahilanan na ang mga ito ay likas sa kanya. Ang likas na nararapat sa tao ay kailangang igalang at kalingain. Kahit na tinitignan ng ating pananampalataya na may angking dignidad at kahalagahan ang lahat ng tao, ang mga ito ay nananatiling kulang at nangangailangang bantayan at alagaan. Kailangan ng bawat tao ang tulong at kalinga ng lahat para ang kaniyang angking talino at kalayaan ay maging makabuluhan. Kailangan nating lahat ang gabay ng isa’t-isa para maging makatarungan ang gating paggamit ng ating katalinuhan at kalayaan. Kailangan rin maging makatarungan ang ating kaugnayan sa lahat ng ating mga kasama sa lipunan. •
May kaakibat na karapatan at tungkulin ang ating pagiging tao.
Ang ating pagiging tao ay dapat magresulta sa ating pagtugon sa ating mga pangangailangan – kasama na dito ang ating mga karapatan at responsibilidad. At sa paggalang natin sa ating mga karapatan at tungkulin, ang bansa o estado ay nararapat lang kumilos para mapangalagaan ang ating mga karapatan at tungkulin. Malalim ang kaugngayan ng paggalang natin sa ating mga karapatan at tungkulin at paggalang ng ating bansa o estado sa mga karapatan at tunkulin natin.
1
Ang ating dignidad, ang lahat ng ating mga karapatan, at lahat ng ating mga tungkulin, ay magkakaugnay. Ang ating dignidad bilang tao ay nakakaapekto sa lahat at sa buong lipunan nating ginagalawan. At ang ating mga karapatan at responsibilidad ay nakakaapekto rin sa ating bansa o estado. Kapag ang ating mga karapatan ay hindi ginalang at hindi natugunan o naging ganap ang ating mga tungkulin, nakakaapekto ito sa ating pambansang kalagayan. Ang ganap na kapayapaan ay nakabatay sa paggalang sa ating mga karapatan at paggawa ng ating mga tungkulin sa lipunan at sa sarili. Ang karapatan na maitakda ang ating kinabukasan na maging matiwasay ay isa sa mga mahahalagang karapatan natin, pati na ang ating karapatan mamuhay ng malaya. 2.
Prinsipyo ng “Common Good” at ng “Universal Destination of All Created Goods”
* According to its primary and broadly accepted sense, the common good indicates “the sum total of social conditions which allow people, either as groups or as individuals, to reach their fulfillment more fully and more easily.” (GS, 26) * Ang “common good” o kabutihang pangmadla ay nakapakat sa lahat ng bahagi ng lipunan. Lahat ay may tungkuling gampanan para maabot natin ang kabutihang pangmadla. Walang maaaring di lumahok sa mga gawaing para sa kabutihang pangmadla. •
•
•
•
•
•
•
Ang Estado ang may pangunahing tungkulin para makamit ang kabutihang pangmadla, kasama ng tungkulin ng bawat isang mamamayan ng bansa. Ang “common good” ay ang dahilan kung bakit mayroong pulitikal na kapangyarihan. Nakabatay sa pangmadlang kabutihan ang prinsipyo ng “universal destination of all created goods”. Kailangan lumahok ang bawat isa para ang lahat ng nalikha at nalilikha ay mapunta sa lahat. Lahat ng tao ay may pangangailangan na dapat matugunan ng mga nalikha. Ang mga nalikhang bagay ay nakakatulong para makamtan ang ganap at makataong pagunlad. Ang karapatan na gamitin ang kalikasan at lahat ng mga bagay sa mundo ay nakabatay sa pandaigdigan patunguhan ng lahat ng mga nalikha. Ito ay isang likas na dapat, at ito rin ay “inherent” na naaayon sa ting pagiging tao. Lahat ng ating karapatan, kasama na ang karapatan magkaroon ng indibidwal na pag-aari at karapatan na mkipagkalakal ay nakapailalim dito. Isang tungkulin din natin na gamitin ang lahat ng nalikha ng wasto at naaayon sa pangkalahatang kalagayan ng ating lipunan. Iginagalang ng panlipunang turo ng simbahan na magkaroon ng “private property” at lahat ng pang-indibidwal na pag-aari. Ngunit nasa tradisyon ng ating pananamplataya na ang pag-aari ay di lamang para sa sarili kundi para sa kapakanan ng kabuuan ng ating lipunan. May “social function” ang lahat ng uri ng “private ownership” na sumasalamin ng kabutihang pangmadla. Ang lahat ng nalikha at malilikha ay kailangang gamitin ng mga tunay na nagmamay-ari para sa kapakanan ng lahat. Sa paggamit ng mga bagay, kailangang isaalang-alang ang mga maaaring maging epekto nito sa nakakarami. May tungkulin ang lahat ng tao na tiyaking nagagamit ang lahat ng bagay sa mabuti at tamang layunin.
2
3.
Prinsipyo ng “Subsidiarity” at “Participation” •
•
4.
Ayon sa prinsipyong ito, lahat ng mga mas mataas o nakakaangat na sangay ng lipunan ay dapat igalang at tulungan ang nakakababang antas o bahagi ng kanyang lipunan. Ang mas nakakalamang na lipunan ay dapat tumulong, kumalinga, pagtibayin ang mga lipunang umuunlad pa lamang. Tandaan ang “subsidiarity” ay nanggaling sa salitang “subsidium” o pagtulong (subsidy). Ang katangiang epekto ng “subsidiarity” ay “participation” o paglahokpakikisangkot sa mga gawaing pangtulong sa ating lipunan. Ang ating pakikisangkot ay naglulunsad ng panlipunang, kultural, pulitikal, at pangekonomiyang pagbabago at pagunlad. “Participation” ay isang tungkulin dapat gampanan para sa kabutihang pangmadla.
Prinsipyo ng “Solidarity” A.
Kahulugan at Halaga
•
Ang “Solidarity” ay nagpapatunay ng mahigpit na pakikipagugnay ng lahat ng tao. Ito ay nagpapakita din ng pagkapantay-pantay ng buong sangkatauhan. Ang pagkakaisa na nakikita sa pagunlad ay nakadugtong sa pagkakaisa sa paggalang ng karapatan at paggawa sa ating mga tungkulin. Ang lahat ng mga tao ngayon ay umaasa sa iba pang mga tao o mga organisasyon. Merong namamagitan na pakikipagkapwa at pakikipagdaop-palad na iginagalang ang bawat katayuan at katangian ng mga tao. Meron ding mga nakikitang kakulangan at kahinaan sa pagkakaisa dahil sa “corruption,” “exploitation,” at “oppression” sa panloob na pamalalakad ng estado at sa pandaigdigang ugnayan ng mga bansa. Maraming naaalipusta dahil sa pagnanais na kamkamin ng mas malakas o mas maunlad na mga bansa ang yaman ng mga mahihinang mga tao at paatras na mga bansa. Ang mabilis na pagpapalaganap ng “interdependence” na namamagitan sa mga tao at mga lipunan ay dapat sabayan ng matinding gawain at pagkilos sa ngalan ng katarungan. Dapat ngang wakasan ang pandaigdigang pagsasamantala at pagaalipusta.
•
•
•
B.
Bilang “Social Principle” at “Moral Virtue.”
•
Kailangang ayusin at baguhin ang pakikipagnugnayan ng mga mas mataas na antas sa lipunan at ng mas mababang antas. Kailangan ding maayos ang pakikitungo ng mga bansa sa isa’t-isa. (1) Ang “solidarity” ay isang prinsipyo na nagtatakda ng hugis at takbo ng mga institusyon. Ang “structures of sin” at ang “sinful social structures” ay dapat mawakasan sa malawakang kalagayan kasabay ng pagtatapos ng pagsasamantala na nakikita sa isang maliit pamayanan o mababang lipunan. Dapat magkaroon ng pagbabago ng mga batas dahil ang mga batas ay nalikha para sa kapakanan ng lahat at di ng iilan. (2) Ang “solidarity” ay isang pagpapahalagang moral at di lang pakiramdam o kaya’y mungkahi. Ang tungkulin na managot sa lahat – sa ating mga pinuno at sa ating nasasakupan – ay para sa kabutihang pangmadla.
3
C.
“Solidarity” at Pagunlad/Paglago ng Sangkatauhan
•
Pinapahiwatig ng “solidarity” na ang tungkulin ay nakaugnay sa kalayaan at para sa isang makbuluhang pagsasabuhay ng kalayaan. Dito makikita na ang kalayaan ay di lamang para sa sariling kapakanan bagkus ito ay para mapagkaisa ang lahat tungo sa isang mapagpalaya at makatarungang pamumuhay. Kailangan mamulat tayong lahat na ang ating buhay ay dapat nakatuon sa ating bayan at lipunan. Hinahamon tayo na ang ating kamalayan ang nanatiling bukas sa paglingkod sa higit na nakakarami o higit na naghihirap sa ating lipunan.
•
Pahabol na Punto: Bukod sa mga prinsipyong nabanggit, ang panlipunang turo ng simbahan ay may batayang pagpapahalaga. Ito ay KATOTOHAN, KALAYAAN, KATARUNGAN, at PAGMAMAHAL (ang pinakamataas at pinaka-pandaigdigang pamantayan ng “social ethics”).
4