Cst - Session 1 Pi

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Cst - Session 1 Pi as PDF for free.

More details

  • Words: 1,152
  • Pages: 3
Unang Talakayan: Ang Panlipunang Turo ng Simbahan at Paano Ito Nabuo 1.

Pambungad:

* Ang “social doctrine” o panlipunang turo ng simbahan ay nahango sa pagbansag ni Pio XI (1931, Quadragesimo Anno [Ika-Apatnapung Taon]). Ang panlipunang turo o doktrina ng simbahan na patungkol sa mga kaganapan sa lipunan ay ang kabuuang tinuturo ng simbahan na may kabuluhan at kahulugan sa ginagalawan ng sangkatauhan. Ito ay madalas na itinatakda na nagsimula sa pagkalahatang liham (encyclical) ni Leo XIII na Rerum Novarum [Mga Bagong Kaganapan] nuong 1891 at napalalim ng mga sumunod na mga liham at dokumento na nagmumula sa Magisterio (ang teaching faculty o ministry ng simabahan). * Nuong ika-19 na siglo (1800-1899), maraming mga kaganapan sa kalakalan (economic activity) na nagluwal ng mga nakakasindak na mga pangyayari sa social, political, at cultural na mga aspeto sa lipunan. Maraming nabago sa pangkaraniwang gawain sa pamumuhay at maraming istruktura ang nasira o naiba dahil sa Industrial Revolution. Maraming mga tanong at hidwaan dahil sa isyu ng katarungan ang lumitaw – lalo na dahil sa tunggalian ng mga manggagawa at namumuhanan. Dahil sa mga ganitong problema, napagtanto ng simbahan, lalo na ng kanyang mga pinuno, na kailangan nilang mamagitan at makialam sa mga bagong kaganapan. Ang mga problema sa paggawa ang naghamon sa simbahan na magkaroon ng pagbabago ng pagtanaw tungkol sa masa at sa mga mahihirap at mga inaapi. * Nagkaroon sa simbahan ng pagninilay-nilay dahil sa kahirapan na dinanas ng mga dating magsasaka, magbubukid at pesante na nagging mga alipin sa mga pabrika at paggawaan. Nagkaroon din ng bagong sigla at pagkilos sa simbahan na tignan at suriin ng mabuti ang kanyang mga tradisyon at mga turo upang maging angkop sa mga rebolusyon na nangyayari sa buong daigdig. * Mahalagang Punto: Ang panlipunang turo ng simbahan ay: -

2.

‘…pagsasabuhay ng salita ng Diyos sa pamayanan at lipunan, pagbalangkas ng mga prinsipyo sa pagninilay, pamantayan sa paghusga at pamamaraan ng pagkilos.” (Juan Pablo II, Panlipunang Pagmamalasakit ng Simbahan, 1987).

Kabuuan ng Panlipunang Turo ng Simbahan

* Ang panlipunang turo ng simbahan na sumasaklaw sa mahigit sa 100 taon, ay maaaring hatiin sa 3 yugto. Unang Yugto: Leo XIII - Pio XI (1891-1939). Ang mga turo o doktrina na nagmula sa panahong ito ay pagtugon sa mga suliranin ng Industrial Revolution at pagsagot sa mga punto ni Marx na ihinain niya sa “Communist Manifesto” (1848). Ang panlipunang turo ng simbahan ay nakatutok sa katarungang pang-ekonomiya sa mga sumusulpot na bansa o estado. Ang mga problema ng mga manggagawa ay binigyan ng mas masusing pagtingin – lalo na yung kanilang karapatang magsanib-pwersa, mag-organisa, magtatag ng unyon, ang kanilang karapatang

1

makatanggap ng isang angkop at makatarungang sahod at pangangalaga, at ang kanilang mahalagang katayuan sa bayan, lipunan, at bansa. Ang mga dokumento sa unang yugto: (a)

Leo XIII (1891) Rerum Novarum – Tungkol sa Paggawa

(b)

Pio XI (1931) Quadragessimo Anno – Tungkol sa Pagbabagong-Anyo ng Kaayusan sa Lipunan

Pangalawang Yugto: Pio XII to Pablo VI (1940-1978). Ang pangunahing katangian ng ikalawang yugto ay ang pagkakaroon ng pandaigdigang hugis at pangangailan ng katarungan – sa loob ng bansa o estado at sa pagitan ng mga bansa. Sa pagwakas ng Pangalawang Giyerang Pandaidigan (World War II), sa pagtapos ng panahon ng pananakop o colonization, sa paglitaw ng mga bagong bansa sa paglaya ng mga nito mula sa pananakop, sa banta ng nuclear war, nabaleng ang pansin mula sa bansang estado patungo sa pandagidigang pamamalakad at mula sa pangmadlang kabutihan ng bansa papunta sa kapakanang pandaigdigan. Sina Pio XII and Juan XXIII ay nagtalakay tungkol sa mga isyung politikal tulad ng giyera at kapayapaan. Ang mga dokumento sa pangalawang yugto: (a)

John XXIII (1961) Mater et Magistra: Panlipunang Pagunlad at Kristianismo – Tungkol sa Di-Pantay at Di-Makatrungang Pagkahati-hati ng Kayamanan sa Daigdig

(b)

John XXIII (1963) Pacem in Terris – On Peace, Justice and Human Rights as Issues that Call for Committed Action by Christians

(c)

Vatican Council II (1965) Gaudium et Spes: Pastoral Constitution on the Church in the Modern World – Responsibilida ng mga Kristiyano sa Mundo at Kalagayan ng Sangkatauhan

(d)

Paul VI (1967) Populorum Progressio: Ang Pagunlad ng Sangkatauhan – Tungkol sa Kalagayan ng mga Tao sa mga Bansang “Third World”

(e)

Paul VI (1971) Octogesima Adveniens: Sa Ika-80 Anibersaryo ng Rerum Novarum – Paghamon sa Sanlibutan na Kumilos para sa Pandaigdigang Kapayapaan at Katarungan

(f)

Synod of Bishops (1971) Justice in the World: Tungkol sa Katarungan sa Lipunan – Paghamon para Mamuhay at Kumilos para sa Katarungan at Makilahok sa Pagbabago ng Mundo bilang Susing Haligi ng Ebanghelyo

(g)

Paul VI (1975) Evangelii Nuntiandi: Evangelization in the Modern World – Tungkol sa Kung Gaano Ka-importante ang Ebanghelyo sa Pagbabago ng Sangkatauhan

Ikatlong Yugto: Juan Pablo II – hanggang sa kaslukuyan (1978-2007). Tuloy-tuloy ang pagunlad ng mga “First World” at “Second World” ngunit di nakakabangon ang mga bansang tinatawag na “Third World”. Lumalaki ang agwat ng yaman ng mga “First World” sa mga bansang “Third World” o mga bansang sumusubok na umunlad.

2

Ang mga dokumento sa pangatlong yugto: (a)

Juan Pablo II (1979) Redemptor Hominis: Tagapagligtas ng Sangkatauhan – Tungkol sa Kalagayan ng Pangkasalukuyang Lipunan

(b)

Juan Pablo II (1981) Laborem Exercens: Tungkol sa Paggawa – Ang Paggawa ay May Pangunahing Kahalagahan

(c)

Juan Pablo II (1987) Sollicitudo Rei Socialis (para sa ika-20 Anibersaryo ng Populorum Progressio): Encyclical Tungkol sa mga Isyung Panlipunan

(d)

Juan Pablo II (1991) Centesimus Annus (para sa ika-100 Anibersaryo ng Rerum Novarum) Tinatalakay ang mga pangunahing batayan o prinsipyo ng Kristiyanismo tungkol sa kaayusang pulitikal. Pinapakita na ang panlipunang turo ng simbahan ay naaayon sa kauganayan ng tao sa tao at ng tao sa Diyos. Kinikilala at pinapahalagahan ng palipunang doktrina ng Kristiyanismo ang bawat tao na kawangis ng Diyos at ang pagkilala sa Manlilikha ay mahalagang sangkap sa ganap na paglinang at pagunlad sa sangkatauhan.

* Ang “Compendium of the Social Doctrine of the Church” a.

Pinapakita ng Compendium ng maayos at kumpleto ang buod ng panlipunang turo ng simbahan. Ito ay produkto ng masusing pagninilay ng Magisterio o ang responsibilidad ng simbahan na magturo at gumabay sa buhay ng bawat kristiyano. Nakikita rin sa Compendium ang paninindigan ng simbahan na buhayin at palalimin ang biyaya ng kaligtasan na ipinaglaban ni Kristo at ang mapagmahal na pagmamalasakit niya sa sangkatauhan.

b.

Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa pundamental na hugis ng panlipunang turo ng simbahan.

c.

Pinapalaganap bilang: i.

Instrumento o kagamitan para sa moral at pastoral na pagninilay sa mga masalimuot at mahirap na mga pangyayari sa ating lipunan at kapaligiran;

ii.

Isang gabay na magpapatibay ng loob at diwa sa personal at sa kolektibang antas ng pagkilos, at magbigay kaliwanagan sa ating pagpili at pagtahak ng makatarungang landas na puno ng pananalig at pagasa;

iii.

Gabay para sa lahat ng mga nananampalataya kay Kristo sa larangan ng panlipunang moralidad.

d.

Ang Compendium ay para sa mga obispo, pari, relihiyoso’t relihiyosa, at para sa laiko.

3

Related Documents

Cst - Session 1 Pi
June 2020 0
Cst - Session 2 Pi
June 2020 0
Cst - Session 3 Pi
June 2020 1
Cst
June 2020 7
Cst-ma~1
October 2019 14