1. Ito ang damdamin na mararamdaman mo kapag binigyan ka ng pinakapaborito mong regalo. 2. Ang ibig sabihin nito ay labis na pagkatakot. 3. Ito ang hitsura kapag ang damit mo ay hindi pinalantsa, o kaya ang buhok mo ay hindi sinuklay. 4. Kasalungat ito ng salitang, ‘matangkad.’ 5. Hindi ito dapat pabayaan at sa halip dapat itong linisin. 6. Ang kasalungat na kahulugan nito ay mababaw. 7. Ang kasingkahulugang salita nito ay inalis. 8. Ito ang paglalarawan sa isang taong walang alam o hindi marunong. 9. Ang ibig sabihin nito ay ‘iniwan.’ 10. Palagay o opinyon ang kasingkahulugan ng salitang ito. 11. Ito ang lasa ng prutas kapag hindi pa hinog o masama ang lasa. 12. Sasabihin mo ang salitang ito kapag nakita mo ang lipad ng saranggola. 13. Ito ang paglalarawan sa mabagal na alon sa dagat o kaya naman ay mahinahong pagsasalita ng ama sa anak. 14. Ito ang sinusulatan ng mga aralin at asignatura sa pag-aaral. 15. Ito ay matalim na metal na ginagamit na panghiwa ng karne at mga gulay. 16. Mga miryenda na kinakain habang nanonood ng sine o telebisyon. 17. Lugar na pinaglutuan sa loob ng bahay. 18. Ang kahulugan nito ay ‘sariling kagustuhan’ 19. Tawag ito sa taong matipid gumastos ng kanyang pera. 20. Ito ay pagkuha ng pera o anumang bagay nang walang pahintulot mula sa mayari nito. 21. Ang ibig sabihin nito ay. ‘sagot.’ 22. Mararamdaman mo ito kapag ikaw ay malungkot. 23. Ang ibig sabihin nito ay anyaya o imbita. 24. Ang kasingkahulugan ng salitang ito ay, ‘kilala’, ‘sikat’, at ‘tanyag’. Inihanda ni Marcelino Alonzo Arabit