Banghay Aralin sa Filipino 8 I.
LAYUNIN 1. Ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Mabatid ang uri at kaantasan ng Pang-uri. b. Magamit ng tama ang mga pang-uri sa pakikipagtalastasan. c. Mabigyan ng kahalagahan ang Pang-uri.
II.
PAKSA: PANG-URI SANGGUNIAN
Hiyas ng Lahi (panitikan,gramatika at retorika)8, 184-185
KAGAMITAN
III.
Biswal o visual aids
multimedia
PAMAMARAAN: MGA GAWAIN
Dasal
Pagbati
Pagtatala ng liban
Balik-Aral
A. PAGGANYAK a. Magpapabasa ng mga pangungusap na may mga nakasalunguhit na salita. Napakaganda ni Maam Berdan sa suot niya. Ang dami naman ng mga gulay na tanim mo. Ang kulay ng capus shirt ng mga mag-aaral ay abuhin. Mabaho ang pinuntahan naming palikuran. Napakabait niyang anak. Ano ang iyong nababanaag sa mga salitang may salungguhit? b. Papangkatin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo’y may kaniya kaniyang Gawain. Unang pangkat ay gagawa ng skit na nagpapakita ng naglalarawan.sa pangngalan o panghalip (3 minuto lamang) Pangalawang pangkat ay gagawa ng isang senaryo o skit na makikita sa palengke. (3 minuto lamang) Pangatlong pangkat ay ilarawan ang mundo sa pamamagitan ng graphic organizer.
Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng kabaliktaran at ipaliwag. Ano ang iyong napansin sa lahat na ginawa ng bawat pangkat? B. PAGTALAKAY SA PAKSA Pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip. Halimbawa:
Kulay-asul
Hitsura-maganda
Bilang-anim
Laki-mababa
Dami-dalawang kilo
Hugis-tatsulok
Uri ng Pang-uri Panglarawan -nagpapakilala ng pangngalan o panghalip -Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis, at laki ay pang-uring naglalarawan. Halimbawa: masipag, maganda pula ,kalbo, mabango, palakaibigan, mahiyain Pamilang -nagpapakilala ng bilang,halaga o dami ng pangngalan. Halimbawa: Marami,mga,tatlo,kalahati,ika,pito,buo,pangalawa,sandaan Kaantasan ng pang-uri Lantay -Naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip. Halimbawa: Si Rodrigo Duterte ay matapang Pahambing -Naghahambing sa dalawa oo higit pang pangngalan o panghalip. -mas,lalo,pinaka,napaka,higit na,parehong,di gaanong magkasing,magsing at ubod Magkasing kisig sina Piolo at Dingdong. Pasukdol -katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Halimbawa Pinakamatangkad sa klase si Christopher.
C. PANGKATANG GAWAIN PAMANTAYAN: PAGKAMALIKHAIN 30% PAGKAKAISA 20% KAAYUSAN 20% PRESENTASYON 30% KABUUAN 100% PANGKAT 1…Pumili ng dalawa o higit pang mga presidente sa ating bansa at gamitin ang kaantasan ng pang-uri upang ilarawan ang mga ito. PANGKAT 2…Paghambingin ang ina at ama pagdating sa usapin, gumamit ng kabalintuang salita sa dalawa. PANGKAT 3…Magkaroon ng debate tungkol sa kahit anung paksa at gamitin ang iba’t ibang pang-uri D. PAGLALAHAT Sa ating mga tinalakay,ano magandang naidudulot nito sa ating pakikipagtastasan sa araw araw? Nabibigyan ba ito ng halaga sa simpleng pag-uusap lamang? E. PAGTATAYA O PAGSUSULIT -Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga sumusunod, ito ba ay lantay,pahambing at pasukdol. 1. Siya ay mabait na bata. 2. Ang Mt.Everest ay napakataas na bundok. 3. Mas matangos ang kaniyang ilong kaysa sa bunso niyang kapatid. 4. Higit na maputi si Ben kaysa kay Eric. 5. Hari ng kakisigan ang aking ama. 6. Mas mabango ang sampagita kaysa rosas. 7. Siya ay maganda ngunit pangit naman ang ugali. 8. Ubod ng lakas ang kalabaw. 9. Magkasing lakas ng pananampalataya sina pedro at simon. 10. Siya ang pinakamahusay sa klase. F. TAKDANG ARALIN Gumawa ng isang tula na patungkol sa iyong ina o ama, na may tatlong saknong at gamitin ang kaantasan ng pang-uri.