Banal Na Oras - Kristong Hari.docx

  • Uploaded by: JJ Del Rosario
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banal Na Oras - Kristong Hari.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 570
  • Pages: 5
PAMBUNGAD

PAGTATANGHAL NG SANTISIMO SAKRAMENTO Ilalagay ng pari ang Santisimo Sakramento sa Ostensoryo

PAG-IINSENSO Iinsensuhan ng pari ang Santisimo Sakramento

O SALUTARIS O salutaris hostia, Quae caeli pandis ostium: Bella premunt hostilla, Da robur fer auxilium Uni trinoque Domino Sit sempiterna gloria: Qui vitam sine termino Nobis donet in patria.

PAANYAYA SA PAGSAMBA P. Purihin natin ang Amang nasa langit, pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. R. Purihin ang Diyos, magpakailanman.

P. Purihin natin si Hesukristo, bukal ng lahat ng pagpapala. R. Purihin ang Diyos, magpakailanman.

P. Purihin natin ang Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay. R. Purihin ang Diyos, magpakailanman.

PANALANGIN P. Mga minamahal na kapatid, tayo’y tinipon ngayon ni Hesukristo na siyang ating Hari at Panginoon. Siya’y nananahan sa puso ng mga taong sa Kanya’y tumatanggap at sumasampalataya Halina’t dumulog tayo sa Kanya upang ating matutunan kung paano maipalaganap ang Kaharian ng Diyos. Tayo’y manalangin upang magkaruon ng kaganapan ang Kaharian ng Diyos na sa ating piling ay Kanyang sinimulan. Ialay natin ang ating mga sarili sa Kanya upang ang kalooban ng Ama ay maganap dito sa lupa tulad ng sa langit. Kaisa ng buong sambayanan, halina’t parangalan natin si Kristo na naghahari sa puso ng mga taong mapagkumbaba, dukha, tapat at walang ibang inaasahan kundi ang Diyos.

KATAHIMIKAN

MAGDAMAGANG BIHILYA

PANALANGIN BAGO MAGSIMULA ANG PRUSISYON P. Ama namin at Panginoong Diyos, lahat ng tao ay may iisang pinanggalingan. Ang iyong kalooban at kagustuhan ay ipunin kami bilang isang pamilya na nagkakaisa sa iyo. Sa aming pagtitipon ngayon upang simulan ang isang paglalakbay ng pananampalataya bilang parangal namin sa anak mong si Kristo ang Hari ng Sanlibutan, punuin mo ang aming mga puso ng tunay na pagkakapatiran upang aming maitaguyod ang katarungan para sa lahat at upang maghari ang pagmamahalan at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na Anak mo at aming Panginoon. R. Amen

PRUSISYON BENDISYON NG SANITSIMO SAKRAMENTO

TANTUM ERGO Tantum ergo Sacramentum Veneremur cernui: Et antiquum documentum Novo cedat ritui: Praestet fides supplementum Sensuum defectui. Genitori Genitoque Laus et jubilatio, Salus, honor, virtus quoque Sit et benedictio: Procedenti ab utroque Compar sit laudatio. Amen.

P. Binigyan Mo sila ng tinapay buhat sa langit. R. Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng katamisan. P. Manalangin tayo,

Panginoong Hesukristo, ibinigay mo sa amin ang Banal na Eukaristiya bilang pagalaala ng iyong pagpapakasakit at kamatayan. Nawa’y ang pagsamba namin sa sakramentong ito ng iyong Katawan at Dugo ay makatulong sa amin na maranasan ang pagliligtas na ipinag-wagi mo para sa amin at sa kapayapaan ng kaharian na doo’y nabubuhay ka kaisa ng Ama at ng Espiritu Santo, iisang-Diyos, magpasawalang-hanggan. R. Amen. Igagawad ng pari ang bendisyun ng Santisimo Sakramento

BANAL NA PAGPUPURI Purihin ang Diyos. Purihin ang kanyang Santong Ngalan. Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Tao namang totoo. Purihin ang ngalan ni Hesus. Purihin ang kanyang Kasantu-santusang Puso. Purihin ang kanyang kabanal-banalang Dugo. Purihin si Hesus sa Banal na Sakramento sa Altar. Purihin ang Espiritu Santo, ang mang-aaliw. Purihin si Maria, dakilang Ina ng Diyos. Purihin ang kanyang pagiging Imaculada Concepcion. Purihin ang kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit. Purihin ang ngalan ni Maris, Birhen at Ina. Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo. Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at mga santo.

Ibabalik ng pari ang Banal na Sakramento sa tabernakulo, habang umaawit ang sambayanan

O SAKRAMENTONG MAHAL O Sakramentong Mahal Na sa langit buhat Ang puri ng kinapal Iyong-iyong lahat Iyong-iyong lahat.

Related Documents

Banal Script
May 2020 0
In Oras
December 2019 24
Vida Banal Cidade Nua
June 2020 1
01618-2007 Oras
October 2019 8

More Documents from ""