[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
BANAL Writer: Sonny Calvento and Ben Cordova Director: Ben Cordova and Sonny Calvento EXT. LABAS NG BAHAY. HAPON Shot of kubo. Shot of Jesus Christ. Nakadungaw si Ruiz sa labas ng bahay na tila ba’y mayroong malalim na iniisip RUIZ: (Voice-over) Meron bang basehan ang tama at mali? Sa ginagawa mo ba? Sa gusto mong gawin? Sa gusto mong gawin pero hindi mo ginagawa? O sa hindi mo gustong gawin pero ginagawa mo? Siguro hindi natin kayang alamin... Ako.. Ayaw kong alamin. Opening credits. Natutulog si Ruiz. RUIZ: (Voice-over) Ako si Ruiz. Kung meron mang nakakaalam ng gaano kahirap ang buhay ako na yun. Maririnig niya ang malakas na alarm clock. Nagmadali siyang tumayo at nagayos ng sarili. Pupunta siya kay Angel at ang shot ay mapupunta kay Angel. RUIZ: (Voice-over) Siya si Angel. May sakit siya eh. Sa totoo lang. Hindi ko alam kung gaano katagal ko pa siya makakasama. Lahat ng pagpapagod ko, para sa kanya. Music 1: Kayod Kabayo, Kayod Barya.mp3 Si Ruiz, may hawak na mop. BANAL
1
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
RUIZ: (Voice-over) Ito ang mga trabaho ko.. Janitor sa umaga. Si Ruiz nagtitilad ng buko. RUIZ: (Voice-over) Tagatilad ng buko sa tanghali. Si Ruiz, naghuhugas ng mga pinggan. RUIZ: (Voice-over) Boy sa hapon. Si Ruiz, pinapainom si Angel ng gamit. Focus on Ruiz only RUIZ: (Voice-over) At nurse sa gabi. INT. DINING AREA. HAPON Shot ng green plastic habang sa dining area Maghahain si Ruiz ng pagkain para sa mga parokyano ngunit bago niya gawin ito ay magtatabi siya ng pagkain na kanyang ilalagay sa plastic. RUIZ: (Voice-over) Minsan kailangan lunukin ang kahihiyan. Wala eh.. WALANG WALA eh. Dumating ang parokyano. PAROKYANO: Wala na bang natirang pagkain diyan? Naihain mo na b a lahat? Madaming dumating ngayon, ayaw kong kulangin yun.. BANAL
2
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
RUIZ: Wala na po... (kinakabahan) Naihain ko na po lahat. INT. LOOB NG BAHAY. GABI Pumasok na ng bahay si Ruiz na masayang dala ang pagkain para sa kanilang magkapatid. Sinalubong siya ng klkukaret ngunit maasahang kapitbahay na si Lena. RUIZ: Lena, salamat sa pagbantay kay Angel ah. LENA: Sus! Ruiz, basta ikaw! Ambait bait ng batang yan eh! Cge ah, una na ko. Magkacara cruz pa ko eh! RUIZ: Eto oh..konting pang-puhunan.. LENA: Sus, ikaw tlga Ruiz..wag na itabi mo nalang yan para sa bata..Kiss nalang..pang pa swerte.. Mangingiti si Ruiz at pupuntahan niya ang kanyang kapatid. RUIZ: Angel! Nandito na ko! ANGEL: Kuya! (nakahiga pero may pagkasigla) Mukhang masarap yang dala mo ah... RUIZ: OO naman para sayo to eh. Dapat kakain ka ng madami ha. BANAL
3
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
ANGEL: Kuya, pawis na pawis ka. Mukhang pagod ka na. Pasensya na kuya kung wala akong natutulong sayo ha.. RUIZ: Ano ka ba? Bakit mo naman nasabi yan? Masaya ako na kasama ka. Masaya ako na nagkaroon ako ng kapatid na tulad mo. (inayos ang buhok ni Angel) Alam mo ba? Kaya nga Angel ang ipinangalan sayo ni nanay... Kasi.. Ikaw ang suwerte sa buhay namin. ANGEL: Talaga kuya? May mga anghel bang mahina? RUIZ: Angel, hindi ka mahina. Kasama mo ko eh! Dalawa tayo. Hindi ka nagiisa. Kaya palagi mo dapat sabihin kay kuya kung may nararamdaman ka ha? ANGEL: Opo... kuya, Wala ka bang naaalala? (ngumiti) RUIZ: Ay! OO nga pala... (napakamot) Birthday mo na sa makalawa... (nilalambing si Angel) Anong gusto mong regalo? Hindi sumagot si Angel at si Ruiz naman ay pinipilit pa rin ito. Maiisip ni Ruiz ang manikang palaging tinitignan ng kapatid sa isang tindahan Shot na dead crawl zoom out habang kumakain sina Ruiz at Angel.. RUIZ: (Voice-over) Alam kong masyado pa kong bata sa responsibilidad na inako ko. Pero kailangan eh. Si Angel na lang ang meron ako. Ako na lang ang meron siya. Kung alam niya lang kung gaano siya kahalaga sa kin... Gagawin ko ang lahat... BANAL
4
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
Kahit ano.. Para sa kanya. INT. KALYE. GABI Naglalakad si Ruiz ng mapatigil siya bigla sa isang mall. Mapapasilip siya sa toy shop dito RUIZ: (Voice-over) Minsan sa buhay natin. Hinangad natin mabigay lahat Para sa taong mahal natin. Pero mahirap tanggapin ang Katotohanan. Na hanggang diyan ka nalang... Hanggang Tingin ka lang INT/EXT.SIMBAHAN.UMAGA Nakisali nanaman si Ruiz sa misa at nadaanan ng basket ng abuloy. Kumapa sa bulsa si Ruiz at limang piso na lang ang nakuha. Nilaglag niya ito sa basket. Ang katabi niyang lalake ay dumukot din sa bulsa at nakakuha ng 500. Nilaglag niya ito sa basket. At iniabot ang basket kay Ruiz. RUIZ: (Voice-over) Kahit gaano kagipit. Naalala ko pa rin magbigay para sa Diyos. Sa dinamidami ng tao sa mundo. Mahalaga pa ba itong limang piso ko sa Diyos? Naku... Hindi naman ako banal na tao. Wala naman akong natutulong sa lipunan. Wala naman akong masyadong alam tungkol sa Diyos. May pag-asa pa kaya akong mapunta sa langit niyan? Sa labas ng kalsada ay makikita ni Ruiz na may inaabot na droga ang lalakeng nagbigay ng 500 piso EXT. KALYE. GABI Naglalakad si Ruiz galing sa drugstore. Napatigil siya at tinignan ang gamot na nabili para kay Angel. Napangiti siya. RUIZ: (Voice-over) Lahat ng kinikita ko dito napupunta. Medyo mahal BANAL
5
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
yung gamot ni Angel eh. Kaya malamang sa malamang, Kapos kami sa pangaraw-araw.
Naglakad si Ruiz paalis ng drug store . EXT/INT. BAHAY NI RUIZ. GABI Binuksan ni Ruiz ang pintuan at nakitang kabado si Lena. RUIZ: O Lena, may problema ba? Bakit parang nanlalambot ka? Kamusta na si Angel? LENA: Si Angel.. Dali dali siyang pumunta sa kapatid RUIZ: May masakit ba sa iyo? Di ba promise mo sa akin, kapag may nararamdaman kang hindi maganda, sasabihin mo kay kuya? (hindi mapakaling pagtatanong ni Ruiz at hindi sumasagot Si Angel) Angel! Birthday mo na bukas.. Hindi mo pa sa kin sinasabi yung gusto mong regalo... ANGEL: Kuya... gusto ko ng manika, yung magandang manika. yung tinuro ko sa iyo dati... gusto ko nun... RUIZ: Ah yun ba? Sige bibilhin ni kuya yun para sa iyo.. Intayin mo ako ah, babalik din ako agad... Matatagalan sa pagsagot si Angel. RUIZ: Angel? (malungkot na pagtatanong) BANAL
6
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
ANGEL: Sige kuya,hihintayin kita.... Tumakbo si Ruiz palabas ng bahay. RUIZ: (Voice-over) Diyos ko... Diyos ko... Wag... Maawa kayo sa kin... Wag ngayon..Wag muna.. EXT.TINDAHAN.GABI Tumatakbo si Ruiz papunta sa tindahan. Dali dali siyang papunta sa tindahan ngunit sarado na ito. Tinignan niya ang tindahan. RUIZ: (Voice-over) Alam mo ba yung pakiramdam na wala kang magawa? May gusto kang mangyari pero hindi mo hawak ang sitwasyon? Ang alam mo na lang gawin... yung kaya mong gawin.
Susubukin niyang pasukin ang tinadahan at makalipas ang ilang saglit ay hawak na niya ang manika. Tatakbo siya pabalik ng bahay. RUIZ: (Voice-over) Minsan ko nang nasabi na gagawin ang lahat para kay Angel. Pag sinabi kong lahat, L A H A T.. LAHAT-LAHAT.
INT.BAHAY.GABI Hingal na pumasok si Ruiz sa bahay at nagmadaling tumungo sa kapatid. RUIZ: Angel! Nandito na si kuya! (inabot ang manika) ANGEL: Kuya.. (nanghihinang ngiti) Salamat. BANAL
7
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
(pumikit na ang mga mata niya) INT. LOOB NG BAHAY.GABI. Nag-aayos ng gamit si Ruiz na dadalhin at maririnig niya ang tawa ng kapatid na para bang tinatawag siya nito. ANGEL: (Voice-over) Kuya, wag mo ko iiwan ha? Kuya, kakain na tayo.. Kuya bilisan mo!Laro na tayo.. EXT.LABAS NG BAHAY.UMAGA Nasa labas ng bahay si Ruiz dala dala ang maletang naglalaman ng mga gamit niya at ang manika ng kapatid. RUIZ: Maraming salamat sa lahat ah. LENA: Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?
RUIZ: Wala na kong rason para tumira pa dito. Wag kang mag alala malaki na ko, kaya ko to. (masayang sagot ni Ruiz) LENA: Di na ba talaga kita mapipigilan? Ngumiti at umiling si Ruiz. Niyakap niya si Lena at tumuloy sa paglalakad. RUIZ: (Voice-over) Noong nabubuhay pa si Angel. Wala akong ibang Hangad kung hindi sumaya siya. Sa bawat araw na sumasalubong, si Angel lang Ang inaalala ko. Nabubuhay ako para sa kanya. EXT.LABAS.UMAGA BANAL
8
[BANAL -- SCRIPT] February 26, 2008
Music: Bayang Barrios – isipin mo na lang.mp3 Humayo si Ruiz. Napadaan siya sa simbahan at, tiningnan niya ito nang puno ng dangal. RUIZ: (Voice over) Sana bago man lang matapos ang lahat ng to’, malaman natin kung tama ba o mali ang mga ginawa natin sa buhay natin. Ano ba ang basehan? Meron bang basehan? Paano ko huhusgaan ang sarili ko? Paano ko masasabi kung tama o mali? Paano kung hindi na mahalaga kung tama o mali? Ayaw ko nang malaman. Tawagin niyo na ko ng kung ano ano.. Immoral. Makasalanan. Marumi. Ang alam ko lang, basta para sa mga taong mahal ko, LAHAT tama. Shot of Rujz na naglalakad paalis ng simbahan. Slow motion ung effect atleast sana 20 seconds. Closing credits.
BANAL
9