Balita Update.docx

  • Uploaded by: Jell Guillermo
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Balita Update.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 293
  • Pages: 2
Balita Update OBB: BALITA UPDATE Graphics: Chargen, crawler, time and date, logo sa gilid

Anchor:

Magandang Umaga. DOH posibleng ideklarang merong measles outbreak sa Region 2 Maaaring ideklarang merong measles outbreak sa Region 2 pagkatapos tumaas sa higit kumulang 578% ang kaso ngayong taon sa buwan ng Pebrero kumpara sa nakaraang taon. Ayon sa DOH, nanganganib ang lalawigan ng Cagayan at Isabela pagkatapos tumaas ang bilang ng mga pasyente sa kabila ng pagsisikap ng mass vaccination sa rehiyon. Ang Rehiyon 2 ay binubuo ng Cagayan, Isabela, Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino. Noong nakaraang buwan lang ay dineklarang may outbreak sa Metro Manila dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng measles. Nagpaalala ang DOH na ang mga measles patient ay agarang dalhin sa hospital dahil aabutin hanggang Abril o Mayo bago pa nila ideklarang wala ng outbreak.

OBB NG WEATHER NEWS Isang low pressure area ang minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility ng Japan Meteorological Agency at Joint Warning Center. Ito ay natagpuan sa timog-kanluran ng Guam at walang pang direktang epekto sa bansa. Ayon sa Metraweather’s wind map, merong mataas na tyansa na maging tropical depression ito. Ang mga kilos nito ay ngayon minomonitor upang malaman kung papasok pa ito ng PAR sa mga susunod na araw. Samantala, naaapektuhan pa rin ang bansa ng Northeast Monsoon or Amihan. Ang Luzon, kabilang ang Metro Manila ay magkakaroon ng magandang panahon at inaasahan na

merong mababang tyansa ng pag-ulan sa Martes. Sa kabilang banda, merong light rains na mararanasan sa Leyte at Southern Leyte. Sa Caraga at Davao region ay pwede ring makaranas ng ulan sa buong araw habang umuulan naman sa tanghali sa Bukidnon at Misamis Oriental. Yan ang balita sa mga oras na ito. Manatili lang nakatutok dito sa Balita Update.

Related Documents

Sap Balita
August 2019 31
Balita Update.docx
November 2019 30
Balita Pendek.docx
May 2020 16
Rekap Jml Balita Kurus
October 2019 27
Perbedaan Antar Balita...pdf
December 2019 28

More Documents from "Andari Saputri"