GROUP 2
Yunit Yunit Yunit Yunit Yunit
3.7 3.9 4.1 4.2 4.3
Ayos ng balangkas Ang pinakamahalagang paksa at mga sakop nito ay naipapakita sa balangkas sa pamamagitan ng paggamit ng tambilang at titik o ng desimal.
Ayos ng balangkas 1. A. 1. a. b. c. 2. a. b. 3. a. b. B. 1. a. b. (1) (2)
Uri ng balangkas Balangkas
sa talataan- talataan ng mga pangungusap na may tambilang na ang bawat isa ay naglalaman na punong diwa. Balangkas sa pangungusap- ang kaisipan ay ipinahahayag sa isang buong pangungusap. Balangkas sa paksa- karaniwan ay salita o parirala ang ginagamit sa paghahanay sa mga kaisipan.
Paraan na pagbabalangkas 1. Maingat na pakinggan o basahin ang nilalayong balangkasin. 2. Pagpasyahan kung alin-alin ang pinakamhalaga at pinakamalaking isipan at lagyan ng tandang Romano. 3. Alamin ang mga pantulong na ideya at tandaan ito ng malaking titik. 4. Tapusin ang bawat pangkat bago lumipat sa Kasunod. Maging makatuwiran sa pag-antas ng mga kaisipan sa loob ng balangkas. 5. Ang mgs bagay na walang kabuluhan sa kabuuan ng banghay ay hindi na dapat isama sa balangkas.
Paglalagom Ito
ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig sa higit na maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ang lagom ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon o pamumuna.
Hakbang sa pagsulat ng Lagom 1. Pakinggan o basahing mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng napakinggan o nabasa. 2. Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahalagang bahagi at suriin ito. 3. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng sariling opinyon. 4. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom. 5. Tingnan kung ayon sa orihinal ang pagkakasunodsunod ng mga ideya. 6. Basahing muli upang lalo pang maiklian.
PAGBASA/PAGSULAT PAGBASA-
ay ang pagsunod sa mga letrang nakalimbang sa pamamagitan na ating mga mata na may pagunawa.
Uri ng pagbasa Iskaning- kinikuha lamng ang mahalagang impormasyon ayon sa layunin ng pagbasa. Binabasa lang ang mga kailangang impormasyon at iniiwan na ang iba. Iskiming- binabasa nang buo abg teksto at kinukuha ang buong kaisipan ng binasa. Prebyuwing- bago basahin ang isang aklat o babasahin ay sinusuri na talaan na nilalaman o kaya ay buod bago basahin nag buo.
Matiim
na pagbasa- ang pagbasa ay isinasagawa nang masinsinan na karaniwang isinasagawa sa mga pananliksik o pagbuo ng ulat. Muling basa- ang pagbasa ay isinasagawa muli upang mapatibay ang pagbabasa, karaniwang isinasagawa sa mga ulat.
Pagkuha at pag-unawa sa kahulugan ng salita Ang
detonasyon ay ang karaniwang kahulugan hango sa diksyunaryo o salitang ginagamit sa karaniwang pahayag. Ana kotonasyon ay ang pansariling kahulugan ng isang tao, pangkat o iba kaysa karaniwang kahulugan.
Pagbibigay ng katuturan- ay isang paraan ng paglalahad na mga pag-uugnay ng mga salita sa mga bagay, damdamin, karanasang ipinaaabot sa kausap o mambabasa. Nahahati sa tatlong bahagi ang pagbibigay ng katuturan: d) Salita/katawan e) Pangkat/kaurian f) Kaibahan
Salitang nagbibigay pahiwatig(context clues)- ang kahulugan ng isang salita ay maaring malaman sa pamamagitan ng mga pahiwatig sa mga katabing salita. Hal: Ang mga bata ng gobernador ay natatakot at may dalang baril. Idyoma- di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian na isang lugar. Hal: Bukas ang palad-matulungin Kapilas ng buhay-asawa Ilaw ng tahanan-ina Butas ang bulsa-walang pera