Ayos ng Pangungusap Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos.
1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap. Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain. Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.
Mga Halimbawa: Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika. Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM. Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Ang Punung-puno ng iba’t ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.
2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap. Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay. Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri.
Mga Halimbawa: Ang musika / ay punung-puno ng damdamin. Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music. Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.