Araling Panlipunan (Reviewer) LESSON 1: PILIPINAS … ANG AKING BANSA 1. Ano ang opisyal na pangalan ng ating bansang Pilipinas? 2. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Pilipinas? 3. Ano ang opisyal na wikang sinasalita ng mga tao na nagbubuklod sa mga mamayan nito bilang isang lahi? Pumili ng tamang kasagutan mula sa kahon.
Demokratiko
Protectorate
Soberanya Estado
Kolonya
Kontinente
4. _________________ ang tawag sa lupain o bayang sakop ng isang malakas na bansa. 5. _________________ ang tawag sa kapangyarihang pamahalaan ang sarili. 6. _________________ ang tawag sa alinman sa malalaking tipak ng lupaing binubuo ng Africa, Asya, Europe, Australia, Hilagang America, Timog Amerika at Antartica. 7. __________________ ang tawag sa sistema ng pamahalaan kung saan ang mamamayan ang humahawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kinatawan na pinili sa pamamagitan ng malayang halalan. 8. ___________________ ang tawag sa estadong nasa ilalim ng kapangyarihan o proteksiyon ng isang estadong higit na malakas. 9. ___________________ ang tawag sa pangkat ng mga taong nabubuhay sa isang tiyak na lugar na may Malaya at nagsasariling pamahalaan. UP Diksyunaryong Filipino Mahigit Dalawandaan Asya
Agham Panlipunan
Antartica
Kapuluuan o Arkipelago
Isla
Tangway o Peninsula
Mainland Continent
Pito
10. Sa kasalukuyan, Ilang bansa ang matatagpuan sa buong mundo? 11. Sa anong kontinente matatagpuan ang Pilipinas? 12. Ayon sa ____________________________, ang bansa ay “isang teritoryong komunidad ng mga mamamayan na may iisang lahi, kasaysayan, wika, kultura, at pamahalaan.” 13. Ayon naman sa isang aklat ng ___________________________, “Ang bansa o nasyon ay binubuo ng mga taong naninirahan sa isang lugar na binubuklod ng wika, tradisyon, kaugalian, at kasaysayan.” 14. Sa kontinenteng ito ay walang matatagpuan na bansa sapagkat ito ay nababalot ng yelo. 15. Ito ay isang uri ng kalupaan ng mga bansang binubuo ng mga pulo. 16. Ito ay isang uri ng kalupaan ng mga bansang may bahaging nakausli sa tubig. 17. Ang Madagascar at Taiwan ay ilan sa mga bansang kabilang sa uri ng kalupaang ito. 18. Uri ng kalupaan ng bansang ang kabuuan nasasakop ng kontinenteng kinabibilangan nito. 19. Ilang kontinente ang matatagpuan sa buong mundo? Soberanyang Panloob
May Sariling Teritoryo
May Taglay na Soberanya
Saligang Batas o Konstitusyon
Artikulo II, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 Soberanyang Panlabas
May Sariling Pamahalaan Republika
Watawat
May mga Tao o Mamamayan
Araling Panlipunan (Reviewer)