Ang Wika Ay Isang Bahagi Ng Pakikipagtalastasan

  • Uploaded by: Guadalupe Porter
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Wika Ay Isang Bahagi Ng Pakikipagtalastasan as PDF for free.

More details

  • Words: 743
  • Pages: 2
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspect ng pag-iiral --- sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Nakasalalay ang epktibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay ang isang idibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos. Inaasahang sa papel na ito na maipaliwanag ang tungkulin na ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa ibat ibang disiplina. Malaki ang papel ng wika sa pagkakatuto. Ang pang-araw araw na buhay ng tao ay umiikot dahil sa wika. Sa pamamagitan ng pasulat at pasalita, ang wika ay nagiging daan upang ipaabot ng isang idibidwal ang kaniyang kaisipan at damdamin. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang komunativo ng isang mag-aaral. Ang pagiging marunong sa wika ay nagtataglay ng kapangyarihan na makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kapwa at mapahalagan ng lubos ang kagandahan ng buhay na gingalawan ng isang indibidwal. Ang wika ang pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon. Samakatuwid, ang wika sa pagkakatuto ay makabuo ng isang pamayanang progresibo at kapaki-pakinabang. Pangalawa, ang wika ay dapat may interaskyon. Ang pagunawa sa mensaheng ipinahayag ng mga kasangkot sa interaskyon ay may pantay na kahalagahan sa pagpapahayag sa sariling ideya. Pangatlo, ang wika ang kaluluwa ng bayan at salamin ng lipunan. Ang isang bayan ay hindi makikilala kung hindi dahil sa kanilang wikang pambansa. Ang wika ang nagbibigay ng katauhan sa isang lipunan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maraming papel ng wika sa pagkakatuto. Kasama sa pag-aaral ng katangian ng wika, kinakailangan ang pageensayo sa pagsasalita at pagsusulat. Ang wika ay ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay. Ito ay isang mahalagang salik sa pagkakaunawaan ng bawat indibdwal. Maraming papel ang wika sa pagkakatuto tulad ng mga nabanggit kanina. Una, ang wika ay kasangkapan na ginagamit ng isang indibidwal upang makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wika ay may interaskyon, at Pangatlo ang wika ang nagsasalamin sa bayan. Mahalaga na maging malinang sa panunulat at pagsasalita ang isang indibidwal upang maging mahusay at epektibong instrumento ng wika. Ang wastong paggamit ng wika sa pagkakatuto ng isang indibidwal ang siyang magdadala at magbubuo ng isang pamayanang kapaki-pakinabang at progresibo. Bagamat ang wika ang kaluluwa ng lipunan. PAGLALAHAD ng mga Katangian ng Wika: 1. Ang wika ay arbitraryo 2. Ang wika ay tunog 3. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag 4. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na sinasalita 5.Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita 6. Ang wika ay laging nagbabago 7. Ang wika ay buhay o dinamiko 8. Ang wika ay nakasandig sa kultura 9. Walang wikang dalisay o puro 10. Walang wikang superyor. Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang dan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Ang wika, katulad ng panahon, ay mabilis na nagbabago. Ito ay may iba’t ibang katangian: 1.

Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo

2.

May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika

3.

May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad

4.

May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)

5.

May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin

6.

Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Related Documents


More Documents from "Anne Abbygail Pedrocillo"

Direitos: Humanos
May 2020 21
Antisepticos.docx
April 2020 32
2 Corintios.ppt
April 2020 31
Ignacio 10.docx
April 2020 30
April 2020 35