Introdaksyon Ang mga eksperto ay umamin na ang pisikal na katangian at katangiang itinuturing
na
"maganda"
ay
sa
katunayan
ay
tagapagpabatid
ng
pagkamayabong at magandang kalusugan, habang ang ilan pang ibang mga katangian at mga katangian ay itinuturing na "hindi" dahil sila ay nagbibigay ang isang tao ng mas mababa, malago o higit pang maramdaming sakit at pasakit. Ang paghusga sa kagandahan ay nagsasangkot ng pagtingin sa ibang tao at iniisip kung nais mo ang iyong mga anak na magsagawa ng taong may ganitong genes. Tayo ay ang hukom ng bawat isa sa pamamagitan ng mga patakaran na minsan ay hindi natin namamamalayan. Marahil ay sinasadya nating hangaan si Kate Moss dahil sa kanyang binti, ngunit nais din nating pagtuonan ng pansin ang mga maliit na pagkakaiba-iba sa sukat at mahusay na proporsyon ng mga mukha ng buto at ang paglalagay ng timbang sa katawan (Richards, 2004). Ngunit marami paring nanininwala na mas maganda parin ang kagandahan ng isang babae kung iya ay may taglay na kagandahan sa kalooban. Dahil ang kagandahan sa kalooban ay nagrereplika sa panlabas nakaanyuan. Sa sulating ito ay matatalakay ang kagandahan ng isang babae sa paisikal, mental, moral, intelektwal at espiritwal na aspeto ng isang babae.
Pisikal na kaanyoan Ang definasyon ng kagandahan ng isang babae para sa nakakarami ay kung ang mukha niya ay kamukha ng isang celebriti o artista. Ayon kay Pastor Joshua, “Kung iisipin, walang pakontest pare sa mga panget ngunit marami sng mga pakontes sa para sa mga magaganda.” Ito ay hindi lamang mapapatunayan ko ngunit mapapatunayan ng mga nakakarami. Kung pisikal na kaanyo-an lamang ang pagbabasihan, marahil sasabihin nating panget ang lahat ng tao sa mundong ito. Maraming kilalang babae sa industriya ng pag-aartista and nakilala dahil sa taglay nilang kagandahan katulad nina: Catherine Zeta-Jones, Heidi Klum, Elle McPherson, Laetitia Casta, Angel
Locsin at ibp. Karamihan sa kanila ay makikita mo sa telebisyon, billboard, newspaper at magazines. Tinaglay nila ang kakaibang awra na hindi mo makikita basta-basta.
Ngunit, tignan natin ang gating mga sarili sa salamin. Ang kagandahan ba ng isang tao na may pagkakahawig sa cover girl ng isang magazine? Nakaklungkot, bagaman, milyon-milyong mga babae ay hindi hitsura ng isang cover girl, at lamang ng isang dakot gawin. Ano nga ba ang kagandahan ng isang babae? Mababasi nga ba ito sa pananamit (Tormes, 2007) Ayon kay Chona Kasten(1981), “Ang simple ay kaibahan sa sinabi ng iba. Ito ay maaaring nangangahulugan na hindi maganda, pulpol, uninteristing. ngunit ang damit ay maaaring matikas kahit na ito ay hindi magkakaroon ng kahit na ano sa mga ito hangga't kaya mo itong dalhin ng mabuti at ito ay akma, hangga’t ang mga linya ay mabuti, ang mga tela ay mabuti, at ito ay mabuti sa iyo. At pagkatapos ay accessorize mo ito ng maayos. Ito ay ang kabuuang anyo muli.” Sa sinabi ni Kasten, ay nagsasabing kahit mumurahin lamang ang iyong damit ngunit kaya mo itong dalhin nagiging mahal ito at napapaganda ka sa suot mo. Ngunit tandaan lamang na kahit ano man ito kamahal kung hindi naman bay sa iyo lalo na sa iyong personalidad ay nagiging pangit ito.
Mental Sa istorya ng “Betty La Fea” ay sadyang napakapangit ng babaing bida ngunit hindi ito hadlang sa kanya na maging maganda siya dahil sa tinataglay niyang kagandahan sa mental na aspeto ng isang tao. Halimbawa na lang sa tinataglay niyang pagmamahal sa kapwa tao na naaayon sa kanyang emosyon at personalidad niya bilang tao. Katulad din sa totoong buhay, nagiging maganda ang mga babae sa mata ng tao kapag may taglay siyang kagandahan sa puso. Ang pag-ibig nang isang babae ay pabango ng puso. Ito ay ang isang pag-mamahal na magpakailanman ay pare-pareho, ang pag-ibig na ito ay naliligalig sa lahat ng himala sa sining, ang pag-ibig na kakayanin ang mundo, ang pag-ibig na ito ay ibinigay ng musika mula sa duyan, awit sa dulo ng
pagsasara simponya na nagdadala sa malayo nang ating mga diwa sa ang mga pakpak ng apoy (Hugo, 1824). Sa mga pananlitang ito parang napaka-sagrado ang pag-mamahal ng isang babae na dapat ay respiton at pangalagaan ng isang anak, asawa, kapatid at kaibigan. Sa ka katuyan kahit ano pa kapangit ng isang babae ay nagiging maganda siya sa pananaw ng maga taong nag-mamahal sa kanya at dahil sa pag-ibig niya sa mga taong nakapalibot sa kanya.
Ang kagandahan ay kabuuang anyo. Ang mukha ay hindi perpektong katangian; ang isang babae ay hindi kailangang magkaroon ng isang perpektong katawan. Kung ang isang tao ay mabikas, dinadala niya ang kanyang sarili ng may grace at karangalan, mahinhin, kaakit-akit, siya ay nagiging maganda kapag may ganitong mga katangian. Ang kabuuang larawan ay kaakit-akit. Kung ikaw ay napapansin nang isang tao o hindi. Ang isang tao ay hindi nahahati. Ang importante lamang ay ang totalidad nang isang tao. Ang isang tao ay dapat na maganda sa loob at sa labas, ngunit ang labas ay sumasalamin sa kung ano ang na sa loob. Syempre, ang mentalidad ng isang tao ay may isang kaugnayan sa kanyang panlabas hitsura. Kahit ano pa kaganda ang isang tao kung sa isipan niya ay mataba siyang tingnan tingnan wala din itong kwenta. Ang pisikal na kagandahan ay walang kahulugan kung siya mismo ay mananatili lamang panalamuti sa iba (Tirol, 2000). Upang maganda ang isang babae, kailangan ding isipin ng isang babae na bagohin niya kanyang sarili persepsyon sa kanyang sarili. Mahalin niya muna ang kanyang sarili dahil ito ang nakakapag-bago sa kanyang isipan na maganda siya Hindi dapat siya mahiya na kesyo- mataba siya, hindi matangos ang kanyang ilong, maitim siya o ano paman dahil ito ang nagpapababa sa kanyang mental na pag-iisip.
Moralidad Kapag may moralidad ang isang tao, agad isang napapansin ng ibang tao. Nagagayak ang mga tao sa kanya at sa katagalan ay maiisip din nila ng may
kagandahn siyan taglay. And tunay na kagandahan ng isang babae ay kung paano niya repitohin ang kanyang sarili at kapwa bilang tao. May dignidad siya at paninindiagan sa sarili. Siya inilalagay sa isang premyum na kalinisan at respeto ng isang kasal. Siya hindi sangayon sa extra-marital o premarital sex at isang live-in na relasyon, na patuloy na magtamo ng isang matibay na antas ngkilabot sa Pilipinas ngayon (Aguado, 1999). Ngunit sa maka-modernong panahon ngayon, ayon kay Harry J. Skornia (2004), naapektohan ang moralidad ng isang babae dahil sa impluwensya ng mga palabas sa telebisyon. Anya pa niya, ipinalalbas ng mga programa na kapang gusting maging intresante and babae ay kailangan na may kaugnayan siya sa mga lalake. Halimbawa na lang sa programang “Eva Fonda”, hindi sa ito’y masamang impluwensya sa mga manonood ngunit ito ay nag-papababa ng moralidad ng mga babae dahil sa mga eksenang hindi dapay ipakita sa nakakarami. Oo nga’t sasabihin ng nakakaraming lalake na maganda ang mga babaeng ito ngunit pinapababa nila ang kanilang moralidad sa sarili at parang binabawasan din ang kanilang kagandahan sa sarili. (Hindi ako nag-huhusga nagbibigay lang po ako ng aking opinion. Lahat naman po tayo ay may karapatang magbigay ng opinion. Hindi ko rin po sinasabing makasalanan sila, nagpapahayag lang.)
Intelektwal May kasabihang. “What is beauty if the brain is empty?” Marami ang nagtataka kung ano ngaba ang mag matingbang sa ganda at talino. Minsan ay may nagsabi na lalake na mas matingbang daw ang ganda kesa sa talino dahil ang kagandahan ay hanggang kayo ay magkasama at dahil ang talino ay matutunan din. Meron ding nagsabing lalake na mas importante ang talino dahil ito ay mababaon mo habang buhay samantalang ang ganda ay lilipas din kapag matanda kana.
Para sa karamihan nagiging maganda ang babae kapag may talino siyang taglay. Katulad na lamang sa ky Meriam Defensor, nagging sponsor siya nang kanilang Cadet Officer sa UP dahil sa mata ng mga Cadet Officer’s, ayon sa kanya, ay sa mata dawn ng mga lalake ay para siyang prinsesa. Nakuha niya ang atensyon nila dahil sa kanyang talino. Hindi niya daw lubos na maisip na siya ang piliin dahil sa palagay niya ay hindi siya maganda, Sabi ni Kasten “Hindi lamang ang pisikal na kaanyoan mo ang nagbago ngunit ang iyong talino mismo”. Aanhin mo naman ang ganda kapag hindi mo naman alam ang dapat mong gawin.
Ispiritwal Ang inyong ganda’y huwag maging sa kagayakang panlabas lamang, paris ng pang-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong hiyas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang gandang natatago sa kabibuturan ng puso, ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, at lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. Iyan ang kagandahang pinagyaman ng banal na babae noong unang panahon. Sila’y nanalig sa Diyos at napasakop sa kanilang asawa (1 Pedro 3:3-5). Imbis na ang pisikal na kaanyoan natin an gating pagtuunan ng pansin mas dapat nating pansinin ang ating kaanyoan sa loob. Bigyan natin daan ang Diyos na pagandahin an gating kagandahan sa loob dahil kung ang Diyos ay na sa loob natin makakaapekto ito sa panlabas nating kaanyoan.
“Kagandahan ng Isang Babae”
Biling Patpat sa Pangangailangan Sa Asignaturang Filipino 102
Ipinasa kay: Ms. Cheryl N. Dalida Guro
Ipinasa ni: Bithao, Daisy D. BSN-1B
OUTLINE
I.Pagpapakilala sa kagandahan ng isang babae
II.Pisikal na kagandahan
III.Mental na kagandahan A.Emosyonal 1.Pagmamahal
B.Personalidad 1.Pagkilala sa sarili 2.Pagtanggap sa sarili
IV.Moralidad na kagandahan
V.Intelektwal na kagandahan
VI.Ispiritwal na kagandahan
Bibliography
Libro Aguado, Yett Montalvan. Understanding Pechants and Pecularities.Graffe Books.1999
Hugo, Victor. “The Man and Woman”. 1824
Kalaw-Tirol, Lorna. Public Faces, Private Lives. ANVIL Publishing, Inc. 2000
Kasten, Chona.Celebrity (1981)
Jornal 1 Pedro 3:3-5. Ang Bagong Upan. Philippine Bible Society. 2001
Tormes, Melinda H. “Mirror, Mirror on The Wall”. Health and Home 2007 Volume 48 (March-April 2007).
Website Richards, Anne. Female Physical Beauty Part 1. 21 March 2004. < http://transwoman.tripod.com/beauty.htm >