Ang Tekstong Deskriptibo: Ito Ang Mga Teksto Na Kapag Binasa, May Imahen O Larawang Nabubuo Sa Isipan Ng Bumabasa

  • Uploaded by: Cross Sandford
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Tekstong Deskriptibo: Ito Ang Mga Teksto Na Kapag Binasa, May Imahen O Larawang Nabubuo Sa Isipan Ng Bumabasa as PDF for free.

More details

  • Words: 486
  • Pages: 21
MODYUL 2 ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

ITO ANG MGA TEKSTO NA KAPAG BINASA, MAY IMAHEN O LARAWANG NABUBUO SA ISIPAN NG BUMABASA.

ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO AY MAIHAHALINTULAD SA ISANG LARAWANG IPININTA O IGINUHIT KUNG SAAN KAPAG NAKITA ITO NG IBA AY PARANG NAKITA NA RIN NILA ANG ORIHINAL NA PINAGMULAN NG LARAWAN.

ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO AY MAY NATATANGING HALAGA BILANG ISANG SANGGUNIAN SA PAGSULAT NG ISANG PANANALIKSIK – ITO AY NAKATUTULONG SA PAGPAPAGALAW NG ISIP SA PAGBUO NG ISANG IMAHEN.

GUMAGAMIT DITO NG MGA SALITANG PANURING O NAGLALARAWAN, TULAD NG PANGURI O PANG-ABAY.

MAAARING INILALARAWAN DITO ANG TAO, BAGAY, PANGYAYARI O SITWASYON, IDEYA, KONSEPTO O ISANG KAISIPAN, AT KILOS NA MAY MAHALAGANG BIAS SA PAGHAHATID NG MAKABULUHANG MENSAHE.

DALAWANG URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

1. KARANIWANG PAGLALARAWAN – KADALASANG GUMAGAMIT NG MGA PAYAK NA ANYO NG PANANALITA SA PAGLALARAWAN. HAL. NAKAKALBO NA ANG ILANG KABUNDUKAN SA LUZON.

MALAKAS ANG HAGUPIT NG HANGING DALA NG BAGYO.

2. MASINING NA PAGLALARAWAN – MAAARING HINDI PAYAK ANG PAMAMARAAN NG PAGBUO NG MGA MALIKHAING PAGLALARAWAN SUBALIT GUMAGAMIT PA RIN ITO NG MGA SALITANG PANURING NA ANG KAIBAHANG AY NASA MATAAS AT MAS MABULAKLAK NA PAMAMARAAN.

MAGKASALO TAYO SA ISANG HAPAG. IKAW, SA KABILANG KANTO NG ATING KINAUUPUAN. AKO, SA IYONG HARAPAN. HUMINGI TAYO SA SERBIDORA NG ATING PAGSASALUHAN. INIHAIN ANG PABORITO NATING PAGKAIN. SAPAT NANG SULYAPAN KA HABANG NGUMUNGUYA KA.

SAPAT NANG MAPAGSALO NATIN ANG SIMPLENG BIYAYA PARA SA ATING DALAWANG MAY PUSONG TUMUTUGMA SA KALIKASAN NG PAGMAMAHAL.

ANONG IMAHEN KAYA ANG NABUBUO SA BUMABASA NG HALIMBAWANG TEKSTO? SINO KAYA ANG SANGKOT? ANONG DIWA AT DAMDAMIN ANG NAIS IPAHATID NITO?

**MAY MGA IDEYANG MAAARING MAGING PANGUNAHING PAKSA UPANG MAKABUO NG ISANG MAKABULUHAN AT EPEKTIBONG DESKRIPTIBO O PAGLALARAWANG TEKSTO. ILAN SA MGA ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

Sa tao

Mapipintog ang kanyang mga muscle. Usbong ang kanyang kalamnan. Buo ang dibdib.Samakatuwid, matipuno ang kanyang katawan. Manipestasyon na buo ang kanyang pagkalalaki/pagkatao.

SA BAGAY MAKISLAP NA ANIMO’Y HINUGOT

SA PUSOD NG DAGAT NA NABUDBURAN NG LAHAT NG URI

NG MGA PERLAS. MAKINTAB ANG PANLABAS NA ANYO, SOLIDO NAMAN ANG PANLOOB.

SA MGA LUGAR

KASINLAYO NG IBAYO ANG DESTINASYON KO. HINDI MAN

TUWID ANG DARAANAN, DIRETSO LANG ANG TINGIN AT

MATATAHAK ANG LANDAS NA PATUTUNGUHAN.

•AKALA MONG MALAYO SUBALIT HINDI NAMAN PALA. AKALA MONG MALAPIT SUBALIT MAY PAGTAHAK PA RIN PALA.

SA MGA IDEYA O KONSEPTO -HINDI MO MALALAMAN KUNG ANO ANG DAPAT ISIPIN O GAWING DESISYON. ITO ANG BUMABAGABAG SA AKING DIWA. ITO ANG SUMUSULYAK SA

AKING DAMDAMIN.

•ITO ANG NAGPAPAGULO SA AKING ULIRAT. SA TUWING NAIISIP KO ITO,

HALOS PINUPUNIT NITO ANG AKING PAGKATAO.

•SA TUWING MARARAMDAMAN KO ITO, HINIHIWALAY NITO ANG AKING KATAWAN AT KALULUWA. BUMABAGABAG

ITO SA AKING SA AKING KABUUAN. SA AKING KAMALAYAN.

MGA ESTRATEHIYA SA MABISANG PAGLALARAWAN 1. MAHALAGANG PUMILI NG ANGGULONG GAGAMITIN SA PAGLALARAWAN. 2. PAGGAMIT NG MGA SALITANG NAGLALARAWAN NA KAUGNAY SA PANDAMA.

•SA MASINING NA PAGLALARAWAN NAMAN, NAKAKATULONG ANG PAGGAMIT NG MGA TAYUTAY O MATATALINGHAGANG PANANALITA.

Related Documents


More Documents from "Alyssa Hernandez Villadelrey"