Ang Pasko [PLPHP] Ang panahon ng pasko ay dumating na naman, at ang pinuno ng kasamaan na si Satanas ay muling pumapaibabaw upang hikayatin ang mga tao na maging bahagi sa pagbabago (sa ritual ng Islam) at shirk. Ang susunod ay ang pagsusuri sa Pasko at ang nararapat na gagawin ng mga Muslim sa panahon ng Pasko. Anumang kaparaanan ng paniniwala (Pasko o iba pa) sa iba't-ibang relihiyon ay nararapat naangkop sa bawa't isa sa mga saligan upang maturingang tunay: 1. Ito ay dapat may batayan mula sa mga kasulatan o mula sa mga mapapanaligang mga pananalita ng Tagapagbalita. 2.
Ang Tagapagbalita ipinapalaganap ito.
at
ang
kanyang
mga
kasamaan
ay
gigampanan
at
3. Ang Kasulatan o ang mga salita ng Tagapagbalita na pinagmumulan ng panuntunan ng pananampalatayang ito kinakailanangang panatilihin mula sa anumang pagbabago o pagkasira. Ang Pasko ba ay may Katibayan mula sa Bibliya? Ang salitang 'Christmas' ay hindi kailanman matatagpuan sa kabuan ng Bibliya. Ang Bibliya ay tahimik hinggil sa pagdariwang ng Pasko maliban sa isang bagay, ang paglalagay ng palamuti sa puno. Sa kabutihang-palad, sa mga Kristiyano, ang Bibliya ay may nabanggit na isa o dalawang bahagi na nagsasabi sa paglalagay ng palamuti sa 'Christmas tree', subali't sa kasawiang-palad, ang kanilang Bibliya ay hindi sinasang-ayunan o ipinag-uutos ito kundi tinutuligsa ang paglalagay ng palamuti sa mga puno: "Ang kabihasnan ng mga tao ay walang halaga, pumutol sila ng puno mula sa kagubatan, at ang mang-uukit ay ukitan ito sa pamamagitan ng kanyang pait, sasambahin nila ito kasama ng pilak at ginto, pinagdidikit iti sa pamamagitan ng martilyo at mga pako upang hindi magiba at magkakahiwalay." [Jeremiah 10:3,4] Ang mga pagano bago ang mga Kristiyano ay pinaniniwalaang pamahiin na ang kulay berdeng puno ay may natatanging kapangyarihan ng pagtatanggol. Sa katotohanan ang paggamit ng 'Christmas tree' ay nagsimula noong ika-17 siglo sa Strasbourg, Fransya at mula dito ay lumaganap sa Alemanya, Britanya at sa Estados Unidos. Ang pagsasamba sa puno ay ang pangkaraniwang katangian ng relihiyon sa mga taong Teutonic at Scandanivian sa bahaging hilaga ng Europa bago ang pagiging Kristiyano …… ang mga mananakop na Aleman ay dinala ang kinaugaliang 'Christmas tree' sa kanilang mga sinasakupan sa Amerika noong ika-17 siglo. Sa ika19 na siglo ang gamit nito ay laganap. (Compton's Encyclopedia, 1998 Edition)