Ma. Cleofe B. Pasion BSN-1A
Ginoong Esdras B. Arzadon Ang Aking Pananaw Sa Homosekswalidad
Ako man ay nanginginig sa sandaling ito, nais kong ipahayag ang aking pananaw tungkol sa homosekswalidad. “Bakla! Bakla! Bakla!” o “Tomboy! Tomboy! Tomboy!” Hindi na siguro bago sa atin ang mga salitang ito at kadalasan, naririnig natin ito sa mga bata kapag may dumadaan na bakla o tomboy. At ang masakit pa rito pati mga matatanda karaniwang binabanggit din ang mga salitang ito. Sinasabing sila ay mga makikitid na pag-iisip. Pero ang ganitong gawain hindi ba isang kawalan ng respeto sa iba? Isa itong uri ng diskriminasyon at patuloy itong nangyayari. Marahil, isa na rito ang sinasabi nilang “walang ginawa ang Diyos na bakla at tomboy at isa itong malaking pagkakasala sa Kanya”. Pero talaga bang kasalanan ang isang pagiging bakla at tomboy? Sila ay tao rin na may puso’t damdamin. Ayon kay Sophocles, isang tanyag na Gregong manunulat, “Maraming magagandang bagay dito sa mundo, at wala ng gaganda pa sa tao”. Kung ganoon ang mga bakla at tomboy na matatawag din na magagandang nilalang at bhindi salot dahil tao rin sila. Ang tao ang pinakadakilang nilikha ng Diyos. Siya ang nagsisilbing tagapagbantay sa iba pang nilikha ditto sa mundo. Siya ang pinakamataas sa lahat dahil may kaluluwa, tamang pag-iisip, at dakilang puso. Datapwat, iba’t-iba man ang klasipikasyon ng mga bagay na ito, nangangailangan din sila ng respeto sa isa’tisa. Subalit parang hindi itinuturing na tao ang mga kabilang sa pangatlong kasarian. Mayroon din silang dignidad at kahalagahan . Panghuli, respeto sa kanila ang pinakaimportanteng maibibigay natin sa mga bakla at tomboy. Nalalaman natin na kahit anumang uri ng sekswalidad mayroon tayo, tayo ay may karapatan din sa mundong ibabaw.