ANG SIKRETONG REKADO Kwento ni: Grace D. Chong “ Talaga, ‘Tay, ako na po ang magluluto para sa atin?” tanong ni Teo. “ Ttalaga, anak, “ mahinang sagot ni Tatay Ador. Halos hindi siyamakapagsalita dahil sa kirot ng kanyang paa.“K-kasi hindi naman ako pwedeng magluto at m-mahiga nang sabay,” pilit niyang pagpapatawa kay Teo. Natigilan si Teo – hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot. Dapat siyang matuwa dahil, sa wakas, pinapayagan na siya ng tatay niya na magluto – nang magisa niya! Pero nalulungkot siya dahil ngayon lamang niya nakitang nanghihina ang tatay niya. Nakagisnan na kasi niyang siya’y lagging inaalagaan nito. Baliktad ngayon. At parang turumpo si Teo sa pag-aalaga sa kanyang tatay. Inayos niya ang mga gamot nito sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa kusina. Pinapaypayan niya ang tatay niya para hindi mainitan.Nang umaga ng araw na iyon, si Tatay Ador ay tulad lang ng dati – malakas at malusog. Matapos paliguan ang kanyang dyip at magpaalam kay Teo pinaandar na niya ang dyip papaunta sa bukid. Ngunit habang inaatras niya ito palabas sa kalye, mabilis na dumaan ang isang malaking trak. Nabangga ng humaharurot na trak ang dyip ni Tatay Ador.KRRASSS! Pero hindi man lamang tumigil ang kaskaserong drayber – tuloy – tuloy pa rin ito sa pagpapatakbo ng trak niya.Sinabi kay Teo ng mga kapitbahay na sumasaklolo. “Huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa tatay mo! At agad nilang dinala ito sa health center. Ang lahat ay nakahinga nang maluwag nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero Malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang bahaging katawan niya. “Mahigpit na bilin ng doktor. “Kailangan niyang magpahinga sa kama ng ilang araw.”Ang lahat ay nakahinga nang maluwag nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero Malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang bahaging katawan niya. “Mahigpit na bilin ng doktor. “Kailangan niyang magpahinga sa kama ng ilang araw.”Pagdating sa kanilang bahay, inihiga ni Taty Ador ang masakit niyang katawan. Pero alang-alang kay Teo pilit niyang ipinapakitang malakas pa rin siya. Mas nasasaktan kasi siyang nakikitang nag-aalala si Teo para sa kanya. “T-Teo, n-narinig mo ba ako?” tanong niya rito. “ I-ikaw na ngayon si Chef Mateo!”“Chef?! Ako?!” tanong ni Teo na natuwa sa narinig.
Inilapag niyaang pamaypay at kumuha ng puting papel, gunting at pandikit.“A – anong ginagawa mo?” tanong ni Tatay Ador.“Isang malaking sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!” Gusto ni Teo na magmukhang isang tunay na chef.