May Lakad Kami ni Tatay ni Eugene Y. Evasco at iginuhit ni Brent Sabas
Espesyal ang araw na iyon sapagkat ang araw na iyon sila ay pupunta ng kanyang ama sa Parke upang mag ehersisyo at kumuha ng mga litrato. Sinabi ng ama sa kanyang anak na kailangan nilang kumilos sapagkat hindi malusog ang mataba. Nagsalita ang batang si Ramon sa kanyang ama, sinabi niya dito na ang kanyang Lola at Ina ay mabibilog. Sumagot ang ama kay Ramon sinabi niyang isusunod din nila ang lola at ang kanyang ina. Hindi sila sasakay ng jeep o traysikel papunta sa parke. Sila ay nag-inat ng mga braso at binti, inikot-ikot ang kanilang mga balikat at giniling-giling ang kanilang mga balakang. Una nilang nadaan si Aling Tasya na nagdidilig ng mga bulaklak. Ito ay kanilang pinag-igib ng limang baldeng tubig. Ito ay nagpasalamat sa kanila. Naglakad uli sila ng mabagal tapos ay bibilis. Babagal at bibilis muli. Sila ay pawis na sa kanilang paglalakad. Nang dumaan ang mga siklista sila ay nagulat. Kinunan nila ito ng litrato. Ninais ni Ramon na magkaroon din siya ng bisikleta katulad ng kanyang ama. Gusto niyang tularan ang ama na nagbibisikleta lamang papuntang trabaho. Nang makarating sa parke, masaya sa buong Parke nakakaindak ang musika at panay masasaya ang mga tao. Ang batang si Ramon ay humalo at nakisaya sa mga tao. Natapos ang ehersisyo ngunit pakiramdam ni ramon ay umiindakindak pa din ang paligid niya. Nag aya ang kanyang ama na sila ay magmeryenda muna. Ipinakita ng kanyang Tatay ang mga larawan na kanilang kinunan. Si Ramon ay nasasabik na sa susunod na Linggo. Sa susunod na lakad nila ng kanyang Tatay.