Alamat Ng Gubat

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Alamat Ng Gubat as PDF for free.

More details

  • Words: 490
  • Pages: 1
“Alamat ng Gubat” Ni Bob Ong SURING BASA nina Leonell Elimanco Banaag Mark Marco Ungson Karl Bryan Almarez Vingson I.

Mga Tauhan • Tong – Ang bida sa “Alamat ng Gubat.” Siya ay isang talangkang naghahanap ng puso ng saging para ipanggamot sa kanyang itay. Kasintahan niya si Dalagang Bukid. Siya ang kapatid ni Katang. • Pagong – Siya ay isang pagong na tumulong kay Tong na hanapin ang puso ng saging. Kanyang ipinagmamalaki ang kanyang mga itlog kay Tong. Siya ay mabagal magsalita. • Aso – Siya ay isang aso na nakatira sa gubat. Tumulong din siya kay Tong na hanapin ang puso ng saging. Si Aso ay mahilig sumuka, kainin ang sinuka niya, muling susuka, at kakainin muli ito. • Kuneho – Siya ay isang kunehong sumama sa paghahanap para sa puso ng saging. Gusto niya na nasusunod ang gusto niya, at madalas ay nagagalit siya. • Buwaya – Siya ang buwaya na kumain sa mga kaibigan ni Tong sa dulo ng kwento. Ang kanyang kasa-kasama ay si Maya na isang maliit na ibon. Kasama siya sa grupo ng masasamang hayop. • Daga – Siya ang kinakasama ni Leon. Ito ay natutong umatungal dahil kay Leon. Kasama siya sa grupo ng masasamang hayop. • Leon – Ang pinaka-pinuno ng grupo ng masasamang hayop na kinakasama si Daga. • Maya – Ang kasama ni Buwaya. Minsan ay kinakain siya ni Buwaya ngunit nakakatakas siya. Ang trabaho niya ay linisin ang ngipin ni Buwaya. • Ulang – Isa siya sa mga kaibigan ni Tong na gumagawa ng “wala” at nakababad lamang sa dalampasigan. Di kalaunan ay namatay siya dahil sa init ng araw. • Mga Insekto – Sila ang mga insekto sa kagubatan na nais lumaban sa mga hayop dahil pakiramdam nila ay minamaliit sila, at tinatapak-tapakan lamang.

II.

Layunin ng May-akda Gustong iparating ng may-akda na ang ang buhay sa kagubatan ay hindi rin nalalayo sa buhay natin dito. May mga mapang-api at may inaapi; meron din ung mga may ginagawa tulad ni Tong at meron din nung mga tamad at walang magawa sa buhay tulad nung Tipaklong na salita lang ng salita at si Ulang. Ibig ipakita ni Bob Ong ang katauhan ng bawat tao sa mga hayop na inilarawan niya.

III.

Kaugnayan sa Usapang Panlipunan Ang “Alamat ng Gubat” ay may kinalaman sa “crab mentality” ng mga Plilipino. Imbis na umunlad tayo, nag hihilaan pababa ang mga tao kung sa tingin nila ay nauunahan sila ng iba, o sagabal ang iba sa kanilang sariling pag-unlad. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa kanila ang puso. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan. Makikita rin ito sa eleksyon. Mababatid natin ang suhulan, tulad ng kay Kuneho sa mga langaw. Marahil nga na ang “Alamat ng Gubat” ay salamin sa ating mga katauhan sa ating lipunan ngayon.

Related Documents

Alamat Ng Gubat
June 2020 11
Ang Alamat Ng Saging
June 2020 8
Alamat Ng Mangga.docx
December 2019 20
Alamat
October 2019 61