667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
ANG KAWAYAN AT ANAHAW (Maikling Tula)
Ni
Proceso Burgos Katindig
Sunshine D. Sucabit Estudyante
Bb. Ruby Anoche Guro
December 1, 2014
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
Buod at Reaksyon
“Higit na dakila ang hamak sa turing na mayroong matatag na simulain”, ika nga sa tula ni Proceso Burgos Katindig na pinamagatang Ang Kawayan at Anahaw. Isang matalinghagang kasabihan na nagtataglay ng isang nakatagong magandang aral. Sa tulang Ang Kawayan at Anahaw ay naisasalarawan ang kawayan bilang matayog na puno at ang anahaw bilang isang hamak na mababang puno. Isang araw ay nagwika ang kawayan sa hamak na anahaw, “Bakit ayaw mong pumantay sa akin para hindi ka magmistulang kawawang malasin? Tingnan mo ako, sa aking katayuran ay nahahalikan ko ang langit at natatanaw ko ang buong paligid”. Ngunit, ang sagot ng abang anahaw sa matayog na kawayan, “Ako nga’y mababa subalit dahil sa aking kababaan ay natatanaw kang mataas na tunay. Ako man ay hamak na mababa lamang sa iyong paningin, ako’y matatag din. Sa hampas ni hanging habagat ako’y hindi natitinag hindi katulad mo na matayog nga subalit sa bawat hampas ng hangin ay napapabusabos na kung saan man hatakin ay nakayukong napapahinuhod din”. Tunay ngang nakakamangha ang tinataglay na kahulugan ng bawat linya ng isang tula. Ang taglay na aral ng tulang ito ay isang tunay na napakaganda. Isang aral na sisindi sa mga natutulog nating diwa. Sa aral na binigay ng anahaw na kahit tinuturing tayo ng karamihan na isang hamak lamang, kahit na maliit lang tayo sa kanilang paningin, hayaan mo sila. Ang mahalaga’y mayroon tayong matatag na simulain o paninindigan. Totoo’t maraming tao ang ating tinitingala na sa akala nati’y napakataas, hindi natitinag subalit sa pagdating ng unos ay bumibigay din. Ating alalahanin si punong kawayan, sa tayog na kanyang narating, nagiging sunud-sunuran pa rin sa hangin. Bilang isang mag-aaral, dapat matutunan nating maging anahaw. Mahina man tayo sa ilang bagay, tayo ma’y hinuhusgahan dahil sa ating prinsipyo, maging matatag ka lamang sapagkat iyan ang magiging lakas mo sa pagdating ng mas marami pang unos sa ating buhay. Hindi mo kailangang maging mataas para maging
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
matagumapy, maging matatag ka lamang sa iyong simulain at tagumpay ay mararating mo rin.
Ang Pitong Anak na Babae ni Sultan Liwanag (Maikling Kwento)
Ni
Percival Campoamor Cruz
Sunshine D. Sucabit Estudyante
Bb. Ruby Anoche Guro
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
December 1, 2014
BUOD Mga Tauhan: Sultan Liwanag: Pinuno ng Pulang- Lupa Prinsesa Luningning: Pinakamatanda at dapat na tagapagmana subalit may kapansanan sa pag- iisip Prinsesa Sibat: Pangalawang anak ni Sultan Liwanag; maliksi at malakas Prinsesa Paraluman: Pangatlo at may pambihirang katalinuhan pagdating sa paggamit ng isip. Siya ang may pinakamaraming aklat na nabasa sa buong kaharian. Nag- aral siya ng astronomika sa Tsina Prinsesa Mabini: magaling sa larangan ng pagtatanim at paghahayupan. Siya ang utak sa likod ng masaganang ani. Prinsesa Matuwid: Magaling sa paggawa at paghawak ng pera sa komersyo. Siya ang inatasang taga- singil ng buwis sa kaharian Prinsesa Makahiya: Bihasa sa panggagamot. Siya ang pinupuntahan ng mga may sakit sa kaharian. Prinsesa Maputi: Bunsong anak ng sultan at pinakamamahal ng lahat
Setting o Lugar ng Pangyayari: Sa pulo ng Pulang- Lupa Balangkas ng Kwento: Sa katandaan ay kinakailangang maipasa na ni Sultan Liwanag ang pamumuno sa Pulang- lupa. Ayon sa kaugalian, ang nararapat sumunod sa kanya bilang pinuno ng kanyang lipi ay ang kanyang pinakamatandang anak. Subalit, kahit gaano niya kamahal ang pinakamatandang anak ay hindi niya pwedeng ipasa ang pamumuno dito sapagkat si Prinsesa Luningning, bagamat ipinanganak na panganay, ay ipinanganak na may kapansanan sa pag- iisip. Sa alalahaning kinakaharap ng sultan, nagpasya siyang ibahin ang paraan ng pagpili ng tagapagmana. Pito ang anak ni Sultan Liwanag at lahat sila ay babae. Sa
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
pagbabago niya sa kinaugalian, ibabatay niya ang pagpili sa talino at galing sa halip na sa kung sino ang nakakatanda. Ang pitong anak na babae ay binigyan ng pantay- pantay na pagturing at pagmamahal ng ama. Silang lahat ay dumaan sa pag- aaral sa ilalim ng mga matatalinong guro sa pulo. Lahat sila ay narinig at nakabasa ng mga kasaysayang galing sa Tsina at Indiya. Silang lahat ay dumaan sa pagsasanay sa paggamit ng sandata at pakikipaglaban. Higit sa lahat, ipinakita ng kanilang ama kung paano maging isang mahusay na pinuno ng kaharian gayundin ang mabuti at kapaki- pakinabang na pakikipag- negosyo sa mga Intsik at taga- Indiya. Sa kabila ng lahat, ang bawa’t isang anak na babae, ay may kani-kaniyang naiibang ugali, hilig, at katangian. Bawat isa ay binigyang pagkakataon para ipakita ang angking katangian. May nagpakita ng lakas at liksi, katalinuhan sa pag- iisip, pagkadalubhasa sa pagtatanim at paghahayupan, katalinuhan sa paghawak ng pera at pagkabihasa sa gamutan. Sa bawat pagpapakitang gilas ay nalugod ang hari. Si Prinsesa Maputi, bagama’t ayaw makipagtagisan ng talino sa mga nakakatandang kapatid, ay kinakailangan ding lumahok sapagkat ito’y utos ng kanilang ama. Kinausap ng prinsesa ang mga kapatid at sila’y pumayag at tumulong sa paglikha ng isang pagtatanghal. Sila’y tinuruan ni Prinsesa Maputi ng sayaw at kanta. May mga batang lalaki at babae na isinali sa palabas na silang tutugtog ng bandurya, gitara, tambol at flawta. Inipon din niya ang mga kababaihan upang bumuo ng koro at pangkat ng mananayaw habang ang mga kalalakihan ay pinagawa niya ng palamuti. Dumating ang pagtatanghal at ang hari ay namangha at nalibang pati ang buong kaharian. Nang dumating ang panahon, nagpasya ang hari at hinirang na sultana si Prinsesa Maputi. Ayon sa hari, batay ito sa galing niyang pagsama- samahin ang galing ng ibat- ibang tao upang makagawa ng isang balakin. May ibat- ibang katangian at galing ang mga tao subalit napagbuklod- buklod ng prinsesa ang bawat isa para sa iisang layunin.
Tema: Layunin ng may- akda na iparating sa mga mambabasa na ang isang magaling na pinuno ay may kakayahang pag- isahin ang mga tao upang mapagtagumpayan ang isang layunin. Ang mabisang pamumuno ay may kakayahang tangkilikin at gamitin ang taglay na galing ng bawat mamamayan tungo sa kaunlaran.
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
Reaksyon/ Komento: Malaking responsibilidad ang pagiging isang pinuno. Isang responsibilidad na iilan lamang ang may kayang panindigan hanggang huli. Sa kwentong “Ang Pitong Anak na Babae ni Sultan Liwanag” ay ating natutunan na ang pagiging isang pinuno ay hindi nababatay sa lakas, liksi o talino lamang bagkus ay batay din ito sa kakayahan ng isang pinuno na pag- isahin ang lipunan. Bawat tao ay may kanya- kanyang katangian at kakayahan. Ang bawat pinuno ay may kanya- kanyang paraan ng pamumuno. Lahat tayo ay may pagkakaiba kahit pa ang kambal ay mayroon din. Tayo ay magkakaiba subalit pwede pa rin tayong magkaisa para sa iisang layunin. Kung ang pinuno ay mahusay at matalino, ang pagkakaiba- iba natin ay pwedeng maging isang sandata o daan tungo sa kaunlaran. Si pinuno kung kanyang lilinangin ang angking kakayahan ng bawat mamamayan ay makakagawa ng isang napakagandang layunin. Kung ang pinuno ay tatangkilikin ang iba’t- ibang kagalingan ng lipunan ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila