1.5 Tiyo Simon.docx

  • Uploaded by: Danna Jenessa Rubina Sune
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 1.5 Tiyo Simon.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 3,048
  • Pages: 18
UNANG MARKAHAN ARALIN 1.5 Panitikan :Dula - Pilipinas Teksto :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio Wika :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) Bilang ng Araw :5 Sesyon MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ig-h-43)  Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag. PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ig-h-43)  Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing kaisipan ng dulang binasa. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ig-h-43)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito. PANONOOD (PD) (F9PD-Ig-h-43)  Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibigan. PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ig-h-45)89  Nabibigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula. PAGSULAT (PU) (F9PU-Ig-h-45)  Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ig-h-45)  Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa).

Unang Markahan | 62

TUKLASIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ig-h-43)  Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag. II. PAKSA Panitikan Teksto Wika Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Dula - Pilipinas :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) :Pantulong na biswal :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al. :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik-Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: PICK N’ SHARE A. May mga anak kaya sa tunay na buhay na higit na malapit sa ibang tao kaysa sa sariling magulang? Patunayan ang sagot. B. Bakit kaya may mga pagkakataong pinipili ng anak na sumama sa ibang kaanak kaysa sa sariling magulang? C. Tama kayang hayaan ng magulang na piliing sumama ang anak sa ibang kaanak sa halip na siya ang samahan? Ipaliwanag.

Unang Markahan | 63

2. Pokus na Tanong a. Bakit mahalagang pag-aralan ang dula? b. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula? c. Bakit mahalaga ang paggamit ng ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan? 3. Presentasyon ng Aralin a. Paglinang ng Talasalitaan Sagutin ang mga kasunod na tanong upang mabuo ang salitang nasa loob ng kahon. 1K 2 3 4 5

K G

N

N I

A S

N

1. Ang tawag sa lolo, lola, ate, pinsan at iba pa 2. Ang anak ng kapatid nina tatay at nanay 3. Ang nangangalaga sa mga anak 4. Ang kapatid na babae ng ama at ina 5. Ang tawag sa anak ng tiyuhin ko b. Mungkahing Estratehiya: AMAIN KO…KILALANIN MO Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin na labis mong hinahangaan. Magsalaysay ng ilang pangyayari na nagpapatunay sa mga katangiang ito. Katangian

Pangyayari

Ang Iyong Amain ANALISIS 1. Alin sa mga pangyayari sa buhay ng iyong amain ang lubos mong hinangaan? Bakit 2. Paano hinarap ng iyong amain ang kabiguang dumating sa kanyang buhay? Unang Markahan | 64

3. Ano ang naging epekto sa iyo ng mga pangyayaring naganap sa iyong amain? 4. Sa iyong palagay, bakit may mga magkakamag-anak na hindi magkakasundo? 4. Pagbibigay ng Input ng Guro Alam mo ba na… Magmula sa pagsilang ng tao, nariyan na ang mga magulang na laging nakaagapay at nagpapadama ng tunay na pagmamahal at nagtuturo ng wastong asal sa ikabubuti ng anak. Ito ang mag-anak na Filipino at ito ang karaniwang nasasalamin sa mga panoorin lalo na’t ang paksa ay may kaugnayan sa buhay at pamumuhay ng mag-anak, ngunit may mga pagkakataong nagkakaroon ng mga kaganapang hindi inaasahan. Ang katotohanan, may mga anak na nagbabago ng ugali, nagiging mailap, malihim at naiiba ang pakikitungo sa mga kasamahan sa bahay sa hindi maunawaang kadahilanan. Sa bagay na ito, isang malaking katanungan ang mabubuo, kanino siya nagiging malapit at bakit nagkaganoon? Kung kaya’t pumapasok ngayon sa buhay nila ang kanilang mga kaibigan, kakilala at kamag-anak. Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: SHARE UR FEELING Bukod sa iyong mga magulang, kanino ka malapit? Paano siya nakaimpluwensya sa iyo? Ilahad ang mga pangyayaring nagpapatunay dito. APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: DRAW IT! Guguhit ang mga mag-aaral ng isang bagay na sumisimbolo sa isang kaanak na malapit sa kanila. Pagkatapos, gagawan nila ito ng isang kasabihan o pahayag na maglalarawan sa katangian nito. IV. KASUNDUAN 

Basahin ang dulang “Tiyo Simon” ni N. P. S. Toribio.



Alamin ang mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng katotohanan.

Unang Markahan | 65

LINANGIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ig-h-43)  Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing kaisipan ng dulang binasa. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ig-h-43)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito. PANONOOD (PD) (F9PD-Ig-h-43)  Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibigan. II. PAKSA Panitikan Teksto Wika Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Dula - Pilipinas :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) :Pantulong na biswal, sipi ng akda :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al. :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: ROLL, VIDEO CLIP Magpapanood ang guro ng isang piling bahagi ng dula. Nathaniel http://www.nathaniel.ph/no02.html



Mula sa napanood na bahagi ng dula, aling pangyayari ang tumatak sa inyong isipan? Ipaliwanag. Unang Markahan | 66

2. Presentasyon ng Aralin Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sinalungguhitang pahayag at gamitin sa makabuluhang pangungusap. 1. Ang kaniyang Tiyo ay nasa katanghalian ang gulang nang siya ay pitong taong gulang. Kahulugan - _________ Pangungusap - _________ 2. Ang mga bagong kagamitan ay nagpapakita na ang buhay ay larawan ng karanasan. Kahulugan - ________ Pangungusap - ________ 3. Ang paggawa ng di mabuti sa kapwa ay pagtalikod sa aral ng simbahan. Kahulugan - ________ Pangungusap - ________ 4. Mahirap humarap sa Panginoon nang may dumi sa kalooban. Kahulugan - ________ Pangungusap - ________ 5. Ang taong may mabuting kalooban ay may magagawa sa pagliligtas ng kaluluwa ng kaniyang kapuwa. Kahulugan - ________ Pangungusap - ________ 

Madamdaming pagpapabasa sa akda – “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio 3. Pangkatang Gawain Pangkat 1 MANEQUIN CHALLENGE Piliin at ipaliwanag ang bahaging naibigan sa dula.

Pangkat 2 TALK SHOW  Ano ang iyong nadama matapos basahin ang dula?  Paano binago nito ang iyong pag-uugali?  Bakit mo ibabahagi sa iba na basahin ito?  Bilang isang kabataang Asyano, paano mo pahahalagahan ang mga ganitong uri ng panitikan? Unang Markahan | 67

Pangkat 3 GRAPHIC ORGANIZER Tukuyin sa akda ang mga pangyayaring nagsasaad ng makatotohanan at di – makatotohanan. Tiyo Simon Makatotohanan

Di - makatotohanan

Pangkat 4 JINGLE Lumikha ng isang awit na may kaugnayan sa kaisipang hatid ng akda. RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN BATAYAN

Napakahusay

Mahusay

Di-gaanong Mahusay

Nangangailangan ng Pagpapabuti

Nilalaman at Organisasyon ng mga Kaisipan o Mensahe (4) Istilo/ Pagkamalikhain (3)

Lubos na naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (4)

Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (3)

Di naiparating ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (1)

Lubos na kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (3)

Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (2)

Kaisahan ng Pangkat o Kooperasyon (3)

Lubos na nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (3)

Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (2)

Di-gaanong naiparating ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (2) Di-gaanong kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (1) Di-gaanong nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (1)

Di kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (0)

Di nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (0)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain 5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

Unang Markahan | 68

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na

nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro. ANALISIS 1. Bakit kaya ayaw sumama ni Boy sa kaniyang ina na magsimba? Nagaganap ba ito sa totoong buhay? Patunayan. 2. Naniniwala ka ba na ang pagtutol ni Boy na magsimba ay impluwensiya ng kanyang Tiyo Simon? Ipaliwanag ang sagot. 3. Totoo kayang ang mga taong napapahamak o dumaranas ng mga pagsubok ay parusa ng Diyos? Patunayan. 4. Bilang isang anak, nangyari na ba sa iyo ang naranasan ni Boy? Isalaysay. 5. Aling bahagi ng dula ang nakaantig sa iyong damdamin? Ipaliwanag. 7. Pagbibigay ng Input ng Guro Alam mo ba na… Aminin natin ang katotohanang ang ugali ng tao ay bunga ng kinamulatang kapaligiran, maaaring impluwensiya ng magulang, komunidad o taong nakakasalamuha natin na nagpapabago ng ating pananaw sa buhay. Sa pamilya, bukod sa magulang, mayroon tayong kamag-anak na laging nakakausap. Karaniwan iyon sa pamilyang Pilipino. Ang “Tiyo Simon” ay isang halimbawa ng dula. “Ang dula ay isang uri ng akda na nagsimula sa tula o tuluyang pangungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan”. -Julian Cruz Balmaceda “Sinasabi na ang daigdig ay maituturing na isang tanghalan at tayo ang mga tauhang nagsisiganap”. -Alejandro Abadilla Sanggunian: Integratibong Aklat sa Filipino III nina Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos

Unang Markahan | 69

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: PICTO-CEPT Pag-ugnayin ang mga larawan upang makabuo ng isang mahalagang konsepto ng aralin. “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio

Pangunahing Kaisipan

APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: REFLECTIVE JOURNAL Gumawa ng reflective journal sa bahaging naibigan sa akda. a. Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e! Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maaa… Pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw? Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si… si Tiyo Simon… Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang… Patawarin ako ng Diyos. Boy: Basta. Maiiwan po ako… (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon… b. Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat…ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala. Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon? Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi Masamang bagay. Kaya, huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

Unang Markahan | 70

EBALWASYON Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. ___ 1. Ang direktor na siyang nagbibigay-interpretasyon sa iskrip ay isang elemento ng ______. a. maikling kuwento b. dula c. pabula d. nobela ___ 2. Boy: Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama. Anong kaisipan ang ipinahihiwatig sa diyalogong ito? a. Malaki ang impluwensiya ng amain kay Boy b. Tinatamad magsimba si Boy c. Ayaw makasama ni Boy ang kaniyang ina d. Galit si Boy sa kaniyang ina. ___ 3. Namatay ang kanyang ama ng hindi nakapagpa-Hesus. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. a. nabendisyunan b. napagdasalan c. napatawad d. nailibing ___4. Ang pananalig sa Diyos ang magliligtas sa atin sa anumang kapahamakan. Ang salitang pananalig ay may kahulugang ______. a. pag-asa b. pagsamba c. pananampalataya d. pagtanggi ___5. Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo… kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis…Magsisimba tayo. Ang kaisipang nais ipahayag sa diyalogo ay _____. a. Sapilitang pinasisimba ni Tiyo Simon si Boy. b. Walang pakialam si Tiyo Simon. c. Pumayag ang ina ni Boy na huwag na siyang magsimba. d. Nagbago ang pananaw ni Tiyo Simon sa pagsimba. Susi sa Pagwawasto 1. B

Unang Markahan | 71

2. A

3. A

4. C

5. D

Pagkuha ng Index of Mastery Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang pagkatuto.

Seksyon

INDEX OF MASTERY Bilang ng mga Mag-aaral

Index

IV. KASUNDUAN 

Magsaliksik halimbawa.



Paano nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa).

ng

kahulugan

ng

“melodrama”.

Magbigay

ng

Unang Markahan | 72

PAGNILAYAN AT UNAWAIN I. LAYUNIN PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ig-h-45)  Nabibigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula. WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ig-h-45)  Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa.) II. PAKSA Panitikan Teksto Wika Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Dula - Pilipinas :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) :Pantulong na biswal, sipi ng akda :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al. :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: ROLL… VIDEO CLIP Suriin ang mga diyalogo sa sumusunod na video clip. Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang mga diyalogo sa strips of paper at ipaskil ito sa pisara. My Dear Heart https://youtu.be/x9l0Tl2x0xM

Gabay na Tanong:  Bigyang-pansin ang mga diyalogo. Ano ang pinahahayag nito?  Paano ang mga salitang ito nakatulong upang maging makatotohanan ang mga binitiwang usapan? Unang Markahan | 73

2. Presentasyon ng Aralin 

Balikan ang akdang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio  Bigkasin nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang akda.  Tukuyin ang mga salitang ginamit upang maging makatotohanan ang mga pangyayari sa akda.



Pagbasa ng Diyalogo

Aling Maria: Hoy mare, totoo ba na ang mga pulis ay nagbabahay-bahay upang himukin ang mga gumagamit ng bawal na gamut na sumuko? Aling Juana: Oo mare! Mang Tasyo: Talaga mare? Kaya pala kasama si Kapitana! Mang Julian: Kaya nga ako’y nagbabalak na rin makipag-usap kay Kapitana. Mang Tasyo: Bakit pare? Tunay ba ang sinasabi nilang adik ka? Mang Julian: Tama ka pare! Totoo ang sinasabi nila. Aling Maria: Siguro nga ay panahon na para magbago ka at hindi pa huli ang lahat. ANALISIS 1. Pansinin ang mga salitang nakapahilis sa loob ng maikling diyalogo. Ano ang pinahahayag nito? 2. Paano ginamit ang mga salitang nabanggit? 3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan? Patunayan. 3. Pagbibigay ng Input ng Guro Alam mo ba na… Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasusubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito. Ang halimbawa ng mga ekspresyon na nagpapahayag ng katotohanan ay totoo, tunay, talaga at iba pa. Sanggunian: Interaktibong Filipino ni Nora Espiritu

Unang Markahan | 74

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: PASS D’ QUESTION Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa pagbuo ng isang dula? APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: DIYALOGO Pumili ng kapareha at bumuo ng maikling diyalogo/usapan na ginagamitan ng mga salitang nagpapahayag ng katotohanan. EBALWASYON Panuto: Piliin ang angkop na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan . Isulat ang sagot sa sagutang papel. ___ 1. Tunay na kawili-wiling basahin ang mga aklat sa Filipino. ___ 2. Mabisa talagang pampalipas-oras ang pagbabasa. ___ 3. Sadyang nakakaaliw ang panonood ng dula kung makatotohanan ang pagganap ng mga tauhan. ___ 4. Tama ka sa sinasabi mong tayo ang dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran. ___ 5. Sang-ayon ako sa iyong panukala. Susi sa Pagwawasto 1. Tunay 2. Talaga 3. Sadya 4. Tama 5. Sang-ayon

Pagkuha ng Index of Mastery Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang pagkatuto.

Seksyon

Unang Markahan | 75

INDEX OF MASTERY Bilang ng mga Mag-aaral

Index

IV. KASUNDUAN 

Manood ng isang teleserye at gumawa ng isang maikling diyalogo na ginagamitan ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.



Suriin ang pinanood na teleserye batay sa pagiging makatotohanan nito

Unang Markahan | 76

ILIPAT I. LAYUNIN PAGSULAT (PU) (F9PUIg-h-45)  Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. II. PAKSA Pagsulat ng Awtput 1.5 Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Iskrip ng Dula :mga Larawan :Ang Batikan ni Jose B. Bilasano :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: PICTORIAL STORY Sa tulong ng mga larawan, bumuo ng isang maikling diyalogo/usapan na ginagamitan ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.

ANALISIS 1. Kapani-paniwala ba ang usapan o diyalogo? Patunayan. 2. Paano naging makatotohanan ang bawat pangyayari sa nabuong usapan/diyalogo? 3. Mahalaga ba ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan? Ipaliwanag. Unang Markahan | 77

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: MESSAGE RELAY Gamit ang mga salitang ibinigay, bumuo ng sariling konsepto batay sa araling tinalakay. Mula sa nabuong konsepto, ipapasa ito sa ibang miyembro ng grupo hanggang sa makarating sa dulo.

Dula Melodrama Pangunahing Kaisipan Makatotohanang Pangyayari Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan Tunay, talaga, totoo

APLIKASYON 2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput. Pagpapasulat ng isang dula.

GOAL ROLE AUDIENCE SITUATION

PERFORMANCE STANDARDS

GRASPS Nakasusulat ng isang iskrip nagpapakita ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. Isa kang script writer na kasali sa patimpalak – dulaan sa inyong paaralan. Mga mag-aaral, guro, punongguro at mga magulang Naatasan kang gumawa ng isang iskrip na nagpapakita ng pagiging makatotohanan ng mga pangyayaring nagaganap sa totoong buhay. Itatanghal ito sa programa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Pagsulat ng isang iskrip ng dula. Tatayain ang dula ayon sa mga sumusunod na pamantayan: Nilalaman 30% Orihinalidad 30% Madamdamin 20% Makatotohanan 20% Kabuuan 100%

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral. 4. Pagpapabasa ng piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa pagkakasulat. Unang Markahan | 78

5. Pagpili ng mahusay sa pagkakabuo ng sariling dula.  Madamdaming nabibigkas/natatanghal ang nabuong dula.

IV. KASUNDUAN 

Magsaliksik ng mga saling-akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.



Paano isinasagawa ang book fair ng mga saling-akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya?

Unang Markahan | 79

Related Documents

1.5 Tiyo Simon.docx
May 2020 0
15
October 2019 40
15
November 2019 33
15
October 2019 42
15
June 2020 17
15
November 2019 31

More Documents from ""