1.4 Kay Estella Zeehandelaar.docx

  • Uploaded by: Danna Jenessa Rubina Sune
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 1.4 Kay Estella Zeehandelaar.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,441
  • Pages: 15
UNANG MARKAHAN ARALIN 1.4 Panitikan :Sanaysay - Indonesia Teksto :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth S. Mabanglo Wika :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw Bilang ng Araw :5 Sesyon MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-If-42)  Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita. PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-If-42)  Nasusuri ang padron ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at opinyong inilahad sa binasang sanaysay. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-If-42)  Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan. PANONOOD (PD) (F9PD-If-42)  Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito. PAGSASALITA (PS) (F9PS-If-44)  Nakikilahok sa isasagawang debate o kauri nito. 89 PAGSULAT (PU) (F9PU-If-44)  Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano. WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-If-44  Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.

Unang Markahan | 47

TUKLASIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-If-42)  Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita. II. PAKSA Panitikan Teksto Wika Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Sanaysay - Indonesia :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth S. Mabanglo :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw :Pantulong na biswal :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al. :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik-Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: WORD ASSOCIATION Maglahad ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng bilog at pagkatapos ay bumuo ng mga kaisipan batay sa salitang ito.

KALAYAAN

Gabay na Tanong:  Alin sa mga kaisipang binuo ang nagbigay sa iyo ng linaw sa tunay na kahulugan ng kalayaan? Ipaliwanag.

Unang Markahan | 48

2. Pokus na Tanong a. Bakit mahalagang pag-aralan ang sanaysay? b. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsulat ng sanaysay at pagpapahayag ng opinyon? 3. Presentasyon ng Aralin Mungkahing Estratehiya: TABLEAU Gamit ang dati mong kaalaman, nabasa o napanood, ilahad kung paano ipinaglaban ng ating dakilang bayani (Gat Jose Rizal) ang ating kalayaan. ANALISIS Basahin ang ibat ibang uri ng kalayaan na nakasulat sa loob ng kahon pagkatapos ay piliin mo kung alin sa mga ito ang nais mong makamit bilang tao. Kalayaan sa Pamamahayag

Kalayaan sa Pag-ibig

Kalayaan sa Pagpili ng Kurso

Kalayaan sa Pagaasawa

Kalayaan na Mamuhay ayon sa Sariling Kagustuhan 

Bakit ang kalayaang ito ang iyong napili? Ipaliwanag.

4. Pagbibigay ng Input ng Guro Alam mo ba na… Ang paglaya’y ang pagkilala sa sariling kakayahan sa daigdig ng walang katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay. Ang paglaya’y ang pagkilala sa buhay at ang pagkatutong malutas ang mga ito. Ang paglaya’y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. . Sanggunian: Filipino_HS.Com ni Nimfa V. De Veluz at Gilbuena V. Eulanda

Unang Markahan | 49

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: #SET ME FREE Maglahad ng mga pangyayaring kalimitang nagaganap kapag masisiskil ang kalayaan ng tao.  Bakit kaya ganito ang kadalasang nagaganap kapag masisikil ang kalayaan? APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: EKSPLEYN EN REAK Bilang isang tao, anong kalayaan ang nais mong makamit? Ibigay mo ang iyong ideya kung bakit iyon ang napili mo. IV. KASUNDUAN 

Basahin ang sanaysay “Kay Estella Zeehandelaar” salin ni Ruth S. Mabanglo.



Kilalanin ang iba’t ibang uri ng pang – ugnay.

Unang Markahan | 50

LINANGIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-If-42)  Nasusuri ang pardon ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at mga opinyong inilahad sa binasang sanaysay. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-If-42)  Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan. PAGSASALITA (PS) (F9PS-If-44)  Nakikilahok sa isasagawang debate o kauri nito. II. PAKSA Panitikan Teksto Wika Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Sanaysay - Indonesia :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth Mabanglo :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw :Pantulong na biswal, lap top :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al. :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: THINKING PATTERN May mga bansa sa Timog-Silangang Asya kung saan ang mga kababaihan ay hindi binibigyan ng kalayaan tulad sa kalalakihan. Ilan sa bansang hindi nagbibigay ng pantay na kalayaan sa kababaihan ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Dito, ang mga babae ay tinatrato bilang isang nilalang na walang halaga o mababang uri at hindi maaaring pumantay sa kapangyarihan ng kalalakihan. 

Bakit may mga bansang walang-halaga at kalayaan ang mga kababaihan sa kanilang lipunan? Ibigay ang iyong opinyon. Unang Markahan | 51

2. Presentasyon ng Aralin Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita sa pangungusap na mula sa akda. 1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon. 2. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkaalipin. 3. Kinakailangan ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay. 4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid. 5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam. 

Madamdaming pagpapabasa sa akda Zeehandelaar” salin ni Ruth S. Mabanglo.



“Kay

Estela

3. Pangkatang Gawain Pangkat 1 AK…SYON Pagpapakita ng mga kaugaliang Javanese na natuklasan sa akda.

Pangkat 2 DEBATE/PAGTATALO Bumuo ng debate/pagtatalo tungkol sa temang: “Dapat ba o hindi dapat na magulang ang pumipili ng mapangangasawa ng anak na babae?”

Pangkat 3 TRADISYON KO…ISA-ISAHIN MO Kilalanin ang mga tradisyong pinaglalaban sa akdang binasa na nangangahulugan ng hindi pag-unlad ng katauhan bilang isang babae. Unang Markahan | 52

Pangkat 4 KOMENTARYO MO…SUSURIIN KO Pagpapahayag ng mga opinyon sa pamamagitan ng isang komentaryo mula sa mga balita sa kasalukuyan na may kaugnayan sa akdang binasa.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN BATAYAN

Napakahusay

Mahusay

Di-gaanong Mahusay

Nangangailangan ng Pagpapabuti

Nilalaman at Organisasyon ng mga Kaisipan o Mensahe (4)

Lubos na naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (4)

Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (3)

Di-gaanong naiparating ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (2)

Di naiparating ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa manonood (1)

Istilo/ Pagkamalikhain (3)

Lubos na kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (3)

Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (2)

Di-gaanong kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (1)

Di kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon (0)

Kaisahan ng Pangkat o Kooperasyon (3)

Lubos na nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (3)

Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (2)

Di-gaanong nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (1)

Di nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain (0)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain 5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain 6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na

nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

Unang Markahan | 53

ANALISIS 1. Sino si Estella Zeehandelaar? 2. Paano ipinakilala ng prinsesa ang kanyang sarili? 3. Ano ang nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang Javanese para sa mga kababaihan? 4. Naniniwala ka ba na ang mga anak na babae ay may karapatang pumili ng kanilang mapangangasawa? Patunayan. 5. Ano ang sanaysay? Ibigay ang katangian nito. 7. Pagbibigay ng Input ng Guro Alam mo ba na… Ang sanaysay ay isang akdang tuluyan na naglalaman ng matalinong pagkukuro-kuro ng sumulat na inilahad sa isang makatuwiran at nakahihikayat na paraan. Pinapaksa nito ang tungkol sa kaugalian o tradisyon, kilusan at kabutihang-asal o anomang may kinalaman sa uri at halaga ng buhay na maaaring lapatan ng sariling palagay, opinyon at damdamin ng sumulat. Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al.

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: THINK…THINK…BEFORE YOU SPEAK Pag-ugnayin ang mga kasagutan sa sumusunod na katanungan upang makabuo ng isang mabisang sanaysay. 

Paano nakakawala sa tali ng lumang tradisyon ang kababaihang tulad ni Estella Zeehandelaar sa kanilang bansa? Nangyayari ba ang ganitong sitwasyon sa kasalukuyang lipunang Asyano?

APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: DEBATE Magtanghal ng debate o kauri nito batay sa temang: “Ang mga babae ay dapat na magkaroon ng pantay na karapatan o kalayaan tulad ng kalalakihan”.

Unang Markahan | 54

EBALWASYON Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. ___ 1. Labag sa kaugaliang Muslim ang pag-aaral ng mga babae lalo’t kailangan ang lumabas ng bahay. Ang kaugaliang ito ay isang _____. a. Tradisyon b. Kultura c. Paniniwala d. Pamahiin ___ 2. May mga babae tulad ni Estela Zeehandelaar ay nakatali pa rin sa lumang tradisyon. Ang ganitong pangyayari ay nagaganap sa lipunang: a. Amerika b. Asyano c. Latin d. Europeo ___ 3. Ang akda ay halimbawa ng akdang _____ na naglalaman ng iba’t ibang pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa napapanahong isyu a. Talumpati b. Epiko c. Sanaysay d. Nobela ___4. Kinakailangang ikahon ako at pagbawalang lumabas ng bahay. a. ikulong b. itali c. itago d. ikubli ___5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam. a. pagbabago b. pag-asa c. pagkalinga d. pagtangkilik Susi sa Pagwawasto 1. A

2. B

3. C

4. A

5. A

Pagkuha ng Index of Mastery Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang pagkatuto.

Seksyon

INDEX OF MASTERY Bilang ng mga Mag-aaral

Index

IV. KASUNDUAN  

Ano ang pang-ugnay? Ibigay ang mga uri ng pang-ugnay. Unang Markahan | 55

PAGNILAYAN AT UNAWAIN I. LAYUNIN WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-If-44)  Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. II. PAKSA Panitikan Teksto Wika Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Sanaysay - Indonesia :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth S. Mabanglo :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw :Pantulong na biswal, lap top, larawan :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al. :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGSASALAYSAY Pipili ang guro ng ilang mag-aaral. Ang unang mag-aaral ay magsisimulang magkuwento na susundan ng pangalawang mag-aaral hanggang sa huling mag-aaral upang matapos ang kuwento. Malaya ang guro na magbigay ng paksang nais pag-usapan. Gabay na Tanong: 

Bigyang-pansin ang inilahad na pagsasalaysay.



Ano-anong salita ang ginamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng isang mabisang talata?

Unang Markahan | 56

2. Presentasyon ng Aralin 

Balikan ang akdang “Kay Estella Zeehandelaar” salin ni Ruth S. Mabanglo



Tukuyin ang mga salitang ginamit upang mapag-ugnay ang mga pangungusap.



Gamit ang strips of paper, itala ang mga pangungusap na ginamitan ng mga pang-ugnay. Ipaskil ito sa pisara.

ANALISIS 1. Pansinin ang mga ginamit na salita na nag-uugnay sa kapwa pangungusap. Paano ito ginagamit? 2. Ano ang pang-ugnay? Ibigay ang mga uri ng pang-ugnay. 3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw? Ipaliwanag. 3. Pagbibigay ng Input ng Guro Alam mo ba na… Sa isang sanaysay, makatutulong ng malaki sa ag-oorganisa ng ideya ang mga pang-ugnay. Ang mga pang-ugnay ay nauuri rin bilang mga salitang pangkayarian. Ang mga pang-ugnay ay ang mga sumusunod.: a. Pangatnig (Conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. Halimbawa: tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod tangi atbp. b. Pang-angkop (Ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Halimbawa: ng, na atbp. c. Pang-ukol (Preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang salita. Halimbawa: ang/si/, ng/ni/kay/, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay, hinggil kay atbp. Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ni Romula N. Peralta et.al.

Unang Markahan | 57

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: PICK A QUESTION Bakit mahalagang malaman ang paraan ng paglalahad ng sanaysay? Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsulat ng sanaysay at pagpapahayag ng sariling pananaw? APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: USE IT Gamit ang mga larawan sa ibaba, sumulat ng isang talataan na binubuo lamang ng limang (5) pangungusap na ginagamitan ng mga uri ng pangugnay.

EBALWASYON Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Isulat kung pang-ukol, pangatnig o pang-angkop. ___ 1. Buong kasabikan ko hinintay ang pagdating ng bagong panahon. ___ 2. Kailangan natin ang malawakang pagbabago para sa bayan. ___ 3. Ang kanyang mga mata ay tulad ng nagniningning na mga bituin. ___ 4. Ako ni ikaw ay walang karapatan sa buhay niya. ___ 5. Ang kanya ay kanya, huwag mong agawin ang para kay Juan.

Susi sa Pagwawasto 1. Pang-angkop 2. Pang-ukol 3. Pangatnig

Unang Markahan | 58

4. Pang-ukol 5. Pang-ukol

Pagkuha ng Index of Mastery Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang pagkatuto.

Seksyon

INDEX OF MASTERY Bilang ng mga Mag-aaral

Index

IV. KASUNDUAN 

Makinig/manood ng balita sa telebisyon/radyo. Alamin ang paksang pinagtatalakayan at ibigay ang iyong sariling komentaryo.

Unang Markahan | 59

ILIPAT I. LAYUNIN PAGSULAT (PU) (F9PU-If-44)  Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano. II. PAKSA Pagsulat ng Awtput 1.4 Kagamitan Sanggunian Bilang ng Araw

:Komentaryo/Opinyon :Video clip ng Komentaryo, ispiker :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: ROLL, VIDEO CLIP Panoorin ang video clip. Pakinggan ang paksang tatalakayin ni Anthony Taberna. Itala ang mga komentaryo/opinyong kanyang inilahad.

ANALISIS 1. Ano ang paksang pinag-uusapan? 2. May kaugnayan ba ang paksa sa nagaganap sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag. 3. Ibigay ang iyong sariling opinyon batay sa isyung pinag-uusapan. Unang Markahan | 60

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: #POINT OF VIEW Sa napanood/narinig, ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng mga kabataang Asyano? APLIKASYON 2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput. Pagpapasulat ng isang komentaryo/opinyon. GRASPS GOAL ROLE AUDIENCE SITUATION

PERFORMANCE STANDARDS

Nakasusulat ng isang komentaryo/opinyon hinggil sa bagong paksa. Isa kang tagasuri/komentarista sa radyo o telebisyon Kapisanan ng tagapakinig sa radyo Naatasan kang mangalap ng opinyon/komentaryo tungkol sa napapanahong isyu na maaaring maging paksa sa isang debate ng mga kabataan. Pagsulat ng isang komentaryo/opinyon upang maging mahusay na komentarista sa radyo o telebisyon Kaangkupan at kabisaan ng salitang ginamit sa pagpapahayag ng opinyon 20% Kaayusan ng mga inilahad na opinyon 30% Kabisaan sa pagpapalutang ng paksa 30% Kahusayan sa pagkokomentaryo 20% Kabuuan 100%

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral. 4. Pagpapabasa ng piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa pagkakasulat. 5. Pagpili ng mahusay sa pagkakabuo ng sariling komentaryo/opinyon.

IV. KASUNDUAN 

Basahin ang dulang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio.



Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan sa binasang dula?

Unang Markahan | 61

Related Documents


More Documents from "rahenijaat1"