With Love

  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View With Love as PDF for free.

More details

  • Words: 412
  • Pages: 1
Enero 14, 2009 “God Bless Us All.” Para sa mga mahal kong mga kapatid, at sa aking asawa, Nagpapasalamat ako sa inyong lahat,“ Salamat sa inyo “ .Kung wala kayo ay tiyak na naging miserable ang buhay ko. Kasabay nito ang paghingi ko sa inyo ng “Sorry” sa lahat ng pagkukulang ko, Ginawa ko ang sulat na ito upang kung sakali at may biglang dumating na pangyayari sa akin na ako ay nawalan na ng buhay ay nais kong mabatid ninyo ang aking kagustuhan para sa lahat, upang ng sa gayon ay maiwasan ang pagtatalo at di pagkakaunawaan para sa inyo at sa aking asawa. At upang kayo ay patuloy na magkasundo habang buhay. Kung ako ay nawalan na ng buhay ay nais kong ipagkaloob ang lahat ng aking karapatan at kapakinabangan sa lahat ng aking mamanahin/minana sa aking asawa. Subalit ito ay limitado lamang sa kung hindi kami magkakaanak at hindi siya mag-aasawang muli. Ang lahat ng karapatan sa upa ay nararapat na ipagkaloob sa kanya ng buong-buo upang siya ay makapamuhay ng maayos at hindi masyadong umaasa sa iba. At ang karapatang ito ay limitado lamang sa mga sumusunod: 1. Hindi niya puwedeng ibenta ang kahit ano maging sa lupa at sa paupahan 2. Hindi niya maaring ipamigay sa kahit kanino ang lupa o ang nakatayo dito. 3. Kung sakali at ako ay nawala na at kami ay hindi nagkaanak at siya ay tumandang hindi na nagasawang muli. Ang kalahati ay mapapasa kanya ang pagmamay-ari. At nasa kanya na ang pagpapasya sa kung ano ang nais niyang gawin dito (Ibenta o ipamigay). At kanyang ibabalik ang nalalabing kalahati ng kabuuan sa inyo upang kayo na ang mag-may-ari. Kung siya ay muling mag-asawa ay nais kong ibigay sa kanya ang ang pagmamay-ari sa kalahati ng kabuuan sa aking minana at naipundar, upang sila ay may sariling tahanan at hindi na kailangang umupa. *** Ano man ang mangyari at sitwasyon ibinibigay ko sa kanya ang pagmamay-ari sa kalahati ng aking naiwan (Lupa at ang lahat ng nakatayo dito). Bilang tanda at patunay ng aking pagmamahal sa kanya *** Maging maliwanag sa lahat habang siya ay nabubuhay at walang asawang iba, Ang lahat ng kapakinabangan ay mapupunta sa kanya (Upa at karapatan sa paggamit), subalit hindi ang lubusang pamamay-ari upang hindi ito maibenta o maipamigay.*** Sana ay patuloy kayong makapamuhay ng may kaayusan at pagmamahalan sa isa't-isa habang buhay at sana ay lagi nyong uunawaain ang kalagayan ng bawat-isa. Ang iyong kuya, Alex

Related Documents

With Love
December 2019 18
From Russia, With Love
November 2019 19
Uc_from Russia With Love
November 2019 20
Leslie With Love
May 2020 2
To China With Love
August 2019 36